Road Of Our Souls

By nikMarikit2

2.2K 1.2K 128

In the middle of the time where many people achieving their goals. Here Alma Ria Asuncion, still seeking on w... More

Road Of Our Souls
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 6

73 69 3
By nikMarikit2

"ano bang me-"

Natigilan ako ng makita ang side ng mga nag papractice ng sayaw.

"Ah w-wala lang na-naman 'yan."

"Asus sure ka 'di ka man lang nagseselos?"

Napakunot ang noo ko. "Bakit naman ako m-magseselos?"

Napanguso si linlin. "Kung sa bagay..."tumingin siya sa akin. "Wala ka namang karapatan."

Hindi ko alam pero nagkaroon ng kirot sa puso ko.

"Hay nako Ria, huwag na nga natin isipin. Tara na gumawa na lang tayo ulit nitong tinatahi natin."

"Ah o-okay."

Napasulyap ako ulit sa gawi ng mga sasayaw. Wala naman akong dapat na ikagalit o ikaselos kay ginger at carlo. Dahil magkapartner sila dapat lang na sundin nila ang tinuturo sa kanila. Hindi lang naman silang dalawa ang ganoon eh pati rin naman ang iba.

Isa pa, wala naman talaga akong karapatan....

Sino ba ako? Eh kaklase niya lang naman ako.

Bago ko ilayo ang mata sa kanila ay nakit ko sila ulit. Sobrang dikit nila sa isat isa. Kung titignan mo ay parang wala na sa sayaw ang mga aksyon nila.

Pero mali na husgahan ko lahat ng iyon ng ganito. Hindi dapat ako ganito mag-isip.

"Hoy Ria! Natulala ka na diyan ah?"

"Ay sorry."

Weird na ngumiti si linlin sa akin. "Okay lang 'yan. Huwag monna 'yan isipin."

Tumango na lamang ako sa kaniya at nagsimula na ulit sa ginagawa.

***

"Okay guys!tapos na tayo. Tulong tulong po tayo sa pagliligpit ah. Salamat!" Sigaw ni ben ang bakla naming president.

"Okay copy!"

Nang nagsitayuan ang lahat ay nailibot ko ang aking paningin. Hinanap ko si ginger sa grupo ng mga sasayaw.

Alam ko sabi niya sa akin kahapon ay sabay daw kami uuwi kapag natapos ang practice.

"Hmm.. nasan naman kaya nagpunta yung babaeng 'yon?"

"Ah Rinz!" Agad kong nakuha ang atensyon niya.

"Oh Ria,bakit? sasabay ka umuwi?"Inayos niya ang kaniyang eyeglasses.

"Ahmm.. hindi ko alam eh. Sasabay ata ako kay ginger."

"Ay ganun ba sige. Ingat kayo." Ibinalik na niya ang salamin sa kaniyang mata.

"Ahh.. nakita mo ba siya?"

"Oo kasama niya lang kanina yung patner niya ah?" Tumingin tingin siya sa paligid.

Ginaya ko ang kaniyang ginawa.

"Ay ayun oh." Tinuro niya ang isang side ng court."inaayos ata yung bag?"

Sa itinuro niya ay nakita ko nga si ginger. Inaayos niya ang kaniyang bag na nakapatong sa upuan dito sa court. Kapansin pansin ang kakaibang kilos at ngiti niya. Matapos ko siyang tignan ay may dumating sa tabi niya. Malayo kami ni Rinz kung kaya hindi ko marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila,ang nakikita ko lang ay ang pagtango ni ginger.

Dahan dahan kong naibalik ang paningin ko kay Rinz. "Ah Rinz! Sa-sabay... Na lang ako sa'yo. Baka... baka kasi may aasikasuhin pa sila Ginger."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Saka tinignan ang itinuro niya sa 'kin kanina. "Oh sige, ikaw bahala. Tara na kunin na natin gamit natin."

Tumango ako sa kaniya at naghiwalay kami upang kuninang mga gamit namin.

Ang bagal ng pagkilos ko at hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Siguro sobra lang akong napagod sa mga ginawa kanina.

"Ria!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Oh bakit linlin?"

"May kasabay ka ba pauwi?"

"Ay oo eh si Rinz. Bakit sasabay kaba sa akin?sabay kana lang sa amin."

"Okay sige. Kaibigan ko rin naman si Rinz eh. 'di ako ininform na magkaibigan na rin pala kayo. Kaloka ah."

Natawa ako sa reaction niya. Bago pa ako makapagsalita ay dumating na si Rinz.

"Oh takte linlin sasabay ka rin pala samin."

"Tae ka! Hindi mo nga ako ininform na magkasabay kayo nito ni Ria."

"Hep! Tama na 'yan tara na rinz at linlin. Malapit na gumabi oh."

Nasulyapan ko ang palubog na araw. Sana naman makauwi ako ng maaga.

Sabay kaming tatlo na naglakad palabas ng court. Nagbibiruan si linlin at rinz. Nang may makasalubong kami.

"Ay pusang gala. Ria gusto mo ng fishball?"

Napatingin ako kaagad kay Rinz. Hindi ko alam kung sasang ayon ba ako.

"Ako! Gusto ko. So tara na libre mo kami ah!" Biglaang tugon ni linlin na hinila kami kaagad ni Rinz.

"Okay tag ten pesos tayong tatlo ah. Oh ibayad mo kay manong linlin."

"Oh bakit ako?!"

Habang nagtatalo sila ay napasulyap ako sa pinanggalingan namin kanina.

Makakasalubong na dapat namin si Carlo at Ginger. Pero biglang lumihis itong dalawang kasama ko. Sabay si Carlo at Ginger na naglalakad. May hawak silang milk tea at halata sa mukha nila na nagkakatuwaan silang dalawa.

Wala na ata akong masasabi kay ginger kundi sana all...

"Hoy Ria!kumuha ka na ng sa'yo."

Agad na nakuha ni Rinz ang atensyon ko. "Ay sorry." Kumuha na ako ng baso at tumusok ng fishball.

Pagkatapos ay humarap na ako sa kanila. Sakto naman na nakabantay sila sa kilos ko. "Oh tara na?" Weird silang tumango sa akin.

Nang nagsimula na kaming maglakad ay simple kong sinulyapan ang likuran. Wala na sila.

Bakit kaya sila magkasama?

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Rinz kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit?"

Sumubo siya ng fishball. "Wala lang. May napansin lang ako."

"Huh? Ano 'yon?"

Nagkibit balikat lamang siya. Parang ayaw niyang ituloy ang kung ano mang gusto niyang sabihin.

Kumain na rin akonng fishball. "Oo nga pala..." Naramdaman ko ang pagtingin nilang dalawa sa akin. "Salamat sa inyo ah.."

Weird na tumawa si linlin. "Wala 'yon."

"Oo nga pala pa'no mo na laman Rinz?"

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?nagusto mo si Carlo?"

Tumango ako sa kaniya. Nginuso niya naman si linlin na nasa kabilang side ko. Sabi ko na eh.

"Ang ingay talaga nito ni linlin." Pagbibiro ko.

"Sorry akin."nag peace sign pa siya sa akin.

"Nga pala Ria."

Tumingin ako kay Rinz at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi ba't bestfriend mo si Ginger?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero tumango parin ako.

Ngumuso siya. "So ibig sabihin alam niya na may gusto ka or what kay... Carlo?"

Napatingin ako sa mga paa ko. Saka tumango.

Pagkaangat ko ng tingin ay magkatinginan sila ni Linlin.

Pilit akong ngumiti sa kanila. "Alam ko 'yang nasa isip niyo. Sa tingin ko hindi naman magtataksil ang kaibigan ko."

Nakita ko ang pag ayos ni Rinz sa eyeglasses niya. "Pero bakit?"tumingin si Rinz kay linlin matapos ay binalik din sa akin ang paningin. "Bakit madalas silang mag kasama?"

"Dahil magkapartner sila sa sayaw." Simple kong sagot at ginalaw ang stick na nasa cup.

"Nako parang mali or may mali doon ah?" Sabi ni Rinz. "Bakit parang out of limit naman ata siya? Kung alam niya na gusto mo si Carlo. Dapat ay tinutulungan ka pa niya. Isa pa... " . Tumingin siya sa akin. "Dapat ay sinasama ka niya."

Napahinto ang isip ko sa sinabi niya.

"Saka Ria..."pagsingit ni linlin. Napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?bakit parang may something sa kanila?"

Hindi ako nakasagot dahil sa sidhi ng nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

399K 26.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
195K 8.7K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
17.2K 351 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraƱo is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...