Normal na estudyante lang naman sa Tin at abala sa buhay dahil sa "thesis" at iba pang project na ewan ba niya kung bakit kung kailan patapos na ang klase saka pinagagawa ng mga guro. Pero ni minsan hindi inakala ni Tin na dahil sa thesis ay magkakaroon siya ng love life. Kaso, bawal pa dahil gusto niyang may mapatunayan na muna sa lahat. Mahihintay kaya siya ng love life niya? O kagaya iyon ng mga proyekto niya na kapag hindi umabot sa deadline ay ibabagsak siya? 'Wag naman sana...