Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.5K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 36

1.4K 32 7
By whateverrr004

Malungkot siyang ngumiti at pumasok saka isinarado ang pinto.

"I thought... nabasa mo," mahinang sabi niya. "Kaya no'ng sinabi mong maghiwalay nalang tayo, hinayaan kita. Naisip ko rin kasi na, oo nga, oras na rin para maging happy ka na, para piliin mo na ang sarili mo.."

Halos manlambot ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ko siya, bagay na hindi ko nagawa no'ng kami pa.

"Gusto kong ipaglaban ka, kung anong meron tayo and that time, gusto kong magmaka-awa sayo na huwag kang umalis, na huwag mo akong iwan. Pero naisip kong tama ka, nauubos ka na. Nakakalimutan mo na ang sarili mo dahil mas iniisip mo ko. Mas inuuna mo ko, so I needed to let you go. Hinayaan kitang piliin ang sarili mo because I wanted you to be happy at naisip kong magiging masaya ka lang kung maghihiwalay tayo." dagdag niya.

Tuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang hindi inaalis ang paningin sakaniya.

Marahang siyang pumikit at mahinang natawa.

"Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sayo.. dapat ay hindi na kasi tapos na 'to. Tapos na tayo."

Suminghot ako at humugot ng malalim na hininga bago siya nilapitan.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

I kissed his forehead. "You may not have found a reason to make me stay," I kissed his nose,  "but I found a reason to comeback." I sweetly whispered. Pinagdikit ko ang noo naming dalawa at marahang ipinikit ang mga mata ko. 

Bahagya siyang humiwalay sakin at hinaplos ang parehong pisngi ko. 

"What.." 

I looked directly at his eyes.

"I still love you.." 

Matagal siyang tumitig sakin bago tipid na ngumiti at hinalikan ang noo ko. 

Magsasalita sana siya nang pumasok sa kwarto si Sophia at nagkukusot ng mga matang tinawawag kaming dalawa ng Daddy niya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito at kung bakit ko walang pag-aalinlangan na binalikan si Ricci. 

Bumitaw sakin si Ricci at binuhat si Sophia saka lumabas ng kwarto. Sinundan ko naman sila ng tingin, nagtataka.

Hindi man nasabi sakin ni Ricci ang dapat na sasabihin niya sakin kanina ay alam kong may kinalaman 'yon sa sinabi kong mahal ko pa siya. Dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya kanina. 

Wala sa sarili kong binasa ang sinabi niya sa letter, "I love you, I really do"

Totoo ba? Bakit may pag-aalinlangan ako? Bakit parang ayaw kong maniwala? Paano kung hindi naman pala totoo? Paano kung tama ang sinasabi ko noon na wala lang talaga sakaniya ang mga pinagsamahan naming dalawa?

Nandito lang kaming tatlo sa bahay pero madalang niya akong kibuin. Hindi niya talaga ako kinakausap at naglalaro lang sila ni Sophia.

Hindi ko alam kung anong problema..

Dumating ang hapon at nagpaalam siyang aalis siya at tumango lang ako. Ramdam ko pa ang titig niya sakin bago siya tuluyang lumabas.

Matunog akong nagbuntong hininga.

"Mimi, sleepy.." sabi ni Sophia at nahiga sa lap ko.

Sinuklay kong ang buhok niya, "Sleep then, baby.." I whispered..

Hinintay kong makatulog siya bago ko siya inilipat sa kwarto, saka ako bumalik sa ibaba para naman magluto dahil alas siete na rin naman at baka pauwi na rin si Ricci.

Pero nagkamali ako dahil alas onse na, wala pa rin siya. Pilit kong pinigilan ang antok ko para lang m
alaman ko kung nakauwi na ba siya pero nakatulog na ako at nagising ng alas dos, wala pa rin siya. Hindi pa rin siya umuuwi.

Ganitong-ganito ang nangyari dati no'ng hindi siya umuuwi, kasama niya pala si Grace.

Pero ngayon kampante naman akong hindi si Grace ang kasama niya dahil pinakulong na siya nila Mommy.

Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

Mabilis akong nag-drive at nagpunta sa bahay ni Grace pero walang tao kaya sa bar na palaging pinupuntahan ni Ricci nalang ako nagpunta.

Hindi naman ako nagkamali. Nakita ko siya sa pinakadulo, sa madilim na parte.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kasama niya ang kaibigan niya at hindi si Grace.

Lalapit na sana ako sakanila nang magsalita si Ricci.

"Hindi na ako sigurado."

Keith tapped his shoulder.

"Sigurado saan?"

"Sa feelings ko." Ricci.

Napalunok ako at humigpit ang paghawak sa susi ng kotse ko.

"Naguguluhan ako. Mahal ko siya noon,"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha ko.

"Pero hindi ko na alam kung hanggang ngayon.."

Tumango-tango ako. Tama ako. May kinalaman nga sa sinabi ko ang pagiging mailap niya sakin kanina.

Umalis ako doon nang hindi na iniisip kung uuwi pa ba siya o hindi na.

---

Kinabukasan ay umakto akong normal na parang wala lang akong alam sa sinabi niya kahapon.

Hindi ko naman kasi siya masisisi eh. Ayaw kong pagtalunan o pag-awayan pa namin ang nararamdaman niya dahil hindi niya naman kasalanan kung nagbago na 'yon.

Pero masakit? Oo naman, masakit. Bumalik ako eh. Bumalik ako kasi mahal ko pa. Pero yung lalaking binalikan ko hindi na sigurado kung mahal pa ako.

"What's for breakfast?" Ricci asked. Kakapasok niya lang dito sa kitchen.

"What do you want ba?" I asked.

He shrugged, "Kahit ano nalang."

Lihim akong napairap bago tumango.

"Si Sophia?"

"Sleeping.."

Habang nagluluto ako ay ramdam kong tinitingnan niya ako kaya nilingon ko siya.

"What?"

He shook his head, "Wala."

Natapos akong magluto at nagpaalam akong gigisingin ko lang si Sophia para sabay-sabay na kaming kakain pero agad niyang pinigilan ang kamay ko.

Tipid siyang ngumiti, "Ako na,"

Naupo nalang ako at nilagyan ng pagkain ang pinggan nilang dalawa.

"Good morning, Mimi!" Sophia shouted.

Natawa ako at niyakap siya saka ini-upo sa upuan niya.

"Good morning, baby.." I kissed her cheek.

Nagsimula kaming kumain at natigilan ako nang magtanong si Sophia.

"Mimi, where did you go last night? I woke up without you by my side.." nakanguso niyang tanong.

"Uh," Isip, isip. "Mimi just went outside to, ahm.." to ano nga ba?  "May kinausap lang si Mimi na friend. Sorry, baby.." sabi ko at hinaplos ang buhok niya.

Napatingin ako kay Ricci na kumakain habang nakatitig sakin, nagkibit-balikat naman ako.

Tahimik naming tinapos ang pagkain at hinugasan ko na ang pinggan dahil wala akong magawa.

"Umalis ka kagabi?" 

Nagulat ako nang marinig ang boses niya.

"Oo. Hinanap lang kita." pag-amin ko.

Kita ko ang bahagyang gulat sa mata.

"Hinanap mo ako?"

Tumango ako,  "Oo. Pero hindi ko alam kung saan ka pupuntahan kaya umuwi nalang ako." pagsisinungaling ko.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya saka lumapit sakin at marahang hinalikan ang noo ko. "Sorry.."

"It's okay.." hinawakan ko ang pisngi niya saka ako bahagyang lumayo sakaniya. "Pupunta lang ako saglit sa restaurant." paalam ko.

Naglakad ako palabas ng kitchen nang tawagin niya ako.

"Are you mad?" 

I shook my head, "No," nanghihinayang lang ako, "I'm Zoey." sa kabila nang panghihinayang ko ay nakuha ko pang pilosopohin siya pero hindi manlang nagbago ang itsura niya. Nakatingin lang siya sakin na parang wala siyang pakialam sa pamimilosopo ko. 

Nagbuntong-hininga ako at iniwan siya don. Dumeretso ako sa kwarto at mabilis na naligo at nag-ayos saka umalis na rin matapos kong ayusan si Sophia dahil isasama ko siya.

Sa ilang beses kasi kaming umuwi ng Pilipinas ay hindi ko naman napuntahan pa ang Infinity Restaurant dahil marami rin ang nangyari at sinabi naman nila Mommy na maayos naman ang takbo ng restaurant ko kaya nakampante na rin ako.

"Where are we going, Mimi?"

"Sa restaurant ni Mimi, baby.."

"Why did we left Daddy?" tanong niya ulit.

Dami tanong ng bata.

"Daddy's busy, anak.." simpleng sagot ko.

Nakarating kami sa restaurant at agad kaming sinalubong ni Marie kasama ang one-year old baby niya na si Justine.

"Ma'am Zoey!" ngiting-ngiti na tawag niya sakin. "AAAH! Siya na po ba ang baby niyo ni Sir Ricci?" malakas niyang tanong.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapansin kong may mga lumingon samin?

"Oh my god! Ricci got her pregnant?"

"Is this true?"

"But Ricci is already married, right?"

"Pero ang ganda ng anak nila.  Waaa!"

'Yan ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga tao na malapit lang sa pwesto namin.

Maraming kumakain dito na mga estudyante mula sa ADMU, ADU at DLSU. Talagang dinadayo nila 'tong restaurant ko dahil bukod daw sa masarap ang mga pagkain, ay marami ring may gusto sakin bilang Captain at Volleyball player.

Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang ginusto na sana wala nalang kumakain dito na estudyante ngayon dahil alam kong pag-uusapan 'to sa social media at 'yon ang matagal kong iniiwasan mula nang mabuntis ako. Unang una ay ayaw kong pag-usapan nila si Ricci at pangalawa ay ang anak namin. Pero ngayon, dahil sa lakas ng boses nitong si Marie, ang labo na nun mangyari.

Hindi ako handa.. Hindi pa ako handa.

Napansin ko na rin agad na kinukuhanan kami ng picture ng ibang estudyante dito kaya minabuti ko nalang din na pumasok sa loob ng opisina ko noon.

Bumukas ang pinto at pumasok si Marie, kasunod si Luke na buhat ang anak nila. Oo, si Luke nga ang napangasawa niya.

"OMG! I'm sorry talaga, Ma'am Zoey! Hindi ko sinasadya!" sabi niya at tinakpan ang sariling bibig.

Nagbuntong hininga ako at tumingin kay Sophia na abala sa paglalaro sa phone ko.

"It's okay. Hindi palang talaga ako handa na malaman ng iba na may anak kami ni Ricci." sabi ko. "Alam niyo namang may asawa na siya.." at hindi na niya ako mahal.

May sakit daw si Grace. 'Yon ang dahilan niya but worst part is, naiintindihan ko, pero hindi ko matanggap.

Continue Reading

You'll Also Like

393K 6.3K 79
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
182K 9.8K 44
╰┈➤ *⋆❝ 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐝 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐮𝐩 𝐚 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐭𝐨 𝐢𝐭𝐚𝐥𝐲? 𝐢 𝐥𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐦𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝐦𝐲 �...
969K 24.3K 23
Yn a strong girl but gets nervous in-front of his arranged husband. Jungkook feared and arrogant mafia but is stuck with a girl. Will they make it t...
218K 9.1K 24
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...