Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 40

171 34 90
By night-firefly



First pov:

"Ganda ng boses natin no. Pati ulan naiyak sa tuwa. Haha." natatawang sambit ni Jelly.

"Syempre naman. Huntress squad kaya ang kumanta kaya rawrrrr.." lakas ng kompiyansang sambit ni Ash habang kumakalmot na naman sa hangin.

"Pwedi na tayong sumali sa group singing contest, diba uso yun ngayon. Hashtag Squad goals." si Butter na umaaksyon pang nagsusulat ng hashtag.

Sila lang ata ang alam kong masyadong mataas ang fighting spirit kahit ang totoo wala naman talagang talent sa pagkanta.

"May tinatago pala kayong boses guys." nakangiting singit ko. Nginitian pa ako ng tatlo at tuwang-tuwa sa sinabi ko. "Pero sana itago niyo na lang." dagdag ko kaya napawi ang mga ngiti nila.

"Ang kj mo First. Hindi ka nga namin inawat nung kumanta ka ng awee-maweh noong music festival eh." nagtatampong sumbat ni Ash. Paano naman nila ako aawatin eh tuwang-tuwa pa nga silang nawala ang dignidad ko. Kulang na nga lang kabagin sila sa kakatawa.

"Oo nga. Sinuportahan ka namin noon kaya support ka din sa amin. Kaya natin 'to. May plano na akong sumali sa The Voice. Gusto kong makaranas ng may iikot sa boses ko." nangangarap na  sambit pa ni Butter.

"I want you!—- woahh!" pagsusuporta ni Jelly sa kanya.

"I like your voice. Woahhh!" sambit din ni Ash. Mga loka-loka.

"Tsk. Iikutan ka nga,— patalikod naman. Baka magwalk out lang ang judges sa boses mo Butter kaya wag na. Kantahan mo na lang ang mga oppa mo sa kwarto. Sure pa akong di sila tatalikod sayo." suhestiyon ko. Lakas ng pangarap eh.

"Tsk. Makikita mo First balang-araw magpapa-autograph ka din kapag naging sikat na singer na ako." nakasimangot niyang sabi. Napangisi naman ako sa kanya. Ipupush niya talaga ang pagkanta. Goodluck na lang sa mga teynga ng taong makakarinig ng boses niya.

"Goodluck But. Huwag kang mag-aalala kapag naging singer ka talaga, unang-una ako sa listahan ng magpapa-autograph sayo. Haha."

"Who you ka sa akin kapag nangyari yun." natatawa niya na ding sabi sa akin.

"Eh ano naman ang mga plano niyong dalawa sa buhay?" baling ko sa dalawa sa likod. Natahimik kasi eh. Nag-iisip siguro.

"Gusto kong maging fashion designer." nakangiting sagot ni Jelly. Bigla akong napangiwi sa sinabi niya. Naalala ko kasi ang ginawa niya sa damong design na inayos niya noon sa akin. "At una kong edi-design ang friendship shirt natin. Hihi." dagdag niya pa kaya napangiti kami sa kanya.

"Ako naman gusto kong maging Doctor." si Ash naman ang nagsalita. "Gusto kong magamot ang mga puso nating nasasawi dahil sa mga crush nating di tayo pinatikim ng crushback."

"Ehhhh.. —ang galing mo diyan Ash."

"Oo nga. Pero unahin mo na si First. Masyadong manhid eh."

Tsk! Manhid? Napailing na lang ako sa kanila.

Hindi ako manhid. May mga bagay lang talagang ayokong maramdaman. Ayokong may masaktan na namang iba kapag dumating ang araw na mawawala na naman ako. Tama ng nasaktan ko si Craig noon. —ayokong pati si Clover ay masaktan ko din.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang liligawan niya ako kanina. Pero habang maaga pa, kelangan ko ng pigilin iyon. Nasaktan ko na siya ng physical noong natulak ko siya at natatakot akong baka magawa ko na naman yun ulit kapag nawala na naman ako sa sarili ko.

Takot din akong malaman niya pa ang iba ko pang lihim. —-I hurt people. And I can hurt them again kapag kinakailangan.

Sariwa pa sa alaala ko ang ginawa ko noon kay Mr. Mariano at Francisco. Kahit hindi ko man sila pinatay, sinaktan ko pa rin sila at kahit hindi ko kasalanang namatay si Mr. Francisco masama pa rin ang ginawa ko sa kanya.

"Ikaw First, anong gusto mo?" baling ni Ash sa akin. Napaisip ako kung anong gusto kong gawin sa hinaharap ngunit wala man lang pumapasok sa isip ko.

Ano nga bang gusto ko? Minsan ko ng nasabi kay Clover na hindi ko nakikita ang sarili ko sa future.

Subukan ko kayang maging chef? —pero tamad akong magluto kaya wag na lang. May kurso kayang taga-tikim lang? Hihi.

Subukan ko kayang gayahin si Butter na gustong maging singer? —pero naisip ko ding itago na lang din ang boses ko. Baka may umikot din sa akin at magwalk-out. Masyado pa namang nakakafall ang boses ko.

Napatingin ako kay Ash.— tama doctor na lang.  Napapangiti pa ako sa naiisip ko..—- pero paano ko naman gagamutin ang mga tao kung baliw ako? Ekis ang doctor.

Wala na akong ibang choice kaya sumulyap ako kay Jelly. Nag-beautiful eyes pa siya sa akin ng mapansin niya akong napatingin sa kanya. Fashion designer na lang kaya? —-pero wala naman akong alam sa pagdedesign. Tsk. Mag-apply na lang siguro ako sa kanya bilang model—kaya lang baka ganap na niya akong tabunan ng design niya katulad nung denisign niyang damu sa akin.

Hahayst.. Ang hirap mag-isip.

Hanggang sa nakarating kami sa Camp Romero di ko pa rin nasagot ang tanong ni Ash.

Napapatingin ako sa paligid ng makababa na kami ng sasakyan. Camp ba ito o resort? Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang camp na may pool. May mga maliliit pang kiosk sa tabi-tabi na nagbebenta ng iba't ibang handmade crafts, shirts at may tattoo shop pa. Lupet. —parang nasa Boracay ka lang pero ang kaibahan lang ay hindi dagat ang narito kundi mahabang swimming pool.

Pero camp ang sinabi ni Krys diba?

Lumapit si Tork sa akin at kinuha ang gamit ko. Babawiin ko na sana ito ng magpumilit siyang siya na lang daw ang magbubuhat. Hindi naman mabigat iyon kaya hinayaan ko na lang.

Tumingin ako kay Butter na pinaningkitan na naman ako ng mata at sumusulyap-sulyap pa sa bag kong dala ni Tork. Selos siguro siya dahil hindi siya tinutulungan ng kapatid niya. Ang laki ba naman kasi ng bagahe niya, nakakatamad tulungan.

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid. Halos kakatapos lang magawa ang lugar na ito dahil may mag banderitas pang nakasabit sa taas, may mga nakakalat na lobo sa gilid ng daanan at meron pang nagkikislapang ilaw na parang christmas lights.

Nice place huh. Napagawi ang mata ko sa tubig. —-Except the swimming pool.

"Welcome to Camp Romero. Enjoy your stay." nakangiting bati sa amin ng lalake at nilagyan pa kami ng kwentas na bulaklak na ikinatuwa ni Jelly.

Bisitang pandangal ang peg namin ngayon.

"Fashion." sambit pa niya pero ngiting-ngiti siya doon sa lalake. Kulang na lang mag beautiful eyes ang gaga.

"Nice place dude. Ang ganda ng Camp niyo." nakangiting puri ni Craig. Katabi lang niyang nakatayo si Miracle. Bahagya niya pa akong tinignan pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ako bitter.

"Kakaiba itong Camp niyo Krys, ngayon lang ako nakakita ng camp na may swimming pool. Ang astig. Ilang feet ba 'yung taas nung slide?" turo ni Acid doon sa mataas na padulasan pababa sa pool. Kung nasa taas lang siguro kami ngayon makikita namin yung paikot ikot na dadaanan ng slide. Hugis bituka.

"100 feet bro. Haha at hindi pweding hindi natin matry yan. Haha." napngiwi ako sa sinabi niya. Sila na lang ang magtry. Huwag na nila akong idamay. "Bukas makikita niyo ang camp area sa likurang bahagi nitong resort. May iba't ibang outdoor activities dito sa camp namin and we also have zipline." natutuwa niya pang dagdag.Yabang— ay este yaman.

"Woah.. gusto kong sumakay sa zipline. Try natin yun Huntress." excited na ani ni Ash. Ngayon pa lang naiimagine ko na ang maiingay nilang bunganga kapag sumakay sila ng zipline. Topdown ko pa nga lang tinalo na nila ang takas sa mental.

"Sige.sige.. Excited na ako." sabi ng halatang excited na si Butter. Tignan ko lang kung hindi ka manlambot Butter kapag nakasakay ka doon. Gagawin talaga kitang palaman ng tinapay.

"Hihi. Sabi ko naman sa inyo eh, mag-eenjoy tayo dito. Kakabukas pa lang nitong ReCamp Romero short for Resort and Camp Romero kaya may party tonight."

Oyy. Party! may kainan kaya?

"Yeahh.. party. Yoohooo!" sabay-sabay na sigaw ng tatlong loka-loka.

"Let's go guys, we should prepare ourselves dahil maya-maya lang ay mag-sstart na ang party."

Niyaya na kami ni Krys para makapunta na sa kwartong titirhan namin dito.

Dalawang malalaking kwarto ang binigay sa amin kaya sama-sama kaming mga girls sa isang kwarto habang ang boys naman ay sa isa.

Meaning, magkasama kami ni Miracle.

"Maybe I can get another room na lang."
mahina niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya.

"Nag-iinarte ka?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. Baka akalain ni Craig inaaway ko na naman ang isang to kung hihiwalay pa siya. Tsk.

Nahihiya siyang tumungo bago nagsalita.
"N—no.. I just don't want you to feel awkward First."

"Tsk! Sinabi ko bang na-o-awkward ako? Diba wala naman? Maghintay kang sabihin ko yun wag kang advance." singhal ko bago ko siya iwanan at padabog na pumasok sa loob ng kwarto.

"Hoy First, ano yan huh?" saway sa amin ni Butter na inirapan ko lang. "Hello Miracle— come," rinig kong bati niya kay Miracle kaya napalingon ulit ako sa kanila. Tinulungan niya pang dalhin ang gamit nito at todo alalay pa ang gaga. Ang bait niya ata.

"Huwag mo na lang pansinin si First. May saltik lang talaga yan madalas kaya nagsusungit." sambit niya pa bago nila ako daanan at lumapit sa kinauupuang kama ni Jelly at Ash.

"Guys.. si Miracle oh batiin niyo. Huwag kayong gumaya kay First na masama ang ugali." dagdag niya pa na ikinatalim ng tingin ko sa kanya pero ang gaga hindi man lang ako pinansin.

Dalawahan ang kama kaya sa lagay namin ngayon alam kong ako ang magsosolo. Tsk.

"Edi kayo na ang magsama." mahinang bulong ko habang inaayos ang mga gamit ko.
Masama ko pa silang tinignan habang nagtatawanan. Tsk. Nakakainis. Bakit ako na naman ang na-out of place?

"Guys let's get ready na sabi nung isang worker dito may banda daw silang ininvite para sa party tonight." rinig kong excited na sambit ni Ash.

"Yeahh!!" sabay-sabay naman nilang tili pwera lang kay Miracle.

Kanya-kanya na kaming bihis at ilang minutong paghahanda, lumabas na kami ng kwarto.

Nasa likod lang nila ako habang magkahawak si Ash at Jelly. Hawak naman ni Butter si Miracle. Ako na ang loner.

Masaya silang nag-uusap habang nakasimangot akong nakasunod sa kanila. Ang sarap sabunutan ni Butter dahil pinagpalit niya kaagad ako kay Miracle.

Huminto ako habang nakatingin lang sa kanilang tuloy-tuloy pa ring naglalakad pumunta sa area kung saan gaganapin ang party. Open area iyon kaya kahit hindi ako lalapit makikita ko pa rin sa kinatatayuan ko ang bandang magpeperform.

Napabuntong hininga na lang akong isipin na hindi nila napapansing hindi na nila ako kasamang maglakad.

Tumalikod ako sa dinaanan nila at pinili na lang libangin ang sarili ko sa pagtingin sa mga paninda sa gilid. Ang gaganda ng mga handmade crafts na pweding idisplay at pampasalubong. Naisip kong bilhan si Peni dahil siya lang naman ang naiisip kong pwedi pang bilhan ng pasalubong. Wala din naman akong kasama sa bahay kaya sino pa ang pagbibigyan ko?

Napatingin ako doon sa mga paper arts. Bumalik sa ala-ala ko ang nalaman ko sa libro ni Mama. Napabuntong hininga na lang akong pigilan na naman ang lungkot na pilit kong tinatago sa puso ko.

Napahawak ako doon sa maliit na notebook, gusto kong kalimutan na lang ang nalaman ko at takasan ang katotohanan pero di mawala sa isip ko ang bawat letrang sinulat ni Mama sa bookmark na nakapaloob sa libro niya.

Napatingala ako sa madilim na kalangitan.
Sinadya mo bang isulat iyon sa bookmark Mom? —sana hindi mo na lang sinulat ang sekretong iyon.

Napatingin ako ng may humawak sa balikat ko. Galit ko pa siyang tinignan dahil nagulat ako. Putspa!

"Are you lost? Bakit ka nag-iisa?" bumalik na naman ang inis ko sa tanong niya kaya napairap ako sa hangin. Mga traydor ang mga loka-lokang iyon. Ang bilis lang kasi nila akong kalimutan.

"Nag-iisa?" nagpalingon-lingon pa ako sa paligid. "Ang daming tao oh." pinagtuturo ko pa ang mga taong busy din sa pagtingin sa paninda sa paligid na may mga kasama. Ako lang talaga ang bukod tanging walang kasama pero buti na lang at dumating ang masungit na lalakeng ito.

"Tsk!" tanging sambit lang niya bago ako talikuran. Nainis na naman ata sa sinabi ko eh totoo naman talagang ang daming tao sa paligid.

Sinundan ko siya habang naglalakad papunta sa isang stall ng mga foods. Subukan ko kayang magpalibre sa lalakeng ito baka bumigay. Hihi.

"Clover sarap nung fried chicken oh! Libre mo ko. Hihi." agaran kong sambit sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil kung meron mang masarap na pagkain, meron ding masarap na salita. Libre.

Tinignan niya lang ako at nginitian ko naman siya. Pa-cute muna baka gumana.

Aaksyon ng kukunot ang kilay niya pero inunahan ko na ng malawak na pagngiti. Gusto ko na nga din magbeautiful eyes eh makuha ko lang ang libre niya.

Napailing pa siya sa pagmumukha ko pero lumapit din siya sa nagbebenta ng fried chicken at bumili ng dalawang order. Success! Gumana. Hihi

Amoy pa lang nagtutubig na ang gums ko. Lalo pa akong natakam ng matignan ko ang sukang sawsawan na may sili, paminta at sibuyas sa ibabaw. Yum! Akala ko gravy lang ang ginagawang sawsawan ng manok, pati din pala suka.

Ilang minuto lang at dumating na din ang pinakahihintay ko. Tsibog  time.

Susubo na sana ako ng may biglang tumapik sa balikat ko kaya masama ko itong tinignan.

Napaatras pa ito ng balingan ko siya.

"Ahh.. —ehh." nahihiya nitong sambit at tsaka tinignan ang bulsa ng suot kong jacket.

Napangiwi na lang ako ng marealized kong nabulsa ko pala ang maliit na notebook na tinignan ko kanina. Putspa! Baka pagkamalan pa akong magna nito o di kaya isipin pa niyang membro ako ng salese gang.

"Lord patawad pagkat ako'y makasalanan. Makasalanang nilalang." 🎶

Sumakto talaga ang kanta ng banda na tinutugtog ngayon. Pinaparinggan pa ata ako.

Tinignan ko si Clover na hindi na nagpigil magtaas ng kilay. Nakangiwi ko siyang nginitian na pinaningkitan naman ako ng mata.

"Clover bayaran mo muna." medyo nahiya kong sabi sa kanya. Mas nahiya kasi akong ibalik pa ang nabulsa kong notebook doon sa tindera.

"May lahing magna ka ba? Tsk!" napapailing na sambit nito bago bigyan ng limang daan ang tindera. "Keep the change." sabi niya pa. Wow! Galante ang impakto.

"Salamat po Sir." pasasalamat nung tindera kay Clover bago ako nito balingan. "May kasama pa pong ballpen at bookmark yan Maam, hindi niyo lang po nadala. Hihi." hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa sa sinabi niya. Gusto ko siyang panggigilan!

Patuloy pang tumutugtog ang Lord Patawad na parang sinasadya talagang iparinig sa akin. Hindi ko naman talaga sinadyang madala yung notebook. Nakalimutan ko lang ibalik dahil sinundan ko ang impaktong ito.

Umalis na ang tindera kaya nahihiya akong  napaharap ulit kay Clover. Ngumuso ako sa kanya. Pacute ulit baka gumana.

Napaiwas lang siya ng tingin at malalim na huminga. Parang nagpipigil siya. Hihi. Umubra siguro ang pacute ko.

"Tsk! Kumain ka na nga lang." sambit nito sabay bigay ng fried chicken na nakalagay sa baso. Nilagyan niya na din ng sawsawan at napapabilis na lang ang pagnguya ko dahil ang sarap nga ng lasa.

Hindi pa man kami natapos kumain ng bumalik ulit ang tindera dala-dala ang ballpen at bookmark na hindi ko nasamang mabitbit kanina. Dinagdagan niya pa ito ng isa pang notebook na kaparehas nung nabulsa ko dahil nakapromo daw iyon. Wow buy one take one!

"Clover sayo na yung isa. Ikaw naman nagbayad eh." Inabot ko sa kanya yung notebook pero inikutan lang ako ng mata. Ihampas ko kaya ito sa kanya?

"Ayaw mo? Bigay ko na lang ito——

"Akin na. Tsk!" di pa man ako natapos magsalita, hinablot na niya ang notebook. Akala ko ba ayaw niya?

"Ako nagbayad tapos ipapamigay mo sa iba?" naiinis niya pang tanong sa akin. "Kanino mo ibibigay kay Acid? —kay Craig o doon sa Tork mo?!" dagdag niya pa. Advance nito mag-isip eh. May diin pa ang pagkakasabi niya sa pangalan ni Tork. May tinatago ata siyang galit kay Tork kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Not my baby Tork.

"Alam mo Clover di ko alam kung anong trip mo sa buhay eh, kanina ayaw mo niyang notebook tapos nung ipapamigay ko nagagalit ka naman. Advance ka pa mag-isip. Anong Acid.— anong Craig at anong Tork ko?! Kay Jelly ko yan ibibigay. Nahihirapan na kasing maglista ang loka-lokang iyon ng mga pangalan ng crush niya."

Ang haba ng sinabi ko pero irap lang ang sinagot niya. Ayos talagang kausap to si Clover madalas. Walang kwenta.

"Ang ingay mo. Ang dami mo ng sinabi."
sambit niya pa habang nag-umpisa na namang maglakad dahil tapos na din kaming kumain.

"Atleast nagsasalita ako. Eh ikaw puro ka tsk! Laki ng problema mo sa tsk." sagot ko din sa kanya habang sinusundan siya. "Ayy teka lang pala, asan ba sila? Asan si Tork?" dagdag kong tanong.

Hindi ko namalayang huminto siya kaya nauntog ang mukha ko sa likod niya.

"Aray ko naman!" angal ko sa kanya at napahawak pa sa mukha ko.

Kinunutan na naman niya ako ng noo bago nagsalita. "I don't know and I don't care!" naiinis niyang sambit bago ulit naglakad. "hinahanap pa, andito naman ako." bulong pa niya pero narinig ko. Ano bang sinasabi niya?

Napapailing na lang ako sa likod niya. Bakit ba ang sungit ng isang to? Tsk!


Please don't forget to vote and comments..

Love lots fireflies..

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
118K 3.9K 44
A mission, which Elleciah has no choice aside from managing a company, she choose to take the university instead of the company. That's what she want...
429K 11.5K 46
Siya si Princess Lucy, ang anak ng Royal Family. Pinayagang mag-aral sa pibakayamang school pero hindi pinayagang ilabas ang tunay niyang IDENTITY. N...
81.6K 1.1K 16
Giselle Xyriona Queenzy Kim is a sweet and happy girl. But one day one of the Villanueva Brothers ruins her peaceful life as a highschool student. Sh...