This is a unique story that is specially made for you, readers, ito ay storya na hindi niyo pa kailanman nababasa. Isang pangyayaring mag dudulot ng pagbabago, isang pangyayaring magbabago ng lahat, isang pangyayaring hindi inaasahan na mag dudulot ng walang hanggang kabiguan. Dahil sa pangyayaring iyon, ang bidang babae na mahal na mahal ang kaniyang nobyo ay magiging isang babaeng hindi maalala ang kaniyang minamahal, hindi maalala ang pangyayaring nagkasama sila, and she can only remember her beloved when she's drunk. At kapag hindi naman siya lasing, hindi niya ito maalala, imbes na kilalanin niya ito bilang kaniyang minamahal, tila naging kabaliktaran pa ang lahat, tinitingnan niya ito, bilang kaniyang nakakaasar na kalaban. Pero papaano kung sa oras na hindi niya kilala ang totoong nag mamay-ari ng puso niya,ay may makilala siyang lalakeng mamahalin niya? Papaano kung ang akala niyang totoong mahal niya ay iyong taong nagtangkang patayin siya? Paano niya haharapin ang lahat ng problemang ipapatong sa kaniya ng may akda HAHAHHA echos. Pero truelalu. Paano niya haharapin ang mga nakaabang na problema sa buhay niya, paano kung ang akala niyang mahal niya ay siya palang leader ng grupong pumatay sa kaibigan niya at nag tangkang patayin siya? Makakaya ba ng pagmamahal na kalimutan ang naging hidwaan sa nakaraan o makakaya ba ng pusong kalimutan ang totoong nagmamahal sa kaniya at ang pagmamahalan nilang dalawa? Abangaaan......