Isa nanamang malamyang batang nabiktima ng pambihirang imahinasyon ng may akda... Bahagyang nakatakas ang lampang si Kelvin sa kamay ni Konde Helushka at ang kawal nito ng nagsasalitang mga penguwin sa nayon ng Dragomira... Sa pagtakas ay napadpad siya sa Clandestina, isang kahariang nakakubli sa isang napakalaking kuweba na may mga kawal na palaka kung saan sa kanyang pagdating ay aksidente niyang napaslang si Haring Alfrio, ang namumuno sa bayan na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kamukhang-kamukha niya. Sa mga babala ni Maestro Kornelio Kutin, isang nagsasalitang pusang tumutugtog ng biyulin na siyang nakakita ng insidente, mapipilitan si Kelvin na magpanggap bilang si Haring Alfrio sa panahon na ang Clandestina ay humaharap sa matinding taggutom. Sa hamon ni Kelvin na magkunwaring hari ng Clandestina, makikita niyang muli ang ilan sa kanyang mga kaibigang na naging hayop ang katauhan dahil sa sumpa ni Konde Helushka na mapapawi lamang kapag siya ay naibalik sa Dragomira. Ano ang dahilan ng pagtugis kay Kelvin? Ano ang kanyang magagawa upang malutas ang pagsubok ng Clandestina? Hanggang kailan siya magpapanggap? Ano pa ang mga hamon na kanyang haharapin? Bakit ko pa ba ito itinatanong? Basahin nalang natin at samahan si Kelvin sa kanyang paglalakbay!