Matched Better || (ON-GOING)

Oleh Sean_Flower

1.5K 350 180

๐ŸŒ™-You had me. You lost me, So keep walking cause I am done talking. โ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณ (WARNING: BXB | MPREG) ๐–ณ๐—๐—‚๏ฟฝ... Lebih Banyak

Introduction
๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ 1
๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Matched Better
Chapter 7
Matched Better
Hades
Shiro
Shawn

Chapter 6

51 20 55
Oleh Sean_Flower


╔══════════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂═════════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚════════════════════════════════════╝

🍯- 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝙖𝙨 𝙨𝙪𝙜𝙖𝙧. 𝘾𝙤𝙡𝙙 𝙖𝙨 𝙞𝙘𝙚. 𝙃𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 𝙤𝙣𝙘𝙚, 𝙄'𝙡𝙡 𝙠𝙞𝙡𝙡 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙬𝙞𝙘𝙚.

➙𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 6

𝗡𝗔𝗡𝗚 magbalik ang hinahon ay pabuntung-hiningang tumayo si Hady. Dumiretso sa banyo at naligo. Matagal siyang tumapat sa shower para mawala ang pag-iinit ng katawan na nabilad sa araw.

Para ring gumaan ang kaniyang pakiramdam na bumigat dahil bukod sa pilit na pagkukubli biya ng nararamdaman para kay Shawn ay nabuko siya ni Sean. Ibig sabihin ay very obvious pala ng kaniyang mga kilos at transparent pala ang kaniyang damdamin.

Tinuyo niya ang buhok at nag bihis nang maluwag na pantulog at nahiga para ipahinga ang pagod na katawan at isip. Hindi niya namalayang nakatulog siya nang mahimbing.

Nagising lamang si Hady nang yugyugin siya ng kanyang mama.

"Bangon na. Maghahapunan na. Hinahanap ka ng Kuya Noel mo."

Papungas-pungas siyang dumilat.

"Gabi na po pala. Hindi ko namalayan. Napagod kasi ako pagga-garden." katuwiran niya sa ina.

"Susunod na po ako."

Gusto sana niyang itanong kung makakasalo na naman nila si Shawn. Pero napigil niya ang sarili.

Bahagyang sinuklay ng dalaga ang buhok pagkatapos magpalit ng damit pambahay ay sumunod na sa ina. Nama-mawis ang kaniyang mga kamay. Talagang kinakabahan siyang muling makaharap sila ni Kamote.

Pagbungad niya sa dining room ang kanyang papa, kuya at mama lamang ang nakita niyang nasa hapag. Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Si Sean, umuwi na rin po pala," banggit ni Hady ng d makita ang kaibigan.

"May bisitang dumating sa kanila kaya tinawagan dito at pinauwi. Pero si Shiro ay naparito. Masaya ang loko. May maganda raw siyang ibabalita sa iyo. Babalik daw mamaya," halos masamid sa kinakain ng marinig ang sinabi ng kaniyang ina.

"Aba ang loko-loko na yon isang araw kong d nakita nasan naman kaya pumunta yon o baka naman SINO ang pinuntahan non" sa isip isip ni Hady

"Talagang very close parin kayo ni Shiro, ha, Hady," ani ng kaniyang Kuya Noel.

"Sanay na kasi kami sa isa't isa. Pa'no naman lagi kaming magkasama sapul nang maliliit pa kami. Mabait naman talaga si Shiro, Kuya. Para ko narin kasing kapatid."

"Tama si Hady, Niel. Dahil ang trato niya sa amin ay para naring niyang tunay na mga magulang ," anang ama.

Pilit nagpakita ng sigla si Hady kahit wala siyang ganang kumain dahil sa pag-aalalang may makahalata pa ng namumuong damdamin niya para kay Shawn Mendez

Nang matapos kumain nag paiwan si Hady sa sala.
Hihintayin niya si Shiro na nagsabing babalik para magbalita ng kung anong maganda, ayon sa kaniyang mama. Hindi rin naman siya makakatulog dahil naka tulog din siya nang matagal-tagal kanina.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya dahil dumating naman agad si Shiro. May dalang isang box ng chocolate coated cookies.

"Para naman may makakain tayo habang nagkukuwentuhan," sabi nito.

"May maganda ka raw ibabalita sa akin, ha, Shiro?"

"Talagang magandang balita. Dahil galing ako kina Chynthia kanina."

"Sinagot kana?"
"Binasted nga ako."
"Teka... teka, malabo yata yang sinasabi mo." nawala lahat ng bigat sa dibdib ni Hady dahil medyo naguluhan siya sa sinasabi ng kaibigan.

"Hindi, 'no. Lilinawin ko. Ha... kasi, five days ago ay may nakilala akong girl. Super siya, Hady. Simple lang ang beuty niya pero habang pinagmamasdan mo siya'y lalo siyang gumaganda. At ang bait-bait niya."

Kumunot ang noo ni Hady pero nanatiling nakikinig sa kaibigan.

"Maniwala kang unang pagtatama ng aming mga tingin ay naramdaman ko agad na siya na nga ang babaing matagal ko nang hinihintay na dumating sa buhay ko."

"Wow! Parang totoo," bulalas ni Hady na may himig sarkastiko. "Marami ko nang beses naririnig ang pahayag mong iyan, friend. Luma na. Kumbaga inaamag na. Ilang babae na ba ang kinursunada mo para breykin na sandaling may makita kang iba. Kasalanan' yang nananakit ka ng babae na parang balewala lang saiyo. Kelan ka pa ba titino, ha, Shiro?" dire-diretso niyang pangaral sa kababata slash best friend.

"Hady, nasasaktan din naman ako pag may babaing naki-kipag break sa akin. Gaya na lamang ni Cynthia. Alam mo naman kung gaano ako nag sikap na mapansin niya. Matiyaga ko siyang niligawan, para lamang bastedin ako. Buti nalang, e, may nakita na akong iba bago pa niya ako inilaglag."

"At iyan ang magandang balita na sina sabi mo?"
"Oo naman.... o, buksan mo na ang box ng cookies para makapag-alis tayo ng inis."

"E, 'yung sinabi mong babae, nakilala mo five days ago... how sure you are na magugustuhan ka niya?"

"Basta I can feel it in my bones and heart. Ella ang kanyang pangalan. Hindi ako titigil hanggang hindi niya ako tinatanggap. At pangakong siya na ang magiging huling babae para sa akin."

"Kahit hindi mo pa siya kilala, okay na sa iyo. Magri-rely ka lang sa physical na pagkakakilala mo sa kanya, ganu'n."

"Friend, feel ko talagang I love her. Kaya nga ipakikilala ko siya sa iyo. Puwede ko ba siyang isama sa wedding anniversary party ni Tito at Tita para makita mo rin siya?"

"Mas mabuti. Para makilatis namin ni Sean."

"Okay! Ngayong nasabi ko na sa iyo ang tungkol sa huling babae sa buhay ko. Makakauwi na ako't makakatulog. Alam mo namang highly regarded ko ang anumang sasabihin mo especially ang iyong approval."

"Timang! Hindi ko pa nga nakikita, o nakakausap man lang, paano mo masasabing may approval na ako sa kanya? Buti pa nga umuwi kana bago kita makotongan."

"Uuwi na nga. Pero si Shawn, bakit nagbalik dito? Sino ang pinuntahan? Ikaw ba? Baka didiskarte matapos ang matindi ninyong pag-aaway."

"Timang! Si Kuya Niel. May dala pa ngang bouquet of flowers para sa altar ng mama, saka cake para aa amin. Gusto mo ba, ikukuha kita ng isang slice? Malaki pa 'yung natira."

Agad bumalik si Shiro sa kanyang iniwang upuan.

"My fav! Medyo lakihan mo yung slice saka samahan mo narin ng kahit anong panulak." ( Guy's zup its me your handsome author what i mean sa panulak is juice, water, basta yung panulak sa kinakain. Baka kasi hindi niyo alam napaka lalim pa naman ng Tagalog ng storyang to. ciao!)

Sige nang subo si Shiro. Pinapanood lang siya ni Hady. Kahit kailan ay ganoon si Shiro pag kumakain ng cake. Akala mo'y mauubusan dahil sa sunud-sunod na pagsubo.

"Hoy, huminga ka naman. Saka, pahiran mo yang nguso mo. Napuno na ng icing." inabot niya ang malamig na iced tea sa lalaki.

"Ang galing naman ni Shawn. Pa'no niya nalamang butter cake ang paborito nating cake?" ang pakli ni Shiro."

"Coincidence lang... o, lakad na. Gabi na masyado baka magahasa kapa jan sa kanto." pagtataboy ni Hades."

"Oo na... e, Hady, tell me the truth, type mo si Shawn, ano. At type ka rin niya. Ipapaputol ko ang leeg non kung hindi si Kuya Niel ang pinunta niya rito. Kundi Ikaw." seryosong saad ni Shiro

"Loko kang Shiro ka, ha. Ayoko nang ganyang biro."

"O, di nakita mo na. Ayaw mo ng biro. Gusto mo'y totohanan. Believe you me. Liligawan ka ni Shawn."

Pagigil na tumayo si Hady. Nakatitig kay Shiro. Walang sinayang na sabdali si Shiro. Mabilis na nagtatakbo palabas ng front door. Mangingitim na naman ang kanyang batok at mga braso pag nahagip ng maliliit na kurot ni Hady. Pigil na pigil ni Shiro ang pag halakhak dahil gabi na mapag kamalan pa siyang gwapong baliw.

Nahiga na si Hady.
Para pa niyang naririnig ang excited na pag babalita ng kababata. Na iyong si Ella ang huling babaeng liligawan nito. Dahil talagang love na nito kahit sa una palang nilang pagkikita.

May inggit na nararamdaman si Hades. Kung sabagay, ang sakit na iyon ay lagi niyang nararamdaman sa tuwing magbabalita sa kanya si Shiro na may bago na naman itong girlfriend. Kung ilan ay hindi na niya matandaan.

Pero siya narin ang nagbigay ng rason kung bakit nasasaktan siya kahit papaano. Dahil mababawasan na ang atensiyon at pag mamahal sa kanya ng kababata. Feeling niya ay hindi siya sanay na mawala sa kanya si Shiro. Sana'y huwag muna ngayon. Saka na. Pag may love life narin siya.

𝗠𝗜𝗬𝗘𝗥𝗞𝗨𝗟𝗘𝗦. Magkakasabay na dumating sina Sean, Shiro at Hades. Naghihintay na sa kanila su Kuya Niel.

"Bilisan natin ang pag-uusap at discussion ng sorpresang regalo natin kay papa at mama." bungad ni Niel. "Baka magbalik agad sila mula sa pagsisimba sa Saint Barbara, mabisto ang balak natin. May suggestion na ba kayo?" magkakaharap sila sa komedor.

Kani-kaniyang bigay suhestiyon. Pero walang mabuo.

"E, Kuya Niel, bakit hindi singsing... Kinds of Wedding ring ba. Uupa tayo na isang batang babae at isang batang lalaki na magsusuot at mag mumukhang angels. Ilalagay natin sa kahon, ipapasok sa reception hall. Pagtapat sa mesa ng celebrants ay bubukas ang ang kahon at lilitaw ang dalawang anghel. Mag tig-iisang red heart shape cushion kung saan nakalagay ang singsing. Isa para kay mama, isa para kay papa.

"Aba ang galing! mong mag isip little Sis." pagpayag agad ni Niel sa ideya ng kapatid.

At iyon ang kanilang napagkasunduan.

"Ngayon, sino ang mag-aasikaso?" tanong ni Sean."

"Aba, bahala na kayo. Sa akin nanggaling ang idea." bulalas ni Hady. "Saka ako na ang mangungulekta para sa gift."

"Si Shiro at si Kuya Niel na ang gagawin nating in-charge sa pag aayos ng malaking gift box na kasya ang dalawang angels. Sila na ang mangha-hire ng mga bata. Ako na sasama sa kung sino ang bibili ng singsing. Du'n sa kapatid na bunso ng papa ko, sa City. May jewelry shop siya roon. Makaka-discount tayo nang maganda." ani ni Sean

Wala nang tumutol sa arrangement. Ready na sila sa party.

┄┄┄

𝙋𝙇𝙀𝘼𝙎𝙀 𝙑𝙊𝙏𝙀 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙀𝙉𝙏!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

42.8K 3.1K 19
๐ผ๐‘ก'๐‘  ๐‘Ž ๐‘ ๐‘ก๐‘œ๐‘Ÿ๐‘ฆ ๐‘œ๐‘“ ๐‘—๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘œ๐‘œ๐‘˜ , ๐‘Šโ„Ž๐‘œ ๐‘–๐‘  ๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ ๐‘’ ๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘๐‘’ ๐‘โ„Ž๐‘–๐‘™๐‘‘โ„Ž๐‘œ๐‘œ๐‘‘ ๐‘๐‘ฆ โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘œ๐‘ค๐‘› ๐‘๐‘Ÿ๐‘œ๐‘กโ„Ž๐‘’๐‘Ÿ๐‘  . "๐ฝ๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘œ๐‘œ๐‘˜...
56K 2.7K 95
for everyone to know this story is just fiction and no truth
24.8K 1.5K 31
แž–แŸ’แžšแŸ„แŸ‡แžแŸ‚แž€แžถแžšแž™แž›แŸ‹แž…แŸ’แžšแžกแŸ†แž˜แžฝแž™ แž‘แžพแž”แž’แŸ’แžœแžพแžขแŸ„แž™แž€แŸ’แž˜แŸแž„แž”แŸ’แžšแžปแžŸแžŸแŸ’แž›แžผแžแžแŸ’แžšแž„แŸ‹แž˜แŸ’แž“แžถแž€แŸ‹ แž แŸŠแžถแž“แž’แŸ’แžœแžพแž‚แŸ’แžšแž”แŸ‹แž™แŸ‰แžถแž„แžŠแžพแž˜แŸ’แž”แžธ แžŸแž„แžŸแžนแž€ แž‚แŸแžœแžทแž‰แžขแŸ„แž™แž”แžถแž“.....!!! แžแŸแž แŸ’แž™แžปแž„ แž‡แžปแž„แž แŸ’แž‚แžปแž€
122K 328 148
bxb stories that i recommend !! none of the works are mine, credit goes to the owners