Si Camille ay isang dalagang namulat sa isang simpleng pamilya, wala na siyang nakilalang tatay at ang tanging nagmahal at nagpalaki sa kanya ay ang kanyang lola. Masakit at mapait ang tadhana ni Camille sa kaniyang ina, kung kaya't si Camille ay naging laman ng away sa kanilang paaralan, ngunit mayroon naman siyang mga kaibigan na handa siyang samahan sa lahat, at ang mga taong ito ay kanyang pinapahalagahan. At sa gitna ng magulo niyang mundo, ay dumating ang binatang si Kian na sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay kanyang magugustuhan at mamahalin. Ngunit lahat tayo ay hindi nakakalagpas sa pagsubok, kaya ganoon ang nangyari kay Camille at Kian, pero darating nga ba ang pagkakataon na muli silang magkakasama? Aayon ba sa kanila ang tadhana na muli silang pagtagpuin sa pangalawang pagkakataon? At ang isa't isa ba ang kanilang magiging hantungan at huli nila matapos ang sakuna at pagsubok na nangyari sa kanilang dalawa? Date published: December 20, 2023 Finished: