"Everything is backwards now, like out there is the true world, and in here is the dream."
Jake Sully, Avatar
_____
"Abby! Abby!! Lumabas ka riyan sa lungga mo!"
Naririnig niya ang kanyang kaibigan sa labas. Patay si Celeste. Nandito na agad ang loka-loka. Tinext niya kasi ito kagabi na nandito na siya sa kanyang apartment. Pinatay niya agad ang kanyang cellphone dahil paniguradong uulanin siya nito ng tanong. Nakalimutan niya palang buhayin kanina ng magising siya.
"Abby! Sisirain ko 'tong pinto!" banta nito. Kinalampag pa talaga nito ang pobreng pinto. Mukhang magigising tuloy ang mga natutulog sa sala. Nasa sofa si Philcan samantalang sina Zion naman at Cerus ay magkatabi sa baba ng sofa. Natawa siya sa itsura ng mga ito, ginawa kasing hotdog pillow ni Cerus si Zion samantalang si Philcan naman ay lagpas ang mga paa sa maliit niyang sofa.
Nagulat ata si Philcan sa pasigaw ni Celeste kaya nahulog ito sa sofa. Si Zion naman ay bigla na lang itinulak si Cerus sa pagkakayakap nito pero mukhang balewala lang iyon kay Cerus. Hindi man lang ito natinag sa pagtulog.
"Abenido Legarda!" sigaw na naman ni Celeste.
"Andiyan na, wait lang naman!" sigaw na rin niya tutal naman nagising na nito ang mga gwapong alien.
Binuksan niya ang pinto pero iniharang niya ang kanyang katawan. Handa na ba siyang ipakilala sa kaibigan niya ang mga kasama niya ngayon sa bahay? Bahala na nga.
"Bakit naman ang aga-aga nag-eeskandalo ka?"
"Huwag mo akong artehan, tumabi ka r'yan, marami kang dapat ipaliwanag sa akin," itinulak talaga siya nito. Parang reyna itong pumasok sa kanyang apartment.
"Waah!" sigaw nito. Bigla na lang nagulat si Cerus sa ginawang pagsigaw ni Celeste kaya napayakap ito sa binti ng nakaupo nang si Philcan. Si Zion naman ay nakatayo na ng mga oras na 'yon.
"Abenido Legarda! Magpaliwanag ka now na!"
Nagmamadali ring bumaba si Alala, mukhang narinig din nito ang sigaw ni Celeste, nauna pa kasi itong magising sa kanya kanina, inaayos lang nito ang mga gamit nila kaya hindi ito nakabuntot sa kanya.
Tumingin din dito si Celeste, "Abby what this is all about?! Nawala ka ng mahigit isang buwan tapos ganito ang madadatnan ko!"
"P'wedeng kumalma muna, ang aga-aga pangbest actress agad ang mga lines mo!"
Nag-inhale exhale muna ito bago nagsalita ulit, "Seryoso ako Abby, alam mo bang nag-alala ako ng husto sa'yo, muntik na kitang ipahanap sa nbi, nakatanggap lang ako ng text na nasa mabuti kang kalagayan, tumawag ako sa opisina niyo pero AWOL ka na raw,"
"Ano?!" tiningnan niya ang mga lalaking nag-uumpukan sa maliit na sofa. Patay malisya lang ang mga ito.
"Oo, tinawagan ko rin ang mga kamag-anakan mong walang kwenta, naghihintay lang ng padala mo, nagtext ka raw na okay ka lang, kaya naman wala silang pakialam kung nasaan ka, as long as nagpapadala ka, ang mga walanghiya!"
Alam ng kanyang kaibigan ang mga hinakit niya sa buhay, ito lang kasi ang napaglalabasan niya ng sama ng loob kapag nagsasawa na siya sa pag-iintindi sa mga mahal niya sa buhay. Napapagod din kasi siya minsan lalo na kapag sobra ng demanding ng mga ito. Aminado siyang malaki ang naitulong ng mga ito para makapagtapos siya sa pag-aaral pero minsan kasi abuso na rin. Naiiyak na naman tuloy siya.
Niyakap niya ang kanyang kaibigan. Namiss niya ito, "I missed you," tumugon naman ito sa pagkakayakap niya mas lalo tuloy siyang naiyak.
"Sino kaya sa atin ngayon ang best actress?!"
Bigla na lang may kumuha sa kanya sa pagkakayakap ng kanyang kaibigan. Si Philcan, "Are you alright?" ito naman ang yumakap sa kanya.
"Wow ha! Friend! makyondi ka, sino itong papabols na 'to?"
"Group hug," nakiyakap na rin si Cerus sa kanila, "Uy. Zion group hug," tawag nito sa lalaking estatwa. Itinulak lang ni Philcan si Cerus.
"Hmmp!Damot. Ome..Alala, anong breakfast natin diyan?"
Mukhang nakita nitong inaayos na ni Alala ang mga prinepare niyang almusal kanina. Nag-aalangan si Alala sa mga gamit na nakikita sa kusina mukhang hindi ito sanay gumamit ng mga iyon.
Naramdaman na lang niyang may humila sa buhok niya, "Ang aga-aga, kumekerengkeng!" ang kanyang kaibigan pala. Nakayakap pa rin pala si Philcan sa kanya.
"What are you doing woman?!" asik nito kay Celeste.
Tinaasan ito ng kilay ni Celeste, "Aba't!"
Inunahan na niya si Celeste, "Sige na Philcan, kumain na muna kayo,"
"And you?"
"Later na lang, kakausapin ko lang itong kaibigan ko," hinila niya na sa kanyang kwarto si Celeste.
Pagpasok na pagpasok nila sa kanyang kwarto. Sunod-sunod ang mga tanong nito.
"Oh my God! Friend! sino ang mga lalaking iyon? syet! bakit ang gagwapo nila at talagang niyakap ka pa, maharot ka rin 'no!"
"Celeste, makinig ka nga muna, h'wag ka ngang maexcite r'yan!"
"Pa'nong hindi ako maeexcite, Juice colored naman friend, ang ha-hot kaya nila, saan mo ba napulot ang mga 'yon, isama mo nga ako minsan, teka saan ka nga pala nanggaling?"
"Celeste makikinig ka ba o hindi?"
"Okay, okay, high blood agad,"
Ik'wenento nga niya lahat lahat dito. Walang labis walang kulang. Simula sa dukutin siya ng mga alien hanggang sa makabalik siya rito na aalis din ulit. Pati ang dahilan kung bakit siya dinukot. Naik'wento niya rin na tinangka niyang tumakas. Lahat ng iyon. Alam naman kasi niyang mapagkakatiwalaan ang kanyang kaibigan.
Tiningnan niya ang reaksiyon ng kaibigan matapos ang kanyang kuwento. Mukhang hindi pa rin ma-absorb ng utak nito lahat ng ipinagtapat niya. Literal kasi itong nakanganga. Ilang sandali bago ito nakapagsalita.
"Friend, alam mo namang mahal na mahal kita, lahat ng kalokohan mo ay sinasakyan ko pero alam mo 'yon, ang galing mo lang magk'wento kaya parang totoong totoo, pero friend sorry ha, kailangan mo na atang magpatingin sa isang psychiatrist,"
"Alam kong sasabihin mo 'yan," bumaling siya sa nakasarang pinto ng kanyang kwarto, "Alam kong nandiyan kayo, nakikinig sa usapan namin, pumasok kayo!"
Dahan-dahan bumukas ang pinto, iniluwa n'on ang tatlong itlog, itinutulak ni Philcan si Cerus para ito ang mauna samantalang si Cerus ay tinutulak naman si Zion.
"Philcan, ipakita mo nga sa kanya ang kaya mong gawin para maniwala siya," itinuro niya ang kanyang kaibigan bilang pagtukoy dito.
"Okay," gumawa ito ng isang fireball sa kamay. Nanlaki ang mga mata ni Celeste sa nakita. Maging siya ay nagtaka sa ginawa nito, hindi niya pa kasi nakikita ang kapangyarihan nitong iyon. Ang akala niya ay hangin lang ang kayang kontrolin nito. Pati pala apoy.
Nakita niyang unti-unting bumabagsak si Celeste mabuti na lang ay agad itong nasalo ni Zion.
"Tubig," sabi nito. Mabilis namang nakakuha si Cerus. Isang kurap lang nasa harap niya na ang isang basong may lamang tubig.
"Here," ibinigay agad sa kanya iyon ni Cerus. Subalit imbes na painumin niya ito ibinuhos niya iyon sa mukha ng kaibigan. Nag-iinarte lang kasi ito. Inaamoy-amoy pa nito si Zion at kung makahawak sa balikat wagas.
Nang maramdaman nito ang kanyang ginawa bigla na lang siya nitong sinampal, "Panira ka talaga! Gusto siya lang mayakap. Ganern! Nangbasa pa ng damit!"
"Ewan ko sayo! Tumayo ka na nga diyan, nag-alala pa ako sa'yo, nag-iinarte ka lang pala!"
Hindi siya nito pinansin, "Mga alien talaga kayo?"
"Hindi, mga Xygus kami," si Cerus ang sumagot.
"P'wedeng sumama sa planeta niyo? Lahat ba ng lalaki sa inyo kasing gagwapo niyo?"
"Hindi ko alam, pero ang alam ko, ako ang pinakagwapo sa planeta namin,"
"Bongga!"
"H'wag mo na ngang dagdagan ang kabaliwan nitong kaibigan ko Cerus, at Zion, bitiwan mo na 'yan, nag-iinarte lang 'yan," sabi niya. Nakahilig pa rin kasi ito sa dibdib ni Zion.
"Masusunod," sa ginawa nito ay muntik ng matumba ang kaibigan niya. Na out of balance kasi ito.
Sinimangutan siya ni Celeste, "Teka, sino pala ang bubuntis sa kaibigan ko?"
Itinuro ni Cerus ang nakahalukipkip na si Philcan.
"Ikaw na friend. Talo mo pa si Rapunzel sa haba ng hair!"