Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 28

65 2 0
By tamestnaive

Chapter 28

Flashback
"Guys, tingnan niyo oh, ang popogi."

We immediately look down when Jasmine pointed a group of boys who are walking down the road. Nasa second floor kasi kami ng fast-food kaya kitang kita namin sila sa ibaba mula rito. Hmm, okay lang. Pogi naman tsaka mga cute.

"Oo nga, ang cute nung isa." Dahil sa pagkausisa ay nakisilip na rin ako sa mga taong tinutukoy nila.

Isang grupo ng lalaking magkakaibigan na nasa limang miyembro. Nanliit ang mga mata ko para tingnang mabuti ang mga iyon hanggang sa may isang nakakuha rin ng atensyon ko. Napangiti nalang ako sabay iling ng ulo. Loyal pa rin naman ako kay Nate, attractive lang talaga iyong lalaki.

"Wow Ellie, ang talas ng mga mata mo ahhh akala ko mahinhin type ka, may pagka malandi rin pala." Napangiwi ako sa asar na iyon ni Jas.

Grabe naman iyon. Landi agad, hindi ba pwedeng sumasang-ayon lang din ako sa kanila kasi talagang pogi at cute iyong mga lalaki.

"Landi agad? Hindi pwedeng nakiusyo lang kung totoo ba ang mga sinabi niyo." Palusot ko para hindi maasar.

"Weh? Grabe ka naman magrason, talagang hindi mo tinatanggal mga mata mo roon ahhh. Titig na titig e." Napatigil ako sa ginagawa nang marinig iyon.

Dahan dahan akong lumingon sa kanila na sinasalubungan ako ng mga matang mapanghusga. Napangisi nalang ako sabang lantak ng pagkain ko. Halata ba ako? E sa hindi ko napigilan e.

"Crush mo lang e." Nanlaki ang mga mata ko nang tingnan ko si Jasmine dahil do'n.

Hala, napatingin lang ako, crush agad. Issue naman nito. "Ano---"

"Sinong crush ni Ellie?"

Napatigil kami sa kantywan nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Dumaan si Nikka na galing sa cr at kasama niya si Fia na hindi ko inasahang ngayon pa dadating. Geez, makita ko palang iyang pagtataka sa mukha niya, kinikilabutan na ako.

"Hindi nga raw crush, cute lang." Si Jasmine ang sumasagot para sa akin na ikinabahala ko kasi baka kung anong mga sabihin niya.

Nakita ko at ramdam ko pa rin ang pagkalito ni Fia sa pinagsasabi ni Jasmine kung kaya't hindi niya napigilang usisain ito tungkol dito. Huli na nang mapigilan ko si Jas sa pagsasalita. Biglang lumingon sa akin si Fia nang may mapang-asar na ngisi. Nag-iwas tingin ako't kumain pero bigla itong sumigaw na hindi ko inaasahan. 

"Asan ba riyan? Ayun ba? Kuya, crush ka raw nito oh!"

Hindi ko alam ang gagawin nang biglang sumigaw si Fia nang malakas kaya napaangat ng tingin ang mga lalaki sa amin. Agad akong naglilikot sa upuan at hindi alam kung saan tutungo lalo na nung lumingon sila sa 'kin.

"Fia, ano baaa? Tigilan mo nga iyan, issue maker ka!" Pinalo ko siya sa braso para tigilan ang kahibangan. Ako napapahamak sa pinaggagawa niya e.

"Crush mo 'no? Nahihiya ka lang e." Napanganga ako dahil do'n. Grabe, ganito ba siya sa tuwing naiintriga.

Hindi ako makakain nang maayos lalo pa't  nakabantay sa akin ang mapang-asar na mukhang iyon ni Fia. Geez, nakakakilabot ang mga titig na iyon.

"Nakakaba talaga kapag nalaman ni Fia ang mga crush niyo, siguradong hindi kayo titigilan kakaasar."

Kwento ni Nikka sa harap namin dahilan para matawa si Fia. Ilang oras pa kaming tumambay roon nang maisip naming lumabas na. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga lalaking sinigawan ni Fia kanina. Omg, huli na nang makatakas ako.

"Kuya, crush ka nito oh!"

Nanlaki ang mga mata ko at sandaling napatigil sa mabilis na pangyayari. Nagmadali akong maglakad at iniwan silang hindi matigil ang tawanan. Shit, kinilabutan ako nang biglang tumingin sa aking gawi ang mga lalaki dahilan para mas lalo kong bilisan ang lakad.

"Ellie, kapag nalaman ko talaga ang crush mo, humanda ka na." Biglang dumating si Fia sa tabi ko at sinabi iyon.
End

Shit, hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Napaka awkward at nakakainis. Geez, hindi malabong gawin iyon ni Fia lalo pa't ngayon ay malapit sa kanya ang taong tinutukoy ko.

"Ano na, Ellie?" Natauhan ako nang magsalita ulit si Fia sa harapan ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanyang mga titig.

"W-wala. Nagbibiro lang si Missy." Pa cool kong sagot pero labis na ang kabang nararamdaman ng puso ko.

Sumisigaw ng kuryosidad ang mga mukha nila habang sabay na nakatitig sa akin. Naging matatag pa rin ako sa kanilang harapan kahit nang-aasar na sa tabi ko rito si Lance.

"Tara na nga." I hurriedly stood up and walked faster than them.

Wala naman akong ginawa pero kinakabahan lang ako kay Missy baka kung ano pa ang masabi niya. Geez, ayoko ng issue. Gusto ko ng tahimik na buhay.

"Bakit ka ba kinakabahan e wala naman akong sinabi." Biglang dumating si Missy sa tabi ko nang mahabol ako.

Sumilip ako sa likuran ko para tingnan sina Fia na maedyo malayo ang agwat sa amin bago ko nilingon si Missy ulit. "Baka mamaya madulas ka bigla. Ako pa mapapahamak sa'yo e." Pabiro kong sagot.

Napairap naman siya sa akin. "Hayaan mo na nga kasi sila. Chill ka lang diyan."

Awtomatikong napalingon ang ulo ko sa kanya. "Wow, thank you for encouragement ahh. Grabe, laki ng tulong mo sobra." Sarkastikong sagot ko rito. 

Natawa siya nang mahina. "E hayaan mo na nga lang. Sus, kung maka deny naman 'to akala mo hindi hulog na hulog sa lalaking iyon." Napailing nalang ako.

While walking I still can't deny the fact that I am still missing him. Ang hirap naman kasing mag move on. Kahit naman kaonting panahon ko lang siya nakita at nagustuhan, ewan ko ba kung bakit ang tagal kong maka move on na akala mo naman naging kami.

"Tulala na naman." Nagulat ako nang biglang dumating si Missy sa harapan ko.
Nasa may hagdan na pala kami at nauna na sina Fia kaysa sa 'min.

Grabe, ang bagal kong maglakad ngayon. Mabuti nga at nakakaakyat pa rin ako nang maayos kahit lutang na lutang ang isip ko ngayon. Kung hindi pa dahil kay Missy e hindi pa ako matatauhan.

"Hay naku, ang hirap talagang maka move on kahit crush lang 'no." Pumintig ang tenga ko nang marinig iyon.

Nakangisi siya nang malawak sa harapan ko kahit malamig na ekspresyon ang binibigay ko lamang sa kanya. Nang hindi niya pa rin iniiba ang mukhang iyon ay saka ako napaismid.

"Tigilan mo na nga. Alam mo bang muntik na iyong kanina. Iyon iyong kasalanan mo, ang daldal mo talaga." Reklamo ko rito nang naiinis.

Tumawa siya nang mahina. "E halata ka kasi. Hindi ka pa umaamin na miss mo siya e, halatang halata talaga, girl." Pang-aasar pa rin nito. Tsk, pakialam niya sa nararamdaman ko.

Nang iwan niya ako, napatulala ako saglit sa kinatatayuan. Ahh shit, halata ba talaga ako? Grrr ang hirap naman kasi talagang mag move on, mas namimiss ko siya. Kainis, wala talaga akong maitatagong sikreto pa kay Missy, lahat nalalaman at nang-aasar pa. Mas malala, lagi pang nagpapahalata. Hindi ako papayag na ganonin niya lang ako kung kaya't mabilis ko siyang hinabol para kausapin.

"Missy, okay I get it." Saad ko nang mahatak ang braso niya. Nagtaka ang mukha nito sa akin, napabuntong hininga ako at nag-iwas tingin para ikalma ang sarili.

"Oo na, alam ko rin sa sarili kong halata nga ako sa mga pinaggagawa ko. Pero pwede, tumigil ka na. Oo na, umamin na ako." Pagpapaliwanag ko. Ayoko na ng ingay, gusto ko ng tahimik na't wala nang asaran.

Napailing lang siya bilang reaksyon. "Asus, may pa 'happy ako para sa kanya' ka pa, umamin ka rin naman palang nasasaktan ka." Eeww, cringe. Pambihira 'to.

Tinaasan ko nga ng kilay at napahalukipkip. "Don't get me wrong! I am really happy for the both of them, it's just that I was hurt."

Natahimik siya kaya napatulala ako saglit nang mapagtanto ang mga pinagsasabi ko. "Argh, hindi naman masamang mag kagusto sa taong nasa relasyon na 'di ba?" Napasabunot nalang ako ng buhok ko sa sobrang frustrated.

She shrugged and laughed at me. "Gosh Ellie, baliw na baliw ka talaga sa kanya. Ang tanga mo kasi dati e."

Hangga't kaya kong maghintay sa kanya, walang mag momove on. I get my phone and peek at my IG story. What a day when he saw my story and suddenly his name captured my eyes.

I look at Missy and raised my arms. "Look, I can still see him even through pictures."

Tiningnan niya rin iyon pero napangiwi lang bilang reaksyon. Hindi na niya ako pinansin kaya tiningnan ko na rin ang profile ni Kendrick dahil mayro'n ding stories at ang ganda ng bungad sa 'kin, litrato nilang dalawa ng girlfriend niya. I thought I was fine and can normally look at them but when I saw how happy they are, it always make me feel like giving up.


"Ellie, tulungan na kita." Napalingon ako nang may magsalita.

I was having a hard time carrying my things. Makakapal kasi ang mga libro na bitbit ko kaya nahihirapan ako. Napangiti nalang ako sa kanya. "Thanks, Lay. Sana all." I jokingly said and he laugh.

Aside from Kendrick, Lay is also a nice person and a gentleman, but he never gives me the feeling that Kendrick used to make me feel everytime he went near to me for help. Tanging si Kendrick lang talaga ang nakakaramdam ng kakaiba sa 'kin kahit maraming mga lalaki ang mabait at gentleman kagaya ni Lay.

"Hoy, 'wag mo sabihing kay Lay ka na naman kinikilig diyan." Bigla akong napalingon kay Missy at sinalubong ito ng matalas na titig.

"Nakakainis ka talaga. Issue mo." Lahat nalang talaga napapansin ng babaeng 'to.

"E ba't ngingiti-ngiti ka riyan?" Usisa nito at nilapit pa ang mukha sa akin.

Napangiwi ako. "Wala lang. Naalala ko lang siya. Alam mo ba sobrang gentleman niya talaga sa 'kin dati." Napatigil ako nang may maalala. "Swerte ng girlfriend niya."

Napangiti nalang ako nang mapait sa kawalan. Kung sa akin nga ang bait bait niya, pa'no pa kaya sa totoong taong mahal niya talaga.

She sigh out of despair. "Noon mo pa 'yan sinasabi. Magmula nang nalaman ko na crush mo siya, hanggang sa nag ka girlfriend siya."

Napaismid naman ako sa pagiging sarkastiko nito. "Alam mo kasi iyong  maganda sa kanya, hindi lang siya mabait sa 'kin kundi sa lahat ng babae kahit sa mga kaibigan niya."

Napangiti ako na parang proud sa sinabi, dahilan naman para matahimik siya. May naiisip na naman ata 'to ngayon. Nag-iwas tingin ako kasi grabe iyong titig niya, awkward.

"Dahil sa sinabi mo, naisip ko lang na...." Salita nito at tumigil. Nakita ko ang pagsingkit ng mga mata niya.

"Ano na naman?" Ito na naman siya sa mga opinyon niya.

"Pakiramdam ko, siguro talagang mabait lang si Kendrick bilang tao. Gentleman siya hindi lang sa'yo. Mabait siya hindi lang sa'yo, at maalalahanin siya hindi lang sa'yo."   Napakunot noo ako sa sinabi nito.

Naiintindihan ko iyong sinabi niya kung kaya't hindi ako nakapagsalita at prinoseso pa iyon. Nagkibit balikat lang naman siya.

"Nabanggit mo kasi na sobrang bait niya sa'yo pati sa mga nakapaligid sa kanya...." Napahalukipkip siya. "Paano kung gano'n na talaga ang ugali niya. Hindi lang siya sa'yo mabait kundi pati sa lahat pero may nararamdaman kang iba kasi pakiramdam mo may gusto siya sa'yo." 

Napatigil ako saglit bago unti unting nilingon si Missy para salubungin ang mga titig iyon. Nang tingnan ko ang mukhang iyon, walang halong asar, purong seryoso. Hindi ko akalaing maiintindihan din ni Missy kahit sa maikling panahon lamang.

Hindi ko aakalaing may taong magsusumbat sa akin no'n dahilan para matauhan ako. Alam ko naman e. Siguro naghahanap lang ako ng taong makakapagsabi sa akin no'n para mas matauhan ako.

"Tama ka. Mabait naman talaga si Kendrick kahit dati pa at alam ko naman iyon. Siguro nga binigyan ko lang ng malisya ang lahat ng mga ginagawa niya sa 'kin kaya ako umaasa." Ngiti ko nang maikli at mabilis na nag-iwas tingin. "Siya lang kasi ang lalaking gano'n ang pakikitungo sa akin e."

Naalala ko ulit siya pero sa pagkakataong ito, inalala ko rin ang pakikitungo niya hindi bilang isang kaklase kundi bilang isang tao.

Napailing siya. "You thought you were special to him, not until you've realized that that's just him as a person." Napatigil ako saglit habang nakayuko. "Ellie, huwag mo nang paasahin ang sarili mo."

Hindi ko na napigilang titigan siya nang sinabi niya iyon. Napaka diresto at tagos ng salitang iyong sa puso ko. Animo'y para sa akin talaga ang mga katagang ibinulalas niya.

"Kagaya nga ng sinabi mo, alam mo na ang ugali niya pero mas pinipili mo lang ibaon ang katotohanan kasi iba ang pinaniwalaan mo dahil sa nararamdaman mo."

Mas masakit pala kapag galing sa ibang tao ang nagsabi no'n. Kasi alam ko na iyon e, pero mas pinipili kong panindigan ang nararamdaman ko kasi totoong ramdam ko naman talaga ang kabutihan niya. Sana nakinig nalang ako sa sarili ko noon, dapat talaga hindi ko na pinatagal pa.

"Ang talino mo ahhh. Ibang iba ka ngayon ahhh." Kasalungat ng ganadong boses na binigay ko sa kanya ang mga matang nagiinit na ngayon.

Maganda ring kasama si Missy kasi talagang pinapamulat ka niya sa reyalidad na nangyayari.

"Gaga, ba't ka umiiyak?" Napangiti ako nang mapait sa kabila ng pag-agos ng mga luha ko.

Tiningnan ko siya gamit ang malulungkot kong mga mata at walang pag-aalinlangan na punasan manlang ang mga luhang tumutulo. Mabuti nalang walang masyadong tao ang nasa baba ng room kaya hindi ko na mapigilan pang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko magmula nung umalis siya.

Parang naglabasan lahat. Iyong pangungulila ko sa kanya, iyong naalala kong may nobya na siya at lalo pa't nung malinawan ako sa lahat ng mga nangyayari, dahil may isang tao ang ipinamukha sa akin ang bagay na pilit kong binabaon noon pa man dahil lang sa pansariling kasiyahan.

"Tama ka. I thought I was special, but not until I saw him treating people the same way as he treats me. Now I've clearly realized that I was just one of those whom he can call a friend, or worst just a normal blockmate with no specialty involved." Pag-amin ko sa sarili.

Tulala ako saglit habang pinipigilan ang mga luhang nagbabalak pang kumalas sa aking nga mata. Kinusot ko ang mga mata ko nang mapagtantong nasa room kami. Ayokong makita ng iba na umiiyak ako kahit hindi nila alam kung sino ang iniiyakan ko.

Ayoko lang makita nilang umiiyak ako dahil nagiging mahina ako tingnan sa kanilang paningin kahit alam kong ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako naiiyak.

"Naiiyak ka na naman. Hay naku, tigilan na nga natin ang usapang 'to. Change topic na." Tiningnan ko siya nang walang emosyon kasalungat sa maliwanag niyang mukha.

"Ikaw kasi lahat nalang napapansin mo." Marahan ko siyang hinampas sa balikat at nagreklamo.

Napaismid naman siya at tinuro ang sarili gamit ang hintuturo nito. Hindi ko siya binigyan ng reaksyon kung kaya't napailing nalang siya.

"Alam kong alam mo na iyon at ngayon mo lang naramdaman kasi ibang tao na ang nagpaprangka sa damdamin mong kay higpit ng pagkakasira kapag si Kendrick ang pinag-uusapan." Dagdag pa nito.

Napabuntong hininga nalang ako at kinalma ang sarili. Nang mahimasmasan ay saglit akong nag-isip isip hanggang sa natawa na lamang ako nang may sumagi sa aking isipan. I never expected to cry for him. I never cried for boys before even to Nate, but when it comes to Kendrick, the feeling is really different that I couldn't hide how hurt I am.

"Umiyak ka ba?" We were on our way to the canteen when Kesha and I have crossed paths in a hallway.

She never hesitated to ask me that question in the midst of this peaceful hallway. Nagkatinginan kami ni Missy na animo'y may parehong naiisip. Bigla siyang umalis na sa tabi namin matapos ang eye contact namin na pagpapaalam niya. Nang mawala siya, saka ko binalingan ang kaibigan kong takang taka sa akin.

"Wala, bakit?" Mabilis na sagot ko at nag-iwas tingin sa pag-aakalang makakatakas ako sa masinsing titig na iyon.

I got startled when she suddenly touches my face and investigated me. I tried to smile and calm down. "Parang namumula ang mukha mo. Pero baka dahil lang din sa balat mo."

Mabilis kong iniwas ang mukha sa kamay niya at kinapa ito. Mainit ang magkabilang pisngi ko siguro dahil sa panahon. Sinisipon kasi ako ngayon e. Alangan namang dahil sa iyak ko kanina, luh parang patak lang iyon mula sa mata ko e.

"Wala, alis na ako." Pagiiwas ko sa kanya at mabilis na umalis.

Agad akong nagpaalam para hindi na siya magtanong pa. Siguradong pagtatawanan lang ako no'n or worst pagagalitan kapag nalaman niyang umiiyak ako sa isang lalaki at kay Kendrick pa, well kaysa naman kay Nathan edi mas lalong nagulantang iyon.


"Suggest ka rin ng ideas, Ellie. Ang tahimik mo naman diyan." Natauhan ako dahil sa sinabi ni Fia.

Saka ko lang napagtanto na kasama ko pala sila. Tamang chika lang pagkatapos ng pananghalian at kahit hindi ako nakikinig ay rinig ko pa rin ang pinaplano nilang lakad sa sabado, kaya tahimik lang ako kasi alam ko nang hindi ako papayagan nina mama kaya hindi na ako sumasali pa sa usapan nila.

"Ano bang plano niyo?" Usisa ko.

Napakamot nalang sa ulo si Lance. "Hay naku, hindi ka kasi nakikinig e." Reklamo nito.

Hindi ko pinansin at tiningnan lang si Fia sa pag-asang siya ang makakasagot sa akin.  "Iyon na nga. Nagpaplano kaming tumambay sa bahay nina Bianca sa sabado tapos kanya kanyang foods nalang tayo para hindi na nakakahiya since bahay naman sa kanila." Mahabang paliwanag nito.

Wala naman akong ibang ginawa kundi tumango lang nang tumango sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako nagbibigay ng opinyon kasi wala naman talaga akong balak sumama at 'yon ang pinoproblema ko dahil siguradong hindi sila maniniwala sa sasabihin ko.

"Magpaalam muna ako." Sagot ko kagaya ng nakaugaliang sinasabi.

Mabilis pumintig ang kanilang mga tainga at mga titig na binibigay kada binabanggit ko ang salitang iyon. Kapag ganito, handa na akong salubungin ang mga reklamo nila.

"Sus, paalam na naman pero hindi pa rin pupunta." Fia mocked me.

I nod my head. "Basta magpa-paalam nga ako."

They started teasing me but I tried my self to calm down because they don't know what's the real thing in the house. I tried to explain to them everything they need to know in order for me to be stopped torturing but they hear nothing.

"Edi sabihin mo na may gagawing project o may gawain sa school. Gosh Ellie, kahit white lies lang."

Hindi ako nakasagot dahil sa mga pinagsasabi ni Fia. Hindi ko akalaing hahayaan niyang gawin ko iyon para lamang sa kanila. Siguro kasi nasanay na talaga siya sa amin kaya nasasabi niya at nagagawa niya ang gusto niya.

"Guys, hayaan niyo na nga 'yang si Ellie, broken kaya 'yan." Kahit malayo si Missy ay pinaparamdam ko naman sakanya ang inis at galit sa pamamagitan ng pagtitig ko. Pagtawanan lang ba naman ako.

"Kanino nga?" Grr, ito na naman po sila. Pati tuloy puso ko nadadamay na rin sa sobrang kabang nararamdaman tuwing gumaganito sila.

"Sino bang crush mo?" Direstahang tanong ni Kate at nilapit pa ang mukha sa akin na ikinagulat ko. 

"Naglilihim ka na, El---"

"Okay okay, magpapaalam na ako mamaya, baka payagan ako." Bulalas ng bibig ko sa sobrang pagkataranta nang magsilapit sila sa akin.

Lahat natahimik na parang hindi agad naproseso ng mga utak nila ang narinig. Mabuti na lang at biglang nagbago ang awra ng lahat sa isang iglap. Hindi na ulit ako ang topic kaya nakahinga ako nang maluwag dahil do'n.

The next day, they planned to have lunch together at a fast food and since malapit nang matapos ang pasukan ay wala nang masyadong klase sa ibang mga subjects kaya malaki laki ang oras namin.

"Ohh, ito na." Nagtaka ako dahil sa kinikilos ni Lance na sobrang nagmamadali.

Walang salita itong umalis agad pagkatapos mailapag ang mga pagkain. Sinundan ko siya ng tingin sa sobrang pagkausisa. Nanliit ang mga mata ko para klaruhin kung sino ang mga kausap nito. Luh, mga kaklase ko iyan last year ahhh. Lumapit sila sa amin at agad binati ni Fia habang ako naman ay tahimik lang sa tabi.

"Guys, meet JJ." I lift my head when Fia talked.

Hindi pa man ako naniniwala ay narinig ko na ang boses niya dahilan para mapatingin ako agad sa likuran ko. We had an eye contact but we didn't greet each other, opposite to Fia and Lance who's casually talking to them.

I got awkward remembering our friendship before, pero ngayon ni hindi manlang nagpapansinan. And everytime I look at him, I remember Kendrick. Ano kaya ang mararamdaman ko kapag siya ang kaharap ko ngayon.

"Ang tangkad na ni J, kapantay mo na, Lance." Rinig kong bulong ni Fia pagkaalis ni J.

"Nagulat nga rin ako nung una e. Grabe pinagbago." Sagot nito.

Pinag-uusapan nila si J kahit nasa likuran lang namin pero wala naman sila kasi umorder pa muna, may naiwan lang na dalawang babae na kasama nila.

"Ellie, 'diba kaklase mo rin sila dati. Bakit hindi ka nakikipag usap, ang sama ng ugali mo." Tinitigan ko nang masama si Lay dahil sa sinabi nito.

Tumawa lang naman siya sa akin. "Luh, nakakahiya kaya."

Hindi na siya nagsalita matapos no'n kaya tinuon ko nalang din ang atensyon sa pagkain pero ayaw pa rin paawat nung dalawa, ang daldal.

"Pupunta rin si AJ pero maya maya pa." Kwento ni Fia.

Iniimagine ko talaga na sa pagdating ni AJ, ay kasama niya si Kendrick o sana umuwi rin siya para makita ko. Mas lumala tuloy 'yong pagkamiss ko sa kanya dahil sa kambal, 'yong tipong mas nagflaflashback lahat ng nangyari, kasi naman dati sila nangunguna sa pang-aasar kapag tungkol sa amin ni Kendrick lalo na ni Marius.

Nakakahiya, kasama pa naman nila si Lorie at kahit siya ay hindi ko nakakausap, but we are always having an eye contact and sometimes we gave a small smile with each other. Natapos kaming kumain nang hindi pa dumarating si AJ kaya't hindi nalang sana namin hihintayin pa ngunit akalain mo nga namang sa pintuan pa talaga nagkita kita.

"AJ, ba't ngayon ka lang dumating. Sayang, paalis na tuloy kami." Patampong bungad ni Lance rito.

"Ang aga naman, Lance, pero sige sa chat nalang tayo mag-usap o baka sa ibang pagkakataon kung hindi pa kami makabalik ng Manila. Kita tayo." Sagot nito.

Naghanda na kami sa pag-alis namin at nag krus ng mga landas ngunit bago iyon ay nagpaalam pa siya ulit.

"Bye, guys. Bye, Ellie."

Hindi ko inasahang pati sa akin ay magpa-paalam rin siya kung kaya't sa sobrang taranta ay napangiti nalang ako nang kaonti nang hindi nagsasalita. Ang tatangkad na nga talaga nilang dalawa. Dati halos kapantay ko lang sila na hanggang balikat kay Kendrick, pero ngayon halos magpantay na sila kay Ken at Lance.


"Ellie, may balita ka na kay Kendrick?"

I was reviewing my notes when Missy came just to ask about Ken. Saka ko pang napagtantong ilang araw na rin pala siyang hindi nagpaparamdam sa fb o sa mga mydays niya kaya wala akong balita.

Napailing ako. "Bakit?"

Umupo siya sa tabi at mas lumapit. "Parang ang tahimik nila ng girlfriend niya. What if naghiwalay na sila?!" Bulalas nito sa harapan ko.

Nagulat ako sa sigaw niyang sumakop ng buoug tainga ko, ang lapit niya pa talaga tapos sisigaw siya ahh. "Anong pinagsasabi mo? Judgemental mo naman. Malay mo busy lang, tsaka pwede ba bawas bawasan mo na nga 'yang kakabanggit sa kanila."

Nakakainis na ahhh. Nakaka suffocate rin minsan marinig ang pangalan niya kung kada segundo nalang ay iyon ang papasok sa taenga mo. Napailing nalang ako. Pa'no naman ako makakamove on kung ako nga mismo nahihirapan pa tapos dinadagdagan pa niya ng asar.

"Hmmm, I really smell something like a break up, feeling mo?" Ayaw talaga patinag.

May sariling mundo lagi. Kahit ngayon, nakatutok siya sa phone habang nagsasalita. Napabuntong hininga nalang ako at hinarap siya.

"Pakiramdam ko masaya sila at hindi lang talaga showy masyado, pakialamera ka lang talaga." Pagtatanggol ko.

Kumukunot na ang noo ko't hindi ako maka pokus sa ginagawa dahil sa kadaldalan ni Missy. Ako pa talaga ang na hot seat niya.

"Sus, matutuwa ka lang kapag nagkatotoo sinabi ko e. Aminiiin." Nag make face pa ako sa kanya at hindi na ulit nagsalita para tumahimik siya. 

Umalis siya ilang segundo nung hindi ako nagsasalita kaya naman payapa na ang oras ko ngayon. Umalis siya't iniwan akong tulala habang iniisip si Kendrick dahil kay Missy. Aaminin kong sasaya talaga ako kapag nalaman ang break up nila kahit hindi magandang pakinggan, pero kung hindi rin naman ay masaya pa rin ako.

Hayss kakaisip ko sa kanila, imbis na mag review ito na naman akong iniistalk na naman sila. In a relationship pa rin naman sa status ni Kendrick pero iyong sa babae, ni wala nga ata akong napansin dati na may gano'ng status e.

"Ang saya niyo siguro 'no. Sana all." Bulong ko.

Ilang araw ang lumipas at hindi pa nga siya nagpaparamdam sa mga posts niya ngunit biglang nalang isang araw nang makita ko ang panibagong post niya na may kinalaman sa pag-ibig.

Gabi na pero kausap ko pa rin through chats si Missy at paulit uli akong kinukulit tungkol kay Kendrick.

Missy : Nakakainis, wala akong makuha na infos e.

Ellie : Hoy, tanga para kang ewan.

Missy : Support lang naman ako sa lovelife mo e tsaka nakonsensya ako dahil pinaiyak kita nung isang araw.

I chuckled. I didn't expect Missy to be this naughty. Akala ko isa siya sa makapagbibigay ng sakit ng ulo dahil sa asar pero ang kinalabasan, siya pa ang naging kakampi, kausap, karamay at katulong ko kay Kendrick.

Ellie : Bahala ka na nga.

Missy : Pagbubutihan ko ang paghahanap para sa happiness mo, girl.

Ellie : Happiness your face. Nag break tas happiness?

Missy : Ah basta kung ano man 'yang mararamdaman mo atleast alam mo lang ang totoo.

Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong hindi siya makikinig. I had a good sleep without thinking about Ken and his girl for a while.

"This is it, guys! Third year, here we come!"

Ilang buwan na ang nakalipas at summer na nga pero sa nagdaang mga araw ay hindi pa rin napapatunayan ni Missy ang pinaniniwalaan niyang hiwalayan ni Kendrick at ng girlfriend niya kaya malakas talaga ang kutob ko na hanggang ngayon ay sila pa rin, staying strong. Hinahayaan ko nalang at hindi sila masyadong iniisip.

"Gala na tayo."

Napagisipan naming gumala dahil summer naman naman at ilang weeks na rin bago kami huling nagkita. Sina Fia ang kasama ko at mabuti nalang ay pinayagan akong gumala kaya kahit papano ay nakasama ko sila.

"Ellie, may chika ako. Big revelation na 'to, girl."

I was happily eating my food but Missy keeps on bugging me with her chika again while Fia talks different topic beside us. Walang gana ko siyang tiningnan dahil sawa na akong marinig ang walang sawa niyang sumbong na wala namang saysay minsan.

"Girl, you really have to know this!"

Patawa tawa pa siya habang may kung anong kinakalikot sa phone nito at makabuluhan ang mga pinagsasabi. Sus, ano namang bagay ang malalaman ko para ikasasaya ko.

"Ano na naman----"

Napatigil ako nang bigla niyang tinapat sa mukha ko ang screen ng phone. Tulala akong nakatitig doon na hindi alam ang magiging reaksyon.

"Now you really need to believe me." Matapang na saad nito sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
173K 1.1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
309K 29.9K 55
When Rosalie Winthrop, an earl's daughter, writes letters to her future husband, she doesn't expect him to be a penniless orphan. *** Sheltered by he...
591 185 13
This is the painful story about my first boyfriend, the stress and anxiety eat me little by little