Masakit mawalan. Lalo na kapag ang bagay na nawala sayo ay ang pinaka importante at parte na ng buhay mo. Ikaw? Anong nararamdaman mo pag nawawalan ka ng isang bagay na mahalaga sayo? Hindi lang basta isang bagay na 'mahalaga' kundi 'napaka-halaga' na kapag nawala ay 'di muna alam kung kaya mo pag mabuhay. 'di ba masakit? Nakakahinayang! Pero paano kung ang nawala sayo ay ang isang taong minahal mo sa napakahabang panahon. Yung tipong pati pag sagap nyo ng oxygen at pag buga nyo ng carbon dioxide ay magkasabay na? Kilala nyo na ang isa't-isa mula hibla at dulo ng buhok nyo hanggang dulo ng kuko nyo sa paa? Ay nako! 'SOBRANG SAKIT!' 'di ba? Eh paano kung ang taong akala mo ay 'di muna makikita pa kahit kailan ay bigla nalang nasa harapan mo isang kisap mo lang? Pero, 'di ka na nya kilala. Mas lalong masakit, para kang nag slide sa napakahabang blade at alcohol ang hangganan.