Flaws To Your Perfect (PUBLIS...

Por chrisade_dee

875 31 2

Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Te... Mais

Disclaimer
Song Peek
Flaw #2
Flaw #3
Flaw #4
Flaw #5
Flaw #6
Flaw #7
Flaw #8
Flaw #9
Flaw #10
Flaw #11
Flaw #12
Flaw #13
Flaw #14
Flaw #15
Chrisade Dee Tells
NOW OPEN FOR ORDERS
Meet-and-Greet Book Signing Event

Flaw #1

68 5 0
Por chrisade_dee

PAGKABABA ko ng sasakyan ay mabilis akong napangiti. The familiar loud noise of the students cheering and greeting one another after meeting each other after 3 months of break from school filled the air.

Nakakamiss talaga iyong ganitong kind ng ingay.

"Ma'am Teagan?" Nakangiti kong binalingan ng tingin ang driver na pumuna sa pagkakatulala ko. Hawak-hawak nito ang black Chanel bag na dala ng mommy ko para sa akin nang umuwi ito last week galing sa Paris.

"Thank you, Kuya," ani ko kasabay nang pagkuha ng bag mula rito.

"Teagan!" Tumatawa kong sinalubong ng yakap ang mga kaibigang halos magpabuhat na kasabay ng kanilang mga pagbati.

"We miss you!"

"I miss you too!" I greeted back.

Humiwalay si Kat mula sa pagkakayakap sa akin at halos nagniningning ang mga mata na pinanood ako.

"How's your trip in Thailand?" excited na tanong nito na agad na sinundan ng mga tanong mula sa iba pa naming mga kaibigan.

"Kuya Sid?" baling ko sa driver ko na mabilis ring naintindihan ang ibig kong sabihin. He then walked over the back of the car, opened the compartment area and took out all the things I brought for my friends.

"Pasalubong ko for you!" excited na tinanggap ng mga kaibigan ko ang lahat ng iyon kasunod ang mga yakap ng pasasalamat dahil sa mga natanggap.

"OMG! Next time I should come with you na talaga!" busangot ni Shai habang nagla-live. She was showing my gifts to her followers. Sandali niyang hinarap sa akin ang camera kaya naman nakangiting akong kumaway doon.

Mabilis lang iyon but I was able to catch a glimpse of the comments saying na ang ganda ko raw and that I was so generous to give my friends pasalubongs from my vacation.

Tinawanan ko lang ang lahat ng iyon, sanay na sa sinasabi ng iba. I wasn't doing that for them anyway. I love my friends and I'm sure they love me too.

Our friendship may seem shallow to others but we all know how deep we care for each other. And that's what really matters.

Sabay-sabay kaming natigilan sa kulitan nang lumapit ang isa sa mga working students na assigned sa principal's office. "Teagan, pinapatawag ka sa principal's office."

Tumango ako kay Ate Vicky at inaya na ang mga kaibigan patungo sa gym. Iniwan na lang muna sa SUV ko ang mga regaling plano nilang kunin mamayang dismissal.

"Diretso muna ako sa principal, see you later sa gym," paalam ko sa kanila bago sumunod kay Ate Vicky na nag-aantay sa akin.

"Sorry for making you wait, Ate V!" Nakangiti kong paumanhin na tinawanan lang niya bago ako inakbayan.

"Okay lang 'yon! Parang si others naman 'to!" sagot nito.

"Bakit pala ako pinapatawag sa office? Balak ko na sanang dumiretso sa gym kasi sure ako medyo magulo doon."

"Extra work, Tegs. May transferee kasi, sayo yata ipapa-tour."

'Di naman na ako nagtaka. I am the student council president for this year, though kahit naman VP external lang ako last year ay ako parin naman ang assigned sa mga ganito kaya nasanay na rin ako. It was fun meeting new people rin naman so I really don't mind such tasks.

Nang makarating kami sa principal's office ay agad na naagaw ng high-ponytail ng babaeng nakatalikod ang pansin ko. She was wearing a lavender colored knitted three-fourths blouse that hugs her small waists and a wide-leg flare pants. Nakasabit sa kanyang braso ang isang puting tote bag na may naka-print sa malalaking letra ng initials na ILY.

"Teagan!" masayahing bati ni Ma'am Lala, ang principal namin nang makita ang pagpasok ko sa kanyang opisina.

I greeted her back with a smile before turning my eyes back to the girl who still had her back on me.

"Come'n Paige, this is Teagan Dellava, our school's student council president, she would be the one who's gonna help you familiarize around the campus. If you have any questions or concerns regarding your stay here, feel free to confide with her. Don't worry she's really nice and very approachable." Proud na proud na pakilala ni Ma'am Lala na halos ika-pula na ng pisngi ko.

People usually do that. Masyadong nawiwili sa pagpapaulan ng compliments. I sometimes wonder if I really do deserve all those kind words though.

Parang slow-motion sa mga movies na napapanood ko ay dahan-dahang umikot ang transferee paharap sa akin. For some reason, I found myself gasping as soon as our eyes met. Ang itim na itim na pares ng kanyang mga singkit na mata ay tila hinihigop ang buong lakas ko. Nakakunot ang noo niya nang balingan ako ng tingin. Sinuyod ng kanyang tingin ang kabuohan ko mula ulo hanggang paa kaya naman bahagya akong na-concious kung maayos ba o kung may lukot ba ang suot kong uniform.

"Tita, I told you I can manage. I don't want to get into anyone's way and be a burden—"

"Nope!" mabilis kong putol sa kanya. "I'm okay with it! I'm more than willing to help you get familiarized—"

"What's your name again?" tanong niya sa mataray na tono na gumulat sa akin.

"Teagan Dellava."

"Miss Dellava, I don't want to make you feel bad but you are really rude." Umawang ang mga labi ko dahil sa narinig mula sa kanya.

I . . . Am rude?

"Butting into other people's conversation is rude." Dire-diretso niyang sabi.

Nakita ko ang gulat na palitan ng tingin nina Ate Vicky at Ma'am Lala kaya mabilis kong kinompose ang sarili at humingi ng sorry kay Paige.

It wasn't my intention to be rude but it looks like that's how she sees that.

Tinanguan niya lang ang apology ko bago muling binalingan ng tingin ang principal namin na napahilot na lang sa kanyang sintido.

"Look, Paige. Your mother asked me a favor to look after you here," ani Ma'am Lala kay Paige na kunot na kunot ang noo habang magka-krus ang mga braso sa dibdib na nakatingin sa kanya.

She really looks so . . . mean.

You know that type of girl who's really pretty but annoyingly bossy and mean? She gives me that kind of vibe as Ma'am Lala tries to convince her to just go along the usual protocol of our school.

"Teagan, I'm really sorry. Galing kasi itong pamangkin ko sa Canada, hindi pa yata nakakapag-adjust dito kaya masyadong mainitin ang ulo. I hope you can be patient and understanding towards her." Napatingin naman ako kay Paige habang kinakausap ako ni Ma'am Lala at pinapaliwanag ang situation niya.

She was forced to come here. She grew up in Canada with only her mom, ngayong nakapag-asawa ang kanyang mommy ay kinailangan nilang umuwi rito sa Pilipinas, leaving her life in Canada.

Nginitian ko si Ma'am Lala at tumango sa kanya. "Ako na pong bahala sa kanya, Ma'am!"

Lumapad ang ngiti ni Ma'am Lala nang marinig iyon. I know she's really worried about her niece.

"Hi Paige!" Inalis niya ang tingin sa kanyang phone at nakataas ang kilay na binalingan ako ng tingin sa kanyang harapan.

I'm a bit taller than the average girls my age so she needed to look up para matignan ako ng maayos lalo na at nakaupo siya ngayon sa visitor's lounge ng principal's office.

"The flag ceremony's about to start. Shall we head to the gym na?" aya ko sa kanya.

She stared at me critically before sighing and standing up away from the couch. Nakangiti ko naman siyang sinundan habang naglalakad siya palabas ng principal's office.

"Do you understand Tagalog?" curious kong tanong sa kanya habang sabay kaming naglalakad sa hallway.

"Hmm." Tipid niyang sagot na nagpanguso sa akin. Abala ang mga mata niya sa pagtitingin sa paligid.

I tried to start a conversation with her a lot of times but she always shuts me off with her short and firm answers that consist of only three responses: "Yes", "No", and "Hmm".

Kumunot ang noo ko habang diretso ang tingin sa daan sa pag-iisip nang possible topic na pwede naming pag-usapan. I don't like this awkward ambiance around us. It makes me feel so uneasy. Usually kasi ay hindi naman ako nahihirapang makipaglapit kahit kanino. Pero bakit parang ang hirap-hirap i-handle ni Paige?

I heard her sigh heavily beside me kaya mas lalo akong na-pressure na humanap ng topic para pag-usapan naming dalawa. Medyo malayo pa naman ang principal office sa gym. I think she's really bored right now—

"Akala ko ba i-to-tour mo 'ko?" Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ang kakaibang accent niya sa pagtatagalog. It sounds weird but somehow . . . cute.

I bit my lower lip and nodded.

Oo nga pala! The tour!

So I started talking about the history of the school, the background, and stories about each building na nadadaaanan namin. Tahimik lang na nakikinig si Paige, but at least she's listening! I get to rest from all her sarcastic and mean remarks for a while.

"And there's the gym!" tuwang-tuwa kong turo sa malaking building sa may unahan namin. Nagkalat pa sa labas ng gym ang mga estudyanteng malamang ay nag-aabang siguro sa mga kaibigan o kaklase nila.

"After we arrive inside the gym, I need to leave you for a while ha?" I saw her head turned to me, her chinita eyes asking silently.

I smiled at her silent inquiry. "I need to give my speech kasi. Today is our first day for this school year."

Paige nodded, I watched her as she silently clipped her bangs behind her ears.

People say I'm pretty.

And I used to think the same every time I looked in the mirror.

But now . . . I think . . . I think Paige is prettier.

Continuar a ler

Também vai Gostar

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
87.8K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
Rebel Hearts Por HN🥀

Ficção Adolescente

1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...