Falling for Mr. Montanier (UN...

By Trisisisha

509K 10.6K 544

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Epilogue

CHAPTER 3

11.9K 273 16
By Trisisisha


“Hindi ka dadaan dito?” tanong ko kay Raquel.

Nakaipit ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko at naglalagay ng sintas ng sapatos. I'm comfortable wearing skirts than jeans. Hindi naman mahigpit ang university namin as long comfortable ka at hindi siya masyadong revealing. Hindi rin naman kasi nirerequired ang uniform.

“Hindi e, Dadaan pa kasi ako sa national book store.”

“Okay, Ingat ka!”

“Sige, Ingat rin ah? Sige na! Gumora kana baka malate kana.”

“Sige, Nalate kasi ako ng gising e.”

“Tulog mantika ka talaga kahit kailan!”

Tumawa ako.

Inilapag ko ang cellphone ko matapos naming mag usap at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng black na sleeveless top at isang skirt na color black. Ganito palagi ako manamit.

I put a light make up. Nang matapos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I have a straight black hair at porcelain skin. Brown eyes and pointed nose. Thin and kissable lips. Natural na talagang mapula siya kahit hindi ko lagyan ng lipstick o lipgloss.

Hindi maipagkakaila na mayroon talaga akong lahi. I really look like an American. Marami ring nagsasabi na mukha raw akong manika.

I also put three clips at nang makuntento sa ayos ko ay kinuha ko na ang maliit na bag ko at lumabas na. Pagkatapos kong mailock ay agad na akong bumaba ng apartment.

Madalas akong sumabay kay Raquel sa sasakyan niya. Nakagawian na naming palaging sabay pumasok madadaanan narin naman niya yung pinapasukan ko bago siya makarating sa university niya. Ngayong hindi kami magkakasabay mag co-commute na lang ako.

Naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus habang nagcecellphone. Ramdam ko ang tingin ng mga tao na isinawalang bahala ko na lang.

From : Jacob Andrei

Hey, Love!

Papasok kana?

Don't skip meal

Ingat ka!

I love you

Napangiti ako.

Naisip ko na hindi ko na dapat isipin yung pinag usapan ng dalawang babae kahapon. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip doon.

To : Jacob Andrei

Papasok na ako, Love.

Ingat ka rin!

I love you

Agad kong ibinulsa ang cellphone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Papaliko na sana ako sa sakayan ng bus nang may humintong pulang sasakyan sa harapan ko.

Hindi ko na sana papansinin at magpapatuloy na lang sa paglalakad nang bumukas ang bintana nito na kinalaki ng mata ko. Anong ginagawa niya dito?

Ang lakas ng dambol ng dibdib ko.

Bumungad ang nakakunot noong si Professor Montanier.

Ang lalaking gusto ko nang mawala sa sistema ko.

He's wearing his glasses and naka black longsleeve na siya ngayon. As always gwapo pa rin. Stop it, Idalia!

Tumatama ang liwanag ng araw sakanyang mukha. May iilan pang naglalakad na napapahinto at napapatingin sakanya. Hindi ko naman sila masisisi.

“Are you going to school?” tanong niya.

Boses palang nito pero grabe na ang dagundong ng dibdib ko. Why he's still asking me? It's so obvious na papunta akong university.

Gusto kong umirap pero tumango na lang ako.

“Sumabay kana sakin.” sabi nito at tumingin sa terminal ng bus. “Punuan ang bus ngayon. Delikado sayo lalo na't ganyan ang suot mo.” dagdag ni Prof at binaba ang tingin sa expose kong legs. Hindi ko maiwasang makaramdan ng hiya.

Tiningnan ko ang terminal at nakitang nag uunahan ang mga pasahero at punong-puno rin ang mga bus na paalis. Ito rin talaga ang hindi ko maintindihan kung bakit kahit puno na ang bus nagagawa pa rin nilang magpapasok? Hindi rin worth it ang binayad mo kasi nakatayo ka.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang mga bus na paalis. Maaari nga namang mabastos ako pag nag pumilit pa akong sumakay sa bus kaya wala akong magagawa kundi sumabay na lang kay Prof.

Pupunta na sana ako sa likuran nang magsalita si Prof. Nahihiya kasi talaga akong tumabi sakanya.

“Really? Gagawin mo ba akong driver mo?”

Napahinto ako at napapahiyang pumasok na lang sa passenger seat.

Pagkaupo ay agad kong inilagay ang seatbelt at hindi maiwasang manginig dahil sa kaba.

Katahimikan ang bumalot saamin habang nasa byahe kami. Nakatingin lang ako sa labas sa buong durasyon ng byahe. Tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Mas grabe ang kalabog nito ngayon.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko. Hindi ko na ata kayang mag stay kasama si Professor. Grabe ang epekto niya sakin.

Napatingin ako kay Prof nang maramdaman kong nakatingin siya sakin, pero guni-guni ko lang ata? dahil sa iba na ito nakatingin ngayon.

“Salamat po Prof..” mahinang pasasalamat ko.

Tumango si Prof pero sa iba parin nakatingin. “Next time..don't wear that kind of clothes again.” dagdag niya bago ako bumaba.

Nagmamadali akong naglakad. Naiilang sa suot ko dahil ramdam ko ang tingin ng mga kalalakihan. Confident naman ako sa mga ganitong klaseng damit pero ngayong sinabihan ako ni Prof parang nahihiya na tuloy ako.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. I still have fifteen minutes before mag start ang first class ko kaya dumiretso muna ako sa restroom.

Agad akong dumiretso sa isang cubicle para umihi after non ay saka ako pumunta sa mirror para tingnan ang sarili ko. Bumaba rin ang tingin ko sa skirt na suot ko. Ito ang pinaka maiksi sa lahat ng skirts ko and no choice ako kundi ito ang suotin kasi halos lahat ng skirts ko nasa labahan pa.

Napabuntong hininga ako at lalabas na sana nang may pumasok na babae. May hawak itong paper bag.

“Are you, Idalia? Here may nagpapabigay sayo,” nakangiting sabi niya at inilahad ang paper bag sakin. Nangunot ang noo ko at itatanong na sana kung sinong nagpapabigay nang dire-diretso nang lumabas ang babae.

Andaming katanungan sa isipan ko nang simulan kong silipin ang loob ng paper bag.

Bumungad sakin ang isang baggy pants pagkabukas ko. Kinuha ko ito at nagbakasaling may mahanap na card kung kanino nang galing pero wala akong makita. Nang may pumasok sa isip ko. Hindi kaya sakanya nang galing 'to? Narinig ko ang sinabi niya bago ako tuluyang makababa ng sasakyan.

Hindi na rin naman ako comfortable sa skirt na suot ko kaya sinuot ko na lang rin ang binili niyang pants. After ko masuot ramdam ko ang pagkacomfortale ko.

Lihim akong napangiti habang papalabas ng restroom, kung galing nga talaga ito sayo. Salamat.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 114K 55
Lumaki sa kahirapan si Katherina. At dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mamasukan bilang katulong para...
11.4K 569 15
Once Upon a Time, there was a princess named Cashie Vain. She is pretty and a very sassy princess in the kingdom. A wicked witch cursed her and, now...
228K 12.2K 29
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
253K 6.1K 62
Rafael Sebastian was diagnosed with a condition called Dissociative Identity Disorder or D.I.D, people who suffer from DID often have 2-3 different i...