It's pretty normal to have our sleepless nights. Yung mga gabing maiisip natin kung saan tayo nagkulang at kung totoo ba tayong mahalaga sa isang tao. Yung mga normal na araw na iyon sa ibang tao ay parang taon sa akin, buong taon ng kalungkutan at pag-iisa. Naranasan mo na bang sumaya nang sobra pagkatapos ay malalim na kalungkutan ang susunod sa pila? Ang ikumpara sa ibang tao gamit ang insecurities at pagkukulang mo? Yun bang parang nilalagyan pa nila ng asin ang sariwang sugat na pinaghihirapan mong pagalingin. They said, "you just have to live your life to the fullest". It's not applicable to everyone, I hope that people would try their best to understand.