The Vixen Series: Sabrina

By ZeLovelyWeirdo

79.1K 1.4K 268

In the business world, everyone knows my name. They utter it with great admire. They praise the power I have... More

All Rights.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15 - Part 2
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue.
Author's Note.

Chapter 10

2.7K 55 17
By ZeLovelyWeirdo

I fired the gun, at lumabas doon ang mahabang tali na magkokonekta sa akin mula sa opisina ni Sabrina at sa isang unit mula sa katapat na building ng SAI Tower.

Mula sa kabilang building nanggagaling ang balang umuulan sa opisina ni Sabrina, at kailangan kong mahuli kaagad kung sino man ang pangahas na matagal ko nang gustong hulihin.

Isinampay ko ang necktie na hawak ko at tumalon mula sa bintana habang mahigpit ang kapit sa necktie. Binaril ko ang bintana ng unit na aking papasukin at inihanda ang sarili sa pagtama roon.
Nabasag ang salamin at tumalsik ako sa loob. Sa sala. Nagulat ang mag-ina naroon at takot na nakatingin sa akin. Masakit man ang katawan ay madali akong tumayo at tumakbo palabas ng unit at tinakbo ang target unit.

"Send people to Sabrina's office right now!"

Tinagyakan ko ang pinto ng unit at pumasok sa loob habang nakaumang ang aking baril. Nakita ko ang automatic machine gun na patuloy sa pag-arangkada at pagpapaulan ng bala. Nagkalat na rin ang mga basyo ng bala sa carpeted na sahig. Pinatigil ko kaagad iyon at naglibot sa unit.

Walang tao sa dining area at isang kwarto na pinasok ko. Pero pagbukas ko ng master bedroom. Naroon ang isang binatilyo na nakagapos sa gilid ng kama at walang malay, putok rin ang kanang kilay nito. Mabilis ko itong nilapitan at kinapa kung buhay pa ba ito, at meron pa rin naman akong nakapang pulso.

"I have a situation here. Send men at the building right in front of--"

*click!*

Pagkatapos ng pagpitik na 'yon ay naging maingay na ulit ang automatic machine gun sa pagana nito. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto pero sinalubong ako ng isang sipa na nailagan ko naman.

Nahawakan ko ang paa nito at hinila pero sinalubong ako nito ng isang malakas na suntok na nagpatalsik sa akin sa sofa.

"F*ck!", inisahan ko ito ng isang suntok sa mukha pero tumawa lang ito.

Babae.

Her lips curved in a sneer with blood gushing from the cut I made when I punched her.

Namanhid ang buong katawan ko sa galit at nagtiim ang mga bagang ko habang nakatitig rito. Mabilis kong kinuha ang spare gun ko at pinaputukan ito pero mabilis itong nakailag at sinipa ang kamay kong may hawak na baril. Hinawakan nito ang palapulsuhan ko at tatlong mabilis na suntok ang pinakawalan nito sa aking tagiliran.

I was able to grab her long blonde hair at smashed her head on the wall and kicked her to her stomach. Tumalsik ito at tumakbo ako palapit sa machine. Aabutin ko na sana pero may tumusok sa kamay ko na minute dagger.

"AHHH!!", nanginginig na binunot ko ang dagger.

"She will be dead like your twin brother and your bitch, Helene, Drake. Just like what I did to them single handedly.", she said coldly.

"Fuck you, Trina!! I'll fucking kill you! ", sinugod ko ulit si Trina. Ginit ko rito ang lahat ng natutunan ko sa jujitsu, pero nasasalag nito ang lahat ng pagsugod ko. May mga nakakalusot na suntok at sipa pero ako ang mas nalalamangan nito dahil sa bilis ng babae.

My last resort is my gun. Tinalon ko ang distansya nito at pinaulanan ko ng bala si Trina, ngunit dinikitan ata ako ulit ng kamalasan dahil nakatakas na ito. Gayunpaman, alam kong natamaan ko si Trina.

"Damn!! Fuck that woman!", pinilit akong tumayo at pinatay ang machine gun. Pero huli na rin pala nang marinig ko ang nasa kabilang linya ng ear piece na nasa tenga ko.

"Maraming tama si Sabrina at kritikal ang lagay niya. We're taking her to the hospital."

♕ ♕ ♕

"Sabrina"

Mama?

Hinanap ko ang boses ni Mama nang marinig kong tinawag nito ang aking pangalan. Ang Felicity Mansion ay nasa likuran ko lang at ang nasa harap ko ay ang malawak na bakuran, naroon rin ang magandang garden ni Mama. Iba't ibang klase ang mga bulaklak na nasa paligid, kaya nakakabighani ang paligid.

Ito ang lugar na kinalakihan ko. The place where I run around while playing with my wonderful Mom. A place where I can smell the delicious foods my Mom cook, a home with full of laughter, happiness and great love for each other.

"I'm home", bulong ko sa sarili ko. "Totoo ba talaga ito? Am I dreaming?"

"Sabrina, come here, baby.", tawag na naman sa'kin ni Mama, at nakita ko itong nakaluhod sa tapat ng isang rose.

Ngumiti ako ng maluwag. Hindi. Hindi nga ako nananaginip.

Lalapit na sana ako kay Mama pero naunahan ako ng isang batang babae.

Her hair is short and curly and brownish blonde. Tumakbo ito para yumakap kay Mama and they giggled when they both hugged each other. My heart skipped a beat.

Nawala ang masayang ngiti mula sa aking mga labi, at unti-unting namuo ang tubig sa aking mga mata. This is a dream, a dream where my Mom lives. A dream again.

Lumapit pa ako ng kaunti sa kinauupuan nila at pinakinggan ang sinasabi ni Mama sa batang nakakandong rito. It was me. My four-year-old self.

"Look at this flower, Sabrina, mamumukadkad pa lang siya, anak."

"It's so pretty, Mommy.", anang ng maliit na tinig.

I saw my Mom smiled again. It is warm that can make anyone's heart melt. Palangiti ang aking ina, iyon ang isa sa mga nami-miss ko ng lubusan.

"Yes baby, it is. Kasing-ganda mo ang isang namumukadkad na bulaklak, Mahal ko. One day, pag nagdalaga ka na anak, mas magiging maganda ka pa sa bulaklak na ito."

I remember those words. Sinabi niya sa'kin iyon noong apat na taon pa lamang ako, the day she got killed.

Nanginig ako bigla.

This is not just a dream. It's a memory.

"Sabrina."

Narinig ko na naman ang pagtawag nito sa aking pangalan, pero sa pagkakataong iyon ay nanggaling ang boses nito mula sa aking likuran. Nang lumingon ako tumaas ang lahat ng aking balahibo sa panghihilakbot nang makita ko ang mukha ng aking ina. She was covered in blood, and she's reaching for me in the most terrifying way.
"Sabrina!"

Takot na takot akong napadilat at inilibot ang tingin. I was heavily breathing like seven demons chased me. Hindi na ako makahinga ng maayos. Malabo ang paningin ko, but I tried to look around but the pain from my chest, stomach, shoulder, and from my thighs caught my attention.

Dumaing ako dahil sa matinding sakit. Napaiyak na ako, at nahirapan huminga lalo. I'm starting to panic, why does my body hurts like hell? At iyon ang dahilan para mag-ingay ang makinang nasa gilid ko.
After a few seconds, I heard voices. People rushing around me but I can't see them clearly. May mga kung anu-ano silang ginawa sa akin. Maya-maya'y nakaramdam ako ng kaunting hapdi na dumaloy sa aking ugat. Unti-unti ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Naging kalmado na rin sng aking paghinga. Naging normal na rin ang tunog ng makinang nasa gilid ng aking kama. At nakaramdam rin ako ng pagka-antok. Bumibigat ang pakiramdam ko sa maginhawang paraan.

"Rest for now, you'll be okay, Miss Montalban."

♕ ♕ ♕


"Pwede ba nating ipagpaliban muna 'yan? We can't tell her about that yet! She's still weak! Mas lalong hindi siya pwedeng ma-stress!"

"Ni hindi pa nga nagigising si Sabrina! Kung magising man siya, 'yan kagad ang ibubungad niyo sa kanya?"

"Then kailan niyo pa gustong ipaalam sa kanya ang nangyari kay Jude?"

"He's now six feet under for f*ck's sake!"

Hindi ba nila alam na natutulog ako at nagpapahinga? May pasok pa ko sa opisina bukas! May shooting proposal pa akong dapat pirmahan!

Teka. Anong oras na ba??

"Aren't you guys gonna shut the hell up?! Sabrina is still resting if you guys want to be reminded! Kung gusto niyong magtalo-talo,'wag dito sa kwarto niya!", sigaw naman ng isang malambing na boses. Kilala ko iyon. Si Lorie ang kilala kong may ganoong boses.

Didilat na sana ako pero parang ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. At parang ang bigat din ng buong katawan ko. I can't even move my hands up.

"Reo, Jake, Irish will you please stop it? Makakapaghintay naman ang balitang 'yan-"

"Why can't I move?", nagulat din ako na paos din ang boses ko, but I know they heard me. I heard the girls gasped.

Pinilit kong dumilat kahit mabagal lang. Nung una, nasilaw ako sa liwanag pero unti-unti rin umayos ang paningin ko. I saw Lorie sitting beside me. She looked so worried. Reo and Jake are now standing right beside Lorie, who're looking at me like I'm gonna die.

"Sab.", they called my name in unison.

Sumimangot ako lalo. Parang tanga lang 'tong mga 'to. Sinubukan kong tumayo pero sumakit ang buong katawan ko, partikular sa balikat, dibdib at aking tiyan. Nang tumingin ako roon ay nakita kong nagdudugo na ang tyan ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Jake, call the doctors!"

Napapikit ako dahil sa takot. I don't like seeing blood, may trauma ako sa dugo simula noon pa mang bata ako. Napapikit ako lalo ng mariin nang maramdaman kong kumirot ang mga sugat ko. Pero hindi pa natatapos roon.

The memory of the day of the shoot-out flashed in my mind. Yung ingay ng bawat salamin na nababasag. Yung ingay ng bawat bala na tumatama sa kung saan. Yung mga takot na boses ng mga kaibigan ko. Ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ng aking tiyahin. Yung pakiramdam ng bawat balang bumaon sa katawan ko, and then the memory of Jude covering himself to me.

"Sabrina", tawag sa akin ni Irish.

Tuloy-tuloy na tumulo ang aking mga luha. Nanginginig rin ang buong katawan ko dahil sa samu't saring pakiramdam, lalo na ang sobrang takot.

"Sabrina, huminahon ka lang.", naramdaman kong hinawakan ako ni Lorie kaya nilingon ko ito.

"Nasaan si Jude, Lorie?", humihikbing tanong ko rito pero tumitig lang ito sa akin. Parang hindi alam kung sasagutin ba ang tanong ko.

Dumating ang mga doctor nang hindi nasagot ang aking tanong. In-examine nila ang mga vitals at mga sugat ko habang panay pa rin ang tulo ng aking mga luha. Tango at iling lamang ang sagot ko sa mga tanong sa akin ng doktor na tumingin sa lagay ko. Sinabi nilang okay na ang vital signs ko at naghihilam na rin ang mga sugat kaya lamang nagdugo dahil nabigla ako ng galaw. Sabi nila ay mahigit isang buwan na raw akong comatosed.

Tahimik pa rin ako hanggang sa makaalis ang mga doktor. Ang naiwan na lamang ay ang aking mga kaibigan. Tahimik ko lang silang tinitigan, habang nakatitig lang din sila sa'kin na may hindi maipaliwanag na itsura. They all seemed constipated and can't let something out. Except for Bern. She's just staring at me with blank expression from her pretty face.

"Sabrina,", tawag sa'kin ni Reo kaya nilingon ko ito. Pero bumuntong hininga lamang ito at yumuko. Si Jake naman ay napailing sa tabi nito at tiim-bagang na tumingin sa labas ng bintana.

"Pwede ba kanina pa kayo tawag ng tawag sa pangalan ko pero ni hindi niyo sinasagot ang tanong ko!! Bakit kulang kayo? Nasaan si Jude?"

Bumuntong hininga si Irish pero walang sumagot sa kanila.

"Tinatanong ko kayo kung nasaan si Jude. Bakit wala siya rito? Kamusta na sya?"

"Sabrina, don't stress yourself. Hindi makakabuti sa'yo ang mapagod. Matulog ka na lang muna.", sabi ni Irish na umupo sa kabilang side ng kama at naramdaman ko namang hinawakan ni Lorie ang kamay kong walang suwero.

"Isang buwan na akong tulog, Irish! So don't tell me kailangan ko ng pahinga!"

Maya-maya narinig kong humihikbi si Malorie. Nilingon ko ito at nakitang tahimik itong umiiyak. Tinabihan ito ni Reo at niyakap si Lorie.

Kinabahan ako. Hindi ko gusto ang naiisip ko dahil ayokong isipin na nangyari nga ang kinatatakutan ko. Nilingon ko si Irish, tahimik na rin itong naluluha. "Irish.."

"He's gone, Sab.", nanginginig ang boses ni Jake.

Nilingon ko ito. "What do you mean he's gone? Can someone please tell me what's goin' on?! Bakit kayo umiiyak ng ganyan?!"

"Because he's dead, you stupid bitch!"

Nagulat ako sa pag-sigaw ni Bernette. Nilingon ko ito at nakita ko itong galit na nakatingin sa'kin habang umiiyak na rin. Pero ang mas nakagulat sa'kin ay ang sinabi nito. Jude is dead?

Napailing ako. "Hindi. Hindi totoo 'yan. Jude! Jude, alam kong nandyan ka sa labas, pumasok ka rito!", sigaw ko habang nakatingin sa labas ng pintuan. He's always doing that. Pagka hinahanap ko siya, nasa may pintuan lang ito, palaging nagtatago. Sanay na ako sa gawain niyon ni Jude, kaya umaasa ako na nasa labas lamang ng pintuan ang hinahanap ko. Pero walang pumapasok na Jude sa pintuan.

"He's dead because of you!", sigaw pa nito. Panay lamang ang iling ko dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.

"Bernette, that's enough. Walang kasalanan si Sabrina rito."

"Oh, yeah?! Can you tell me how he died?! Basta lang ba siya namatay ng walang dahilan?! Kung hindi niya ba iniharang ang sarili niya sa babaeng 'yan, hindi mamamatay si Jude!? Kung hindi dahil sa kanya ay hindi madadamay si Jude!"

"He just saved her life! Everyone in this room would do the same for her, because she's our friend!". Sigaw ni Lorie.

Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na ng puso ko sa lahat ng naririnig ko kaya hindi ko na rin napigilang umiyak. Totoo ba itong mga nangyayaring ito? Patay na nga ba talaga si Jude? Why? Bakit si Jude? Am I still dreaming?

Pero ang sobrang sakit na nararamdaman ko ay ang patunay na hindi ako nananaginip.

"Not anymore."

Napatingin ako kay Bernette. All I can see through her eyes are great sorrow for our loss and anger for me. Sinisisi ako nito dahil sa pagkamatay ni Jude, at naiintindihan ko ito. Ako naman talaga ang may kasalanan. Nanganganib ang buhay ko at nadamay silang lahat ng dahil sa akin. At si Jude ang patunay roon. Namatay ito ng dahil sa'kin, and that reason made my heart ache. Sobrang sakit!

"I-I'm sorry, Bern..."

"You know how much I loved him, Sabrina!", natakot ako nang tumakbo papunta sa akin si Bernette para saktan ako. Muntikan na nitong mahila ang swero ko kung hindi lang ito nayakap kaagad ni Jake para pigilan.

"Bernette stop it!"

"I love him, Sabrina! Bakit siya pa?! Bakit hindi na lang ikaw ang nawala?! Bakit hindi na lang ikaw ang namatay?!", nagwawala pa rin si Bernette sa mga bisig ni Jake, si Reo ay lumapit na rin para pigilan ang kaibigan namin. Ako naman ay iyak lang ng iyak at panay lang ang hingi ng patawad rito.

"Hinding hindi kita mapapatawad! Tandaan mo 'yan! Die and rot in hell!"
Parang punyal ang bawat salita nito na bumabaon sa puso ko. Namatayan na ako ng kaibigan, nawala rin sa'kin si Bernette, kaya doble ang sakit na nararamdaman ko. Hindi lang sa pisikal, kundi emosyonal rin.

Bakit nga ba hindi na lang ako ang namatay? I don't deserve this kind of pain, neither one of us.

Una, nawala sa'kin ang aking ina. Ngayon naman ay ang mga matalik kong kaibigan.

Ako na lang sana.

REV 11032016

Continue Reading

You'll Also Like

5K 232 11
"Little things would turn out to be the best things with the one you love." Dear Diary, Once upon a time, I became a stupid bitch for almost ruining...
39K 920 32
TEARS OF THE GIRL NAMED SEA "Sigurado kana ba? Wala ng bawian ito anak." Tumango ako pagkatapos ay sinara ang malaking maleta. "Wala po Dad. Salamat...
216K 5.4K 72
When hate turned to love. Meet Sydney Castro ang babaeng hindi naniniwala sa kasabihang 'The more you hate the more you love' Dahil sa Number 1 Enemy...
Wattpad App - Unlock exclusive features