I
Malakas na hagulhol ng hikbi ang narinig,
Kasabay ng mga binting nanginginig,
Palakas ng palakas din ang mga pintig,
Maraming mga mata ang saki'y nakatitig.
II
Isa,Dalawa,Tatlo---Lakad patakbo,
Nagmamadali na ika'y matungo,
Habang ngiti'y unti-unting naglalaho,
Natira'y mga emosyong naghalo.
III
Nang makita ka'y biglang nanlumo,
Napakapit sa dingding upang makatayo,
Nahulog narin ang dala kong panyo,
Ang saya'y tuluyan ng naglaho.
IV
Hikbi ang sa akin ay kumawala,
Nagsituluan ang maraming mga luha,
Dalawang mata'y tuluyang namumula,
Sayo'y nakatitig mahal kong Ina.
V
'Di na kita muling mahahagkan,
Nawalan ng matatag na sandigan,
Hindi na kita muling masisilayan,
Tuluyan mo na nga akong iniwan.
VI
Lumisan kana ng tuluyan Ina,
'Di ka na muling makikita,
Naiwan mo nalamang ay ala-ala,
Ngayo'y paalam na Ina.
VII
Pipilitin kung muling sumaya,
Kalilimutan ang lungkot ng yung pagkawala,
Bubuo ng panibagong masasayang ala-ala,
Pipilitin kahit alam kong wala kana.