She was his bestfriend. He was my bestfriend. Sabay silang lumaki ni Nicholas mag kaklase sila mula grade school at hanggang college.Napakabait nito at maalalahanin sa kanya.At nag promise sila sa isat-isa na magiging mag kaibigan sila hanggang pag tanda.At bawal ang ma inlove sa isat isa kasi best friend sila. Kaya lang nabali niya ang pangakong iyon ng lihim niya itong mahalin.Lihim niya itong pangarapin gabi gabi na sana magawa din siya nitong mahalin.Na sana dumating ang araw na matutunan siya nitong mahalin. Pero may mahal na itong iba at iyon ay si Caroline ang babaeng mukhang dyosa sa ganda.Baka nga kuko lang siya nito sa paa eh.Pero ramdam niya na pinag seselosan siya ng babae at hindi niya maintindihan kung bakit.Gayong nandito na si Nicholas. At lihim na nadudurog ang puso niya sa tuwing ibenibeda ni Nicholas si Caroline sa kanya.Gusto niyang umiyak sa harap nito dahil sa sakit lalo na pag sinasabi nitong si Caroline lamang ang mamahalin nito habang buhay. Kaya naman para pagtakpan ang sakit sa kanyang dibdib.Nag intertain siya ng manliligaw at simula noon nag iba si Nicholas naging mahigpit ito at mukhang ayaw pa nga siya nitong paligawan kahit kanino.At higit sa lahat palagi itong galit at mukhang laging byernes santo ang mukha. Gusto niyang isipin na baka nag seselos lang ito.Pero malabo namang mangyari iyon dahil sabi nga nito mahal na mahal nito ni Caroline.Kaya dapat hindi na siya lihim na umasa dahil kaibigan lang ang tingin nito sa kanya hanggang sa dulo. _________ "Pwede bang wag mo akong paasahin na may nararamdaman ka sakin.Pwede bang wag ka masyadong mabait sakin dahil hindi mo lang alam nasasaktan na ako.Pwede rin bang putulin na natin ano mang ugnayan natin sa isat isa,dahil ayoko nang maging bestfriend mo.Dahil ang gusto ko mahalin mo rin ako bilang ako,bilang babae at hindi bilang bestfriend mo!"