Simula ata ng nagbreak si Bea Alonzo at Gerald Anderson, nauso na din ang ghosting. Nakakainis man pero mukhang nagtrend talaga ito sa mga kabataan ngayon. Ang ghosting ay ang biglang hindi pagpaparamdam ng iyong kausap or kamutual understanding. Ung tipong paunahan na lang kayo kung sino ang unang hindi magpaparamdam. At kung emotionally attach ka sa tao, ikaw ang talo. What if magkita kayo ulit ng nangghost sayo? What will you do? Will you open your heart again or will you set your walls to protect your heart this time?