Purest-Tainted Heart

By Sea_chery

2K 24 6

Love is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. ... More

Authors Noteโค
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 21

23 0 0
By Sea_chery

“Iha ano nga pa lang kailangan mo?” tanong sa akin ni Mr. Ricardo Corpuz ng makabalik siya sa kaniyang kinauupuan matapos niya akong ginawaran ng yakap.

“Inihatid ko lang po itong folder na para raw po sa inyo.” nakangiti kong sagot.

“Yan na raw ho yung papeles na hinihingi mo kay Mr. Krux.” dagdag kong ani.

“Ah sige salamat sa paghatid nasaan ba ang batang yun at bakit ikaw ang naghatid?” balik tanong nito sa akin.

“Nasa faculty room po may ginagawa rin po yata. Mauuna na po pala ako sa inyo sir, may klase pa po kasi ako. Magandang araw po sa inyo.” magalang kong saad bago napagpasyahang umalis.

“Reign wait!” rinig kong saad nito ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kaniyang office.

“Sorry po sir pero hindi po Reign ang pangalan ko, Angel po.” sabi ko ng humarap ako sa direksiyon niya.

“Yeah, sorry I just miss my daughter so much and you look like her so I really thought you’re my daughter.” natatawa nitong saad habang napapakamot sa kaniyang batok.

Kanina pa ito kung makatitig sa akin puno ng pangungulila. Nasaan na ba kasi itong si Reign! Hindi man lang naawa sa kaniyang ama at talagang iniwan ito.

“By the way can I talk to you later if you’re free?” alanganin nitong sambit.

“Please.” dagdag pa nito.

Nahiya naman ako sa inakto ng lalaki.

“Of course sir no need to say please. Sino ba naman ako para humindi sa request ng isang may ari ng school na ito." saad ko.

"Pupuntahan nalang ho kita rito mamaya sir. Mauuna na po talaga ako sa inyo. Sorry po talaga malapit na ho kasi yung klase ko. Hindi po ako pwedeng lumiban kasi late po ako kanina.” napapakamot sa ilong kong sabi.

“Oh sige mag ingat ka see you later." nakangiting sambit nito. Ngumite rin ako pabalik.

“Kayo rin po sir.” huling saad ko bago lumabas ng office.

Habang naglalakad ay naweweirduhan ako ng sobra kay Mr. Corpuz. Sino ba namang hindi kung tatawagin ka bigla sa ibang pangalan at yayakapin ka ng hindi ka pa ready hindi ba?

Pero nakakalungkot, ano kayang nangyari kay Reign at bakit wala siya sa tabi ng kaniyang ama? Ramdam na ramdam ko sa higpit ng kaniyang yakap ang isang matinding pangungulila niya sa kaniyang anak. Ang mas nakakaweird para sa akin ay nong kayakap ko siya ay parang ang sarap sa pakiramdam.

Parang pakiramdam ko alam ko ang yakap na iyon, na minsan na rin akong niyakap ng mga brasong iyon. Susmeyo marimar hindi naman siguro ako si Reign ano?!

Hindi naman yata ako ampon lang? Hindi naman siguro nagsinungaling sina Mommy and Daddy sa totoong mga magulang ko hindi ba? Gosh susmaryosep na yan!

Napapailing akong naglalakad papasok sa pangalawang klase ko dahil sa pumapasok sa isip ko. Pagkapasok ko ay wala pa ang instructor ko kaya kinalikot ko muna ang aking cellphone ng may bigla akong natanggap na text sa isang unknown number na minsan ng nagtext sa akin sa katauhan ni Axxel.

“Where are you? I've been waiting here for so long. Why aren't you coming back?"

#🥺

Nagsalubong naman agad ang dalawa kong kilay.

"Anong pinagsasabi mo diyan, Axxel. Wrong sent?" reply ko rito.

Maya maya pa ay nagreply naman ulit ito sa akin.

"Tsk. It's not Axxel. It's Elmer." ani nito.

Hindi na talaga magkamayaw ang curiosity ko sa nalaman. Ano bang mayroon sa dalawang ito?

"Ah, right! How did you get my number?!" balik text ko.

"Secret! Nasaan ka nga?" sabi nito.

Napabuga ako ng hangin sa inis. Itong lalaking to talaga sarap tirisin. Pinaglalaruan yata ako nito eh.

Pinili ko nalang huwag magreply. Bahala siya diyan!

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin tingin ng mga larawan sa pinterest. Maya maya pa ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Hi!" bati nitong si Ivan.

"Hi, mag isa ka lang yata? Nasaan mga feelingero mong kaibigan?" saad ko.

“Hindi ko nga alam. Late ako kanina kasi napasarap ang tulog ko nimals kaya hindi ko sila kasama. Ikaw ba hindi mo sila nakita?” tanong niya.

Napapakamot ako sa ilong ko bago sumagot.

“Iyon na nga rin eh, same vibes pala tayo late rin ako kaya hindi na ako pumasok.” natatawa kong sambit na ikinangiti naman niya.

Pagkatapos ng ilang minutong chikahan naming dalawa ni Ivan ay pumasok na nga ang aming professor.

*** Lunch Break ***

Sabay kami ni Ivan na naglakad patungong cafeteria.

“First year ka pa rin ba Ivan?” tanong ko habang naglalakad kami.

“Hindi 3rd year na ako. Information Technology student.” sagot niya at namulsa pa bago ako nilingon.

“Bakit?” tanong niya.

“Wala lang tinatanong ko lang ganoon din ba sina Bradley, Eroy at Sugarol?” tanong ko ulit.

“Oo pareho kaming 3rd year student pero iba iba kami ng course. Si Bradley at Jeremiah parehong Marine Engineer samantalang si Eroy Accountancy ang kinuha.” sagot niya.

Tumango tango ako.

“May tanong ka pa?” natatawa nitong saad.

“Oo marami pa,” natatawa ko ring sagot.

“Paano pala kayo nagkakakilala. It seems kasi na parang ang close niyong apat?” dagdag kong tanong.

“Childhood best friend ko si Eroy. Si Jeremiah naman at si Bradley ay ganoon rin. Nagkakilala kaming apat sa isang sports feast noong first year kami." pagkukuwento niya.

"Sumali kasi kaming dalawa ni Eroy ng Basketball at silang Bradley naman Badminton. Nagkasabay kami isang beses sa cafeteria tapos ayun na. Lagi na kaming magkasamang apat. Napalapit na rin sa akin ang mga unggoy na iyon.” dagdag nito.  

“Ahhh," tatango tango kong sagot. 

Nakarating na kaming dalawa sa cafeteria. Nauna siyang pumasok kesa sa akin kaya nasa likuran niya ako.

“Bro! Is that really you?” rinig kong saad nitong si Ivan.

Hindi ko naman makita kung sino ang kausap niya dahil ang tangkad nitong si Ivan tapos may kalakihan din ang katawan.

“Yes! Its me your no other than handsome friend.” sagot ng lalaki.

“Kailan ka pa nandito? Bakit wala ka man lang pasabi?” tanong ni Ivan.

“Just recently. I planned to surprise the BOYS so yeah." sagot ng kausap ni Ivan.

Ahm baka pwedeng maupo na muna kayo bago niyo ipagpatuloy yang reunion niyong dalawa?” singit ko sa usapan nila.

Sinilip ako ng kausap ni Ivan.

“Angel?”

“Elmer?”

Magkasabay naming saad.

Magkakilala kayo?” sabay naman naming tanong kay Ivan.

“Kailangan talaga magsabay? Maupo na nga muna tayo.” sagot ni Ivan at naunang naupo.

Lumapit sa akin si Elmer at hinawakan ang kamay ko palapit sa lamesa at ipinaghugot pa ako ng upuan.

“Thanks?” naguguluhan kung sabi.  

Kinindatan lang ako ng huli bago naupo sa harap ko. Nakamasid lang sa among dalawa itong si Ivan.
  
“Oorder lang muna ako. Anong gusto mong kainin Angel?” tanong sa akin ni Ivan.

Sasagot na sana ako ng maunahan ako nitong si Mr. Krux.

“I'll order for her. I know it's cheese cake, fries, cheese sandwich, chicken mayo, hotdog, chicken teriyaki, clubhouse and chocolate juice are your favorite. Right love?” tanong nito na may kasamang kindat pa.

Mas lalo lang akong naguluhan sa mga nangyayari. Bakit niya alam mga favorite food ko?

“Yeah, you’re right but clubhouse, cheese sandwich, fries and water will do.” wala sa sariling sagot ko.

“Okay then, wait for me to comeback to you. Tara na bro lets order!" excited nitong saad.

“Hindi ba ako kasali sa oorderan mo?” takang tanong ni Ivan.

“Nope ano ka sinuswerte? Tara na nga baka nagugutom na si Love.” sagot ni Elmer bago hinila si Ivan sa counter para umorder.

Sakto namang pagtalikod ng dalawa ay dumating si Keith at Amber.

“Nandito ka na palang bruha ka hindi mo man lang kami hinintay.” nakasimangot na bungad sa akin ni Keith ng makaupo na siya.

“Oo nga nakakatampo.” nakanguso ring saad ni Amber.

“Sorry! Nakisabay lang rin ako kay Ivan eh." sagot ko.

“Che! Sana man lang no nagtext ka samin. Manlibre ka ngayon ng mapatawad ka namin.” nakangising sagot ni Keith.

“Ano ba yan ang yaman mo na nga nagpapalibre ka pa sakin eh nilibre na nga lang din ako.” nakanguso kong sagot.

Parehong nagtaas ng kilay ang dalawa.

“Sino ni Ivan ba? May gusto ba yang Ivan sa iyo? Nakita ko kayong pumasok sa isang pizza hut nong nakaraan ah. Umamin ka sa aming bruha ka.” banat ulit ni Keith.

Natatawang napapailing naman si Amber na nasa tabi nito.

Makabruha ka naman diyan!" nakanguso kong saad.

“Walang gusto sa akin si Ivan. May pinag usapan lang kami ng araw na iyon. Tsaka hindi rin siya ang nanlibre sa akin ngayon. Huwag kang maissue diyan!" nagbabanta kong ani.  

“Kung hind siya eh sino!?" aniya ni Keith. 

“Ako.” sagot ni Elmer na may dalang dalawang tray na naglalaman ng inorder niyang pagkain.

Nakasunod naman rito si Ivan na parang wala lang.

“Here Love! Eat well." saad ni Elmer habang inaayos pa ang mga pagkain ko sa aking harapan.

“Anong gusto niyong kainin girls? Mag oorder ako ulit.” tanong pa nito sa dalawa.

Tiningnan ko si Keith at Amber at gusto kong bumunghalit sa tawa sa reaksiyon ng dalawa. Nakatulala ang mga bruha at halos hindi na kumukurap na nakatitig kay Mr. Krux.

Aray!” sabay na igik ng dalawa. Pinitik ko sa noo pareho.

Iyong laway niyo tumulo na oh! Nakakahiya. Umayos kayo huwag masyadong tumitig, tutusukin ko talaga mga mata niyo kapag yan natunaw.” saad ko.

Umupo sa tabi ko si Elmer at tumawag ng isang staff ng school.

Umorder na kayo libre ko. Iyon nga lang hindi ako kasali sa menu.” natatawang saad ng lalaki sa dalawa.

Nagsiyukuan naman ang dalawa sa hiya.

“Order na raw mga beh bilisan niyo ng sabay na tayong makakain. Huwag niyong hintayin magbago isip niyan sige.” saad ko na sinunod naman ng dalawa.

Habang naghihintay sa pagdating ng order ng dalawa ay pinakilala ko muna sila sa isa’t isa. Dahil masyadong friendly itong mga kaibigan ko ay hindi nga nagtagal ay sobrang dumaldal na sila lalo na si Keith. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain ng biglang dumating si Axxel.

“Hi everybody. Hi Love!” bati nito bago lumapit sa akin at nakipagbeso beso.

“Hi," bati naman namin pabalik.

"Tapos ka na mag lunch?” tanong ko.

“Hindi pa nga eh teka babalik lang ako oorder muna ako. Kyle pwedeng magpasama sayo please?” saad ni Axxel.

“You order. I'm not yet done eating."  walang ganang sagot nitong si Elmer.

Nagkatinginan naman kami ni Amber at Keith. Nagpakawala muna si Axxel ng isang pilit na tawa bago sumagot.

“Sabi ko nga. Alis muna ako.” anito.

“Samahan na kita tapos na rin naman ako.” suhestiyon ko.

“Huwag na okay lang. Kaya ko naman mag order mag-isa.” sagot nito at umalis na.

I felt a pang on my chest but I just disregard it. Kaya naman pala umorder mag isa bakit nagpapasama pa?

“Kain na ulit kayo.” saad ko nalang bago kinuha ang water bottle at tinungga ang nangangalahating laman nito.

Pakiramdam ko nawalan ako ng gana lalo na ng makabalik si Axxel at pinausog pa ako dahil nakipagsiksikan siya sa gitna namin ni Mr. Krux.

Nagkuwentuhan pa rin kami pero nawalan na ako ng gana kaya nanatili lang akong tahimik. Sumasagot lang kapag tinatanong.

Pagkatapos kumain ay pumasok ako sa panghapong klase ng walang gana. Umuwi rin ako agad pagkatapos ng aking klase. Hindi ko na hinintay pa sina Keith at Amber at mas lalong hindi ko sinipot si Mr. Corpuz at si Elmer, bahala na bukas hihingi nalang ako ng sorry.

Pakiramdam ko kasi sirang sira na araw ko pagkatapos ng eksena namin sa loob ng cafeteria. At hindi naman yata tama kung haharapin ko ang dalawa lalo na si Mr. President ng wala ako sa kondisyon nakakabastos iyon. Bakit ba kasi apektadong apektado ako sa nangyari kanina. Susmaryosep naman!

Paano ba naman kasi halatang halata na lumalandi si Axxel kay Elmer. At aaminin kong masakit sa heart. Masakit makitang may lumalandi sa bebe mo.

Masakit makitang harap harapang nilalandi ang taong gusto mo.
Masakit sa pakiramdam na ang dali lang para sa kanilang landiin ang taong gusto mo pero ikaw hirap na hirap.

Ngunit mas masakit at mas nakakawalang gana kapag naalala mong wala ka palang karapatan dahil wala namang kayo.

I don't have the right to claim what's not mine in the first place.

End of Chapter

“Sobrang nakakasama ng loob na makitang yung taong gusto mo nilalandi ng iba at mas lalong nakakasama sa pakiramdam na ang mismong lumalandi rito ay best friend mo pa.”

@sea_chery

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 1K 23
this story is about our former president and former first lady (1965-1986). (Unedited kaya minsan may mga failed )
3K 190 47
Itong istoryang ito ay para sa dalawang taong nagkakilala Isang dekada ang nakakalipas at nagkita muli. Si Ethan na naisipang maghigante dahil sa pag...
613K 32.6K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
3.1K 137 32
Parang namuo sa sikmura ni Gabriella ang kinain niya nang malamang ang secret crush ni Warren ang rason kung bakit gusto ng guwapong dyslexic na matu...