The Night We Met in Intramuros

By Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

09

24 4 0
By Savestron

LOST ALONG THE WAY

SA biyahe papunta sa unknown destination, we have to say 'bye to Bulacan. Pero sa ngayon, wala akong ideya kung saan kami papunta. I did not get to see Blythe here in Bulacan, not even in Nueva Ecija. Siguro, hindi pa rito. Hindi pa sa ngayon.

Nandito na kami sa gitnang bayan ng Bulacan. Naisipan namin ni Jiovanni na magluto ng sarili naming ulam mamaya. Pumunta kami sa palengke at bumili ng mga kakailanganing kasangkapan sa lulutuing ulam. Menudo ang napagkasunduan naming lutuin kaya namimili ako ng carrots, patatas at karne. Nang makabili ako ay bumalik agad ako sa sasakyan dahil mukhang iiyak na naman ang mga ulap. Weird, ang taas ng sikat ng araw kanina 'tapos biglang uulan. 'Sabagay August na, rainy season na nga pala.

"Okay na ba lahat ng pinamili?" tanong ni Jiovanni pagkasakay sa kotse.

Nailagay ko na sa back seat ang mga plastic bag na naglalaman ng mga pinamili namin. Umalis na rin kami sa parking space dito sa palengke pero hindi pa kami nakakapag-decide kung saan kami tutuloy.

***

PAGPASOK namin sa isang simpleng hotel ay mas lalo kaming gininaw dahil napakahangin sa labas na sinabayan pa ng malakas na ulan. Naupo si Jiovanni sa sofa ng hotel lobby, ako naman daw ang magbabayad kaya ako na ang bahala.

"Sir, wala na po kaming available na double bed, small size bed na lang po ang mayro'n, small room din po. Marami rin po kasi ang nag-check in kanina. You may check the room now, sir," wika ng receptionist.

Sumenyas ako kay Jiovanni at pinalapit ko siya. "Small bedroom lang ang available, 'tapos small bed din daw."

"Okay lang, sanay ka naman matulog sa sofa."

Tumango na lang ako, hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil kaharap ko ang receptionist. "Kunin na namin itong room, ma'am."

Habang nasa elevator ay mukha kaming magkapatid na namalengke. Kung ano-ano ang bitbit namin na para bang hindi na kami lalabas ng kuwarto.

"Ay, tanga! Wala nga palang lutuan sa hotel room," bigla niyang sigaw.

Dahil dito, nagpalipas lang kami ng isang gabi sa hotel. Lumabas din kami kinabukasan dala ang mga gulay na pinamili namin.

"Hindi ba mabubulok 'tong mga carrot?" tanong ko sa kaniya pagkasakay sa kotse.

"Sa ilalim nga ng lupa hindi nabulok, sa aircon pa kaya?" Tiningnan niya ako nang masama. "Common sense lang 'yan."

Nandito pa rin kami sa parking space ng hotel. Hindi pa kami nakakaalis dahil nagtatalo pa kami kung saan kami pupunta.

"Saan?" tanong ni Jiovanni habang nagdo-drawing ng kung ano-ano sa mahamog na bintana ng sasakyan. "Magbigay ka nga ng letter."

"Letter? T."

"Oh, letter T. Eh, 'di Ti-" Natigilan siya at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Bastos iniisip mo, 'no?"

"Tagaytay."

"Uso ngayon ang mga Korean food, 'di ba? Tara," bigla niyang suhestiyon nang mabanggit ng DJ ng radio station ang Korean barbeque.

Pagdating namin sa request niyang Korean restaurant, um-order na agad kami at saka naghintay sa lamesa. Ramen house itong napuntahan namin, sakto lang sa medyo malamig na panahon. Umaambon pa hanggang ngayon. At wala pang five minutes, nai-serve na ang order namin.

Humigop ako ng sabaw at hindi kami nagkamali ng pinuntahan, masarap ang pagkain dito. Sinundan ko na rin ng noodles at muling humigop ng sabaw. Tahimik lang akong kumakain pero napahinto ako nang may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa likuran ko pero walang tao. Pagharap ko, nakita ko si Jiovanni. "Uto ka, hindi pala ako marunong mag-chopsticks, nakalimutan ko na."

"Sabi mo kanina marunong ka?"

"Kakamayin ko 'to."

"'Wag. Manghingi ka ng utensils," bulong ko sa kaniya dahil may mga kumakain sa katabing table.

"Itadakimasu!" mayabang na sabi ni Jiovanni pagkaupo matapos kumuha ng utensils. May hawak na siyang tinidor kaya malakas na ang loob na kumain ng ramen.

"Baka hindi ka pa marunong gumamit ng tinidor?" biro ko sa kaniya.

"Ano ako, hayop?"

Matapos kumain, nagmadali na kaming lumabas sa restaurant at agad bumalik sa sasakyan.

"Ang sakit ng tiyan ko, nakakabusog." Halos mapahiga na si Jiovanni sa driver's seat.

"Dapat lang na mabusog ka, ang mahal din n'on."

"Tagaytay na ba talaga?" tanong niya. Tinanguan ko na lang siya.

Sa pagpapatuloy namin sa aming biyahe, nakaramdam ako ng pagkainip. 'Yong feeling na parang ngawit na ngawit ka na, pero wala kang magawa kun'di umupo lang at mainip pang lalo.

"Tunganga talaga," bulong ni Jiovanni nang makitang nakatulala na naman ako.

Ilang oras din ang estimated time ni Jiovanni bago makarating sa Tagaytay. Malamig kaya ngayon doon?

"Malamig yata ngayon sa Tagaytay," bigla niyang sabi na sagot sa tanong ko sa aking isipan.

Telepathy?

Nag-earphones na lang ako at nakinig ng mga kantang nai-download ko bago kami umalis. Napaisip din ako kung mayro'n ba kaming bagong makikilalang kaibigan do'n. Lahat kasi ng napuntahan ko ay may nakilala ako. Una, sa Nueva Ecija, nakilala ko ang mokong na katabi ko. Pangalawa, sa Bulacan, si Estelle at Faith. Pangatlo na ang Tagaytay, sana ay may bagong kaibigan.

Lumalim nang lumalim ang aking pag-iisip hanggang sa sumagi sa isip ko na, hindi kaya may iba ngang purpose ang paglalakbay na 'to? 'Yong parang may purpose ako sa bawat taong makikilala ko sa adventure na ito. Siguro, may kailangan akong gawin sa buhay nila, kailangan kong dumating sa buhay nila-dahil 'yon ang misyon ko? Maybe. Hindi ko alam kung tama itong hinala ko. Lahat ng 'yon ay parang isang malaking misyon na kailangan kong magawa sa paglalakbay na ito, at si Blythe ang huli kong makikilala.

Matapos ang isang oras kong pagtulog sa biyahe, medyo nakaramdam ako ng gutom kahit kakakain lang namin. Tumingin ako kay Jiovanni pero mukhang hindi pa siya gutom. Nasabi ko iyon dahil kapag gutom siya, matamlay siya. Pero ngayon ay hindi naman, mukhang okay pa siya. Dala na lang siguro ng pagkainip kaya feeling ko'y nagugutom ako.

"Mga thirty minutes pa," wika niya.

"Ano'ng mayro'n?" tanong ko naman.

"Magmemeryenda."

May telepathic connection ba kaming dalawa? Halos lahat ng tanong ko sa isip ko, nasasagot niya kahit hindi ko naman itinatanong sa kaniya.

Umidlip ako sandali pagkatapos ng maikling pag-uusap namin at nagising din agad. Thirty minutes na 'yon?

"Nandito na tayo sa langit-joke. Bumaba ka na riyan, magmeryenda na tayo. May shawarma rito, tara." Kinatok niya ang ulo ko.

Sumunod ako sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan. Natanaw ko siya sa isang lamesa sa tapat ng mga food stall kaya nilapitan ko na siya. "Um-order na ako," bungad niya.

"Wow, galante." Umupo na ako.

"Anong galante? Hindi, ah. Ikaw magbabayad niyan, ako lang ang um-order, kaya kain na," sagot niya bago kumagat sa shawarmang hawak niya.

Tumayo na lang ako at iniwan siya. O-order ako ng iced coffee.

"Ako rin, ah!" pahabol niya.

Nang maka-order at makabalik sa mesa, it took me a minute to realize that he just bought a whole meal platter-just for the two of us. Are we supposed to finish these?

"Hoy! Bugok ka, ngayon ko lang napansin, bakit ang dami mong in-order? Hindi natin 'to mauubos," agad kong sabi sa kaniya nang maupo akong muli sa harapan niya.

Napakunot-noo naman siya dahil sa sinabi ko. "Huh? Kakaunti lang 'yan, at puwede ring mag-take out just in case hindi maubos. Don't panic, just calm."

"Just be calm."

"Ikaw na perpekto."

Tatlong shawarma, dalawang burger, one large fries, chicken barbeque, pork barbeque, may kasama pang ice cream at onion rings, plus itong dalawang iced coffee. Lahat ng 'to, siya ang um-order maliban sa iced coffee. Meryenda pa ba 'to? Parang bibitayin na kami sa dami nito.

"'Di ka pa ba busog?" tanong ko dahil naiinip na ako. Tapos na kasi akong kumain kaya wala na akong ginagawa kun'di ang panoorin siya. Ayos lang din naman kasi sayang ang mga pagkain kung hindi namin mauubos-kung hindi niya mauubos. Mapipilitan pa kaming ipa-take out ang mga ito kung hindi na kakayanin ng bituka nitong si Jiovanni ang lahat ng pagkaing nasa harapan namin.

Pero saan nga ba talaga kami pupunta? Sigurado na bang sa Tagaytay? Baka naman may iba pang mas dapat naming unahin? Manila? Bataan? Ilocos? Wala pa akong plano. Gusto ko rito muna sa Luzon bago kami pumunta sa Visayas at Mindanao, kung may time pa at kung kakayanin pa ng budget. Kahit saan pang sulok ng Pilipinas 'yan, pupuntahan namin basta kaya at puwede pa.

Hindi lang ito basta adventure kaya susulitin ko na. Saka wala namang masama kung gusto kong i-enjoy ang semi-takas adventure na 'to kasama si Jiovanni.

Nakahinto na kami ngayon dito sa kahabaan ng highway sa gitna ng tila isang gubat. Woods ang pagkakaalam ko sa lugar na ganito. Hindi ko inaasahan na may ganito pala rito sa Bulacan. Hindi kaya shortcut ang nadaanan namin kaya liblib at walang masyadong dumaraan? Para bang abandoned place ang dating nito pero hindi naman masyadong creepy kahit malayo na sa kabahayan at mismong highway.

"Tara na. Baka kung sino pa ang nandiyan," sabi ko dahil masama ang kutob ko sa cabin na nakikita namin ngayon.

Sumunod naman siya sa sinabi ko at paaandarin na sana ang sasakyan pero ayaw na nitong mag-start. "Naubos na 'yong gas?" Napatingin sa akin si Jiovanni, nagtataka.

Ilang segundo lang ang lumipas, nanlaki ang mga mata namin at halos magyakap na kami nang mayroon kaming narinig na boses ng isang lalaki. Sumisigaw siya at dinig namin ang yabag ng kaniyang mga paa. Papunta siya sa direksiyon namin habang tumatakbo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 724 25
[OLD] Dahil sa utang at pangangailangan ng pera ng Pamilyang Criste ay natigil mag-aral si Faye, lalo pa't iniwanan sila ng kanilang ama nang lumulub...
374K 1.7K 8
Zein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete fa...
3.4M 8K 6
✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahi...
924 158 33
[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with an introvert and serious personality. She also have an attitude t...