Hindi Ko Sinasadya

Hindi Ko Sinasadya

411K Reads 10.8K Votes 1 Part Story
Ate Dennysaur *u* By HaveYouSeenThisGirL Updated Jun 14, 2014

Denny's note: One shot lang po ito, hihi, enjoy reading! Will update One Bad Move and The Most Painful Ending next week :* <3



"Hindi Ko Sinasadya"
isinulat ni Haveyouseenthisgirl

Hindi ko talaga sinasadyang itulak ka palayo sa akin. Bumalik ka na, parang awa mo na.

"Miss, kailangan mo ba ng tulong?"

Tanda ko pa ang mga unang salitang sinabi mo sa akin, inalok mo ako ng tulong, hindi mo tinanong sa akin "kung ok lang ba ako" dahil alam mo na agad na hindi ako ok, alam mo na agad na oo, kailangan ko ng tulong.

Umiiyak ako noon mag-isa sa likod ng paaralan natin nang lumapit ka sa akin, una kong nakita sa'yo ay ang kamay mong nakalaan sa akin at sumunod doon, pag-angat ko ng aking ulo, ay ang mabait at may pag-aalala mong mukha. Hindi ko inabot ang kamay mo dahil wala na akong tiwala noon sa mga tao, lahat sila sinasaktan ako, lahat sila pinapaiyak ako. Pero kahit hindi ko tinanggap ang kamay mo ay hindi ka umalis sa tapat ko, umupo ka pa upang mapantayan ang nakayuko kong mukha.

...

  • haveyouseenthisgirl
  • hindi
  • hystg
  • sinasadya