South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.3M 743K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 41

189K 10.9K 8.6K
By JFstories

BAKIT PARANG AKO LANG ANG MAY KASALANAN?


Tahimik na nakatitig ako sa labas ng bintana ng kotse. Mahapdi ang mga mata ko at nagsisimula nang bumigat dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.


Ang sabi niya hindi siya mananakit. Inasahan ko iyong mga sinabi niya noon. Pero bakit ganito? Hindi ko naman siya niloko. Hindi na kami okay bago ko pa man siya sundan sa Manila. At tanggap ko na rin na wala na talaga kami nang hayaan niya akong mag-isa na umuwi ng Cavite.


Bakit parang ang sama-sama ko? Kung may kasalanan man ako sa kanya, iyon lang naman iyong binitiwan ko siya agad. Binitiwan ko siya kasi gusto ko lang namang hindi siya mahirapang makausad. Binitiwan ko siya kasi gusto kong maging madali sa tunay niyang pamilya na bawiin ang mga panahong nasayang dahil sa kagagawan ng tatay ko.


Nang makalampas kami sa IPI Intersection ay mababa ang boses na nagsalita si Arkanghel. "I'm sorry..."


Napakurap ako pero hindi pa ako tuminag. May kumawalang mga luha na mabilisan kong pinunasan.


Dinig ko ang mahina niyang pagmura nang magtuloy-tuloy ang mga luha ko. Maski ang paglingon niya sa akin ay ramdam ko.


"Sussie," marahang tawag niya.


Tinuyo ko ang mga mata ko gamit ang aking panyo. Nakatutok ang mga mata ko sa labas ng bintana. Hindi ko siya kinikibo. Hindi naman kasi ako dapat nakikipag-usap sa kanya. Nawala lang ako sa sarili kanina kaya nakalimutan kong ibang tao na nga pala siya. Nakalimutan ko ring ibang tao na rin ako.


Malalim ang pagbuntong-hininga niya. Alam na niya na kahit anong sabihin niya, hindi ko na siya kakausapin.


Paglampas namin sa Rosario ay Lifehomes na ang kasunod. Naghanda na ako sa pagbaba. Isinukbit ko na sa balikat ang bag ko at umayos ako sa pagkakaupo habang ang mga mata ay nasa labas ng bintana nakatutok.


Nagbeep ang phone ko. Si Hugo. Binuksan ko agad ang message kahit pa alam kong patingin-tingin si Arkanghel sa akin.


Gorgeous Hugo:

Bumili ko pandesal sa bakery rito. Sagot mo na kape. Almusal tayo.


Tumingin ako sa labas ng kotse bago nagtipa ng sagot.


Me:

Malapit na ako.


Pagdating ng Oasis Condominium, Pasig, ay saka ako nagsalita. "Diyan na lang ako sa may overpass."


Inaasahan ko nang hindi makikinig si Arkanghel kaya hindi na ako nagulat nang magdire-diretso siya. Lumiko siya sa U-Turn at pumasok sa bukana ng Lifehomes Subdivision.


"Dito na lang," awat ko nang magdidire-diretso pa siya. "Magta-tricycle na ako rito."


May pinindot siya sa phone niya kaya nawala na iyong Waze. Nang bumagal ang pagda-drive niya ay nakahinga ako ay naghanda na ako sa aking pagbaba. Nakahawak na ako sa lock ng seat bealt nang hindi siya huminto sa pagda-drive. Gulat akong napalingon sa kanya.


"Ihinto mo na riyan sa tabi," matabang na utos ko.


"Ayoko." Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa loob.


Pigil na pigil ang paghingal ko. Sinubukan ko pa ring maging kalmante. 


Kung gusto niya akong ihatid hanggang sa loob, e di sige. Okay, ihatid niya ako. Maraming tao at mga sasakyan na paroot-parito sa loob, bahala siyang mag-adjust.


Magpapahatid ako pero hanggang sa kanto lang ng street ko. Hindi na para papasukin ko pa siya hanggang sa mismong loob niyon. Wala namang dumaraang tricycle sa loob dahil malapit lang ito sa bukana ng Lifehomes pero masikip pa rin ang daan. Lalo na at alam kong nakaparada ngayon sa loob ang kotse ni Hugo.


Hindi sa ayaw kong magkita sila ni Hugo, kung hindi dahil ayaw ko ring makita niya ang apartment ko. Wala kasing sense kung makikita niya kung saan ako nakatira. Saka ang gusto ko, ito na sana iyong huling beses na magkikita kaming dalawa.


"Sabihin mo kung saan ka banda," sabi niya na alam kong nakalingon sa akin.


Nang matanaw ko na ang paliko sa street ko ay kinalas ko na agad ang aking seat belt. "Diyan na lang ako sa tabi."


Bahagyang umatras ang sasakyan pabwelo sa pagliko sa daang malaki lang nang kaunti sa eskinita.


"Diyan na nga lang sabi ako!" napataas na ang boses ko.


"I want to see your place," balewalang sagot niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.


"Baka mahirapan kang pumasok kasi masikip."


I heard his soft and sensuous chuckle. Nagtataka ako kung bakit. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi na ako kumibo.


"Baka kasi masabit sa loob itong kotse mo," naiiritang pagpapaliwanag ko. "Saka diyan lang ako sa bukana, hindi naman kailangang ihatid pa ako hanggang loob."


"It's fine."


Pero napaungol siya nang matanaw na may nakabarang kotse sa daan. Isang red na Audi. Isa sa mga kotseng ginagamit ni Hugo.


"Umatras ka na lang. Hindi ka na makakatuloy palabas sa dulo," halos pabulong na lang na sabi ko dahil bigla na lang akong kinabahan. Ang weird ng pakiramdam.


Ang akala ko ay aatras na si Arkanghel pero dumiretso pa rin siya.


"Dito na lang ako," awat ko sa kanya dahil palapit na kami sa pulang Audi. Naalala ko na hindi heavily tinted ang windshield ng sinasakyan naming kotse.


Sa tapat ng blue building kung saan nasa baba ang studio type apartment ko ay naroon ang pulang Audi. Sa hood niyon ay nakasandal ang isang lalaki na naka-black shirts at faded jeans, habang matalim ang tingin sa kotseng sinasakyan namin ni Arkanghel.


He already saw us. Umalis sa hood ng Audi si Hugo at nagsimulang lumakad papunta sa amin.


"D-dito na lang ako..." kandautal na ako nang lumingon kay Arkanghel.


"Hindi mo man lang ba ako pagkakapehin?" his voice was neutral now, and his expression unreadable.


Nanuyo ang lalamunan ko nang nauna pa siyang bumaba ng kotse kaysa sa akin.


Nakapamulsang lumakad si Hugo patungo sa pwesto ko. Nasa tapat na siya ng pinto ng kotse ay tila tuod pa rin ako rito sa loob. Kung hindi pa niya kinatok ang salaming bintana ay hindi ko pa maaalalang naka-lock pa pala ito. Saktong pagka-unlock ko ay hinila niya agad ang pinto pabukas.


"Baba na," malumanay ang tonong sabi niya.


Bumaba naman ako. Para akong nakalutang at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam. Nang kunin ni Hugo sa akin ang bitbit kong shoulder bag ay hindi man lang ako nakakibo o nakatanggi.


"Kumain ka na?" tanong niya sa akin. Malumanay pa rin.


"Oo."


"Saan? Sa office?"


"In our house," it was Arkanghel who answered him.


Lumipad ang paningin ko sa kanya. Walang emosyon siyang nakatingin sa amin.


Sa peripheral vision ko naman ay hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga ni Hugo.


"Where's your place here?" tanong ni Arkanghel na ang kulay abong mga mata ay kalmanteng gumagala ng tingin sa paligid.


Itinuro ko ang blue building na nasa harapan lang namin. "Diyan." Nandito na rin kasi kaya para saan pa kung magsisinungaling ako kung saan ako rito nakatira.


Sumunod naman ang tingin niya sa itinuro ko.


"Diyan mismo ako sa unang pinto sa baba. Studio type apartment."


Tumango-tango siya at namulsa sa suot na jeans. Hindi na naalis ang paningin niya sa apartment ko. Kahit ayaw ko ay hindi ko maiwasang mailang.


Tumikhim ako. "Thank you sa paghatid. Pakisabi rin sa mommy mo, kay Ma'am Ingrid, salamat sa pag-invite."


Hinihintay kong pumasok siya sa driver's na hindi naman niya ginawa. Nakatingin pa rin siya sa apartment ko. Parang wala pang balak umalis. Ano bang problema niya?


Naramdaman ko ang paghawak ni Hugo sa aking kanang braso. Nang lingunin ko siya ay madilim ang kanyang ekspresyon. "Anong oras na, you should be sleeping by now. May pasok ka pa mamaya."


"Nakatulog naman siya nang mahimbing kagabi."


Napasinghap ako at napabaling na naman ang nanlalaking mga mata kay Arkanghel.


Nabitiw sa akin si Hugo. Parang iyon na ang pagkapatid ng pisi niya. "What the fuck are you saying?"


"Hugo, nasaan iyong pandesal na binili mo?" Naalala ko. Nang mapatingin ako sa lupa ay naroon na ang plastic ng pandesal.


"Bakit alam mo kung mahimbing ang tulog ni Sussie?!"


"Because she's in my room?" kalmante ang pagkakasabi ni Arkanghel pero tanga lang ang hindi makakaramdam ng panunuya roon.


Namilog ang mga mata ko nang gawing dalawang hakbang lang ni Hugo ang pagitan nila. Bago pa ako makahabol ay hawak niya sa kwelyo si Arkanghel.


"What did you just say, man?"


Parang balewala lang naman kay Arkanghel na hawak ni Hugo ang kwelyo ng shirt niya. Maangas at walang takot ang kanyang kulay abong mga mata habang nakataas ang gilid ng mga labi niya.


"Hugo, ano ba?" Mabilis naman akong humabol para awatin si Hugo. Tinabig ko ang mga kamay niya na nakahawak kay Arkanghel at pilit na pinaglayo silang dalawa.


Hugo was breathing heavily. Pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg kaya alam kong kaunti na lang, mapipigtal na ang pasensiya niya. Even his eyes were now blazing with anger.


"Saan siya natulog?!" sigaw niya.


Kalmante pa rin ang pagsagot ni Arkanghel. "In my room. In my bed."


"Hugo!" Niyakap ko ang kaliwang braso niya para kaladkarin siya palayo dahil gusto niya nang sugurin si Arkanghel. "Halika na, iyong pandesal nahulog na sa lupa!"


Sa pagkakayapos ko sa braso niya ay napadikit ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya.


"Hugo, tama na..." Hinaplos ko ang kanyang likod para pakalmahin siya.


Nang bumaba ang tingin ni Hugo sa akin ay kumalma ang kanyang ekspresyon. Sinamantala ko iyon para mahila siya palayo.


Masama naman ang tingin ko kay Arkanghel na hindi ko malaman kung anong problema sa buhay. Bakit kailangan niya pang sabihin kay Hugo ang mga bagay na iyon?


"Umuwi ka na baka hinahanap ka na ng mommy mo," mahina lang pero sinigurado kong mariin ang bigkas ko sa mga salita.


Pumalatak naman si Hugo. "Tss. Fucking mama's boy."


"Are you sure you're not talking about yourself?"


"Fucker!"


"Tama na!" Humigpit ang pagkakakapit ko kay Hugo.


Bago sumakay ng kotse niya si Arkanghel ay lumingon pa siya sa akin. Nakita ko ang pagbukol ng dila niya sa sa kanyang kaliwang pisngi, at ang pag-ismid ng mapula niyang mga labi bago pumasok sa driver's seat.


Saka ko lang binitiwan si Hugo nang tuluyan nang makaatras palabas ng street ang kotse ni Arkanghel.


"Ang yabang, puta!"


"Hugo, ano ba?" Hinila ko ang laylayan ng t-shirt niya. Lumingon naman siya sa akin.


"What?" Salubong ang mga kilay niya.


Nakaalis na ang kotse ni Arkanghel kaya nakahinga na ako nang maayos. Hinarap ko si Hugo.


"Tama na."


"Bakit kasama mo siya?"


"Pinatawag ako ng mommy niya kaya galing ako sa kanila." Nagpaliwanag ako para mapanatag siya. "Hindi ko matatanggihan si Ma'am Ingrid. Alam mo naman kung gaano kalaki ang utang ng pamilya ko sa pamilya ni Arkanghel."


"And why did you sleep in his room?" ang pait-pait nang pagkakabitiw niya ng mga salita.


"Hindi ako pinauwi ni Ma'am Ingrid dahil may malakas ang ulan at baha na. Hindi naman namin alam na may bagyo. Iyong pagtulog naman sa kwarto ni Arkanghel, aksidente lang."


"Aksidente?"


"Oo. Wala lang iyon."


"Paanong wala lang?"


"Wala lang nga! Saka bakit ka ba galit na galit?!" Tumaas na ang boses ko dahil wala naman talaga akong ginawang masama para magalit siya.


He looked at me with a hurt expression. "And now, you're mad at me?"


"Hindi ako galit, okay?" ubod ng hinahon na sabi ko para tigilan niya ang pag-iisip. "Sa akin lang, hindi ka naman dapat nakikipag-away kay Arkanghel. Wala namang dahilan para makipag-away ka sa kanya."


Napatitig siya sa akin nang matagal na tila hindi makapaniwala. "Walang dahilan? Are you serious?"


Napatanga ako sa emosyong nasa mga mata niya. Unti-unting nagsisikip ang dibdib ko habang nakatingin doon.


"Naghihintay ako sa 'yo! Hindi ba sapat na dahilan iyon?!" basag ang boses niya sa huling salita.


"Hugo..." sambit ko.


"Hinihintay kita, Sussie! Hinihintay kita!"


"I'm sorry..." garalgal na ang boses ko at unti-unti na ring nanlalabo ang paningin ko sa luha. "Sorry Hugo, kung naghintay ka nang matagal, hindi ko naman kasi alam na traffic mula QC pauwi rito..."


Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. "Tangina, ang manhid mo!"


Tinalikuran niya ako at tinungo ang kotse niya na nakaparada sa harapan ng apartment ko. Nakatulala ako roon hanggang sa namalayan ko na bumabagsak na ang mga luha mula sa mga mata ko.


Alam ko naman. Alam ko naman na hindi lang ako manhid, tanga rin. Pero anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? Hindi ko alam. Ayaw kong alamin. Ayaw ko...


Ang labo na ng paningin ko sa mga luhang naipon sa mga mata ko pero natatanaw ko pa rin ang kotse ni Hugo. Hindi pa umaalis.


Di ba aalis na siya? Di ba iiwan niya na rin ako? Bakit nandito pa rin siya?


Bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas siya mula roon. Salubong ang mga kilay niya nang lumakad siya pabalik sa akin.


"Susana, don't you dare cry!" sigaw niya.


Bago pa mauwi sa paghagulhol ang aking pag-iyak ay mahigpit na yakap-yakap na ako nang matitigas niyang mga braso.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
511K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020