Fluff
8 stories
Laro Tayo by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 32,465
  • WpVote
    Votes 3,060
  • WpPart
    Parts 31
Sa laro-larong relasyon, paano mo malalaman na unti-unti ka na palang natatalo? Dalawa ang dahilan kung bakit nag-enrol si Chel Laurel, isang incoming senior high school student, sa open-to-all special program na pakana ng school nila: una, para may advantage na rin siya kapag nag-umpisa na talaga ang klase at, pangalawa, para makasama pa at tuluyan nang umamin sa longtime crush niyang si Harper. Pero minalas kaagad siya dahil imbes na si Harper ang makatabi sa seating arrangement, nakatabi niya ang limot na niyang Grade 3 boyfriend at kalaro, si Ardi Lavarias. Mas malala? Epic fail ang pag-amin niya nang nalaman niyang girlfriend na ng crush niya si Val, isa sa mga nakaaway ni Chel sa junior high. Para malusutan ang kahihiyan sa harap ng ultimate crush niya, dineklara niyang boyfriend niya ang walang kamalay-malay na si Ardi dahil, technically, hindi naman sila nag-break. Medyo good news, pumayag si Ardi sa laro-laro nilang relasyon para sa ikatatahimik ni Chel. Medyo bad news, sa lahat ng laro, may mantataya at may matataya . . . may mananalo at may matatalo.
Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 6,170
  • WpVote
    Votes 537
  • WpPart
    Parts 10
Simple lang ang patakaran ng single at pagod nang mag-mingle na si Tovielle Fuentes, a.k.a. Tofu, para maiwasan na mangyari sa kanya ang sumpa ng mga babae sa kanilang pamilya: stick to the standards at bawal ma-in love sa mas bata. Kaya naman nang makilala at duma-moves sa kanya si Kian, ang "misteryosong intern" sa chairman's office, nagkagulo-gulo na ang hormones niya. Magiging kasinsarap ba ng ginisang tokwa at kangkong ang love life ni Tofu kung kikilalanin niya si Kian, o susundan niya ang sariling recipe ng pag-ibig at iiwasan ang inihanda ng tadhana para sa kanya?
Tinola (Book 2 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 109,694
  • WpVote
    Votes 5,674
  • WpPart
    Parts 156
Nang matapos ang kontrata ni Ola sa pinagtatrabahuan niya, nakitaan siya ni Tiago -- isang opisyales sa dati niyang kompanya -- ng potential para magtrabaho bilang virtual assistant under naman sa personal nitong business. Paano namang hindi, e, masipag, professional, at maganda ang work ethic ni Ola, na feedback din ng mga dating niyang kaopisina. 'Matic recommendation, kumbaga. Ang hindi alam ng lahat, sa likod ng "strong, independent lady boss" attitude ni Ola ay isang "gusto ko na lang maging baby girl" personality. Wala namang choice si Ola kundi magsumikap sa buhay, pero siyempre, hindi niya ito ipapaalam sa iba, lalong-lalo na sa "happy crush" niyang si Tiago na ngayon ay boss na niya. E, ang problema, nalaman ni Tiago.
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 55,844
  • WpVote
    Votes 4,036
  • WpPart
    Parts 9
Ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa isang kasunduan na ililibre ni Novi si Taurus ng paborito niyang pares kada Huwebes kapalit ng pagtago ni Taurus ng sikreto. Pero tulad ng pagluluto at paghahain ng pares, may mga sangkap na ihahanda ang universe na mas magpapasarap at magpapakulay sa ugnayan nilang dalawa.
CR Break by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 7,457
  • WpVote
    Votes 552
  • WpPart
    Parts 1
Ang matinding takot sa CR ni Cara ang dahilan kung bakit nagkalapit sila ni Ryoko, isang "untouchable" sa kanilang all-girls batch sa school. Pero habang tumatagal, napapansin ni Cara na nag-iiba na rin ang pagtingin niya sa babaeng mahilig mambasted ng parehong babae't lalaki. Pero sabi nga, tulad ng pag-ihi, hindi dapat tinitiis ang kilig.
Buzzer Beater by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 33,487
  • WpVote
    Votes 2,367
  • WpPart
    Parts 10
Man hater, mambabasag ng itlog, at hustler -- ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minamata at hinahangad siya ng dati niyang kaklase at ngayo'y sikat na basketball player na si Champ Fernandez, nagduda siya. Palagay ni Hope, isa lang siya sa mga playtime ni Champ na gusto lang makaiskor. Pero sa kanyang pag-iwas, umaandar ang oras, at unti-unting naiisip ni Champ na baka wala nga talagang siyang pag-asa rito. Hahayaan na lang ba ni Hope na sumablay si Champ sa kanya, o magagawa ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pag-ibig . . . bago mahuli ang lahat?
Crosswalk by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 54,086
  • WpVote
    Votes 3,877
  • WpPart
    Parts 10
'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy." Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment. May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?
The 22nd of April by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 137,503
  • WpVote
    Votes 5,089
  • WpPart
    Parts 16
I was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.