Matched Better || (ON-GOING)

By Sean_Flower

1.5K 350 180

šŸŒ™-You had me. You lost me, So keep walking cause I am done talking. ā•³ā•³ā•³ā•³ā•³ā•³ā•³ā•³ā•³ (WARNING: BXB | MPREG) š–³š—š—‚ļæ½... More

Introduction
š—–š—µš—®š—½š˜š—²š—æ 1
š—–š—µš—®š—½š˜š—²š—æ 2
Chapter 3
Chapter 4
Matched Better
Chapter 6
Chapter 7
Matched Better
Hades
Shiro
Shawn

Chapter 5

66 25 7
By Sean_Flower

╔══════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂══════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚═════════════════════════════╝

🌙️-𝙇𝙞𝙛𝙚 𝙞𝙨 𝙡𝙞𝙠𝙚 𝙖 𝙢𝙞𝙧𝙧𝙤𝙧. 𝙎𝙢𝙞𝙡𝙚 𝙖𝙩 𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙞𝙩 𝙨𝙢𝙞𝙡𝙚𝙨 𝙗𝙖𝙘𝙠 𝙖𝙩 𝙮𝙤𝙪.

➙𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 5

"𝗣𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗚𝗜𝗟 ang pagpigil ko sa pagsundo sa inyong dalawa. Talaga palang hindi na kailangang sunduin pa kayo. Talagang ang kapalaran sa mundo ay umiikot. Sa kaso n'yo, pag-ikot uli ay gumanda. Ngayon ang kaaway n'yo ay magiging kaibigan na natin." Ang wika ni Shiro nang magkasama-sama silang tatlo nina Hades at Sean.

"Mukha namang mabait si Shawn. Mahinahon magsalita, pino ang kilos, at feeling ko'y sincere siya sa kaniyang mga sinasabi." Saad ni Sean.

"Naku, ha Chingchong. Mukhang tinatamaan ka ni Shawn. Malakas naman  kasi ang dating niya. Ang galing ng porma kahit simple lang." sabi ni Shiro.

"Tama ka, Shiro. Pero feel kong hindi niya ako type. Tuwing tinitugnan ko siya kagabi habang nakikipag-usap sa atin, panay ang sulyap kay Hady... naku, ha, Hades. Baka siya na ang hinahanap mong magiging soulmate!" bulalas ni Chingchong.

"Tigil! Ikaw Chingchong ka, kahit kelan e mapaghinala sa kapwa. Tumingin lang sa akin nagbintang ka na agad na type ako," sabi ni Hades.

"Iyan kasi ang naririnig ko sa mga pinsan kong lalaki at kanilang tropa. Gaya ng laging tumitingin kay Hady. Pag tinitingnan ka, ibig sabihin ay may interest siya sa iyo."

"E, ako, hindi naman interested sa kanya. Maduduling lang siya ng katitingin," pa irap na sabi ni Hady.

"Ows!" kantiyaw ni Shiro. "Kundi ka interesado sa kapatid ng pari, e, bakit nagingitim ang paligid ng mga mata mo. Meaning: Hindi ka naka tulog sa pag-aalala kay Kamote. Di ba, nun'ng hindi natin alam ang pangalan niya, e lumalagapak na kamote ang tawag natin sa kanya."

"Sira! Marami lang akong iniisip. Plinaplano ko kasi kung ano-anong gimik ang dapat gawin para maging masaya ang party ng mama at papa sa kanilang anniversary. Ikaw Shiro ka, puro kalokohan ang pumapasok sa utak mo. Isipin mo na lang, kagabi lamang natin siya nakaharap ng pormal, nag-iisip ka agad ng malisyosong isipin. Kaya lang 'yon tumitingin sa akin ay, hindi niya lubos maisip na ang mukha kong ito'y kinaya siyang sapakin at umbagin. 'Yun 'yon!"

"Tama na nga 'yan... Shiro, tayo rin ay mag-iisip ng kahit anong maiaambag natin para maging memorable ang anibersaryo ng Tita Rosa at Tito Robert."

"Tama ka, Chingchong. Don't worry, pag nakaisip na ako at ipaaalam ko sainyong dalawa."

"Saka gawin nating sopresa sa mag-asawa. Magiging memorable sa kanila ang anibersaryong ito kaysa sa iba dahil nga sa mga naganap na hindi nila akalain." dagdag pa ni Shiro.

"Pa'no 'yan. Pag bukas ay lalong mangingitim ang paligid ng mga mata ko, baka magsuspetsa na naman ang Shawn nayan na kung sino na naman ang iniisip ko."

"Hindi na, 'no. Alam ko na kung bakit... Hoy, kinalimutan mo na yata 'yung promise n'yong dalawa na ilalakad n'yo ako kay Chynthia."

"Hindi. Naging busy lang kami ni Hady nu'ng mga nakaraang araw. Sa katunayan nga, inimbeta na siya ni Hady para magkalapit kayo sa party sa Sabado."

"Talaga ba, ha, Hady?"

"Oo naman... o, masaya ka na?"

Hindi sumagot si Shiro. Niyakap nalang niya ang kaibigan at hinalikan sa noo.

Nag pa iwan pakina Hady si Chingchong. Naunang umuwi si Shiro.

"Bakit mo ba ako pinaiwan pa, ha, Hady? May sasabihin ka pa siguro."

"Meron nga, Chingchong. Hindi nagkamali si Shiro. Talagang napuyat ako dahil kay Shawn."

"Ano? Joke ba 'yan?"

"Hindi totoo. Kasi, hiyang-hiya ako sa nagawa ko. Isiping kapatid pala siya ng isang pari. Ibig sabihin ay mula sila sa isang mabuting pamilya. Tapos, pinagbintangan kong manyakis. Hindi siya gagawa ng ganoon!"

"Kinonsensiya ka, ganu'n."

"Ganu"n na nga."

"Hindi dahil may pumintig na kung ano sa isang sulok ng puso mo."

Hindi sumagot si Hades. Inirapan lang niya ang kaibigan.

"Kung talagang 'yon lang ang dahilan, e, kalimutan mo na. Maiintindihan na ni Shawn na natural reaction lamang ang nagawa mo sa kanya ng dahil sa kabiglaan."

"Sa palagay mo ba'y ganu'n nga ang kanyang iisipin?"

"May iba pa ba? Lalo't nakita mo namang napaka-gentleman niya."

Ngayon at dalawa na ang dahilan para ma-excite si Hades sa pag dating ng party. Una, para sa kanyang mga magulang at sa kuta niya na naroroon at nakapiling nila kahit iisang araw lang. Ikalawa, dahil sa party ay darating si Shawn Mendez. Guston niyang makita itong muli. Makausap, at sisikapin niyang maging kaibigan ito. Pakiramdam niya, ay napakahalaga na maging magkaibigan sila.

Pero naiinis si Hades. Bakit ginugulo ni Shawn ang kaniyang isip. Dati'y suko sa langit ang galit niya rito. Ngayon ay parang naging kabaliktaran ang damdamin niya. Hindi niya maintindihan ang sarili.

Linggo ng hapon, magkatulong sila ni Chingchong sa pag-aalis ng damo at tuyong dahon sa garden ng ina nang pumarada ang kotseng kilalang kilala na ni Hades.

"Chingchong, kotse ni Shawn 'yon, a. Anong ginagawa niya rito?"

"Ano pa, e, di dinadalaw kana," nakangising tukso ni Chingchong.

"Timang!... Sige, salubungin mo. Itanong mo kung bakit siya narito," utos niya sa kaibigan pero itinago ang excitement sa boses."

Nakita ni Hades si Shawn nang bumaba ito mula sa sasakyan. Pagkuwa'y dumukwang sa loob at may kinuha.

"Hady, may pasalubong, o! Bouquet of flowers at malaking kahon. Cake yata!"

"Aba, baka akalain niya'y ngayon ang party. Next Saturday pa! Saka nun'ng makalawa lamang niya inihatid si Kuya Niel, ibig bang sabihin ay ganu'n siya makakalimutin?"

"Ewan ko sayo!" tumayo na si Chingchong sa pagkakayuko para salubungin ang dumating na bisita na kung makangiti e mukhang endorser ng close up.

"Hi, Sean. Si... si Brother Noel, nariyan ba?" tanong ni Jojo.

"Oo, nasa loob. Halika, pumasok ka. Nariyan din ang kanyang mga parents." nagpauna na si Chingchong

Hindi iniaabot ni Shawn sa kanya ang mga dala nito. Alam ni Shawn na hindi siya nakatira roon. Hinihintay niyang itanong nito si Hades pero hindi ginawa si Shawn.

Nasa sala ang mag-asawang Robert at Rosa. Iniabot ni Shawn ang bouquet sa mama ni Brother Noel, ang kahon ng cake ay kay Robert.

"Pang-altar po, Tita Rosa. Ang cake, pangmeryenda."

"Halika, maupo ka. Tatawagin ko si Noel. Nasa Kuwarto niya. Nagbabasa."

"Iiwan na kita, Shawn. May inaasikaso ako sa garden." at nag mamadali nang lumabas si Sean para puntahan si Hades.

Nanatiling nakaupo si Hades sa munting bench na gamit niya. Kinakabahan siyang hindi mawari. Gusto niyang sumunod kay Sean para makita si Shawn at mapansin siya nito. Pero para siyang nadikit sa kanyang inuupuan.

May takot siyang baka hindi siya pansinin ni Shawn dahil sa mga nangyari sa kanila. Baka nagkunwari lamang ito na wala ng galit pero may banta ito sa kanila ni Sean. Baka gantihan siya at mapahiya sa sariling bahay.

"Hoy, bakit nakadukmo ka riyan? Umiiyak ka ba?"

Napataas ng mukha at kasabay ang kaliwang kilay si Hady. "Hindi ba't naman ako iiyak, napagod lang ako."

Naghintay siya ng irereport ng kaibigan.

"Aba Sis may pa bouquet of flowers at malaking box ng cake. Para sa altar daw ng Tita Rosa ang mga bulaklak. Ang cake naman ay pang meryenda raw ng pamilya. Hinintay ko ngang itanong kaniya kung nasan ka. Pero waley deadma si Kamote."

May kurot sa sulok ng pusong nararamdaman si Hady. Nagkibit-balikat siya para ikubli ang disappointment niya sa lalaki. Saka itinuloy ang pag bubunot ng damo.

"Ang Kuya Niel ang hinahanap. Hayun, tiyak na nag kukuwentuhan na sila ngayon. Ano'ng malay natin. Baka gusto rin niyang mag pari at sa kuya mo nanghihingi ng impormasyon, hindi sa sarili niyang kapatid na pari."

"Bahala siya sa buhay niya... pero Sean, bakit niya hinahabol 'yung isang babae ikamo bago niya ako mabangga? Baka nag ka-LQ sila nu'ng babaeng yun. Kung makahabol siya para namang hindi siya mag papari."

"Oo nga naman... Bakit ba natin siya pinag uusapan pa. Bilisan na natin ito para next week ay magkabuhay pa ang garden ni Tita."

At pinagpatuloy na ni Sean ang iniwang gawain. Hindi na siya  nagsalita pang muli. Pero. Pero pinakikiramdaman  niya ang kaibigan. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit mag kutob siyang may maling ikinikilos si Hady about Shawn. May kimkim pa kayang galit ito sa lalaki na itinatago lamang alang-alang kay Kuya Noel o mas higit pa roon. Gustung-gusto na niyang tanungin ito. Pero personal na buhay na ni Hady iyon na kailangang igalang. Invasion of her friend privacy na pag tinanong niya pa ito tungkol doon.

"Hady, umakyat na tayo. Parang natatakam ako sa cake. Saka uhaw na uhaw na ako. May isang oras na mahigit na tayo ritong bungkal ng bungkal. yaya ni Sean

"Sige, mauna kana. Ililigpit ko lang itong mga ginamit nating tools." Isa-isa na niyang dinampot ang ginamit. Gunting, trowles at kung anu-ano pa. Nauna na si Sean. Pagkatapos maitago sa garden toolshed ang mga ginamit ay sa likuran na nagdaan si Hady.

"O, Hady, magpalamig muna kayo ni Sean. Heto ang cake, kumain na kayo. Dala ito ni Shawn. Nagkukuwentuhan sila ng kuya mo sa beranda," ani ni Rosa.

"Ako na ang bahala rito."
Nang makalabas ng kusina ang mama niya'y marahan siyang lumapit sa pinto. Sisilip siya sa kurtina. Pag hinawi iyon nang bahagya ay tanaw na ang beranda. Pero hahawiin na sana niya ang kurtina nang nay biglang humawi rito nang paluwang. Nagkagulatan pa sila.

"Hady!" ani ni Shawn na nagulat.
"Bakit?" walang maapuhap si Hady na maitatanong sa sobrang pag ka gulat.

"Nasanggi ko ang platito ng cake, nalagyan ng icing ang kamay ko. Maghuhugas sana ako."

"Hayun ang lababo. Bahala kana. Papasok nako," at nagmamadaling tinungo ang kanyang kwarto.

Pakiramdam niya'y naubusan siya ng enerhiya dala ng ng pagkaka gulat at nanuyo ang kanyang bibig.

"Pinakakaiwasan kong mag kaharap kami, sukat banggain pa ako," padabog na naupo sa paanan ng kanyang kama, ng naka simangot.

Bukas ang pinto. Hindi namalayan ni Hady na pumasok ang matalik na kaibigan.

"Bakit nagmumukmok ka rito? Feeling ko lang talaga ah, gusto mong iwasan  si Shawn. Bakit nga ba, ha? nanatiling nakatayo si Sean sa harapan ni Hady.

"Wala lang."
"Hindi pwedeng wala lang yang pang iiwas mo kay Shawn ano yun trip mo lang ganon." hindi naka sagot si hady sa tanong ni Sean at nanatiling tahimik nalamang.

"Hsst. It's okay by me kung ayaw mong magsalita. Pero alam mo ba alam na alam ko yang reason mo kung bakit pilit kang umiiwas kay Shawn... Nagkaka-crush ka sa kanya at hindi lang basta crush ah. Dahil bakit naman napakatindi mo kong maka iwas. Mahal mo na siya no. Tama ba ako?" anitong nagtatawa saka dumako sa pinto para lumabas na dahil sa naka ambang unan na papunta sa kaniya. Bago pa tumama sa kaniya ang unan e napihit na niya pa sira yung pinto.

Naiwang nakatanga si Hady. Gusto niyang habulin si Sean at sabunotan at pigilan ito na baka sabihan sa iba pa ang ipinahayag ngayon lamang. Ayaw niyang may makaalam pa non kahit ang kanyang kababata slash bestfriend na si Shiro.

┄┄┄

𝙋𝙇𝙀𝘼𝙎𝙀 𝙑𝙊𝙏𝙀 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙀𝙉𝙏!

Continue Reading

You'll Also Like

181K 6.7K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
332K 19.2K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
119K 243 17
My wlw thoughts Men DNI šŸš« If you don't like these stories just block don't report
16.5K 576 27
Ų±ŁˆŲ§ŁŠŁ‡ Ų§Ł…Ų§Ų±Ų§ŲŖŁŠŁ‡ ŲŖŲŖŁƒŁ„Ł… Ų¹Ł† Ł…Ų«Ų§ŁŠŁ„ ŁˆŲ­ŁŠŲÆŁ‡ Ų§Ł…Ł‡Ų§ ŁˆŲ§ŲØŁˆŁ‡Ų§ Ų§Ł„ŁŠ Ų¹Ų§Ł†ŲŖ Ł…Ł† Ų§Ł„Ł… Ų§Ł„Ų§Ł†ŁŲµŲ§Ł„ Ų§Ł„Ų§Ł… : Ł†ŁˆŲ±Ł‡ Ų§Ł„Ų§ŲØ : Ł…Ų­Ł…ŲÆ ŲŖŲ§Ų±ŁŠŲ® Ų§Ł„ŁƒŲŖŲ§ŲØŁ‡ : 19/3/2023 ŲŖŲ§Ų±ŁŠŲ® Ų§Ł„ŲŖŁ†Ų²ŁŠŁ„ : ..