My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Bawal

371 32 5
By HEYNEENAMOR

Rita's POV









Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin paggising ko. Matapos kong magluto ng breakfast at magplantsa ay nakangiti akong hawak hawak ang paborito kong mug na may lamang mainit na kape. Nakaupo ako sa upuan habang nakatingin sa platong simot ko na. Ang gaan ng feeling ko paggising ko dahil din siguro ay hindi umiyak si Oslo ngayong umaga. Nasa labas ito kasama si RJ ngayon at pinapaarawan.











Napatingin ako pagbukas ng pinto ng kwarto ni Ken na kitang-kita mula sa direksyon ko dito sa loob ng kusina.










Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang papalapit na Ken Chan. Kakatapos lang nitong maligo at tanging puting towel lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.
















"Lord. Busog na po ako. Bakit may pa breakfast ka ulit na pandesal?" bulong ko sa isip ko ng makita ko muli ang pandesal sa katawan ng lalaking ito..














"Nasaan na ang polo ko?" nagmamadaling tanong nito.












"Hah?"












"Rita! Yung polo ko?"











"Ah- nasa kwarto ko. Hindi ko na nabalik sa kwarto mo kasi biglang nagising si Oslo. Naplantsa ko na din yun——- Hoooy! Kape ko yan!!!" sigaw ko dito ng agawin na naman nito ang iniinom kong kape..












"Masyadong matamis. Gusto mo bang magka diabetes?" sabi nito pagkalapag ng mug ko sa mesa.













"Kahit kailan talaga! Mang-aagaw ka!!! Yung bahay ko tapos itong kape ko naman. Tsss. " iritang sabi ko dito.












"8am sa conference room." sabi nito sabay lakad papunta sa kwarto ko para kunin ang polo nito. Napatingin ako sa relo. 7am palang naman at kung makapaalala naman ito ay parang late na ako. Magbibihis na lang naman ako at ready na akong pumasok.

















7:30 am ng matapos akong magbihis. Dala-dala ko na ang shoulder bag ko ng lumabas si Ken sa room nito habang tinutupi ang polo niya.









"Makikisabay ako sayo ngayon." sabi ko dito.













"Hindi pwede." seryosong sabi nito.












"Pwede ba, iisang kumpanya lang naman yung pupuntahan natin eh. Kapalit na lang yun ng pagplantsa ko sa polo mo! Dali na! Bawal ako ma-late diba!"











"Ayoko."













"Please!!!" nakikiusap na sabi ko dito. Napansin kong naka tanggal yung isang butones ng polo nito kaya lumapit ako sa kanya at sinarado ito. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang polo nitong ako ang nag plantsa. Nakaka proud lang na ang ganda ganda ng pagkaka plantsa ko dito, take note, puting polo pa ito.












"Bakit ka nakangiti?" napatingin ako kay Ken at seryoso itong nakatingin sa akin.












"Wa-wala lang. Napaproud lang ako sa sarili ko."












"At bakit naman?"













"Ang ayos-ayos ng pagkakaplantsa ko eh. Diba? "












"Pwede na."












"Pwede na means Yes! So nagagalingan ka din sa akin sa pagplantsa!!! I'll take that as compliment! Hahaha.. Okay, let's go na! Baka ma-late tayo!" sabi ko dito at nauna na akong pumunta sa tapat ng kotse nito.















"Alam mo, simulan mo ng maglakad kung wala kang pamasahe.."











"Sasabay nga ako sayo!!"













"Bawal."
















"Please!!" bigla na niyang inistart ang sasakyan. Ayaw parin niya akong pasakayin.











"Bawal ma-late! 8am!" rinig kong sigaw nito sabay harurot ng kotse nito..




















At talagang iniwan niya ako dito sa bahay. Talagang napakasama talaga ng ugali. Nakakainis. Mukhang hindi maganda ang araw na ito.. Grrr..



































7:50 am na pagtingin ko sa relo. Kakapasok ko lang sa building ng Ka-Vogue at pawisan pa ako. Sa sobrang traffic ay napilitan akong maglakad na dalawang kanto pa ang layo mula dito. No choice ako dahil wala ng usad ang traffic.









Papalapit ako sa elevator ng mapansin kong ang haba ng pila. Panay tingin ako sa relo ko and its already 7:53 !!! Ilang minuto na lang at ma-le late ako sa meeting ko sa ungas na yun. Nasa pang ilang palapag pa ang conference room kaya ginawa ko na ang isang bagay na alam kong madadagdag sa pagod na nararamdaman ko. Mabilis kong tinanggal ang suot kong heels at tumakbo ako paakyat ng hagdanan..






















7:56 ng makapasok ako sa loob ng conference room at wala pang Ken Chan sa loob nito. Sinalubong ako ni Tosh na nagtataka siguro dahil sa itsura ko. Pawis na pawis ako at halatang pagod..












"Girl? Ayan ba yung trending ngayon na fresh look? HAHAHAHA. Anong nangyari sayo?"












"Please. Water. Please.." hinihingal na sabi ko dito..










"Okay okay. Mag retouch ka muna."














"Tubiiiiig!!!"









"Oo na! Ito na nga!!" sabi nito at nagmadali itong kumuha ng tubig.. Paglapag ko ng bag ay mabilis kong nilabas ang laptop para mag set up.. Mabilisang pagpunas na lang ng pawis ko gamit ang tissue ang ginawa ko sa mukha ko.













Pagbalik ni Tosh ay inabutan niya ako ng bottled water. Mabilis ko itong kinuha at ng akmang bubuksan ko ito ay dumating na ang ungas. Lumabas na si Tosh at kaming dalawa na lang ang naiwan. Pagpasok nito ay nakangiti siyang nakatingin sa akin na para bang masayang masaya itong nakitang pagod na pagod ako. Tumayo ako at ni-locked ang conference room. Bumalik ako sa upuan ko para inumin ang bottled water na bigay ni Tosh..











"So kamusta ang pag cocommute?" natatawang tanong nito. Sumenyas ako ng "shut up" tsaka ko ininom ang tubig bago magsalita..









"Hindi ako late."










"Alam ko. Naunahan mo pa nga dito sa conference oh."














"At talagang may gana kang pagtawanan ako hah?" inis na tanong ko dito.













"Hindi kita pinagtatawanan. Masaya lang ako, you made it! Hindi ka late!"












"Ah . Masaya ka. Eh kung ibuhos ko kaya sayo tong malamig na tubig ng mahimasmasan kang lalaki ka!!!" inis na sabi ko dito.













"Ooops. Miss Rita Daniela, watch your words. Nasa loob tayo ng Ka-Vogue.." seryosong sabi nito. Aba! Talagang ginagamit ang posisyon para hindi ako makaganti hah! Humanda ka mamaya sa bahay!! Aaargh!!!















"Ni-locked ko na yung pinto. Siguro naman, wala ng iistorbo sa pagpepresent ko.." sabi ko dito.













Nakatingin ako dito ng umupo ito sa harap ko. Sinandal ang likod sa upuan at itinaas ang mga paa sa lamesa. Aba! Bahay to? Bahay? Aba!!












"Okay, mag start kana." sabi nito.










"Hoy! Umayos ka ng upo! Ano ka? Nasa bahay?"













"Naka-locked naman yung pinto. Walang makakakita. Bilisan mo na. May meeting pa ako ng 9am sa labas.."













"Ken Chan! Umayos ka ng upo! Nadidistract ako!!"









"Nadidistract ka saan?? Oh well, lahat naman ng babae nadidistract sa presensya ko.." at talagang napakayabang!!!













"Napakayabang!!! Wohoooo!! Ang hangin!!"
















"Mag start ka na." sabi nito.. Magsasalita pa sana ako ng umayos na nga ito ng upo at bumalik na naman sa pagka professional yung aura niya.


































Matapos ang presentation ko ay dismayado akong bumalik ng office ko. Wala kasi akong narinig na comment or hindi ako sure kung nagustuhan ba ni Ken ang pinresent ko. Nag iisip tuloy ako kung nagawa ko ba ang lahat ng makakaya ko for this project. Sa akin nakasasalay ang ika-sstay ng team ko dito sa Ka-Vogue at hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag na reject ang project namin. Hindi ko alam.











Pagpasok ko ng office ay naabutan ko si Hector, isa sa Hr staff na nasa area ni Camille. Magkausap silang dalawa. Napansin ko din ang isang maliit na regalo sa table ni Camille. Nang makita nila akong pumasok sa office ay halata kong nagulat silang pareho.











"Good Morning Miss Rita.." bati ni Hector at nagpaalam na ito para lumabas.. Napatingin ako kay Camille at iwas itong tumingin sa akin.. Tiningnan ko si Iza at Tosh at nag make face lang ang dalawa..










"Kamusta yung presentation?" tanong ni Iza sa akin pagkaupo ko.











"Wa-wala siyang comment. Hindi ko sure kung approved yung cover."










"Baka hinihintay pa niyang mag present si Clare at ipagcocompare pa niya."











"Totoo bang kailangan nating makipag kompitensya kay Clare? Hindi naman tayo Probi dito. Regular employees tayo. Hindi naman tayo baguhan. Bakit kailangang may mapili? Pwede naman niyang i-reject yun if ayaw niya then gagawa ulit tayo.."











"Hey. Kumalma ka nga muna.. Naubos mo ba yung tubig kanina?" tanong ni Tosh.










"Salamat sa tubig hah." ngumiti ako dito at tinanaw ko si Camille na nakaupo parin sa area niya.










"Cams, we need to talk mamayang lunch break." sabi ko dito. Napatingin si Iza sa akin at pinanlakihan ako ng mata na para bang sinasabi nito na wag muna.














No. May kailangan akong i-confirm. Nakasalalay dito ang posisyon ni Camille sa kumpanya..
































"What? Kailan pa naging kayo ni Hector? Camille.. Alam mo naman na isa sa golden Rule ni Sir Ken yan sa kumpanya dito? Bawal ang magkarelasyon dito.."
















"Pero Rita, mahal namin ni Hector ang isa't-isa. Kaya naman naming itago eh.."













"Kaya niyo? Eh kanina nga nahuli ko kayo. Camille, hanggat si Sir Ken pa ang nasa posisyon ni Oli, bawal ang ginagawa niyo. Alam mo naman kung paano kita pinaglaban kay Sir Ken para hindi ka mawala sa Ka-Vogue.. Wag naman sana mangyari dahil sa sitwasyon niyo ni Hector.."











"A-alam ko. Natatakot din ako Rita. Pero ayokong makipaghiwalay kay Hector. Hindi ko kaya.."
















Tumayo ako at niyakap ko si Camille. Umiiyak kasi ito. Totoong malaking problema ang pinasok nila ni Hector.














"Shhh. Tahan na. Alam ko, hindi din naman magtatagal si Ken sa kumpanya. Mapapaalis din naman natin siya.. Oliver is better than him."











"Ta-talaga? Naniniwala kang di siya magtatagal dito? Pwede naman tayong magkaisa diba? Para mapatanggal siya?"












"Hindi natin kailangan ng strict boss like him. Uusad ang Ka-Vogue kahit wala siya.."













"Paano kapag hindi natin siya mapaalis? Mababago ba natin ang rules niya? Na bawal makipagrelasyon sa kumpanya? Pucha, Rita wala na ba talaga tayong kalayaan sa kumpanyang ito? Kahit ang magmahal bawal na?" muli kong niyakap si Camille.. Napansin kong lumapit si Iza at Tosh sa amin..



















"Alam ko na kung paano natin mababago ang rules niya na bawal ang makipagrelasyon sa loob ng kumpanya.." nakangiting sabi ni Tosh.















"Paano?"















"Kailangan niyang ma-fall sa akin! Oh diba! Kapag na inlove siya sa akin, siya na mismo ang sisira ng sarili niyang rules.." kinikilig na sabi ni Tosh.












"Tosh hah! Oa na yan! As if naman na ma-fall siya sayo? " natatawang sabi ko dito.. Inirapan ako ni Tosh pero nawala ang tawa ko ng magsalita si Iza.
















"I think, Si Rita ang pwedeng gumawa niyan." kunot noo ko itong nilingon.











"Hah? Ako? Anong gagawin ko?"














"Make him to fall in love with you. At kapag nangayari yun, siya na mismo ang mag-aalis ng rules niya." nakangiting sabi nito.














"No way! Wag niyo akong madamay-damay diyan!"













"I think, magadang idea yan Iza!!" nakangiting sabi ni Tosh.















"No!!!! Hoy! Hindi ako papayag."
















"Dali na!"

















"Malabo yang sinasabi niyo. Mukhang malabo nga yatang ma-fall yun sa isang babae. Ang babaero, hinding hindi yan na-fafall.."







"Paano mo naman nalamang babaero si Sir Ken hah?" tanong ni Tosh. Omg.








"Ang daming ka-meeting na iba't-ibang babae diba? Babaero yun. For sure!" sagot ko dito at nakahinga ako ng maluwag ng mukhang naconvince naman sila..






"Dali na Rita!! Tutulungan ka namin.." sabi ni Iza at umiling-iling ako..












"Alam niyo, kumain na lang tayo. Nalilipasan lang kayo ng gutom guys.." naiilang na sabi ko sa kanila tsaka ko nilantakan ang fried chicken na binili ni Iza..
































Ayan na yata ang pinakamasamang idea na na-suggest ng team ko. Kinikilabutan ako. Juskooo..









❤️

Continue Reading

You'll Also Like

878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
Queen By AMOR ❤

Fanfiction

22.5K 1.4K 47
Lights on or Lights off?
17.2K 1.1K 36
Paano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. N...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...