Living our Lives

By Lunatices

26 3 0

Jayden Garcia is an Accountant student who dreamed of being a CEO just like his father. Jayden fell in love w... More

Living our Lives
Prologue
Ch. 01

Ch. 02

3 1 0
By Lunatices

Nag-aalmusal kami ni Mama nang biglang kumatok at tumawag si Tita Lea, kaibigan ni Mama. Wala na si Papa dahil pumasok na siya sa trabaho. Si Kuya Jared naman ay pumasok na sa school. 'Di man lang ako hinintay.


Tumingin sa akin si Mama at ngumiti bago buksan ang pinto para lumabas at papasukin sila Tita Lea. Nakita ko si Louise sa tabi ni Tita Lea. Nag-mano ako kay Tita Lea at nginitian si Louise. Louise just stared at me and nod.


Louise is already wearing our uniform, papasok na siguro siya. Our uniform is brown pants, white polo with the school logo on the pouch.


"Upo muna kayo, kumain na ba kayo?" Tanong ni Mama. Pumunta si Mama sa kusina at hindi na hinintay ang sagot ni Tita Lea. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako.


Ngumiti din ako at binuksan ang television para makapanood kami. Louise was just minding his own business.


Nag-hain na ng pagkain si mama para kila Tita Lea at Louise. I'm preparing for school dahil late ako nagising. Napuyat ako dahil may tinapos pa akong project.


"Mare, puwede bang dito muna si Louise? May lalakarin muna kasi ako sa Pangasinan, eh busy si Mama kaya hindi mababantayan si Louise," sabi ni Tita Lea.


"Oo naman, mare, welcome sa amin si Louise," Mom looked at Louise and smiled at him.


Nag-usap muna sila Tita Lea at Mama sa may garden area. Naiwan kami ni Louise dito sa loob ng bahay. I awkwardly looked at him and smile.


"Papasok ka na? Hintayin mo na ako, sandal lang ako," I said while eating.


"K," tipid niyang sagot.


I quickly finished my breakfast and took a bath. I don't want to keep him waiting dahil baka parehas kaming ma-late. Nagmadali na akong maligo at nagbihis. Bumaba na ako para magpaalam kay Mama. Nagulat ako nang wala na sa salas si Louise.


"Ma, alis na po ako," I kissed my mom on her cheek and left.


Umalis na si Tita Lea papuntang bus terminal. Si Mama ngayon ay naghuhugas ng pinggan dahil wala si Ate Irma, kasama naming dito sa bahay.


"Tara na," I startled when Louise talked.


"Huh? Akala ko umallis ka na," I chuckled. He walked away as if he didn't hear me.


Hinabol ko siya at sumakay na kami sa jeep papuntang school. Ngayon ko lang napansin na ang tangkad niya pala sa akin.


"Bayad po," inabot na niya ang kaniyang bayad.


"Dalawa po kami sa bayad na 'yan," he said to the driver without looking at me. I looked at him with my eyes wide open.


Kinalabit ko ang tuhod niya para tumingin siya sa 'kin. Tumingin siya at tinaasan ako ng kilay.


"Libre kita mamaya recess." I said and smiled at him. Wala siyang sagot kaya tumahimik na lang ako.


Malamig ang simoy ng hangin at medyo madilim pa rin. Medyo siksikan ngayon dahil umaga. 'Yung ibang pasahero mga estudyante, 'yung iba naman papuntang palengke. Kada-kanto, may mga sumasakay at may bumababa.


"Para po!" Sigaw ko nang makarating na kami sa babaan naming ni Louise.


Pinauna niya na akong pababain at sumunod siya. Nakarating na kami sa school at pumasok na kami sa classroom. Wala pang tao sa classroom naming kaya nagpahinga muna ako sa upuan ko habang si Louise iniwan ako at pumunta sa library.


I checked the time on my phone and it's already 6:30 in the morning. Our class starts at 7:30. Since may oras pa ako, umakyat muna ako sa rooftop para magpahangin. 'Di na ako nagelevator para na rin exercise.


Nakarating na ako ng rooftop at ang sarap ng malamig na hangin. Nagdala rin ako ng wireless earphones para making sa Spotify. Umupo muna ako sa may bench don at nag-abang ng oras.


Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa akin. Nahulog 'yung isang wireless earphone ko sa gulat. 'Di ko siya kilala pero mukha naming mabait.


"Aalis ka dito o bubugbugin kita?" Joke, di pala mabait.


"Sungit," I whispered.


"Talaga," he replied. I glared at him before leaving. Bwisit! Nagpunta ako don para marelax pero mas nastress ako!


Bumalik na ako sa classroom naming at thankfully andoon na si Reina. Nakita niya ako at sinalubong with a hug. Umupo muna kami para mag-kwentuhan.


"So, anyare don sa guy?" Tanong niya.


"Wala, ayon iniwan ko don sa rooftop," I replied. "Kung makaasta kala mo sa kaniya 'tong school."


She's just genuinely listening to my story. I'm lucky to have her as my best friend.


"Kilala mo?" Tanong ulit niya.


"Hindi, pero familiar 'yung mukha," sagot ko.


Unfortunately, pumasok na agad 'yung teacher naming this first period. Halos nawawala ang focus ko sa pakikinig dahil sa sobrang dami kong iniisip. 'Di ko namalayang oras na pala, nagbigay ng activity yung teacher namin na due pa naman sa Monday.


Inintay naming 'yung susunod naming teacher. Yung iba kong kaklase naglalaro ng PUBG. Yung iba naman nagdadaldalan. Ako naman nakikinig sa Spotify dahil 'di ko nagawa kanina. I'm just vibing with the music.


Nagulat kaming lahat nang biglang may nagaaway sa room naming. Si Andrei at Leslie, dalawang bully pangit naman. Inaawat na ng iba 'yung dalawa para tumigil sila sa pag-aaway pero hindi sila nagpapaawat. Ako naman pinapanood lang sila.


Satisfying.


Nang magaamok na ng suntukan si Leslie, don ko na sila inawat. Tumayo agad ako at pumagitna sa kanilang dalawa.


"Tumigil na kayo!" Pag-pigil ko kay Leslie.


"Jayden, tumabi ka diyan o ikaw bubugbugin ko!" Pagbabanta niya.


"Sige, ituloy mo! Suntukin mo 'ko!" Sabi ko naman sa kaniya.


Lahat ng mga kaklase naming ay nagbubulongan at natatakot nab aka totohanin nga ni Leslie. Bigla silang napatayo nang binugbog nga ako ni Leslie. Akala ko clout chasing lang.


Nakita ko si Clyde na galling sa canteen. Nabitawan niya 'yung kinakain niyang hotdog at biglang sinuntok si Leslie. Lalong nagulat ang mga kaklase namin. Agad akong tinulungan ni Reina para pumunta sa clinic.


'Di ko naman in-expect na gagawin niya talaga 'yon! Ang sakit nung suntok ah. Lagot ako kila mama nito.


"Gaga ka kasi," sabi ni Reina habang papunta kami sa clinic.


"'Di ko naman kasalanan na tinotoo ni Leslie 'yon!" Sabi ko naman.




Hiii baka matagalan ulit ako makapag-update since exams namin this week andddd madami kaming PeTa HAHAHAHAHAHA but I'll try my best to post chapters. Yun lang keep safe and luvyuhh






Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...