Sa kabila ng hindi makatwirang pakikitungo sa kanya ng mundo at kapalaran, mas pinili ni Freda magtiis, maging mabuting tao, at patunayang mali ang iniisip ng mga tao. Hindi siya isang sumpa na hindi na dapat ipinanganak. Ngunit lahat ay may hangganan. Lahat ng pagtitimpi ay may katapusan. Humanda sa isang kuwento ng pagkakaibigan at pag-iibigan, ng pagtataksil at pagiwan, ng pagtibok at kamatayan. Ito ay isang kuwento ng pagsabog. Ito ang kuwento ni Freda Flair.