WORLD WAR II. Nang balikan ni Aya ang alagang tuta na naiwan ng kanyang kapatid nang tumatakas sila, nahuli siya ng naglalakad-lakad na si Takahiro. Sa halip na hulihin ay nakipagkaibigan siya sa dalaga, at doon umusbong ang kanilang pag-iibigan. Subalit nang matapos ang digmaan ay kinailangang magpaalam si Takahiro, ngunit nag-iwan ng pangakong babalikan si Aya.
PRESENT-DAY. Ginugulo si Maris ng kanyang mga panaginip: palagi niyang nakikita ang isang sundalong Hapones. Kaya't ganoon na lamang ang gulat niya ng bigla itong makaharap. Ngunit hindi ito ang lalaking nasa panaginip: si Stephen Choi, Korean-American investor sa kumpanyang pinagtatrabahuan. Pero bakit ba tila pakiramdam niya'y matagal na niyang kakilala ang lalaki? At ano naman ang kaugnayan nito sa lalaking palaging nakikita sa kanyang mga panaginip?Public Domain