Masaya at payak ang buhay ni Arabella kasama ang kaniyang ama't ina sa labas ng Puentespina, ngunit dahil sa isang pangyayari ay nabago nito ang buhay at ang buong pagkatao niya. Kahit na natatakot ay lakas-loob siyang pumasok sa lungga ng Hari ng Banobo upang maghiganti. Marami siyang masasaksihan sa loob ng impyernong iyon, ngunit makikilala niya ang lalaking bibihag at magpapalambot sa malamig niyang puso. Magtatagumpay kaya siya sa misyon niya o tuluyan na bang mahuhulog sa binata?