Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 38

170 37 105
By night-firefly



RinnJalalon HannahRedspring MissEnel psychowriterrrrr archer_marcher

I just want to dedicate this page to my co-aspiring writers. Please visit there account guys. I love their works and I'm sure you will love it too.

——————————

First pov;

Hapon na ng dumating sila Acid kaya hindi na din kami nagtagal sa unit ko.

Masungit kanina si Clover pero mas lalong sumungit ng paalis na kami ng hotel.

"Give me your bag First, ako na magdala." sambit ni Acid kaya kaagad kong binigay. Hihi. Sino ba naman ako para tumanggi kay Acid. Malakas to sa akin eh.

"Tsk." —nagsungit na naman si Clover kaya napakunot ang kilay ko sa kanya.

"Relax dude. Bag lang yan." si Race na tatawa-tawa pang nagpatiunang maglakad matapos niyang tapikin ang balikat ni Clover.

Pansin ko ang pagtakip ng kamay ni Butter sa bibig niya at bahagya pa siyang bumulong sa dalawang loka-loka kaya kinunutan ko sila ng noo.

"May naaamoy ako." si Ash ang nagsalita. May umutot ba? Nasa loob pa naman kami ng elevator.

"Naturukan siguro yan ng anesthesia kaya manhid." sabi naman ni Jelly kaya biglang napatawa si Acid sa kanya.

Ano bang pinagsasabi ng mga ito?

"First I want to be with you." singit ni Tork kaya tinanguan ko siya. Napag-usapan kasi namin kaninang sa akin sasabay sila Butter. Kaya lang natural na siguro talagang kontrabida ang kapatid niya kaya kinontra agad ang gusto nito.

"Girls bonding Tork kaya kay Acid ka na lang makisakay." si Butter na nakataas pa ang kilay na nakatingin sa amin. "What?" tanong niya pa sa akin na inikutan ko lang ng mata bago tignan si Acid.

"Acid pwedi sayo si Tork?" Mabait naman ang isang to kaya alam kong okay lang kung makikisakay si Tork sa kanya. At isa pa, alam ko din kasing parang ngayon lang nakatakas sa mental ang mga kaibigan kong ito kaya siguradong mag-iingay sila mamaya sa loob ng sasakyan.

Tsk. Gusto ko atang magsuot ng headphone.

"Yeah." ngumisi muna ito kay Tork bago tumingin sa akin. —sure." dagdag niya pa.

Hindi ko gusto ang ngisi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Para kasing may binabalak siya.

"Siguraduhin mo lang na iingatan mo itong si Tork ko Acid baka bigwasan kita kapag may maliit lang na galos ito." banta ko.

Natawa lang siya ulit at pansin kong napabaling siya kay Clover.

"May umuusok na pare. Layo-layo tayo ng kunti baka tayo ang magliyab." sambit ni Mickey habang tatawa-tawang nakikipag aper kay Krys.

"Shut up dude." inis na sambit ni Clover mula sa gilid kaya napatingin ako kanya.

"May sunog?" inosente kong tanong dito na pinaningkitan niya lang ng mata. Sungit.

Pagdating namin sa parking lot nadatnan naming nakaupo sa hood ng sasakyan niya si Craig. Napatingin ako sa loob ng sasakyan niya nang may napansin akong bultong nakaupo.

Napatikhim naman si Craig ng mapansin niya sigurong nakatitig ako sa taong kasama niya.

"She want to come with us First. Pwedi naman diba?" baling ni Craig sa akin.

Tinignan ko muna ulit si Miracle na nakatingin lang din sa akin mula sa loob ng kotse ni Craig bago ko siya balingan ng tingin.

Kibit-balikat ko siyang sinagot at inirapan kapagkuwan. Bahala sila, edi sila na ang magkasama. Tsk! Hindi ako bitter.

Kanya-kanya na silang pasok ng gamit sa sasakyan at dahil top down ang sasakyan ko, hindi magkasya ang dinalang kwarto ni Butter kaya kay Acid niya ito nilagay. —ang dami kasing dinala ng gaga. Parang wala ng uwian.

Naunang umalis ang sasakyan ni Krys dahil siya naman ang guide namin papunta sa Camp nila. Kasama pa niya sa sasakyan niya sina Clover, Mickey at Race na tinamad mag-drive. Himala tinamad si Race.

Sumunod kami sa kanila habang nasa likod namin ang sasakyan ni Craig. Huli ang sasakyan ni Acid kasama si Tork.

Mabilis lang ang naging byahe dahil walang traffic.

"Gosh. Sana madaming gwapo sa camp no." paunang sabi ni Ash sa likod.

"Oo nga. Maghunting tayo. Hihi." excited na sambit ni Butter na katabi ko lang sa front seat. Kung hindi lang ako nagmamaneho tinampal ko na ang loka-lokang ito.

"Swak yun sa camp. May huntingan. Haha." si Jelly naman.

"Oo nga no. Exciting! Rawr." sambit ulit ni Butter na binalingan ko na. Tinaasan ko siya ng kilay at ang gaga, inikutan lang ako ng mata.

"Pero teka, ba't ang dami mong dala gaga?! Di ka na ba uuwi sa inyo?" singit naman ni Ash kaya napatawa ako.

"Haha. Maglalayas yan hindi magcacamping." tatawa-tawa ko siyang tinignan habang masama ang titig niya sa akin.

"Tsk! If I know wala ka namang ibang dala kundi mga boring mo lang na damit kaya pinagdala na kita. Nakakahiya naman sayo." simangot niyang sabi sa akin bago bumaling kay Ash.

"Gaga ka din. Mas maganda ng madaming dala. Iba na ang handa." dagdag pa nito. Ano naman kaya ang dinala niya para sa akin? May kabaitan din pala itong si Butter di lang halata.

Minuto ang nagdaan, mas lalo silang umingay sa loob ng sasakyan. Gusto kong magsuot ng headset o di kaya head phone pero wala naman akong dala kaya binuksan ko na lang yung bubong ng sasakyan ko.

"Woahh ang cool ng sasakyan mo First. Rawrrrr.!" tuwang-tuwa sambit kaagad ng mga loka-loka habang tumatayo pa. Buti na lang wala na kami sa city dahil sigurado akong mahuhuli kami ng pulis kapag nakita nila ang ginagawa ng mga loka-loka kong kaibigan.

Baka sila pa ang unang huntingin ng mga pulis.

"Woahhhhhhh.." sabay-sabay nilang sigaw kaya binubosenahan sila ng ibang sasakyang nakakasalubong namin.. Ang lalakas pa ng tawa nila at kumakaway pa si Butter sa mga nadadaanan naming sasakyan.

Feeling ata niya nangangampanya siya, may pakaway pa kasi. Takte.

"Oppa! Annyeong!" napabaling ako doon sa sinigawan niya at nag-heart finger pa ang gaga.

Lintek itong si Butter, kulay green ang suot nung lalake baka traffic enforcer pa iyon. Buti na lang hindi kami napansin.

Sandali akong napalingon sa likod dahil may naririnig akong parang umiiyak na parang nahihirapang magsalita. Pero ng makita ko ang ginagawa ng dalawang loka-loka, gusto ko na lang magtakip ng mukha.

Feel na feel ng dalawang nasa likod ang hangin na parang nagtataping sila ng titanic. Nagha-hum pa ng kanta si Ash habang ang lokaret na si Jelly ay umaaktong tumutugtog ng violin.

"Tenenen tenenenen tenenenen nen ten ten.. Near far where—— .. uhuhh uhhuh." naubo si Ash. Nakalunok ata ng alikabok kaya di kinaya ang high notes.

"Ayy di ka kinaya ng kanta Ash. Iba na lang kantahin natin." suhestiyon naman ni Jelly. Siya pa talaga ang hindi kinaya ng kanta? Gusto pa ata ng mga ito ang kanta ang mag-adjust sa kanila.

Nagtawanan sila at maya-maya lang ay kumanta na naman— di talaga sila susuko.
"I got the eye of the tiger, a fighter
Dancing through the fire..—

Nauna ng kumanta si Jelly. May tinatago pala siyang boses pero sana pinanatili na lang niyang nakatago. Umaasim ang pandinig ko eh.

'Cause I am a champion, and you're gonna hear me roar..

Narinig ko na naman ang roar na yan. Ang sarap niyang kalmutin at ng matahimik na ang tenga ko.

Louder, louder than the lion
'Cause I am a champion, and your gonna hear me—-

"Roarrrr... ooooohh woahhhh.. ohhh woahhh oohh—ohhhh and you're gonna hear me roar."

Enjoy na enjoy talaga silang magconcert. Sana lang di magalit yung mga nakakarinig ng boses nila.

"Rawrrrrrr.. Hahahhaah!" sabay-sabay na naman nilang sigaw. Mga baliw, may pakalmot na naman sila.

Buti na lang talaga at hindi ko na pinasabay si Tork sa sasakyan ko dahil baka mabasag lang eardrums niya.

"Mag-rawr ka din First para belong ka. Huwag kang kj. First time natin itong may get away. Woahhhh." sigaw ni Butter kaya napangiwi ako sa kanya.

Pangarap naming magkakasama magbakasyon noon pa kaya parang dream come true ang feeling nila ngayon. Ang sasaya nilang tignan kaya lihim na lang akong napapangiti sa kanila kahit rinding-rindi na ang tenga ko.


"This is the part of me that you're never ever gonna take away from me!" nag-umpisa na naman ulit silang kumanta at si Butter naman ang nanguna. May papalo-palo pa siya sa dibdib niya na parang damang-dama niya talaga ang kanta. Jusmeyo patawarin nawa ang boses niya.

Pero may pinaghuhugutan ba ang isang 'to?

"No!" —magkasabay na bigkas ng dalawang nasa likod kaya napapailing na lang ako habang nangingiti na naman sa kalokohan nila.

Enjoy na enjoy talaga ang mga loka-loka.

*beeeepppp* beeeepppp*

Hindi ko alam kung pang-ilang busena na ng mga sasakyan yan. Napapahilot na lang ako sa ulo ko sa kahihiyan.

"This is the part of me that you never ever gonna take away from me." inaalog-alog pa niya ang balikat niya.

"No."—bigla akong napasabay sa dalawa dahil tinaas ba naman ni Butter ang kamay ko.

"Throw your sticks and your stone
Throw your bombs and your blows

Takte siya ang i-throw ko eh.

But you're not gonna break my soul.
This is the part of me that you never ever gonna take away from me." nakangiting nakatingin si Butter sa akin kaya inikutan ko muna siya ng mata bago sinabayan ang sasabihin ng dalawa.

"No. Hahaha." para kaming sira pero ang saya din talaga. Nakakaenjoy pala mag-road trip ng may kasamang mga baliw na kagaya ko.

Nag-iba na naman ang tugtog at nagtatambol pa sina Ash at Jelly sa likod. Feeling rakista naman sila ngayon, hindi na titanic.

"Summer after high school when we first met
We'd made-out in your mustang to radiohead
And on my 18th birthday, we got matching tattoos." si Ash na ang nanguna.

Habang pinapakinggan ko ang bawat boses nila napatunayan kong magkakaibigan talaga kami. Pare-pareho kasi kaming may mga boses na pang-private lang. 'yung hindi na kailangang i-public at kung maaari ay itago na lang. Buti nga nakaya lang ng awee maweh ang boses ko kaya nakapag perform pa ako noon.

"In another life, I would be your girl
We'd keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to see you we're the one that got away."

Mapait akong napangiti sa sumunod na lyrics. Maganda na sana eh kaya lang bigla akong natamaan sa kanta.

"The one that got away." mahina kong pakikisabay sa kanila.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Baka kasi dadating na naman yung araw na kailangan ko na namang mang-iwan.

Isa-isa ko silang sinusulyapan habang masaya pa ring kumakanta. Lihim na lang akong napapaisip. Kung mawawala ba ako malulungkot din kaya sila?

Napasulyap ako sa side mirror. Malinaw ang salamin ng kotse ni Craig kaya nakikita ko silang dalawa ni Miracle.

Mabilis akong nagbawi ng tingin ng maramdaman ko ang biglang pagkirot ng puso ko.

I miss him. I miss them.

Ilang taon kung pinilit ang sarili kong kalimutan siya— kalimutan sila pero may parte pa rin talaga sa akin ang lokohin ang sarili kong nakalimutan ko na ang pinagsamahan namin.

He is my first love and my bestfriend pati na din si Miracle. Kahit naman iniwan ko si Craig noon at ipaubaya na lang siya kay Miracle para sa kaligtasan niya, — ramdam ko pa rin hanggang ngayon na may parte pa rin siya sa puso ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Iba-iba naman yun diba? Siya ang kauna-unahang taong nagtiyaga sa ugali ko noon. Siya ang unang taong nakilala ko noong nakalabas ako sa mansyon namin. Kaya siguro malaki talaga ang naging parte niya sa buhay ko.

Sobrang bait ni Craig. Lihim na lang akong napapangiti kapag naalala ang nakaraan namin. Dahil sa kanya nakaramdam ako ng mga emosyong pinagkait ni Mommy.

He made me feel annoyed at first. Then I shouted at him when I feel angry. He made me smile when he gave me the printed shirt. And for the first time he made me laugh when I saw him wearing her mother's dress. Sinir-comcised daw siya noon. Haha

Masaya akong kasama siya. Para kasing nilagyan niya ng kulay ang madilim kong mundo. Pinadama niya sa akin na may halaga pa rin ako kahit pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin noon. Mom had died and daddy never came home again after mom died.

Ilang buwan ang dumaan magmula ng mamatay si mommy noon, tsaka ko lang naisip na lumabas. Pero kahit wala na siya, kahit wala ng nagagalit kapag lumalabas ako..— parati ko pa ring naalala ang mga pinagbabawal niya. I even hallucinated sometimes na buhay pa siya at pinapagalitan niya ako dahil hindi ko sinunod ang bilin niya.

"Lumayo ka sa iba. —friends? Di mo sila
kailangan dahil iba ka. They will leave you someday kaya dapat masanay ka ng mag-isa.. —-I will kill him!" — nakatatak sa isip ko ang mga katagang iyon ni Mama kaya hindi ko pinapansin ang pakikipagkaibigan ni Craig nong una. Pero sobrang bait lang talaga niya kaya natagalan niya ang pang-ssnob na ginagawa ko kapag lumalapit na siya sa akin.

Noong naging magkaibigan na kami, walang araw na hindi niya ako pinapasaya. He will do all the things to make me happy. And we even promise to be together until our hair turns gray.

But then, I left him.

"In another life, I would be your girl—

In another life..

We'd keep all our promises, be us against the world—

I will keep our promise Craig.

In another life, I would make you stay
So I don't have to see you we're the one that got away."

Sumulyap ako sa mga kaibigan ko ngayon. Malalim na din ang naging pagkakaibigan namin at kahit marami pa silang hindi alam sa buhay ko, ramdam ko pa ring may halaga din ako sa kanila.

Sila ang naging kaibigan ko mula ng makalabas   ako ng ospital. Although may nakilala na akong ibang kaibigan bago ko pa sila nakilala, pero katulad ng pagpapahalaga ko sa STERCES , mahalaga na din ang mga loka-lokang ito sa akin.

Nalulungkot akong isipin na baka katulad din ng nangyaring may banta sa buhay ni Craig— baka ganon din ang kahihinatnan ng pagkakaibigan namin. Na baka isang araw dadating na naman sa puntong pipiliin ko na naman ang umalis.

Ang sakit lang isipin na parang pinapahiram lang lage sa buhay ko ang maging masaya at maramdamang hindi ako nag-iisa tapos kapag nasanay na ako, doon naman babawiin iyon.

Napatingin ulit ako sa side mirror at tinignan ko si Miracle. She's my first girl bestfriend. Nakilala ko siya noon sa school. Mahiyain si Miracle at mahina. Nabubully siya sa school kaya lihim na lang siyang umiiyak pero hindi niya napapansing lage akong nakatingin sa kanya. I somehow see myself to her.

One time, some of our bully schoolmates teased her until she cried loud.

"Should I help her?" I asked myself that time. And I realized I felt pity. Somehow, tinuruan niya akong magkaroon ng pakialam sa iba.

Nilapitan ko siya at nilahad ang kamay ko sa kanya na nahihiya niya namang inabot.

"Can you be my bestfriend?" she shyly asked the next day.

Tinignan ko lang siya ng matagal at tsaka umalis.

"From now on we will be bestfriend First." masayang sambit niya pa habang hinahabol ang paglalakad ko.

"I already had a bestfriend." huminto ako sa paglakad at tinitigan na naman siya. Nawalan ng kislap ang mata niya at bahagyang tumungo. I can see that she's sad.

"But you can be my bestfriend too." dagdag ko habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin habang mabilis na tumulo ang luha niya. Pero bumalik na ulit ang masayang kislap ng mga mata niya. She's happy but why she's crying?

Naging matalik kaming magkaibigang tatlo. Hindi ko napapansing nakagawian ko ng tumingin sa mata ni Miracle. At ayokong nakikitang malungkot ang mga mata niya.

I learned to love Miracle too just like Craig. We promise again to be there always when we need each other.

Pero isang araw, nag-iba ang lahat.

"Please don't forgive me First." huling sambit niya noon bago ako talikuran.

How could I do that Miracle? Nakagat ko ang labi ko at malalim na huminga upang gumaan lang ang nararamdaman ko.

How could I forgive you kung sa bawat pagtingin ko sa mga mata mo ay pawang lungkot lang ang nakikita ko? —lungkot na nagpapaalala sa akin nung mga sandaling tinalikuran mo ako.

"In another life, I would be your girl
We'd keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to see you we're the one that got away."

"The one that got away." napatingala ako ng sandali. Sumasakit ang lalamunan ko. Para din akong nauubusan ng hangin dahil sa pagbabalik tanaw ko.

"In another life can I stay?"


———————

Medyo napahaba. Haha. Enedit ko pa kasi kaya natagalan din..

Love lots fireflies.

Please dont forget to vote and comments.

Continue Reading

You'll Also Like

469K 8.9K 85
NCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan an...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
9.4K 637 55
Handa ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"
517K 15K 63
SOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isa...