Makailang ulit naglagay ng make-up si Loren at ilang beses din nagpapalit palit ng damit. Hindi rin siya magkandaugaga, sa kakakuha ng larawan para sa kanyang sarili. Para sa nauusong post sa fb na ' Be careful who you bully challenge.' Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang ipakita sa mga dating kakilala sa social media ang malaking ipinagbago ng kanyang itsura ngayon. Lalo na kay Lupert Tiavez na numero unong nambubuly sa kanya noon. Paano kung muling magkrus ang kanilang landas ng lalaking kinasusuklaman. At paano kung matuklasan niya na isa pala sa miyembro ng 'The Adorable ' si Lupert, kung saan siya nagtatrabaho.