My Perfect Disaster

Od HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." Více

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Indian

314 30 7
Od HEYNEENAMOR

Rita's POV



Habang sinisipat ko ang last na bondpaper na iluluwa ng xerox machine ay nanlaki ang mata ko ng pag tayo ko ay bumungad sa akin si Ken. Lumingon lingon ako baka may ibang tao na nakakakita dito.







"Ano ba, multo ka ba hah? Bigla kang sumusulpot diyan! Bakit nandito ka sa department namin? May kailangan ka?"









"Antayin mo ako sa likod ng building mamaya, sumabay ka na sa akin pag-uwi.."









"Wow! Parang kanina lang ayaw na ayaw mo pa akong isabay tapos ngayon, nag-aalok ka! May lagnat ka ba? Or baka may favor ka? Hmp.."






"Ayaw mo ba? O sige, wag ka ng sumabay—-"





"Hoy! Hindi pa ako tumatanggi! Hmp. Sige, sasabay ako. Makakatipid din ako ng pamasahe.."






"Okay." sabi nito sabay lakad palayo.. Inirapan ko ito habang tinatanaw siya palabas ng department namin.. Minsan iniisip ko talaga na may sira yung ulo niyang lalaking iyan. Minsan mabait, minsan saksakan ng kayabangan na hindi ko alam kung saan niya napulot.


























Habang naghihintay ako sa likurang bahagi ng building ng Ka-Vogue ay may humintong isang puting kotse sa harap ko.









"Daniela!"










"Oli!!"











"Pauwi ka na? Sabay ka na sa akin."












"Naku, hindi na. Maabala pa kita. Hinihintay ko lang sila Iza, may pupuntahan pa kami eh.." pagsisinungaling ko dito.





"Ganun ba? O sige. Mag ingat kayo hah! Enjoy!"










"Salamat! Ingat ka din! Bye!"
















Ang laki ng ngiti ko habang tinatanaw ko ang kotse ni Oliver na papalayo.. Naka work from home parin ito kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito. Siguro ay pinuntahan niya ang Daddy niya.











Halos paubos na yata ang tao sa loob ng building pero hindi parin lumalabas yung lalaking yun. Minabuti ko munang umupo sa gilid dahil nangangawit na ang mga paa ko sa kakatayo. Nang matanaw ko na ang kotse ni Ken ay mabilis akong tumayo sabay pagpag ng suot kong pants. Nakangiti ako habang papalapit sa direksyon ko ang kotse.. Finally. Makakapagpahinga na din ako.










Pero nawala ang mga ngiti ko ng lagpasan lang ako ng kotse ni Ken. Nagtataka ako dito. Hindi ba niya ako nakita or sinadya niyang lagpasan ako??






























Ken's POV

Paglabas ko ng building ay napatingin ako sa kabilang exit kung saan naghihintay si Rita. Kunot noo akong napatingin ng mapansin kong may nakahintong kotse sa tapat niya.













Oliver..















Mabilis akong sumakay ng kotse ko at mula dito ay natatanaw ko parin silang dalawa. Bakas sa mga ngiti ni Rita ang saya nito habang kausap si Oliver. Hanggang sa makita ko ang pagkaway ni Rita dito ng umalis ang kotse.







"At bakit hindi pa siya sumabay?" bulong ko sa sarili ko tsaka ko inis na inistart ang kotse ko. Napatingin ako sa phone ko ng magring ito..






"Rita's Calling.."










Muli ko itong tinanaw. Nakaupo ito sa gilid ng building habang panay ang dial sa phone niya..











"Ano? Naiinip ka ngayon? Bakit di ka pa sumabay doon?" napapikit ako ng marealize kong nagsasalita akong mag-isa. Pagod na nga siguro ako sa trabaho. I turned off my phone at mabilis kong pinaharurot ang kotse ko pauwi ng bahay...





































Rita's POV


Inis akong nakatingin sa pinto ng bahay. Mabuti na lang at nakauwi pa akong buhay ngayong gabi. Bago ako pumasok ng bahay ay huminga muna ako ng malalim at pinipigilang sumabog sa galit pagnakita ko yung ungas na iyon. Ano bang trip niya sa buhay? Ang mambwisit?? Pucha, malala pa sa pagkabwisit ang nararamdaman ko ngayon.






Pagbukas ko ng pinto ay ang bait talaga ng tadhana, bumungad sa akin si Ken at hatak-hatak ang isang di ko kilalang babae. Mukhang kakatapos lang nilang mag exercise.. Bakas sa suot na dress ng babae na gusot at tila kakasuot lang ulit.. Gumilid ako sa pinto para makadaan silang dalawa. Paglabas nila ay padabog kong sinarado ang pinto tsaka ko hinagis ang bag ko sa sofa. Umupo ako doon tsaka ko hinilot ang sumasakit kong paa..







Nang makabawi ng lakas ay sinilip ko si Oslo sa kwarto at himbing na pala itong natutulog. Mabuti na lang at hindi ito nagising dahil sa pagbagsak ko ng pinto kanina. Dahan-dahan kong sinarado muli ang pinto ng kwarto ko tsaka ko napansin pumasok na muli ng bahay si Ken..







"Oh? Nakauwi ka na pala!" nakangiting sabi nito.










Hudas talaga! Parang hindi ako nakita kanina pagpasok ko. Parang ang sarap pumatay.











Hindi ko ito sinagot at muli akong umupo ng sofa. Ang sakit sakit talaga ng binti ko at mga paa.










"Kamusta commute?" tanong nito sabay upo sa isa pang side ng sofa. Mabilis kong hinablot ang unan tsaka ko hinagis sa kanya..















"Hey—-"











"At talaga nagawa mo pang ngumiti hah!?? Matapos mo akong indianin!!!! May pa-aya-aya ka pang isasabay mo ako pauwi tapos ang ending, nag commute lang din naman ako!!! Alam mo bang inabot ako ng rush hour sa pag cocommute!!!!!"








"Eh bakit hindi ka sumabay kay Oliver? Ayaw mo palang mag commute."








"At bakit naman napasok sa usapan si Oli hah???"







"Sana nagpahatid ka sa kanya!"







Muli kong binato yung isa pang unan dito.







"Kahit inaya ako nung tao, tumanggi ako dahil may mas naunang mag aya sa aking sumabay na umuwi. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na pumuputol sa napagkasunduan. Pero ako pa pala itong mabibiktima ng pag indian. Sa susunod na magbabago yung decision mo, pwedeng pakisabihan ako? Kahit simpleng text lang if ever na may biglaan kang lakad. Hindi yung mukha akong tanga kakaantay sa isang kotseng dinaanan lang ako."











"Nakauwi ka naman ng buhay hah?"














"Mabuti nga at buhay pa ako!" inis na sabi ko dito tsaka ako pumasok ng kwarto. Wala akong ganang kumain ng dinner. Kahit pa gutom na ako. Mas iniinda ko yung pagod ko ngayong gabi. Hindi niya lang alam ang pinagdaanan ko bago makauwi dito.














Kinabukasan, nagising akong masama parin ang pakiramdam ko.. So I decided na hindi na lang muna pumasok ngayon at makapagpahinga. Pagpunta ko ng kusina ay naabutan ko si Ken na nakabihis na at ready ng pumasok. Kumuha ako ng mug para gumawa ng sarili kong kape. Wearing my black oversize shirt, umupo ako ng upuan tsaka ko pinagmamasdan ang ginagawa ni Ken na paghahanda para makapasok na. Kulang nalang naman sa kanya ay medyas at sapatos at alam kong anytime ay paalis na ito.










"Hindi ka pa nakabihis, ayokong maghintay sa kotse. Magbihis ka na." rinig kong sabi nito.










"Bakit mo naman ako aantayin sa kotse hah?"











"Sabay na tayong pumasok." mapakla akong natawa tsaka umiling. Kunot noo itong napatingin sa akin.










"Neknek mo. Never na akong sasabay sayo." sabi ko sabay higop sa mainit na kape. Nagulat ako ng lumapit ito tsaka niya ako hinatak..










"Teka lang. Hoooy!"










"Magbihis kana.."











"Hindi muna ako papasok ngayon!" sabi ko dito sabay tanggal ng kamay niyang nakahawak sa wrist ko.









"Bakit?"













"Kailangan ko lang magpahinga. Siguro kahit isang araw lang. Masama ang pakiramdam ko kaya pumasok ka na.." lumapit ito sa akin at hinipo ang noo kong medyo mainit.. Yes. Feeling ko may trangkaso ako..










Nanlaki ang mata ko ng lumuhod si Ken sa harap ko tsaka niya kinuha ang isa kong paa.. Minassage niya ito.









"Ke-n, anong ginagawa mo."










"Pwedeng wag kang malikot? tss.."












"Pe-ro..."











"Gaano ba kahaba ang nilakad mo kahapon ng umaga?"










"Dalawang kanto pa bago ang building ng Ka-Vogue. Bumaba ako sa jeep dahil ma-le-late na ako sa presentation ko sayo. Pagpasok ko pa ng Ka-Vogue , napakahaba ng pila sa elevator.. No choice ako kundi umakyat gamit ang hagdanan.. Ayokong ma-late." hindi ako nakarinig ng salita mula dito. Focus ito sa pag mamassage sa paa ko..










"Ken, itigil mo na yan. Ipapahinga ko na lang tong paa ko."











"Masakit parin ba?" nakita ko sa mga mata nito ang pag-aalala ng tumingala ito sa akin. Totoo ba yung nakikita ko or inaantok pa talaga ako? Tuloy parin ito sa pag massage na aminado akong nakakapagparelax sa akin ngayon.










"Bakit mo to ginagawa? Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo?" tanong ko dito.












"Hindi. Ayoko lang mamatayan ng empleyado." sagot nito kaya bigla ko siyang sinipa pero nahawakan nito ang paa ko.. Tawa ng tawa ang walanghiya.











"Bwisit ka!!! Lumayas ka na! Bilisan mo bago ko pa mabato sayo tong mug!!! At subukan mong magdala ulit ng babae dito sa bahay, i-lolock ko kayong dalawa sa kwarto mo!!!"








"Wow. May bumisita lang naman sa akin kagabi, ito naman! Nagselos ka agad!" sagot nito kaya nagulat ako.










"Selos your face!!!!" sigaw ko dito. Huminto ito sa pagtawa at seryosong bumalik sa akin. Naghatak ito ng upuan at umupo kaharap ko.









"Bakit di ka pa pumapasok hah?"








"Kumain ka na muna."







"At ano? Papanoorin mo akong kumain? Hindi ko kailangan ng viewer habang kumakain kaya lumayas kana! Shoooo!!"






"Kumain kana para makainom ka na ng gamot. Aantayin kitang kumain." sabi nito sabay labas ng phone niya tsaka may tinawagan siya dito. I think ang secretary niya iyon at sinasabi nitong baka ma-late siya sa pagpasok..











"Ken! Pumasok kana!"










"Ang kulit. Kumain ka na muna."










"Pero—"










Nagulat ako ng tumayo ito at nilagyan ako ng plato sa harap ko.. Nagsandok ito ng kanin sa bowl at binuksan ang ulam na siya yata ang nagluto.








"Niluto mo yan?" tanong ko ng makita ko ang omelette sa harap ko.









"Si Oslo ang nagluto niyan." sarcastic na sagot nito at natawa ako.












"Kaya mo naman palang pagsilbihan ang sarili mo Ken eh. Bakit ako pa yung pinaglalaba at pinagpaplantsa mo ng mga damit mo hah?!! Oy! Natututo na siya! Malapit ka na mag-asawa no?" pang-aasar ko dito.









"Kakain ka o kakain ka?" tanong nito at hindi manlang sinagot ang tanong ko.












"Oy! Iniiba ang usapan! Na-aawkward!!" nakangiting sabi ko dito. Pero nawala ang ngiti ko ng ilapit nito ang mukha niya sa akin. As in sobrang lapit.








"Isa pang salita mo, hahalikan kita." pagbabanta niya sa akin. Akmang sasapakin ko na naman ito ng pigilan niya ang kamay ko. Hawak niya ito at muli na naman niya akong tinitigan. Seryoso itong nakatingin sa akin at biglang ngumiti.















"Kumain kana." sabi nito sabay balik sa inupuan niya kanina. Natahimik ako at naguluhan sa ginawa niya.


























Pucha! Ako tuloy yung na-awkward ngayon dahil sa ginawa niya.











Matapos kong kumain ay nag-abot ito ng tableta sa gilid ng lamesa. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang inaantay niyang inumin ko ang gamot sa harap niya. Ganoon naman ang ginawa ko.. Matapos niyang makita na ininom ko na ang gamot ay dumiretso na ito sa labas para pumasok..











Para naman akong mapuputulan ng hininga sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Napatitig ako sa pintong nilabasan ni Ken at naalala ko bigla yung pagtitig nito sa akin.. Paano niya iyon nagagawa. Para itong nakikipag-usap sa pamamagitan ng mga mata.. Na para bang habang nakatitig ito sa akin ay pakiramdam kong safe ako.. Paano niya iyon nagagawa? Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng makarinig na ako ng iyak ni Oslo. Mabilis ko itong pinuntahan bitbit ang ngiti dahil sa eksenang nangyari kanina..










❤️

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

96.1K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."
22.5K 1.4K 47
Lights on or Lights off?
39.1K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"