PANGUNGULILA, 'yan ang nararamdaman ko, sa lahat ng nangyari sa pamilya ko, sa Nanay at Tatay ko. Dumating pa nga sa punto na sinisi ko ang Diyos sa mga nangyayari.
KAWALAN NG PAG-ASA, 'yan ang naramdaman ko nang mamatay ang mga magulang ko, nagpakalat-kalat ako sa lansangan dahil wala akong matuluyan dahil nga wala na sina Nanay at Tatay.
PAG-ASA, 'yan ang nakamit ko ng may kumupkop at nag-aruga sa akin. Akala ko noon, habang buhay na akong palaboy, pero dumating ang babaeng nagbago sa akin, nagturo sa akin na LUMABAN sa lahat ng problema at unos sa buhay.
GALIT, 'yan ang naramdaman ko nang malaman kong ang pagkamatay ng mga magulang ko ay HINDI AKSIDENTE, sinadya ito, at ang labis na ikinagimbal ko, nang malaman kong ang mga POLITIKO pala dito sa SAN IBAÑEZ, ang gumawa noon sa pamilya ko, maging sa akin.
PAGHIHIGANTI, 'yan ang naiisip kong paraan para makamit ang HUSTISIYA sa mga magulang ko at iba pang BINABOY, NILAPASTANGAN at TINAPAKTAPAKAN ng mga AGUSTIN.
At ngayon, narito ako ngayon, para maningil...
Isang babaeng magpapaikot sa bawat araw mo...
Isang babaeng kababaliwan mo...
At Isang babaeng hahangaan mo...
Maihahaintulad ko ang sarili ko sa isang ROSAS, na kahit napaka-amo ng mukha, napakaganda, MATINIK PA RIN at kapag tinangka mong pitasin, TIYAK NA MASUSUGATAN KA.
BECAUSE I AM THORNY...
VIOLET, IS OUT, LIKE A BLINDNESS...
AND,
RED IS IN, LIKE MY PLAYFUL REVENGE!!!
~~~~~~~~~~|•|~~~~~~~~~~
Date started: NOVEMBER 22, 2017
Date finished:
©ALL RIGHTS RESERVEDAll Rights Reserved