One honest mistake, One ex boyfriend, One girl And a stranger. Paano kung isang gabi , Nanghablot ka na lang bigla ng magiging boyfriend mo para maipakita sa hayop mong ex na hindi ka na affected sa charm niya. Para na rin ipamukha sa kanya na hindi ka bitter sa kanya. At wala ka ng pakialam sa kanya kung ano man ang gawin niya sa buhay niya. E paano kung yung nahablot mong boyfriend ay parang Isa sa mga Greek God na bumaba sa lupa ang ka-gwapuhan? Ano ang gagawin mo? Ako si Dianne, at nakahablot ako ng boyfriend. Isang gwapong-gwapong boyfriend !