Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 41

154 32 45
By night-firefly



dedicated to miss MissEnel

Please try to visit her account guys.. you will also love her works.. love lots fireflies

Thank you miss psychowriterrrrr and miss archer_marcher for still supporting me.. I always want to think a good updates just to make you laugh guys. Hihi
——————-

Clover pov;

"I don't know and I don't care." naiinis kong sabi sa kanya bago ako naglakad. "hinahanap pa, andito naman ako."

Tsk! Nabulsa ko na lang ang notebook na binigay niya dahil baka maisipan na naman niyang ipamigay ito sa iba.

Hinahanap pa niya ang iba sa akin eh mga gago ang mga yun dahil iniwan lang akong mag-isa kanina sa kwarto matapos akong asarin na naman.

"Oyy Clover parang couple yung ballpen oh, parehas ng design." sambit niya ng mahabol na niya ako. Sinulyapan ko muna ang ballpen niyang hawak bago ko kinuha ang isa. Couple daw eh. Napatingin ako sa bookmark na hawak-hawak din niya at nagkusa naman siyang ibahagi ang isa.

Kinuha ko ang notebook na nasa bulsa ko at sinulatan ang unang pahina nito. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at ng di niya maintindihan ang ginagawa ko, ako na mismo ang kumuha sa notebook na binulsa niya kanina.

Sinulatan ko din ang unang page nun, tsaka ko binulsa. Binigay ko sa kanya ang notebook na galing sa akin kaya nagpalit kami ng kulay. Mas maganda kasi yung kulay nung sa kanya.

"Clover?" patanong na basa niya doon sa sinulat ko.

"Tsk! Para maalala mong ako ang nagbayad ng notebook na yan." Para ako din ang maalala mo kapag nakikita mo ang notebook na yan.

"Eh ano naman ang sinulat mo sa isa?"

Pinakita ko ulit sa kanya ang sinulat ko sa notebook na nasa akin.

"First?" sambit na naman niya.

"Para maalala kong minsan ka ng nambulsa ng tinda." sumimangot siya sa sinabi ko kaya bahagya akong napatawa.

"Hindi ko naman sinasadya yun. Ang totoo pa nga niyan ikaw talaga ang may kasalanan kaya nabulsa ko ang notebook na yan." sinisi pa talaga ako? "Kung hindi kasi kita sinundan kanina hindi ko makakalimutang isuli yan." paliwanag pa niya.

"Tsk. Palusot ka pa. Ang sabihin mo dati ka talagang membro ng magna. Haha."

"Aba. Loko ka ah.! Anong akala mo sa akin malikot ang kamay?" naiinis niyang sambit habang bahagya pang nakalahad ang kamay niya sa akin.

"Tsk! Halika na nga." napailing muna ako bago ko hinawakan ang kamay niya tsaka hinila. Kanina pa kasi siyang nakasunod lang sa likod ko. Hindi nalang kaya siya sumabay maglakad.

Natahimik siya at ng balingan ko siya ng tingin, nakatitig lang siya sa magkahawak naming kamay. Lihim na lang akong napapangiti. May epekto na ba ako sa kanya?

Pumunta kami sa isang cottage kung saan nakaupo ang mga kasama namin. Naghe-headbang pa sila habang nanunuod sa kumakantang banda sa stage.

Napapasipol pa ang mga gago ng makita kaming magkahawak kamay na lumapit sa kanila.

"Oyy nagdate ba kayo? Bakit ang tagal niyo?" nakangising tanong ni Race sa amin.

"Hihi. Kumain lang kami." sagot ni First habang hinahatak ang kamay niya pero di ko pa rin binibitawan. "Nasaan pala si Tork, Acid?" baling din niya kay Acid. Napahigpit na lang lalo ang hawak ko sa kamay niya ng marinig na naman ang pangalan ng Tork na iyon. Bakit niya ba lageng hinahanap yun?

Nakasimangot ko pa siyang hinarap para maramdaman niyang naiinis ako sa tanong niya pero bigla namang dumating ang batang pabibo.

"I'm here First." agad din namang singit ng batang pabibo. "Where have you been?" kunot-kilay pa nitong tanong at tinignan pa ang kamay namin ni First na magkahawak pa hanggang ngayon.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya kaya nagtaka na siyang tumingin sa akin.

Hindi ako clingy pero naiinis ako sa Tork na ito kaya ayokong bitawan si First.

Napangisi ako ng tignan niya ako ng masama. Lumapit siya sa amin at biglang hinatak ang kamay ni First kaya napabitaw ako sa kanya. Bahagya pa akong binalingan ng batang pabibo at ngumisi pa ang loko. Kung hindi lang talaga ako malalagot kay First binatukan ko na to.

"Let's go First, my sister was looking for you." yaya nito kay First at hinila pa ito sa kamay.

Napanganga na lang akong nakatingin sa kanila habang papalayo sa amin. Hanep talaga ang batang iyon.

"Potcha dude, natalo ka pa ng bata. Hahaha." kantsaw ng mga gago sa akin.

"Ang hina mo naman kasi Clover. Hahawakan lang ng mahigpit di mo pa magawa." masama kong tinignan si Race.

"Tsk!" mahigpit naman ang pagkakahawak ko.

"Gawin mo na lang kasi ang inadvice namin sayo kanina. Itali mo na para di na makawala." nagmamagaling na suhestiyon ni Mickey. Ito ang sinabi nila kanina bago nila ako iwang naiinis sa kuwarto. Tsk!

"Markahan mo na para di na maagaw ng iba." si Krys naman ngingisi-ngisi pa.

"Angkinin mo na para di na maangkin ng iba. Haha." sumunod naman si Race na inakbayan pa ako.

Napapailing lang na tumingin si Acid sa amin bago din nagsalita.

"Tsk! Mga loko talaga kayo. Uminom na nga lang tayo."

Yaya nito sa amin. Hindi ko alam dito kay Acid kung may gusto din ba  talaga ito kay First. Lage kasing active sa pagtulong. Madalas pa akong nauunahan.

First pov;

"Where are we going Tork?" akala ko ba hinahanap ako ng kapatid niya?

"I want to show you something." sagot niya habang patuloy pa rin ang paghatak niya sa akin.

Nakarating kami doon sa isang maliit na shop na napuntahan ko kanina at napangiwi nalang ako doon sa tinderang nakausap ko kanina tungkol sa nabulsa kong notebook.

"Here." napatingin ako doon sa inabot niya.
Isa na namang notebook.

Plastic akong napangiti sa kanya bago magtanong.

"Anong gagawin ko diyan?"

Bumuntong hininga muna siya bago nag-iwas ng tingin. Nag-iba din ang ekspresyon ng mukha niya na parang may inaalala siya.

Kinuha ko ang notebook na binibigay niya sa akin at binalik iyon sa tinderang nakatingin lang din sa amin. Iniisip siguro nitong baka ibulsa ko na naman ang paninda niya.

Humarap ulit ako kay Tork at hinawakan siya sa kamay niya.

"Forget what you had read Tork." sabi ko patungkol sa nabasa niya nung nakaraan sa libro ni Mom. Sigurado kasi akong iyon ang iniisip niya ngayon.

Nag-aalala siyang napatingin sa akin bago siya magsalita.

"I'm sorry.. Gusto ko lang naman makalimutan mo 'yung librong yun First. I have known you. Mahirap na sayong kalimutan kung anong nabasa mo doon sa libro ng Mom mo." napabuntong hininga pa siya bago muling nagsalita. "Maybe if you or we— will write on that notebook, baka mapalitan nun ang ala-ala na nandiyan sa utak mo."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kung sana ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat ay ginawa ko na. Pero gumaan ang loob ko dahil ramdam kong nag-aalala talaga siya sa akin.

Pinipilit ko naman kasing kalimutan na lang ang nabasa ko at magsisinungaling na naman sa sarili kong okay lang ako kahit ang totoo parang sirang plaka iyong umiikot pa rin sa isip ko. Ginusto ko din namang kalimutan iyon kaya nga pumayag agad akong sumama sa camping na ito. Pero ng makita ko ang mga notes at bookmark dito sa maliit na tindahang ito, bumalik din ang masakit na katotohanang nalaman ko mula sa libro ni Mama.

Napahawak ako sa bulsa ng jacket ko. Napabuntong hininga ako.

Maybe tama si Tork. Kelangan ko lang sigurong sumulat ng bagong alaala para kahit panandalian, makalimutan ko munang maging malungkot.

Childish pero papatusin ko na. Ayoko din namang patayin ang sarili ko sa lungkot. Ayoko ding sayangin ang oras ko at gusto kong gumawa ng masasayang alaala kasama sila dahil pakiramdam ko babawiin na naman ang masasayang bagay na meron ako ngayon.

Napangiti ako ng ipakita sa kanya ang maliit na notebook na nasa bulsa ko. Nakaipit na din doon ang libreng ballpen at bookmark na binayaran ni Clover kanina.

"Meron na ako kaya huwag ka nang mag-aalala Tork."

"Bumili ka na?" nagtataka niyang tanong habang hawak ang pinakita kong notebook.

"Binulsa niya yan." tumalim ang tingin ko doon sa tinderang sumingit sa usapan..—

"Nabayaran na 'to no. Echuserang tindera to." himutok ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at nagpatay-malisyang nag-aayos ng mga tinda niya.

"Notebook kayo diyan, buy one take one. May libre pang ballpen at bookmark." sabi pa nito sa ibang namimili.

Nandidilim ang paningin ko sa tinderang ito kaya bago ko pa man masabunutan ang bangs niyang korteng bunot, hinila ko na si Tork palayo sa tindahan niya.

"Haha.. Relax, okay?" natatawa niyang sambit. Naiinis pa rin ako sa tinderang iyon, akala niya ata mangbubulsa na naman ako ng paninda niya.

Tatawa-tawa pa rin siya habang binubuksan ang pahina ng notebook pero mabilis ding napalitan ng simangot ang mukha niya.

"Clover?" may halong inis sa pagkakatanong niya.

"Ahh hihi.. siya ang nagbayad niyan, wala kasi akong dalang pera."

"Tsk!" naiinis pa rin siya habang kinukuha ang ballpen at napangiwi na lang ako sa pag-cross out niya sa pangalan ni Clover.

May ekis na ang buong pangalan ni Clover at sinulat niya ang pangalan niya kasunod doon.

Lakas ng trip nitong si Tork. Nagseselos ba ito?

Nakangisi niyang binalik sa akin ang notebook at tuwang-tuwa siya sa don sa ginawa niya.

Napapailing na lang ako sa batang ito. Bigla tuloy akong nangamba na baka masyado niyang seryosohin ang nararamdaman niya sa akin at dumating ang araw na masasaktan ko din siya.

I patted his head at ngumiti sa kanya. Kapag bigla akong nawala sana huwag mo kong hanapin Tork. Ayokong idamay ka pa sa gulo ng buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.6K 68
Queen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith M...
92.2K 2.8K 80
Death University's Book2
131K 4.3K 68
Everyone has a secret.Just like her.She's beautiful but...She's a maid.Madaming nakakapansin sa kanyang kagandahan pero sa likod nito ay isa siyang...
649K 14.4K 49
HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 IN ACTION TAG | #1 IN TEENFICTION TAG | #1 IN THRILLER TAG MUST READ: First and foremost, I would like to warn you about...