Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.4M 534K 36.9K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 8

585K 10.4K 389
By Whroxie

 Nakatulugan ni Cassandra ang pag-iisip kanina at ngayon ay kakagising lang niya, sa tingin niya gabi na. Tinignan niya ang relo sa kanyang braso at tama nga ang hinuha niya dahil alas nuebe na.

Nakita niya si Yaya Beth na nanonood ng tv, tulog rin sa tabi niya si Gelo. Bumangon siya at hinalikan ito sa noo.

"Ma'am Andra, gising na pala kayo. Kumain na po kayo, gusto mo ipaghanda ko kayo," alok ng yaya.

"Huwag na yaya, ako na lang. Si Gelo ba hindi nagising mula kanina?"

"Hindi po, pero pinadede ko na po siya," sagot ni yaya. Tumayo siya at nag-ayos lang ng sarili bago lumabas ng silid.

Napatingin siya sa kwarto ni Iñigo. "I should apologize to him. Baka umuwi na 'yon," usal niya. Tumuloy na lang siya sa hagdan at bumaba. Nagpunta siya sa mini bar at kumuha ng baso at namili ng alak.

"Ito na lang," she picked a bottle of whisky.

"Masubukan ka nga ulit, hindi naman siguro magagalit si Iñigo, kaunti lang naman kukunin ko," pumunta muna siya ng kitchen at kumuha ng yelo. Saka siya nagpunta ng living room para doon uminom.

Naupo siya sa mahabang sofa at binuksan ang alak, naglagay ng cube ice sa baso at nagsalin ng alak. Dinala niya ang baso ng alak sa kanyang ilong at sinamyo ang aroma nito.

"It's been a long, magdamayan uli tayo," sumimsip siya ng kaunti. Napangiwi siya sa lasa nito, ramdam niya ang pagguhit ng init sa lalamunan niya tungo sa kanyang sikmura.

"Haa! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa 'yo? Ang pangit naman ng lasa mo," she quikly downed the remaining liquor from her glass. Muli siyang nagsalin ng alak at tuloy-tuloy na nilagok uli. Sanay siya uminom noon pero simula ng nangyari ang lahat ay hindi na talaga siya tumikim ng alak.

"Habang tumatagal pasarap ka ng pasarap. No wonder that everybody wants you," she talks while staring at the glass. Nakaka-ilang salin na siya sa baso at nakakailang shots na rin siya.

"Sinira mo ang buhay ko, pero dahil din sa 'yo, naging masaya rin ang buhay ko, dahil nagkaroon ako ng Gelo," at muli siyang uminom. Tinaas niya ang dalawang paa sa sofa at sinubsob niya ang mukha niya sa tuhod niya.

"Mas masarap makipag-usap sa tao, kaysa makipag-usap sa baso," napaangat siya ng mukha at naniningkit niyang tinignan ang nagsalita.

"Iñigo, you're still here," binaba niya ang kanyang paa.

"Can I join?" umupo si Iñigo sa tabi niya at naglagay ng yelo sa dala nitong baso at nagsalin din ng alak.

"Sorry kung pinakailaman ko itong alak mo. Papalitan ko na lang," aniya.

"Talaga?" he asked at nilagok ang alak  mula sa sariling baso.

"Oo."

"Okay, you owe me one," muling nagsalin ng alak. Napangiti na lang si Cassandra.

"But I bet, mahihirapan kang maghanap nito," Iñigo said. Cassandra gave him a questionable look.

"Alam mo bang collection ko ang alak. I love collecting rare liquors. 62 years old Dalmore is one of my favorite, top 4 of the most expensive rare alcoholic drink on earth. I bought it for millions. Um. $200,000, the exact price," napaawang ang bibig ni Cassandra sa narinig.

"Seriously!?" she exclaimed. Pakiramdam niya nawala ang kalasingan niya. Natawa ang binata dahil sa reaksyon niya.

"Yeah, pero it's okay. Papalitan mo naman sabi mo," natatawang sabi ni Iñigo at kinuha ang alak sa center table. Akmang magsasalin ito ng alak sa baso ng bigla itong agawin ni Cassandra.

"Enough! Pambihira, hindi ko kayang palitan 'to. You said it's rare, and millions. Hello! hindi ko kaya, kaunti lang naman ang nabawas ko eh," natawa ng malakas si Iñigo sa reaksyon niya at maging sa pag-agaw niya ng alak.

Kinuha nito ang alak sa kamay niya, nagsalin uli at sinalinanan din ang basong hawak niya.

"Binuksan mo na eh," muli itong sumisim ng alak.

"It's better to drink it and just feel the spirit," he said and drank the remaining liquid from his glass.

"How can I do that? How can swallow it, kung sa bawat patak nito parang sumasampal sa mukha ko na may babayaran akong milyones. Kahit kailan wala talagang ginawang mabuti sa 'kin ang alak. Ngayon na lang ako uminom pahamak na naman ang dala sa 'kin," Natawa lang ito sa sinabi niya.

"You can pay me back in a other way," Tumingin siya dito.

"How?"

"Um. Just tell me what's bothering you? Share it to me," hindi nagsalita si Cassandra. Tinignan niya ang baso niya at tuloy-tuloy niyang ininom ang alak.

"Whoo! I could feel the spirit of millions," Iñigo laughed and she looked at him straight into his eyes.

"Sorry kanina, hindi ko sinasadyang magalit sa 'yo," she apologized sincerely.

"It was my fault, you were just protecting your son. I should be the one to say sorry, akala ko kasi okay lang."

"Hindi ko lang kasi talaga pinapaligo sa ulan si Gelo, o pinapalabas man lang 'pag umuulan."

"Dahil sa nangyari sa kapatid mo?" tinignan niya si Iñigo na parang nagtatanong. Nakuha naman nito ang ibig sabihin ng titig niya.

"Reghie told me, nasabi ko kasi sa kanya na takot ka sa kidlat," she extended her hand asking for more liquor. Sinalinan naman siya ni Iñigo at mabilis niyang ininom ito bago nagsalita.

"Oo, dahil doon, hindi ko kakayanin kung mangyayari rin 'yon sa anak ko," tumahimik siya ng ilang sandali bago uli nagpatuloy sa pagsasalita.

"It was the biggest mistake that I had done," she looked up to fight the tears back.

"Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko sa pagkamatay ng kuya ko, pero ang sakit pala..."hindi na napigilan ni Cassandra ang mga luha na nag-unahan sa pagbagsak na agad naman niyang pinunas ng palad.

Nakatingin lang si Iñigo kay Cassandra. Nakita niya bigla dito ang sinasabi ni Aiken na mahina ito pagdating sa usaping pamilya.

"Ang sakit pala pag sa magulang mo mismo maririnig, na kasalanan mo ang pagkamatay ng kapatid mo. But dad was right, he'd never blamed me for my kuya's death," patuloy nito sa nabiting sinasabi kanina. Pinunas nitong muli ang mga luhang tuloy-tuloy ang paglandas sa pisngi.

"All he was asking from me is to take up BS Administration, to run our business someday, but I had disobeyed him. At uuwi pa akong buntis na walang tatay na maipakilala. He had been asking me.. Where is and who is the father of your child?" Panggagaya nito sa tanong ng kanyang ama.  Tumingin ito kay Iñigo.

"But how could I answer him, kung ako mismo hindi ko alam kung sino ang tatay ng anak ko. Even the name or even the face of that man, hindi ko man lang nakita," nangunot ang noo ni Iñigo sa sinabi nito.

"Unbelievable right? But that was true," kinuha nito ang alak at nagsalin sa baso. Tinaas niya ang baso ka-level ng mukha nito.

"And it was all because of this. Sa alak na 'to, sa katangahan ko," sabay inom ng alak.

Ramdam ni Iñigo ang hirap ng pinagdadaanan nito, kitang-kita niya sa mukha nito ang kalungkutan. Mataman niya itong tinitigan, parang gusto niya itong kabigin at ikulong sa bisig niya para i-comfort. Tumingin ito sa kanya.

"Have you had ever been slept with a stranger? 'Yong kahit mukha hindi mo alam, hindi mo nakita. Because me. I did. I did once, and it all happened because I was drunk," tumawa pa ito ng pagak.

"Come to think of it. Never been kiss, never been touch. Never ever had a boyfriend since birth, pero nabuntis. That was great right? Ang tanga ko. Ang laki kong tanga," tumulo na naman ang luha nito.

Ngayon alam na niya kung bakit wala itong asawa, dahil wala naman talaga itong relasyon sa tatay ni Gelo. Nabuntis lang ito dahil sa isang one night stand.

"Wala akong kwentang tao, wala akong kwenta kapatid, wala akong kwentang anak at ngayon pakiramdam ko wala akong kwentang nanay. Gelo started asking me about his father, pero wala akong masabi. I'm such a failure," hinawakan ni Iñigo ang pisngi ni Cassandra at hinarap sa kanya.

"Don't say that Cassandra, you're a good mother. Maybe you made a mistake, pero 'wag mong sabihing wala kang kwenta," kinulong ni Iñigo ang mukha nito sa kanyang palad at marahang pinahid ang mga luha nito. Tinitigan niya ito sa mata.

"You're raising your son well, you're successful now and you stand on your own feet. Si Gelo, Cassandra ang bunga ng pagkakamali mo. Magandang kapalit diba?" napahawak si Cassandra sa wrist niya habang nakahawak ang kamay niya sa mukha nito. Ngumiti si Cassandra sa kanya at tumango ng bahagya, pero may luha paring lumandas sa pisngi nito.

"Thanks," she said softly. Marahang hinihilig ni Cassandra ang sariling pisngi sa palad ng binata at ipinikit pa ang mata. Habang nakatitig siya dito ay naramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam. Parang  naging unusual ang tibok ng puso niya bigla.

"You're so beautiful," wala sa loob na sambit niya. Doon muling dumilat si Cassandra at muling nagtama ang kanilang mata.

His gaze settled on her lips, parang nag-zoom-in ang vison niya na parang mukha lang nito ang nakikita niyang malinaw at ang pailigid ay blurred. He slowly leaned closer to her and kissed her on her warm inviting lips.

Napapikit si Cassandra sa ginawa niya at ganoon din ang ginawa niya. She slightly openned her mouth to accept his kiss. Gumalaw ang mga labi nila ng masusuyong galaw. They kissed for a moment, he stopped, pulling his lips away at tinitigan niya si Cassandra. Iba talaga ang nararamdaman niya sa babaeng ito, he felt something different at alam niyang masaya at masarap sa pakiramdam kung ano man ang bagay na nararamdaman niya ngayon.

Pinagmasdan din ni Cassandra si Iñigo, binitawan niya ang basong hawak niya sa sofa. Dahan-dahan niyang hinawakan ng kanyang dalawang palad ang mukha ni Iñigo. Napahawak naman si Iñigo sa magkabilang dulo ng balikat niya.

Bigla niyang hinalikan si Iñigo sa labi, pinikit niya ang mata niya at dinama ang labi ni Iñigo na tinugon naman nito. Parang kilala niya ang labi nito, parang pamilyar ang halik nito sa kanya. Biglang dumilat si Cassandra at tumigil sa paghalik, nilayo niya ng bahagya ang kanyang mukha.

What am I thinking of? Hindi siya 'yon, ang tanga mo talaga, pare-parehas lang ang labi. Haist! nakakahiya.- She thought to herself. Binitawan niya ang mukha ni Iñigo at umiwas siya bigla ng tingin.

Bakit ba niya naisip na si Iñigo ang lalaking nakasiping niya noon? May pagkakataon kasi na lagi niyang naiisip ang halik ng misteryosong lalaki na 'yon. Para itong nag-iwan ng marka sa labi niya, ang mga halik ng lalaking iyon na kabisadong-kabisado parin niya, ang bawat galaw at pagkagat nito sa labi niya kahit na lasing siya noon ay memoryado niya pagniniig nila na inakala niyang panaginip lang.

Naisip na lang niya na siguro dahil 'yon ang unang halik niya at tanging iyon lang ang nakahalik sa kanya, kaya pati si Iñigo ay iniisip niyang iyon ang lalaki.

"I'm sorry, Cassandra," he apologized. She just nodded without looking at him, she felt ashamed.

"It's okay. hinalikan din kita, quits lang," natawa ng mahina si Iñigo sa tinuran niya. Tumingin siya dito at bahagyang napangiti ng makita ang gwapong mukha nito na tumatawa. Bigla naman ang pagtingin sa kanya nito, medyo yumuko siya dahil bigla na naman ang pagseryoso ng mukha nito at tinititigan na naman siya.

"Bayad na ako sa alak. Nagkwento na ako," sabi na lang niya para supilin ang ilang na darama niya. Kinuha niya ang baso sa sofa at tumayo.

"Akyat na ako," tatalikod na sana si Cassandra pero agad na hinawakan ni Iñigo ang kamay niya. Tumayo rin ito.

"Hindi ka pa kumakain diba? Hindi pa rin ako kumakain eh, sabay na tayo," hindi na siya nito hinayaang sumagot pa. He dragged her to the dining area. Pinaghila pa siya nito ng upuan.

"Upo ka na, I'll prepare meals for us," umupo na lang siya at nilapag ang baso sa table. Naghain si Iñigo, pinag-mamasdan lang niya ito hanggang sa matapos ito at umupo sa dulo ng hapagkainin. Iniiwas niya ang kanyang paningin sa tuwing titingin sa kanya si Iñigo.

"Kain na," anito. Tahimik niyang sinimulan ang kanyang pagkain habang nakayuko.

"Si Gelo, tuloy-tuloy na ba tulog n'on?"

"Oo, bukas na ang gising n'on, pero siguradong maaga 'yon magigising," aniya na nanatiling nakayuko. Napahawak si Cassandra sa ulo niya ng maramdaman ang pagkahilo dala ng alak.

"Nahihilo ka ba?" tanong ni Iñigo.

"Medyo lang," sagot niya na nakayuko lang.

"Cassandra," he called.

"Mmm."

"Bakit hindi makatingin?" natigilan siya pagsubo but still lowering her head. Para siyang nabikigan sa tanong nito, pansin pala nito ang pag-iwas niya ng tingin.

"I'm just focusing on food," sagot niya at bahagyang inangat ang paningin na mata lang ang ginalaw. Kitang-kita niya ang lapad ng ngiti ni Iñigo habang nakatingin sa kanya, kaya agad niyang iniwas uli ang tingin dito at nakagat pa niya ang ibabang labi niya.

***

"GISING na pala kayo Ma'am Andra," ani Yaya Beth na pumasok ng silid. Tinanghali ng gising si Cassandra, nakaligo na siya at ngayon ay nasa harap siya ng salamin at nag-aayos ng sarili.

"Asan si Gelo? Si Aiken ba nand'yan na?" tanong niya na habang nakatingin lang sa salamin.

"Nand'yan na si Sir Aiken, si Gelo naman po nasa kwarto po ni Sir Iñigo," sagot ni Yaya. Humarap siya dito.

"Nand'yan pa rin si Iñigo?" inaasahan niyang wala na ito dahil pangatlong araw na nito ngayong araw. Alam niya kasi busy na tao ito.

"Nandiyan pa po?"

"Anong oras ba nagising si Gelo?"

"Ay diyos ko ma'am. 5am, gising na at nagpunta agad kay Sir Iñigo," yaya announced.

"Yaya, bakit mo pinapunta? nakakahiya sa tao."

"Eh ang kulit po ni Gelo, kinatok ng kinatok si sir, saka okay lang naman kay Sir Iñigo," lumabas na lang si Cassandra at nagpunta sa kwarto ni Iñigo. Kinatok niya ito pero walang nagbukas o kaya ay sumagot man lang. Nakailang katok na siya ng maisipan niyang buksan na lang.

Sumilip siya pero wala naman sa kama, nag-lean-forward siya para makita ang kabuan ng loob. Nakita niya ang dalawang nakahiga sa sofa, tulog na tulog ito-- nakahiga si Gelo sa ibabaw ni Iñigo. Pumasok siya at sinara ang pinto, lumapit siya sa dalawa at pinagmasdan ito.

Napansin niya ang kilay ng dalawa na parang parehas na perahas, makapal din ang kilay ni Gelo na parehas ng kay Iñigo . Napatitig siya mukha ni Iñigo at ngayon masasabi niyang gwapo talaga ito, no doubt. Ang gwapo nga niya. –Napangiti siya sa naisip.

Yumukod siya at hinalikan si Gelo sa sentido nito.

"Hahalikan mo din ba ako?" Napaigtad si Cassandra sa sobrang pagkagulat at napaayos siya ng tayo. Gising na si Iñigo at may pilyong ngiting nakapaskil sa labi.

"Kukunin ko lang si Gelo," he showed the half-smirk again.

"Akala ko kasi you were going to ki--"

"Tsss! 'Wag ka ngang feeling," she cuts him off and he laughed.

"Akin na si Gelo," she stooped down to get Gelo, but Iñigo suddently got off. Kaya ang mukha ni Iñigo ay nadikit sa pisngi niya. Umayos ng tayo si Cassandra.

"Nananadya ka ba?" siya asked, furrowed her brows.

"Of course not. Cassandra, ikaw ang yumuko sa 'kin," natatawang sabi ni Iñigo. Napaawang ang bibig ni Cassandra at tinuro ang sarili niya. Iñigo just wiggled his brows.

"Akin na nga si Gelo," sabi na lang niya.

"'Wag na, ako na," tumayo na si Iñigo na buhat-buhat si Gelo. Binuksan ni Cassandra ang pinto at pinaunang lumabas si Iñigo.

"Woah! Nagsasama na ba kayo?" nagulat ang dalawa ng saktong paglabas nila ay nandoon si Reghie at Matthew na mukhang kakaakyat lang.

"Hindi ah! Kinuha ko lang si Gelo, nakatulog kasi sa kwarto niya," depensa ni Cassandra. Pero 'yong mukha ng dalawa ay may nakakalokong ngiti.

"Pwede ba kayong dalawa! Ang dudumi ng mga utak niyo," singhal niya sa dalawa.

Si Iñigo naman ay nakangiti lang at mukhang amuse na amuse sa pagkatarantata ni Cassandra dahil para itong defensive masyado, kitang-kita niya ang pamumula ng tainga nito.

"Hoy magsalita ka nga!" tinapik siya ni Cassandra sa braso.

"Um. Okay ba? Do we look like a happy family?" Napaawang ang bibig ni Cassandra sa sinabi niya.

"'Wag ka na ngang magsalita," Nagtawanan ang tatlo sa sinabi ni Cassandra.

"Daddy," napatingin ang lahat kay Gelo na nagising sa ingay nila marahil.

"Yes, Gelo," inayos ni Iñigo ang pagkakakarga dito. Yumakap naman ang bata sa kanya.

"Gelo, hindi siya ang daddy mo, halika na nga," nahihiyang wika ni Cassandra.

"Tito Iñigo, told me he can be my daddy, kasi wala pa daddy ko," ani Gelo na nakayakap pa rin. Hinaplos naman ni Iñigo ang likod ng ulo ng bata.

"Gusto mo ba siyang maging daddy, Gelo?" Reghie asked. Umangat ng ulo si Gelo at tumingin kay Reghie.

"Yes, Ninang Reghie."

"'Yon naman pala, gusto naman pala ni Gelo, mommy," mapanuksong sabi ni Reghie.

"Hoy Regina, tumahimik ka nga!" singhal ni Cassandra dito.

"Halika na nga muna, Gelo," kinuha ni Cassandra si Gelo at sabay-sabay na silang bumaba.

"Ano palang ginagawa niyo dito?" tanong ni Iñigo kila Matthew habang pababa ng hagdan.

"Pinuntahan talaga kita kasi hindi ka na pumapasok. Wiling-wili ka dito ah," ani Matthew na may pagka-sarkastiko ang tono.

"Two days palang akong hindi pumapasok miss mo na agad ako," Iñigo said ang grinned.

"Ulol! Miss ka ng kumpanya, ng mga paper works, ang daming nag-aantay sa 'yong trabaho," tumawa lang siya sa sinabi nito. Nang marating nila ang unang palapag, may narinig naman silang babaeng tumawag kay Iñigo.

"Iñigo Babe!" nangunot ang noo ni Iñigo ng mapagsino ang tumawag sa kanya. Agad itong lumapit sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi. Kitang-kita niya kung paanong takpan ni Cassandra ang mata ni Gelo, habang nakatingin ito sa kanila na gulat ang mababakas sa mukha. Kahit ang mga nagta-trabaho at sila Reghie nakatingin din sa kanila.

"God! I miss you so much," the girl said after pulled away and hugged him tightly.

Continue Reading

You'll Also Like

725K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.1M 889 1
Rafa Armand Castro. CEO of his own company. Billionaire. Powerful. All-time playboy. And handsome - extremely handsome. Geneva Garcia The normal empl...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.6M 290K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...