🏰ALEX🏰
Natapos ang makendeng naming practice. Nanakit ang balakang ko dahil sa kakasayaw. Ang galing-galing ko talaga, kung nandito lang si Mamaw sigurado elibs na elibs na naman sa akin 'yon. Nagpunta na kami sa canteen para sa lunch, pumwesto na ako sa ibabaw ng lamesa. Nagtinginan na naman sa akin ang mga tao.
Nagagandahan siguro sa akin no?
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mamaw. Hinahantay ko pa sila Darylle na bumili ng pagkain. Napanguso ako ng hindi sagutin ni Mamaw ang tawag ko. Nag-ring lang 'yon kaya naisip ko na baka tulog pa siya. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ko siya tawagan pero hindi pa rin sumagot. Naisip ko na lang magcompose ng message.
__________________________________
To: Mamaw
Hello Mamaw! Good afternoon! Ang pangit ko, pero mas pangit ka! Gising ka na ba? Tumatawag kasi ako eh hehehe...
__________________________________
Natanaw ko na sila Darylle na papalapit kaya binaba ko na muna ang cellphone ko para kumain. Napangiti ako ng makita ko ang pagkain, parang gusto ko na kaagad 'yung kainin kaso magpepray pa kami. Habang nagdadasal ay kinu-kurutan ko ang ulam ko dahil nagugutom na ako.
Parang pati plato gusto ko ng kainin...
Nagsimula na kaming kumain. Medyo tahimik kami ngayon dahil napagod kaming sumayaw at magtawanan. Ako ang pinakanaunang natapos kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mamaw.
Hindi pa rin sumagot...
Isa pa!
Ayaw talaga...
"Paano niyo pala pipinturahan ang lobo?" Tanong ni Kendrick. Binaba ko na lang ang cellphone ko dahil baka puyat si Mamaw. Gabi na kasi kami nakauwi dahil nag-enjoy ako kagabi.
"Oo nga," ani Cassey. "Eh ang sabi ni Miss Jelai lahat daw ng students dapat manood ng dry run."
"Oo bawal hindi manood," sabat ni Georgina.
"Paano 'yan?" Tumingin sa akin si Darylle. Malamang ako ang tinatanong niya.
"Ako na lang ang magpipintura. Magpapaalam ako kay Miss Jelai kung pwede. Baka kasi mahalata tayo kung marami tayong magsestay doon," sabi ko. Ayos lang naman sa akin kasi mahihirapan kami kung ipagpapabukas ko pa. Ang sabi naman ni Cassey tuyo na raw dahil sa init at blower. Hindi rin naman nila ako matutulungan dahil hindi naman daw sila marunong non.
Ako rin naman eh...
Nagmamagaling lang ako!
Wala akong hindi kayang gawin dahil mayabang nga ako!
"Kaya mo ba?" Tanong niya.
"Kakayanin," nakangiting sabi ko. Wala naman akong choice eh. Medyo pagod na rin akong sumayaw at isa pa, naeexcite akong magpaint dahil sa mga paintbrush kong binili ni Mamaw. "Ako na magsasabi kay Miss Jelai, doon na kayo sa Gym dumiretso." Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ulit si Mamaw pero wala talaga. Ayaw sumagot...
"Bakit Alex?" Tanong ni Cassey.
"May load ka?" Tanong ko.
"Hmm," inabot na niya kaagad sa akin ang cellphone niya. Dinial ko ang number ni Mamaw at tinawagan siya. Napangiti ako ng sumagot na siya.
"Oh? Sino 'to?"
"Hello Mamaw ba-." Nagulat ako dahil biglang namatay ang tawag. Sinubukan ko ulit siyang tawagan gamit ang cellphone ni Cassey pero wala na. Hindi na siya sumagot ulit. Hiniram ko rin ang kina Darylle, baka kasi sira lang ang cellphone ko.
After ng lunch dumiretso na ako sa Faculty para magpaalam kay Miss Jelai na gagawa ako sa room. Gumawa muna siya ng excuse letter at pinapirmahan 'yon bago binigay sa akin ang susi. Pumasok na ako kaagad sa room at inayos ang gamit ko. Inihanda ko na rin ang mga gagamitin ko pangpintura. Bago ako nagsimula, sinubukan ko ulit tawagan si Mamaw dahil baka sumagot na siya pero ayaw talaga!
Baka lowbat siya...
Oo gano'n nga!
Nagsimula na akong magpintura. Inuna ko katawan ng lobo. Nilagyan ko muna ng base na color white para hindi pangit at mukhang minadali. Sinusulyap-sulyapan ko ang cellphone ko dahil baka tumawag si Mamaw. Kinuha ko ang electric fan para mas madaling matuyo. Napansin ko ring basang-basa na ako ng pawis at doon ko lang naalala na patay pala ang aircon.
Baka magalit si Mamaw 'pag natuyuan ako ng pawis...
Hinubad ko ang t-shirt ko at pinalitan ng bago. Pinunasan ko muna ang katawan ko bago ko sinuot ang damit. Pinilit ko ring ipuyod ang buhok gamit ang ipit na nakuha namin ni Mamaw kahapon.
"Bakit nahuhulog?" Nakangusong tanong ko dahil may natitira pa rin na buhok. Nagsisigaw ako sa inis dahil ayaw matali ng maayos ng buhok. Sinabunot-sabunutan ko ang pangit kong buhok.
Ang sarap gupitin!
Nakanguso kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mamaw kaso hindi niya pa rin sinagot kaya naisip ko na lang magtext.
__________________________________
To: Mamaw ni Nguso
Mamaw? Bakit hindi ka sumasagot?
To: Mamaw ni Nguso
Galit ka ba sa akin? Kasi tinulugan kita kagabi?
To: Mamaw ni Nguso
Sorry na... Bati na tayo ha?
To: Mamaw ni Nguso
Uy Mamaw! Magreply ka please... Sorry na...
To: Mamaw ni Nguso
Sorry na ha? Sorry na nga! Uy! Mamaw! I love you!
To: Mamaw ni Nguso
Nagchacharge ka ba? Kapag full ka na tawag ka sa akin ha? Kapag hindi ka tumawag iiyak ako! 'Yung malakas! 'Yung sobrang lakas! 'Yung pinakamalakas!
To: Mamaw ni Nguso
Mamaw ha? Nguso! Nguso! Nguso! Kiss! Kiss! Kiss! Hug! Hug! Hug!
__________________________________
Tinadtad ko si Mamaw ng message kasi ayaw niyang sumagot eh. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Pinatungan ko na 'yon ng gray at nilagyan ng detailed gamit ang itim at puti. Hindi ko alam kung gaano ko katagal ginawa ang lobo. Mangangalahati pa lang ako ng maisipan kong magpahinga.
Nagsimula na akong umiyak dahil wala talagang reply si Mamaw at hindi rin siya tumawag pabalik.
Ano bang ginawa ko?
Mamaw...
Hindi mo na ba ako love?
🏰DARYLLE🏰
Kanina pa nagsimula ang dry run. Ang nauna ay kaming mga varsity, 'yung yell. Bitbit namin ang mga flaglets na ginawa ng ibang varsity. Natuwa ang Dean lalo na doon sa may Alex dance craze na part.
Ang cute daw namin...
Siyempre cute ang original non eh...
Para kasi talaga kaming kiti-kiti na dahil sa paraan ng pagkembot namin. Pambata talaga siya actually, 'yung parang nakikipagsiklaban ka sa kapwa mo bata sa pagkendeng. Gano'n na gano'n!
Tatawa-tawa kaming bumalik sa inuupuan namin. Ipon-ipon kasi lahat ng varsity dito sa bay 5 para hindi mahirap bumaba sa court. Ang ibang students by section na ang upuan. Nando'n ang Dean sa harap kasama ang ibang mga teachers. Ang sumunod na nagperform ay ang Drum and Lyre. Nasa unahan ang majorette at nasa likod naman nila ang mga flag bearers. Sa likod nila ang nagla-lyre then drums at iba pa.
Nagsigawan ang lahat ng sabay-sabay na ibato ng mga majorette ang baton gamit ang kanang kamay at saluhin gamit ang kaliwa. Kasabay nito ang pagpa-ikot nila sa baton patalikod at kinuha naman gamit ang kanang kamay.
Ang mga flag naman ay sabay-sabay na kumukumpas sa hangin. Pinaikot ng mga bearers ang flag nila pakanan, mula sa taas papunta sa baba.
"Dapat ang mga lalaki ang nag-majorette at nag-flag bearers, dahil magaling silang magpaikot," ani Sydney. Humugot na naman. Tinapik-tapik ko ang likod niya at tumango-tango naman siya.
"S-S-S-Sydney! H-h-h-hinding-hindi ka raw paiikutin ni Y-Y-Y-Yixing!" Sigaw ni JC mula sa likod kaya naghihiyawan na naman sila. "Papasukin lang..."
Narinig pa 'yon?
"Mukha mo," bulong ni Sydney.
"Si JC ba crush mo?" Binulong ko lang para hindi nila marinig.
"Hindi ah," tanggi niya. Feeling ko si JC kasi ngayon lang siya naging mailap eh.
Ano kaya nakain neto?
Tinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa nagpeperform. Kasalukuyang nagmamartsa ang mga Junior and Senior Scouts. Sila ang mamamahala sa pila during Motorcade. Ang sabi, ang Muse and Escort daw ay nakasakay sa float na ginagawa sa elementary deparment. Nando'n din ang ibang mga teachers and staff. Ang mga varsity players daw ay maglalakad lang din kasama ng ibang mga estudyante pero nakabukod kami ng pila. Lahat ng mga students na manonood lang at walang participation ay sa likod lang.
"Siya nga pala, bakit nagpractice pa ng yell sina Yiren?" Tanong ko kay Georgina. Ang alam ko kasi iba ang suot nila sa amin. Kami kasi nakashirt na pang varsity, 'yung binigay last time.
"Sumali lang sila," sagot ni Georgina. "Sa mismong contest doon sila sa stage."
"Ahhh," tumango ako.
"Excited na ako!" Niyugyog ako ni Georgina at nagtitili. Medyo kinabahan ako dahil first time kong maglalaro sa Sports Fest. Sila kasi nakakapaglaro na noon pero sa JHS na level. Sa amin kasi iba, hindi Sports Fest ang tawag, Interschool Tournament. Ang Sports Fest kasi ay para sa mga Universities pero pang-elem at high school. Ang Interschool Tournament naman ay para sa mga school lang, parochial at catholic, 'yung walang college.
Tapos ng magmarch ang mga Scouts kaya tinawag na ang susunod na magpeperform ang Glee Club. May Choral Contest din pala na gaganapin pero dapat kundiman dahil buwan nga ng wika. Nagsimula na silang kumanta ng matapos silang mag-assemble. Hindi ako pamilyar sa kanta dahil makaluma 'yon malamang. Masarap sa tenga ang boses nila dahil nagmamatch ang nagtataasan, nagtitinisan, nagbabaan at naglalakihan nilang mga boses.
Kinuha ko muna ang cellphone ko para tawagan si Alex. Tatanungin ko lang kung okay lang ba siya ron. Baka kasi mamaya nakikipagsuntukan na 'yon do'n hindi lang namin alam. Nangunot ang noo ko ng hindi ko siya matawagan dahil busy ang phone niya. Naisip ko tuloy na baka kausap niya si Tita dahil kanina niya pa 'yun tinatawagan. Nilagay ko muna ang cellphone ko sa bulsa dahil baka masira ko ang moment nilang mag-nanay.
Baka sabihin nila kontrabida ako...
Natapos na ang mahabang presentation ng Glee Club. Naghihikab na ang ilan, inantok siguro. Nilingon ko si Sydney, nakapangalumbaba habang pumipikit-pikit ang mata.
"Hoy, bawal matulog," hinila ko ang kamay niya kaya ayan nagising.
"Si Cassey?"
"Nando'n kina Mrs. Gracia," sagot ko. Nilingon ko pa 'yung mga classmate namin. Nakita ko sila nasa bay 11. "Ayon oh," tinuro ko si Cassey. Katabi niya sila Lorraine at nagtatawanan sila ro'n.
"Okay lang kaya si Alex do'n?"
"Ewan ko nga eh," nagkibit balikat ako't napangiwi. "Bawal lumabas no?" Baling ko kay Georgina.
"Bawal pa, hantay lang malapit naman na matapos 'yan matapos. Dance Club na lang tapos 'yung mga boosters at KU Pep Squad."
"Para saan ang boosters?"
"Combination 'yon ng drummers and cheerleaders," sagot niya. "'Yung mga nagchicheer kapag may mga game like basketball, volleyball, soccer, baseball and so on and so forth."
"Pati 'yon pinapractice pa?"
"Oo naman," nakangiting sambit niya. "Hindi kasi pwedeng sali-salimbat ang pagchicheer dapat may unity."
"Sa bagay," muli kong tinuon ang atensiyon ko sa baba.
"Let's us all welcome, KU Dance Troupe!" Muling lumakas ang hiyawan at sigawan ng pum'westo na ang mga member ng Dance Club. Lahat sila ay naka-PE uniform para siguro magandang tignan. Nakita ko ring nagpunta ang mga choreographer nila sa harap. Tatlo ang choreo nila, isang babae, lalaki at bakla. 'Yung babae nasa unahan at nakahanda na ang camerang gagamitin sa pagkuha ng video. 'Yung lalaki naman nasa technical committee at binibigay ang music na ipapatugtog. Ang bakla nilang choreo ay minamanduhan sila about sa positions nila.
Muli na namang umingay ng magsimula ng tumunog ang kanta. Sa intro at kanta pa lang malalaman mo na kaagad ang tema ng contest, kalayaan.
Sobrang ganda ng pagkakaexecute nila ng steps, lalo na ng mga hand movements na nagmamatch sa mismong kanta. Bawat pitik ng kanta ay may kaakibat na steps kaya walang mintis sa pag-galaw ang mga dancers. Hindi mo maa-identify kung sino ang babae at sino ang lalaki, dahil ang galaw nila ay walang pinagkaiba.
Amazing...
May laban 'to!
"Wooooooooh! Ang galing! The best!"
"Isa pa! Isa pa! Isa pa!"
Nakita kong naglabasan ang mga lalaking nakaitim at may dala-dala silang naglalakihang mat. Pinagkakabit nila 'yon sa sahig ng court.
"Pep squad na!" Sigaw ng mga babae.
"Okay while the spotters are preparing, let's do the KU wave!" Sigaw ng emcee.
"Aaaaaaaaa!"
"Oh my g!"
Isa-isa ng pumasok ang mga boosters. Tama si Georgina, 'yung iba sa kanila mga cheerleaders at member ng drum and lyre band. Kumalat silang lahat sa buong Gym at nag-ayusan naman ng upo ang ilan.
"Anong gagawin?" Tanong ni Sydney kay Kendrick.
"KU wave lang te," sagot niya. "Kamay lang gamit."
"Are you ready?!" Tanong ng emcee.
"Yes!"
"Let's do the KU wave! On three, two, one!"
Nagsimula ang wave sa may hilera ng bay 1. Pakanan ang daloy ng alon gamit ang mga kamay, kasabay non ang malakas na halulong na katulad ng isang mabangis na lobo!
"Awoooooooooooooo!" Sigaw namin kasabay ng pagdaan ng wave sa parte namin. Nakailang ikot pa 'yon habang inaayos ang mga mat sa sahig. Kaya pala huli ang squad dahil sa mga mat. Hindi kasi sila pwedeng magperform ng wala 'yan para 'pag nahulog hindi masiyadong masasapul sa lapag.
"Let's go KU!" Sigaw ng emcee.
"Let's go!" Sigaw namin kasabay ng tambol at mga cheerleader na chinicheer din kaming mga nanonood.
"Kingstone University!" Pakanta naming sambit kasunog ng paghampas ng drummers sa base drum na gamit nila. Apat na hampas 'yon, mabagal ang dalawang nauna at mabilis naman ang sumunod. "Kingstone University!" Nagpaulit-ulit ang pagkanta namin hanggang sa dumating na kami sa KU chant. "K-I-N-G-S-T One U!" Kapareho lang 'yan ng nasa yell namin. May kasunod nga lang na palakpak na kapareho ng timing ng sa drummers bawat sambit sa letra.
"Pep squad na! Aaaaaaaaaaa!"
Nagtayuan na ang ibang mga nanonood lalo na ang nga nasa unahan kaya 'yung ibang mga nasa likod nila tumayo na rin dahil hindi nila makita.
"Upo!" Sigaw ng iba. "Umupo kayo! Nasa unahan na nga! Tumayo pa!"
"Hoy ulo niyo nangangamatis!"
"Hoy upo naman!"
Pinaupo muna ang mga nakatayo bago naglabasan ang ilang member ng squad. Kung hindi ako nagkakamali, stunt muna ang uunahin nila. Ang alam ko kasi, dalawa ang paglalabanan. Isang Cheerdance at isang Group stunts kung saan puro hagisan at liftings lang ang mangyayari. Pero siyempre ang bubuo sa Group stunts ay member pa rin ng Squad.
May ganiyan kami eh...
Hanggang level 2 nga lang...
Nawalan ako ng ganang manood ng makita ko si Mina na kasali sa Group stunts.
"Wala na, wala na," nakangiwing sabi ni Sydney habang nakatingin kay Mina. "May epal na, pabida." Naglingunan ang mga nakarinig sa kaniya. "Ang pangit mo Mina mukha kang tubol!"
"Hoy marinig ka," saway ko.
"Totoo naman, mas maganda naman ako no?"
"O-o-o-oo naman S-S-S-Sydney, mas maganda ka sabi ni Y-Y-Y-Yixing," ani JC sabay tawa. Sinamaan siya ng tingin ni Sydney bago umayos ng upo. Nakita ko si JC tawa ng tawa habang si Yixing may sinasabi na hindi ko marinig.
Sinaway siguro...
Nagsimula na representative ng KU sa Group stunts. Panay ang tilian namin dahil para silang mahuhulog at mga bolang pinagpapasa-pasahan lang sa kung saan-saan. Binubuo sila ng anim na miyembro, tatlong lalaki at tatlong babae. May nagkalat din na nakat-shirt na itim, spotter ang mga 'yan for sure.
"Hala!"
"Go KU!"
"Go Mina!"
Natapos din ang makapigil hiningang liftings, at sa kabutihang palad wala namang nahulog o nagkamali. Sumunod na nagpasukan ang bubuo sa KU Pep Squad. Bitbit na nila ang ibang mga props na kakailanganin. Ang iba pamilyar sa akin dahil nakita ko na 'yan kay Cassey.
"Anong theme?" Tanong ng mga nasa unahan.
"Festival yata," sagot ng isa.
"Go KU Pep Squad!" Sigaw nilang lahat. Hindi ko ichicheer 'yan, may kaaway kami diyan eh!
Kasisimula pa lang ng buhatan ay nagkagulo na kaagad sa baba. Nakita kong naglapitan ang mga tao at nagkumpul-kumpulan sa baba.
"Ano meron?" Tanong ni Kendrick. "Anyare?"
"May hinimatay daw!" Sigaw ng mga nasa unahan.
"Ay weh? Kasama ba 'yon sa routine?" Ani Kendrick sabay tawa.
"Si Mina," sabi ni Georgina. Nakita naming buhat-buhat ng lalaki ang walang malay na si Mina palabas ng Gym. Hindi na sila magkamayaw sa kakausisa.
"Baka nahilo kasi binale-balentong," ani Sydney.
"Naku baka jontis!" Napalingon kami kay Kendrick. "Kasi 'di ba jinujugjog 'yan?"
"Kendrick bunganga mo," saway ni Georgina. Lumapit ang teacher sa microphone at sinabing tapos na ang dry run. Nilingon ko ang oras sa cellphone ko.
5:34 na!
Ang bilis!
__________________________________
A Philosopher once said:
"Dapat ang mga lalaki ang nag-majorette at nag-flag bearers, dahil magaling silang magpaikot."
Sydney
__________________________________
CHIKADORANG_NEGRA