Mula ng ipinanganak si Dianne, takot na siyang maiwanan o mapag-iwanan dahil na rin sa maaga siyang iniwan ng taong sobrang mahalaga sa kanya, ang kaniyang ina. Hanggang sa paglaki ay dala-dala niya ito, tinatak niya sa kanyang isip na dapat siya ang nang-iiwan, siya ang dapat na hinahabol at pinapakiusapan ng lahat, maliban na lang sa kanyang best friend na si Jade. Ngunit paano na lamang kapag nakilala niya ang babaeng gugulo sa kanyang buhay at prinsipyo sa sarili, walang iba kundi si Samantha Khim Castillo.