The Gangster Heirs

By RenesmeeStories

7M 146K 17.8K

[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind t... More

Prologue
Heir 1: Dauntless & Intruder
Heir 2: The Empires
Heir 3: Doofuses
Heir 4: Not Ordinary
Heir 5: The Heirs Ball
Heir 6: I Like Her
Heir 7: Sick
Heir 8: Field Trip ( Part 1 )
Heir 9: Field Trip ( Part 2 )
Heir 10: Foe's Blitz
Heir 11: Missing
Heir 12: Twisted Incident
Heir 13: Devastated
Heir 14: Offbeat
Heir 15: Apart
Heir 16: Start of Lies
Heir 17: A Ghost? No.
Heir 18: She's Back
Heir 19: Trouble
Heir 20: Deepest Secret
Heir 21: Fate Played
Heir 22: Destiny? Irresistible Trouble!
Heir 23: You Pervert!
Heir 24: Dummie
Heir 25: What A Nice Welcome
Heir 26: Ayah Lynn Rivera
Heir 27: So That's What Happened
Heir 28: So That's What Happened
Heir 29: Danger Again
Heir 30: Other Side
Heir 31: Something's Odd
Heir 32: Arson
Heir 34: Jealous
Heir 35: Capture the Flag
Heir 36: Bamboozle
Heir 37: Manipulation
Heir 38: Puzzle Pieces
Heir 39: Mi Princesa
Heir 40: Nightmare's Voice
Heir 41: Annual Ball
Heir 42: Annual Ball
Heir 43: Lost
Heir 44: Teardrops
Heir 45: Twisted Way
Heir 46: From the Past
Heir 47: The Last Time
Heir 48: Sudden
Heir 49: Uncloaked
Heir 50: Hallucinations
Heir 51: Twisted Memories
Heir 52: Twisted Past
Heir 53: Twisted Truth
Heir 54: Twisted Demise
Epilogue
FAQ
Announcement: BOOK

Heir 33: Let Me Go

74.5K 1.7K 164
By RenesmeeStories

Heir 33: Let Me Go

Nathaniel Gabriel's POV

Halos kalahating oras din akong nagiisip ng maramdaman kong naalimpungatan si Rivera.

Umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay n'ya hanggang sa unti-unti n'yang imulat ang mata n'ya.

Noong una tumingin s'ya sa'kin at kumunot ang noo n'ya. "Gab Gab?" Mahinang bigkas n'ya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mata n'ya habang nanlalaki ang mata ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Nanginginig na din ang kamay ko. Sht. Did she just called me 'Gab Gab'?

Dandahan s'yang ngumiti sa'kin.

"L-light?" Mahinang bigkas ko. Habang nakatitig sa kan'ya, nagitla ako nung haplusin n'ya pisngi ko.

"Gab gab." With those words, my heartbeat doubled at halos hindi na ako huminga, at dandahang pumatak ang luha sa aking mata.

"Light..."

"Shh? Ba't ka umiiyak?" Nakangiting imik n'ya. "'Di bagay sa'yo, sapak gusto mo? You look like a gay." Mataray na sabi nito. Hindi ako makapag-salita. Nanginginig ang mga labi ko. Totoo ba ito? Si Light na ba talaga ang nasa harap ko?

"Light?" Pag-uulit ko, mamaya kasi imagination ko lang 'to. Damn, I can't afford to lose Light the second time around.

"Gab Gab, you freak, 'yan na lang ba sasabihin mo? Not cool." The way she said my nickname, the way she frowned, the way she looked at me, the way she spoke. Damn she's really my Light.

Napatulala ako, at bigla ko s'yang niyakap... "Ang tagal kitang hinintay..." I said while sobbing. Damn I can't help but to cry because of happiness.

"Oh ghad, move away Gab, problema mo?" Malamig na boses na tugon nito. Damn I miss those.

"Damn, I miss you, Light..." I whispered.

"Oh come on. 'Di kita na miss, shoo." I chuckled a bit saka ako humiwalay sa yakap ko sa kan'ya, ayaw ko syang bitawan kaso kilala ko 'to, baka maasar lang ng todo, she hates clingy people.

I flicked her forehead. "You I really damn miss you." I said, she frowned. "You! Don't you know it hurts?!" Alma n'ya. I giggled. I want to kiss her, I want to hug her, I want to be with her, always.

"Princess Light Smith... Sag-app-oh..." I said smiling, while my tears were still streaming down my face, she looked at me questioningly.

"Sag what?" Asar na tanong n'ya. "Don't fool me you, idiot." Eto nanaman tayo sa napakang mga sagot n'ya.

"Nothing, I just missed you." I said.

"Alam mo paulit ulit ka na eh, problema mo ha?" She retorted, I chuckled. "Tas tatawanan mo ako? Alis. Idiot." She stated.

"No way, I won't leave you ever again." I said and held her hand tightly. "Gab! Kamay ko, akin 'yan, 'di iyo." She demanded. Ang cute talaga nito asarin.

"Ikaw ba talaga si Light?" I asked. "Nagka-amnesia ka ba? Kaya akala mo Ayah ang name mo? Tell me." Sa wakas nagawa ko ding itanong.

She sighed. "You won't understand, a thing."

"Huh? Come on, Light. It's been five years. I've suffered a lot, I lived in agony and pain, I lived like a madman, I damn miss and love you, and after all it's still the same. You're the only one for me, Light. Please..." I pleaded, she shook her head.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat... Hindi pa..."

Bigla akong natigilan sa mga salitang 'yun, hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, pero unti-unti bumata ang itsura ni Light, unti-unti ang nakikita ko nang Light ay ang batang Light five years ago, ang batang Light...

Iniling-iling ko ang ulo ko, ikusot kusot ko ang mata ko.

"I'm already dead, Gab... I am... Please let me go..." Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Kitang kita ko din ang unti unting pagtutubig ng mata ni Light, at ang pagpatak ng mga luha n'ya. Hinawakan ko ang kamay ng batang Light.

"No... I won't let go. You're alive... You're alive..." Kahit nahihirapan akong mag-salita nakapagsalita pa din ako. Para akong ang batang si Nathaniel Gabriel Evans na nagmamakaawa kay Light na 'wag akong iwan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Light, pero unti-unti nawawala ito. Sht. No!

"I'm already dead, please let me go..." Paulit ulit na sabi n'ya. Para akong masisiraan ng bait. Gustong gusto kong magwala pero, parang naistatwa lang ako sa kinalalagyan ko, at walang magawa kundi tingnan ang batang si Light na umiiyak at paulit ulit sinasabi ang mga katagang 'yun...

"No..." Paulit ulit na bigkas ko. Lumuhod ako sa kan'ya. "I won't let go." Matigas na sabi ko. Parang binibiak ang puso ko habang nakikita ko ang batang si Light na umiiyak at hinahaplos ang muka ko.

"Let go of me... Start a new life... Let go of what happened five years ago, time won't turn-back for you." Lalo akong naiyak sa mga salitang sinasabi n'ya.

"No... I can't." Pag-pupumilit ko. Niyakap ko s'ya. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sobrang bilis nito. Kabadong kabado din ako, baka mawala ang Light na yakap ko.

"You can, please let go... Let go of everything that's connected to the past." Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang pisngi ng batang si Light. "Please..." Pag-mamakaawa n'ya, durog na durog ang puso ko, habang nakikita kong nagmamakaawa sa'kin ang babaeng mahal na mahal ko. Damn.

Pinunasan ko ang luha n'ya, "Please don't cry, those tears are killing me slowly." I said. Pinilit n'yang ngumiti. Ang sakit sa dibdib, parang unti unting inaapak-apakan ang puso ko, ang sakit sakit na din ang lalamunan ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

"Farewell, Gab Gab. Let go." With those words, unti-unting naglaho ang batang si Light, unti unti gumuho din ang mundo ko.

"Fck!" Sigaw ko. Kasabay nun ang matinding pag-kirot ng puso ko, at panginginig ang buong katawan ko. Damn. I lost her the second time around damn.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat... Hindi pa..."

"I'm already dead, Gab... I am... Please let me go..."

"I'm already dead, please let me go..."

"Let go of me... Start a new life... Let go of what happened five years ago, time won't turn-back for you."

"You can, please let go... Let go of everything that's connected to the past..."

"Farewell Gab Gab. Let go..."

Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Light, paulit ulit ito na parang sirang plaka sa utak ko, paulit ulit ito na tumatakot sa isipan ko, paulit ulit ito na halos masiraan na ako ng bait. Paulit ulit ito na nagpapasikip ng dibdib ko. Damn it.

"Putang*na! Tama na!"

"Ay putang*na mo din!" Parang bigla akong binuhusan ng tubig ng marinig ko ang sigaw na 'yun, napatulala ako sa nakita ko. Si Rivera na kagigising lang?

"Walangya ka! Bakit ka nagmumura! Potek! Nagising ako dun ah! Maka-put a little more ka ah! Walangya 'to! Grabe! Nakakagitla!" She yelled.

Napa-iling iling ako. "R-Rivera?" Nauutal na sambit ko.

"Oo the one and only, magandang cute na si Ayah Lynn Rivera. Pero! Walangya ka talaga! Ba't ka nagmumura grabe! Ang lakas! Nakakatakot huhuhu. Pati panaginip ko, nawala. Huhuhu. Nakita ko na si Prince charming ko eh. Huhuhu. Grabe ang lutong nung mura mo." Mahabang sabi ni Rivera.

I-ibig s-sabihin?

"Hoy, potek ka Evans! Aba, na nanaginip ka pa din ba?! Aba uso mag-salita, nakatulala ka dyan! Hala! Teka! Umiiyak kaba?!" Hindi ko pinansin ang mga salita ni Rivera at dali daling pumunta sa comfort room ng clinic.

Tingnan ko ang sarili ko sa salamin, may mga luhang pumapatak sa mata ko. "Damn. Those nightmares!" I yelled frustratedly.

Akala ko nakita ko na ulit si Light, akala ko si Rivera na talaga si Light. Pero sht! Pinaasa nanaman ako. Nakaka-fck napanaginip naman oh! Walangya! Sht! Kaya pala naging bata ulit si Light, kaya pala... Napatigil ako sa pag-iisip ko. Light? Are you really dead?

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat... Hindi pa..."

"Anong hindi pa tamang panahon? Anong ibig sabihin nito? Bakit may ganito? Anong ibig sabihin ng mga katagang 'yun? Crap! I want some damn answers!" Asar na bigkas ko. What's with that nightmare?!

"I'm already dead, Gab... I am... Please let me go..."

"No you're not dead! No!" I bellowed. Hindi ako naniniwalang patay kana. Andaming mali sa nangyari five years ago, kaya posibleng buhay ka pa.

"I'm already dead, please let me go..."

"Sht! Patay ka na ba talaga?" I screeched, tumingin ako sa salamin, unti unting pumatak nanaman ang luha sa mga mata ko. Sabihin mo Light, kaya ka ba nagpakita sa panaginip ko na sinasabing 'I-let go' ko na ang lahat ay dahil wala na talaga akong aasahan pa? Gusto mo na ba talagang kalimutan kita? "Damn! Light, 'yun ba?!" Nanginginig na sabi ko sa sarili ko.

"Let go of me... Start a new life... Let go of what happened five years ago, time won't turn-back for you."

"Damn, damn, damn. Why?" Ito na ba? Ito na ba ang sign na itigil ko na? Ito na ba ang pagpapahiwatig mo na wala na talaga kaming aasahan pa? "Why? Why can't I turn back the time? Why?"

"You can, please let go... Let go of everything that's connected to the past..."

Ito na ba ang huling hiling mo, Light? Anong ibig sabihin ng mga sinasabi mo sa panaginip ko? Bakit kailangan kong ilet go ang mga bagay bagay na may kinalaman sa'yo? Damn I can't, I just can't because I damn love you. Pero iba pa talaga ang gusto mo?

"Farewell Gab Gab. Let go..."

"Is it, Farewell, Light?" I whispered silently, saka ko sinuntok ang salamin na nasa harap ko, dahil sa sobrang inis, galit, lungkot, puot, at dahil sa hindi ko na alam ang iisipin ko. Why is it hard to let go of the things that matters the world to you? Why?

Sinuntok ko pa ng isang beses yung salamin. Basag na basag na ito, hindi ko man lang naramdaman ang sakit dahil sa sobrang halo-halong emos'yon na nararamdaman ko. Pilit kong itinatago ang mga emosyon na ito simula noon, pero 'pag si Light na talaga ang usapan hindi ko kinakaya. Hindi ko magawa, s'ya man ang lakas ko, s'ya din ang kahinaan ko.

"Fck! Evanssss!" Napalingon ako sa biglang pumasok dito sa cr.

"Waaa! Dugo! Dugo! Dugo! Potek ka Evans! Ba't mo sinuntok 'yan ha?! Bakit niaaway ka ba ng walangyang salamin na 'yan?! Huhuhu! Dapat nisumbong mo sa'kin! Hindi 'yung nisuntok mo! Ayan ginantihan ka tuloy!" Hindi ko alam kung matatawa ako, o maasar sa sinabi ni Rivera. Damn is she that naive?

Hahawakan n'ya sana 'yung kamao kong nadugo pero hindi ko hinayaan na magawa n'ya 'yun, "Move." I coldly ordered her. Mukang nasindak at nagtaka s'ya sa inasta ko.

"T-teka? Bakit?" She asked. Damn. Looking at her... Looking at her makes me weak...

"'Wag na 'wag mo na akong kausapin! 'Wag na 'wag mo na akong lapitan! 'Wag na 'wag mo na akong tingnan!" I yelled. Halos makita kong magtubig ang mata ni Rivera, na parang nasasaktan s'ya, parang naguguluhan s'ya.

Damn, kamukang kamuka mo s'ya... 'Yung umiiyak na Light kanina sa panaginip ko... Bakit nakikita ko si Light mula sa'yo Rivera, bakit? Hindi ko kayang makita ang muka mo, naalala ko s'ya, nasasaktan ako, at nasasaktan ang puso ko na baka masaktan kita. Damn.

"Evans naman. Bati tayo 'di ba? 'Wag mo naman ako sigawan oh," Damn, you are becoming my weakness. You are becoming the rain that's slowly making my night cold, you are becoming the Light, I've known, and I don't want to be unfair. I don't wanna see Light in you, I wanted to see, you as Rivera, as yourself, not anyone else. However, I can't help myself to look at you as Light. Damn. I should have avoided you since the first time we met, I should have not thought you as Light back then. Damn. Damn myself for making things more complicated.

Tiningnan ko lang s'ya ng malalamig na titig ko, nagitla ako nung may pumatak na luha sa kaliwa n'yang mata. "Evans may nagawa ba ako? Sorry na oh, ayaw mo ba nung bayad utang mo? Ayaw mo ba ako bilhan ng chuckie? Ayaw mo ba ako bilhan ng oreo? Osige na hindi na, pero 'wag ka naman ganyan oh, hindi ko alam, pero bakit 'yung mga titig mo? Nasasaktan ako? Hindi ko alam pero bakit 'yung mga salitang lumalabas sa bibig mo, parang hinihiwa 'tong puso ko?" Umiiyak na bigkas n'ya habang hinawakan n'ya 'yung dibdib n'ya.

"Bakit? Ano bang nagawa ko? Ayaw mo ba 'yung minura kita kanina? Ayaw mo ba nun? Sige na hindi na---" Hindi na n'ya naituloy ang sinasabi n'ya noong bigla ko s'yang higitin at yakapin.

"Damn, you just became my weakness..." I whispered silently. Naramdaman ko ang pagkyakap n'ya sa 'kin.

"Bakit ganun ka Evans? Anlakas ng epekto mo sa'kin, nagkakilala na ba tayo noon?" Mahinang bigkas n'ya.

"Hindi." Tugon ko. "Hindi pa tayo nagkakakilala noon, ngayon pa lang kita nakilala, hindi din ikaw si Princess Light Smith, hindi din ikaw ibang tao. Ikaw si Ayah Lynn Rivera, ang babaeng addict sa chuckie at oreo, arasso?" Naramdaman kong tumango-tango s'ya dahil sa sinabi ko. Napapikit ako ng mata.

You told me to let go, Light. Didn't you? You told me to forget everything, didn't you? But why am I so affected in her? Why am I seeing you in her? Damn, I know I'm being unfair here, but I can't help myself. But I will surely will, look at her as herself, not as you, when the time comes.

I'm sorry, Rivera, I'm sorry for being unfair...

"Waaa! Teka! Teka! 'Yung sugat mooo!" Dali daling umalis si Rivera sa pagkakayakap ko sa kan'ya, at hinawakan 'yung nadugo kong kamay.

"Waaa! Huhuhu! May dugo talaga! Hala! Hala! Dali tara dun!" Tapos dali dali n'ya akong hinila papunta sa may nurse.

Mabilis namang kumilos 'yung nurse at ginamot 'yung nadugo kong kamay, hindi ko man lang ininda 'yung sakit, nakatitig lang ako kay Rivera na pinapanuod gamutin 'yung sugat ko, parang s'ya pa 'yung nasasaktan kesa sakin dahil sa expressions n'ya, baliw talaga.

Magkaiba man kayo ng ugali, Light. Bakit parang parehas lang ang tingin ko sa inyo? Bakit? Pinaglelet go mo ba ako Light, para sakanya ituon ang pansin ko? Ganun ba 'yun Light? Aish! Naguguluhan na ako! Damn it.

"Waa! Ate! Dandahan naman po! May bubog oh! Masakit 'yaaan!" Alma ni Rivera dun sa nurse.

"It's okay, don't over react," I said, pero nag-pout lang 'yung isa sa'kin. Hindi pa din mawala sa isip ko 'yung panaginip ko kanina. Aish! Akala ko pa naman s'ya na talaga si Light. Psh.

Maya-maya pa, natapos na akong gamutin, kaya pumunta na lang kami sa mini kitchen dito sa clinic, pinahanda ko sa nurse 'yung pagkain na binili ko kanina.

"Rivera..." Tawag ko sa kan'ya.

"Po?" Nakangiting bigkas n'ya, na parang hindi man lang umiyak kanina. Umiling iling na lang ako. Ayoko itanong.

"May itatanong ka ano? Narinig kita kanina, sumisigaw sa loob. Hindi ko maintindihan sinisigaw mo pero alam kong nasasaktan ka, kaya bilang mabuting kaibigan, kahit 'di ko gets 'yun, andito lang ako kung kelangan mo ng masasandalan ha?" She verbalized.

"Tss." Tanging tugon ko.

"Walangya ka talaga Evans ka! Ako na nagmamagandang loob. Tas 'tss' lang sagot mo. Yabang. Psh!" Dumali nanaman s'ya.

"Daldal mo kasi." I retorted.

"Che!" Tas kumain na ulit s'ya, kaya kumain na lang din ako. Maya-maya pa natahimik kaming dalwa at kumain lang ng kumain.

"Evans, namatayan ka siguro ng minamahal ano?" Biglang sabi n'ya, napatigil ako sa pag-kain samantalang s'ya gano pa ding kuma-kain.

"Are you still mourning and grieving because of her?" She asked, hindi ko alam pero napatango ako. "Bakit nasa impyerno ba s'ya para patuloy na pagluksaan?" Muntik ko ng mapitik sa noo si Rivera sa sinabi n'ya. Si Light? Impyerno? Tss. Hindi, mabait si Light, alam kong nasa langit 'yun.

"Are you really dumb? She's in heaven." I irritatedly retorted.

"Are you really a dimwit? You're still mourning while you already said she's in Heaven? Wake up dude, you're more jackass than me."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Rivera, wala akong masagot. Nasa heaven na nga ba talaga si Light? Patay na nga ba talaga s'ya?

"I'm already dead, please let me go..."

Biglang pag-eecho ng mga katangang sinabi ni Ligt sa panaginip ko. If you are really dead, then I'll haunt the justice for your unjust death.

***

"Sigurado kang okay lang sila Alyx?" Tanong ni Rivera sa'kin, nandito na kami sa kotse. Papunta kami ngayon sa ospital kung san dinala 'yung mga kaibigan n'ya, unfortunately sa Empire ( Smith's ) Hospital s'ya. Kaya babalik kami sa pinag-takasan namin. Tss.

"Yes, they are." Sagot ko kay Rivera. Hindi ko alam kung ilang beses n'ya na tinanong 'yun at ilang beses ko na din sinagot 'yung tanong na 'yun. Tsk.

Bakas sa muka ni Rivera ang pag-aalala kaya't nung maka-baba kami, dali dali s'yang tumakbo at iniwan na lang ako. Tss. Sumunod na din ako sa kan'ya nakita ko s'ya sa front desk tas dali-dali din s'yang tumakbo agad, kaya't sinundan ko na din s'ya, ang bilis talaga nun. Aish.

Antagal ko s'yang sinundan at hindi ko maabutan dahil sa gaslaw n'yang kumilos hanggang sa pumasok s'ya sa isang kwarto baka andun mga kaibigan n'ya, kaya't dali dali na din akong pumasok dun at nakita kong andun nga 'yung mga kaibigan n'ya gising na at may mga benda sa noo at ibang parte ng katawan.

"Ano ba! Akin nga 'yan!" Sigaw ni Lian kay Tim Tim habang nakikipag-agawan ng libro. 'Yung libro ng empire. Napaka gentle dog naman ng isang 'to, nakikipag-agawan ng libro sa pasyente. Pinigilan ko silang dalwa at binigay kay Lian 'yung libro at sinamaan ng tingin si Tim Tim.

"Pards Gab Gab naman!" Alma n'ya, tiningnan ko s'ya ng masama na parang sinasabing hayaan muna dahil masama pa ang lagay nila. At makukuha din namin 'yun, dahil amin 'yun.

"Girlfriend--este Alyx, friends tayo 'di ba? Akin na lang 'yung envelop?" Sabi naman ni Thon Thon kay Akyx habang naka-upo dun sa kama ni Alyx.

"Che! Ba't ba gusto mo 'tong makuha ha? Ayoko. Manigas ka." Mataray na sabi ni Alyx. I tapped the shoulder of Thon, kaya't napabuntong hininga si Thon at umalis dun.

"Asa ka namang ipapahawak o bibigay ko sa'yo 'to." Sabi naman ni Shana kay JJ. Halos gustong gusto ng suntukin ni JJ si Shana, pero pa-chill chill lang 'yung isa. Napaka-lakas mang-asar at mang-alakaska ni Shana.

"Oy teka, ano ba 'yan?" Biglang tanong ni Rivera.

"Wala ka na dun." Sabay sabay na sabi nung tatlo. "Yah!" Sigaw ni Rivera tas biglang nilapitan isa-isa 'yung tatlo at binatukan isa-isa. Nag-alma 'yung tatlo at natawa naman sila Tim Tim dun na tila ba naka ganti sa kanila.

"Pards ayaw nila ibigay." Sumbong nung tatlo sa'kin.

"Hindi talaga namin ibibigay." Sabi naman nung tatlo. "Those are ours." I firmly said. Inirapan lang ako nung tatlo. "Dating inyo, nakuha na namin kaya amin na." Shana stated.

"Saka, mas naging interesting ako sa laman nito dahil pilit n'yong kinukuha ano bang meron dito? Hmm?" Pang-aasar ni Lian.

"Kaya nga, parang may something. Tss. Manigas kayo. Amin na 'to." Akyx said then she stucked her tongue out.

"Aish!" Asar na sabi ko. "Let's play a game," Sukong sabi ko. Narinig ko ang nag 'yes' at parang nagdidiwang na reaksyon ng doofus.

"Anong game naman 'yan ha?" Tanong ni Lian.

"Basta, play the game. Amin 'yang mga gamit na hawak n'yo. Pwede naming kunin 'yan sainyo, but to be fair. Let's play a game. Pagnanalo kami ibabalik n'yo sa'min 'yan, 'pag natalo kami, inyo na 'yan. Pero habang hindi pa natin nadedetermine ang nanalo hindi n'yo pwedeng buksan ang mga 'yan. So is it a deal?" I asked smirking.

Nagkatinginan 'yung tatlo. "Deal!" Magkakasabay na sabi nila. Halos mapabungisngis naman 'yung tatlo dahil pumayag ang mga kaibigan ni Rivera.

"Hoy! Wala akong nagets dun ha! Mag dodora adventure ba tayo?!" She asked. I chuckled.

"Omo! 'Di nga? Dora dora! Kyaaa! Payag na din ako! Heheh! Kelan kelan?" Excited na sabi n'ya.

"Pagkagaling n'yo, siguro two days later?" Sabi ni Tim Tim habang nakangisi. "Geh." Simpleng sagot ni Shana.

"Yes!" Tuwang tuwang sabi pa din ni Rivera.

"Be prepared 'cause we'll win." Sabi ni Lian, tas ngumisi ito samin. Ngumiti naman ang doofuses dahil dun.

"Be prepared 'cause you will lose." Sabi naman ni Tim Tim. At umalis na 'yung tatlo sa kwarto. "Bye Evans! Salamat nga pala kanina!" Nakangiting sabi ni Rivera. I smiled at her.

"My pleasure, dummie." Then I waved at her, saka lumabas na din at sinundan ang doofuses.

"This will be an exciting game." I heard Jj's voice. Tumango naman si Tim Tim at Thon Thon.

"Surely it will." I said with a smirk in my lips. Those things are ours, and we'll surely win to get those back.

•~•~•~•

A/N: Comment! Haha! Bitin! Lols. The usual! Comment madaming madaming comment! I'll assure you, mabilis na Ud ang kasunod pag madaming comment yan! :) Gaano kadami? Mga 100 kaya? Haha. Lols. Charought!

Vote and Comment!

26.27

Continue Reading

You'll Also Like

724K 25.9K 48
GVA III - The Queen of Death Time Setting: 2011 Apollo X49 is the mythical stone that has been proven its existence by the first generation of Royalt...
2M 17.6K 15
TAGLISH | PRIMOGENITOR SERIES #1 A Vampire/Fantasy Story [R18+] ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ ❝I owe him my life. He saved me...
6.7K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...
1K 62 3
With Pierre's ability in technology, he and his friends manage to bring their late friend back to life... BUT as an Artificial Intelligence robot who...