A Mystery to Athena; It'sYou

By CecaniahCloveR

11.5K 1.2K 2.1K

Highest Ranking: 55th in ChicLit (09/28/17) 965th in Romance (10/14/17) S... More

A Mystery to Athena Synopsis
ANNOUNCEMENT (I dare you not to read this)
FAVOR
Chapter 1 - Athena
Chapter 2 - Xander and Jurais
Chapter 3 - Gee
Chapter 4 - GRS Trouble
Chapter 5 - The long time friend
Chapter 6 - The Mystery Kiss
Chapter 7 - So Stupid
Chapter 8 - Savior in Shining Armor
Chapter 9- Nothing is changing ... yet
Chapter 10- Dark Knight
Chapter 11 - Prince Charming
Chapter 12 - Combing .... not Caressing
Chapter 13 - The Stalker Cat slash Xander's Wife
Chapter 14 - Cooperate!
Chapter 15 - Leeven Knows How To Count
Chapter 16 - To protect you ... again
Chapter 16 - Ability to Stalk VS Ability to Annoy
Chapter 18 - Unwanted Limelight and Yearned Freedom
Chapter 19 - Wrong Move
Chapter 21 - The hero's villainous face
Chapter 22 - The best for her
Chapter 23 - My undies are cuter than that!
Chapter 24 - 'Magic Moment'
Chapter 25 - It's all a dream
Chapter 26 - "Summer" Rain
Chapter 27 - The hair, the mole, and the cat
Chapter 28 - Someone who will find you
Chapter 29 - Walk with me
Chapter 30 - Screwed
Chapter 31 - Back Again
Chapter 32 - Clap, Clap, Clap
Chapter 33 - Harder, Deeper
Chapter 34 - Charged
Chapter 35 - Headache
Chapter 36 - Torture
Chapter 37 - For Me
Chapter 38 - Doomed
Chapter 39 - Close your Eyes
Chapter 40 - The End
Chapter 41 - Drunk
Chapter 42 - You'll see
Chapter 43 - Hypocrite
Chapter 44 - Garfield

Chapter 20 - On his knees

267 27 40
By CecaniahCloveR

Jurais opened his eyes when the hit he expected didn't even touch him. Nasa bisig niya ang halos walang malay na katawan ni Athena. Nanginginig ito sa pagod at takot. Nang iangat niya ang paningin ay nakatayo pa din sa harap nila si Ares. Pero hindi katulad ng kanina ay wala na sa kanila ang atensyon nito kundi sa bagong dating na si Gee. Tila bulkan na nagpipigil sa pagsabog ang itsura ni Gee while Ares seems to be enjoying himself. Hawak ni Gee ang nakataas nitong kamay na sana ay tatama sa kanya nang tangkain niyang protektahan si Athena.

Jurais wanted to be pissed dahil nawalan ng silbi ang pagharang niya para hindi tamaan ni Ares si Athena. He wanted to curse Gee for making him feel useless. Pero hindi niya magawa. He's just happy na ligtas si Athena. Kahit na sino pa man sa kanila ang dahilan noon.

"Oh Gee! Buti nakarating ka! Nainip ka bang hintayin ako sa bahay ko?"

Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Ares sa sinabing iyon but for some reason, lalong dumilim ang anyo ni Gee dahil doon.

"Take Athena and leave," utos sa kanya ni Gee nang hindi inaalis ang tingin kay Ares.

Ayaw man niyang sumunod sa utos ng isang kagaya ni Gee, wala siyang magagawa. Gee's right. Dapat na niyang alisin si Athena dito. Tinapik-tapik niya ang pisngi ng dalaga. She's conscious but her face is blank. "Athena, it's okay. You're safe."

"Ooops... hindi pwede yan," pagtutol ni Ares pagkatapos kasabay ng pag-angat nito ng isang paa.

Then it all happened at the same time.

Athena screamed in pain.

Jurais cursed himself.

And Gee snapped at Ares.

Lalong ikinatuwa ni Ares ang naging reaksyon nila. Bahagya itong tumawa kahit pa hawak na ni Gee ang kwelyuhan ng damit nito. "Ano Gee? Kaya mo?" paghahamon nito kay Gee. "Bago mo pa ako masuntok ay kaya ko nang paghiwalayin ang binti at paa ng syota mo."

Jurais hushed Athena. Nakasubsob ito sa dibdib niya at mahinang dumadaing sa sakit. Her knees lay half bent towards Ares enabling him to step unto her ankle. Paulit-ulit na niyang minumura ang sarili sa kabagalan niyang ialis si Athena doon. If only he scoop Athena in his arms quickly then she would not be experiencing this kind of pain.

"Gee!" saway niya dito.

Nang makita ni Gee ang pamimilipit sa sakit ni Athena ay agad nitong binitawan si Ares. "Let her go. Huwag kang duwag, Ares. Wag kang mandamay ng iba!"

"Kayo 'tong tago ng tago ni Von, tapos ngayon, ako pa ang duwag," Hindi makapaniwalang sabi nito. "Eh, gago pala kayo!" Ares raised his feet once more then stomp Athena's ankle with full force.

"Aahhh!" Athena bit her lips hard to prevent her scream.

"Ares!" nagbabantang sigaw ni Gee.

"Gee!" galit ding sigaw ni Jurais kay Gee dahil sa ginagawa nitong pagpapagalit kay Ares. "Huwag niyo ngang idamay si Athena sa gulo niyo!" he snapped.

Inungusan siya ni Ares. "Sino naman tong isang to? Lover ng syota mo? Pumapayag ka nun?" nangungutyang tinawanan ito ni Ares si Gee. "Sabagay maganda tong syota mo. Baka pwedeng paiskor din ako."

Parehong nagtangis ang bagang nila ni Gee. All of their muscles flex in anger.

Unang nakabawi sa kanila si Gee. Bumuntong-hininga ito para kalmahin ang sarili. "Ano bang gusto mo, Ares? Away? Gulo?", sinulyapan nito si Athena. Jurais can swear he saw pain in Gee's eyes. "Fine, I'll give it to you. Just let her go."

"Yun! Papatulan niyo din pala ako, pinatagal niyo pa." Ngumisi si Ares.  "Mamayang gabi sa sementeryo, isama mo si Von. Ipapakita ko sa mayabang na iyon na kaya ko na siyang ilampaso."

Nag-aalalang tiningnan ni Jurais si Gee. Um-oo ka na lang! Alam niyang maging ito ay hindi alam kung nasaan si Von. Pero sa sitwasyon nila ngayon, wala na silang choice kundi magsinungaling kung kinakailangan.

Gee hesitated for a while bago tuluyang tumango. "Iwan mo dito ang kalat mo, ako na ang magliligpit." Makahulugang sabi nito habang nakatingin sa limang lalaki na nagtangkang kumuha kay Athena kanina.

Sinundan ni Ares ang tinitingnan ni Gee. "Bahala ka. Wala na akong pakialam sa mga basura. Basta sumipot kayo ni Von mamaya. Magsama na din kayo ng mga active, para naman may saksi tayo kapag nilampaso ko kayo sa lupa."

Pinigilan ni Jurais na matawa sa sinabi ni Ares. Si Von? Malalampaso sa lupa? Imposible.

"Pumayag na ako sa gusto mo. Now, LEAVE," Gee said more like a command than a simple statement.

"Oo na. Oo na. Aalis na."

Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Gee nanag sa wakas ay alisin ni Ares ang pagkakatapak kay Athena. Agad niyang inalalayang makatayo ang dalaga. Nang ibalik niya ang tingin sa dalawang lalaki nasa tapat na mismo ni Gee si Ares.

"Atat na atat kang mawala ako sa harap mo no?," tinapik-tapik pa nito ang pisngi ni Gee. Bagay na lalong nagpatangis ng bangang ng huli. "Makatingin naman ito 'kala mo papatayin ako. Bakit? Kaya mo ba? Ha? Kaya mo?" paghahamon ni Ares. Si Gee ay sumulyap sa kanila ni Athena pagkatapos ay tuluyang iniwas ang tingin kay Ares. "Tingnan mo! Hindi mo kaya! Kasi duwag ka!"

"I said leave," muli ay madiing sabi ni Gee.

"Eto na, aalis na." Ngayon ay si Ares naman ang tumingin sa kanila ni Athena. "Pero bago yun..." Umigkas ang kamao ni Ares at tumama sa panga ni Gee. Dahil sa gulat sa biglang pag-atake ay natumba ito. Kasunod silang binalingan ni Ares. Mabilis siya nitong sinuntok sa sikmura. He spats out blood from the impact. Wala sa sariling nabitawan niya si Athena. The next thing he knew nakapalibot na ang braso ni Ares sa dalaga.







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"ATHENA!"

"Tanggago ka, Ares! Sabing 'wag kang mandamay ng ibang tao!"

Ang dalawang sigaw na iyon ang nagpabalik kay Athena sa reyalidad. Sa harap niya ay naroon si Jurais at Gee. Parehong nasa lupa ang dalawa. Jurais is clutching his stomach, obviously in pain. Si Gee ay mabilis na tumayo at matalim na tumingin sa kinaroroonan niya.

What? Anong nangyayari? Bakit ang samang makatingin ni Gee?

May matatag na braso na pumalibot sa mga balikat niya.

And then, she suddenly understood everything.

Tila siya ginawang hostage ng lalaking sumampal sa kanya kanina. Base sa sigaw ni Gee ay Ares ang pangalan nito.

"O, Gee, walang lalapit! Masasaktan to!" Mula sa bulsa ng pantalon ng lalaki ay kumuha ito ng pocket knife at itinutok sa kanya.

Napaawang ang bibig niya. Hysterically, nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito "You're insane, you idiot son of a bitch! Bitawan mo ako!"

 "Oh hello Athena." nakangiting sa kanya ni Ares. "Pasensya ka na at sa ganitong pagkakataon pa tayo nagkakilala. Pero natutuwa pa din akong makilala ka."

"I don't want to meet you, thank you very much," asik niya dito. "Bitawan mo sabi ako!" Alam niyang walang silbi ang pagtatapang-tapangan niya. Napakalapit sa kanya ni Ares at alam niyang nararamdaman nito ang pangingig niya.

"Yun ang hindi pwede," iiling-iling na sabi nito. "Pero kung sasagutin ni Gee ang tanong ko, papakawalan kita."

Natuon ang atensyon nilang lahat kay Gee.

"Nasabi ko na sayong hindi ko pa alam kung nasaan si Von," wika ni Gee. "Pero sisiguraduhin kong makakarating siya mamaya."

"Sinong may sabi na tungkol kay Von ang gusto kong itanong?" Nagtatanong na tiningnan nilang lahat si Ares sa sinabi nito. "Gusto kong malaman kung sino ang babaeng ito sa buhay mo Gee. Suntok sa buwan na magkaroon ka ng pakialam kahit kanino. And you're particularly fond of this girl, gusto kong malaman kung bakit."

"Ikaw na din ang nagsabi na girlfriend ko siya."

"Hindi mo ako girlfriend!" Pagkalabas na paglabas niyon sa bibig niya ay mariing ipinikit ni Athena ang mata kasabay ng pagkagat sa ibabang labi. Stupid Athena! Bakit ba hindi mo makontrol ang dila mo kahit kailan!

"Lokohin mo pa ako ng isang beses, Gee, sasamain ang babaeng 'to."

Nagkasalubong ang tingin nila ni Gee. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi masabi ni Gee kay Ares kung sino siya. Kung sasabihin naman nitong may gusto ito sa kanya kaya ganun na lamang ang concern nito ay maiintindihan niya.

"Ano na, Gee?" muli ay tanong ni Ares dito. Mula sa balikat niya ay lumipat sa leeg niya ang kamay nito. Halos hindi siya makahinga sa pagkakadiin noon. "Isang maling sagot ay malilintikan na talaga to."

"Gee!" Niyugyug na ni Jurais ang manggas ng lalaki. "Sumagot ka na, ano ba!"

Athena couldn't agree more. Gee, kung may gusto ka sakin, just confessed, dammit! Nasasaktan na ako dito.

Pero may sa torpe talaga yata ang kumag na lalaki. "Ano bang pakialam mo, Ares?"

Ares clicks his tongue. "Binalaan kita."

Inalis ni Ares ang pagkakahawak sa leeg niya pagkatapos ay dinakot ng isang kamay ang buhok niya. And with a shift movement, he raised the pocket knife and slashed her hair with it. She gasped. Muntik na siyang masubsob sa lupa dahil sa impact. Awtomatik na hinawakan niya ang sariling buhok. Unlike before, her black hair now falls on her shoulder. Nang tumungo siya ay nakita niya ang mga hibla ng kapuputol pa lang niyang buhok. A single tear escape her eyes.

"Bakit ba ayaw mong putulin ang buhok mo, iha? Aba, kolohiyo na na. Hindi ka tumulad sa mga kaedaran mong may style ang buhok."

Tiningnan ni Athena ang sarili sa salamin pagkatapos ay ang larawan ng isang babaeng mapagkakamalang siya kung di lang sa magkaibang kulay ng mata nila. Pero gayun pa man, binawi ng magkasing-itim at magkasing haba nilang buhok ang pagkakaibang iyon. "Para kahit saan, Yaya Melda, pwede kong makikita si Mama."

Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya. Pinagsusuntok niya si Ares. "You son of a bitch! Sinong may sabing pwede mong putulin ang buhok ko?! Bwisit ka! Sino ka ba sa akala mo?"

Natulala si Gee at si Jurais sa naging outburst niya. Hindi makapaniwala ang dalawa na para siyang batang umiiyak at nagdadabog ngayon. Si Ares lang ang nasa tamang huwisyo sa kanila. Pinigil nito ang magkabilang kamay niya at muli siyang pinaloob sa braso nito. Hindi na naman siya makagalaw. She tried wrangle her whole body, but to no avail. She jump and stomp on Ares' feet pero ni hindi ito natitinag.

"A...RES!"

Maging siya ay napatigil sa lakas ng boses na iyon. Nang inangat niya ang tingin ay malalaki ang hakbang na lumalapit sa kanila si Jurais. Madilim ang anyo nito at nagtatangis ang bagang sa galit. "Hayup ka!"

Gee intercepted Jurais. Hinawakan nito ng mahigpit sa braso ang kaibigan niya. "Calm down. Walang mapapala ang galit mo."

Marahas na winaksi ni Jurais ang pagkakahawak ni Gee pagkatapos ay dalawang kamay na kwinelyuhan ang huli. "Kumalma? Papano ako kakalma? Ha?" Jurais started shaking Gee. "Umiiyak na si Athena! Umiiyak na siya tapos gusto mo akong kumalma? Kasalanan mo 'to! Kung hindi dahil sa frat niyo, hindi sana—ugh!" Sinikmuraan ito ni Gee.

"Alam ko. Kaya nga gagawan ko ng paraan." Inalis ni Gee ang pagkakahawak ni Jurais. Hinayaan nitong mapaluhod sa lupa ang kaibigan niya pagkatapos ay derestsong tumingin kay Ares. Athena doesn't know why but Gee seems to avoid looking at her. "Ares, tama na," seryosong sabi nito. "Pumayag na ako sa gusto mo. Sisiputin ka na namin ni Von. Maliban sa pagsagot sa tanong na hindi ko alam kung anong silbi sayo, ginawa ko na lahat. Ano pa bang gusto mo? Please, let Athena go."

"Awww..." tila naawang turan ni Ares pagkatapos ay malakas na tumawa. "Grabe, Gee, akalain mong marunong ka palang makiusap? Komplituhin mo na yang drama mo! Lumuhod ka na din!" Muli itong tumawa ng malakas.

"Kapag lumuhod ba ako, papakawalan mo siya?"

"Hmnnn... pwede! Pero ikaw, luluhod? Katapusan na iyon ng..." humina ang boses nito sa nasaksihan. "mundo."

Athena doesn't fully know the deal between the two frats. And she doesn't know how much these two hate each other but she know from Ares and Jurais expression how serious Gee's action was.

"What the fuck do you think you're doing?" Ares snapped at Gee.

"You can't see? Nakaluhod ako. Pakawalan mo na si Athena."

Imbis na matuwa ay napailing si Ares. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo Gee pero hindi ko iyon gusto. You're making me puke sa pinaggagagawa mo." Iyon lang at kinaladkad siya ni Ares patungo sa kotse nito. Pinasok siya nito sa driver seat pagkatapos ay itinulak patungo sa passenger seat para makasakay. Nilock nito ang pinto ng kotse kasabay ng pagkalampang ni Gee sa bintana noon.

"Saan mo ako dadalin?" She panicked.

Imbis na sagutin siya ay binuksan nito ang isang bote at itinaktak sa laylayan ng suot na damit. Bago pa niya maintindihan ang plinaplano nito ay napaamoy na nito sa kanya ang laman ng bote. She inhaled enough to know what it is.

Chloroform.

She knows it would knock her out as fast as she had seen in the movies, but eventually it will. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ag pamamanhid ng katawan niya. Gusto niyang manlaban but she can't feel her hands, nor her feet.

Pinilit niyang inlibot ang paningin. Gee is still hitting the car's window, shouting something. Ares is smirking like crazy on her side. "Sleep well, Athena. Don't worry. Ibabalik din kita sa kanila. Pero bago yun, kailangan ko munang matalo si Von."

"ATHENA!!!"

Gee's voice echoed on her head and then she lose consciousness.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 344 20
Break Time Written By: invisiblegirlinpink - A mixture of hot and cold love. - Started: November 25, 2016 Ended: August 19, 2017 Edited: - Highest...
3.7K 658 19
Highest rank on Chicklit #56 on April 8, 2019 Highest rank on Teen fiction #326 on Arpil 8, 2019 I'm just a simple girl with a normal life. But I ha...
3.9M 112K 73
Athena Aphrodite Scarlet, a 'Not-so-ordinary' girl that will discovered her real identity ... Her journey will start if you find out her past and m...
Wattpad App - Unlock exclusive features