Being in a circle of friends is great. May kasabay ka kumain, may ka-kwentuhan, yung tipong di ka ma-a-out of place. Malaki ang circle of friends ko, lahat kami magkaka-same ng vibes kaya naman, sobrang ingay namin pag nagkakasama. It was all so great, so well...not until nagsimula akong ma-fall kay Javin. Hindi ko sinasadya, hindi ko rin gusto ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa't alam ko may gusto syang iba...at ang mas masakit pa dun, bestfriend ko pa. Pero what if, mag confess ako sa kanya? may chance kaya ako? Mag babago kaya nararamdaman nya para sakin? pero what if kapag nag confess ako lalayo lang sya? what if masira ang pagkakaibigan namin? what if masira ang grupo namin? hindi ko yun pwedeng isakripisyo...mas mabuti na sigurong ako lang ang nakakaalam sa mga nararamdaman ko. Titiisin ko nalang ba ang sakit? ugh! ewan.
6 parts