Ang pagkakamali ay hindi isang insidente, kaya naman hindi ako naniniwala na hindi sinasadya ng isang tao ang magkamali. Bitter as it sounds, pero ito ang mapait na katotohanan na dapat nating harapin. Ang pagkakamali ay isang desisyon. At minsan ang desisyon na agaran nating pinili nang hindi ito pinagninilayan, ay maaring pagsisihan natin sa huli. Sa dinami-daming kasinungalingan na ang narinig ko, alam ko na kung kailan totoo ang sinasabi ng isang tao. "Ms. Generva, may you share with us your thought about love?"Saad sa akin ng professor namin, kaya naman bumalik sa realidad ang utak kong kanina pa lumilipad sa kawalan at nagmumuni-muni. "Love is a driving force of wrong deeds"sagot ko, kaya naman agad na kumunot ang noo ng aking guro na halatang naguguluhan sa aking sagot. "Kindly elaborate, please" paghingi niya ng pabor. "Love is a driving force of wrong deeds"pag-uulit ko "Bitter as it sounds, but this is reality. Love is not all about roses and butterflies"paninimula ko "Love has been a reason for a thousand people's death in the realm of reality and fiction. Like the story of 'Romeo and Juliet'"pagpapaliwanag ko "And once, in the case of the 'Serial Killer of Barcelona'" And love was the root of it all