Acceptance. Yan ang gustong makuha ni November sa mama niya ngunit natatakot siyang ipahayag ang tunay na pagkatao niya rito. Yun ay ang pagiging bakla niya. Ang tanging nakakaalam lang ng totoo ay kanyang bestfriend na si Skylee na may lihim na pagtingin sa kanya. Si Skylee ay isang anak mayaman. Laging nakasunod sa gusto nang mommy niya. Hanggang sa sabihin ng mommy niya na ipapakasal siya sa anak ng kasosyo nito sa business. Gusto niyang tumanggi dahil ayaw niyang makasal sa taong hindi naman niya mahal. Kung magpapakasal man siya ay doon sa minamahal niya. At yun ang kanyang bestfriend na si November. Tanggap ni Skylee kung ano man si November. Gagawin niya lahat mahalin lang siya nito pabalik kahit na may nagugustuhan ito. At yun ay si Terence. At nakabuo siya nang plano para mapasakanya lang si November. Aakitin niya si Terence upang mabaling sa kanya ang atensyon nito at mamahalin na rin siya ni November. Ngunit magiging possible pa ba ito kung ang pati ang kani-kanilang pamilya ay may issue ring kinahaharap? Paano na ang pag-ibig ni Sky para kay November?