Escolta, taong 1925
(Antonio's POV)
Matagal na panahon din akong nangulila sa piling niya. Ilang gabi, araw, lingo, buwan at taon din ang aking tiniis at pinaghintay bago dumating ang pinakahihintay kong araw na ito kung saan ay magkikita na kami muli.
Labinglimang taong gulang ako noong una kong makilala si Aurora, kaklase kasi sya ng aking kapatid sa Sta.Isabel, palagi din itong nasa dating bahay namin sa Intramuros kung kaya't madali kaming nagkapagpalagayan ng loob at naging magkaibigan.
Tahimik ito noon at medyo may pagka mahiyain, nakasuot sya ng salamin habang madalas naman naka tirintas ang hanggang balikat nyang buhok, hindi lingid sa aking kaalaman na palagi itong nangunguna sa klase kung kaya't hindi kataka taka na mapili ito bilang isang Pensionados o "scholar"ng American Government at maipadala sa Estados Unidos upang doon maipagpatuloy ang pag aaral sa kolehiyo.
Pagkapasok pa lamang sa entrance door ng Botica Boie ay di na maiwasang sumagi sa aking isip na dito din sa lugar na ito kami minsang magkasama pumunta tuwing matapos manood ng silent film sa Lyric upang magpalamig at uminom ng paborito nyang ice cream soda.
Agad kong nakita si Aurora na tila malalim ang iniisip habang dahan dahan nyang nilalagok ang hawak na basong may laman na tubig. Sa totoo lang ay mga isang minuto bago ko nabatid at makilala na sya si Aurora. malaki na kasi ang pinagbago nya dahil mula sa pagiging istilong Maria Clara ay naging Sajonista na ang kanyang aura na hindi naman na din kataka taka dahil sa pagkamulat at matagal nyang paninirahan doon, modernong moderno na din ang kanyang pananamit kumpara noon, na kung sabagay ay maging kahit dito sa atin ay nadadala na din ng maraming kabataan sa kanilang pananamit, pagsasalita, pakikinig ng musika,pagkain at sa kung ano ano pa.
Agad din tumayo si Aurora na nakatingin sa aking direksyon upang lumapit at humalik sa aking pisngi nang mapaganto ang aking pagdating. "Im so pleased to see you Anton. sambit nya na agad din naupo. "And by the way i love your suit." Nanatili lamang akong nakatayo at nakatitig sa kanya habang humahanga sa kanyang suot na Fur Trimmed na Coat na binagayan ng suot nyang cloche hat na may naka embroid na bulaklaking disenyo.
"Anton? A- Are you listening to what I'm saying? wika nya na hindi ko namalayang may sinasabi pala ng mga sandaling yon. mabilis naman akong tumugon sa kanyang tinuran." I'm sorry, kung napag antay kita, gamit kasi ng papa ang Awto kaya sumakay lang ako ng Tranvia pa Escolta" pagpapaliwanag ko.
"Ayos lang yon, saglit na minuto pa lang naman ako na nandirito." wika nya muli. "Sya nga pala inorder na kita ng ice cream soda, natatandaan ko na chocolate ang paborito mo kaya ayun na ang inorder ko para sayo." Tila nangangapa pa ako ng paksang sunod naming pagkukwentuhan subalit muli ay inunahan na nya akong magsalita."Pasensya ka na nga pala kung naputol bigla ang ating komunikasyon at hindi na ako nakasulat sayo, biglaan kaming lumipat kasi nung masunog yung boarding school na tinutuluyan namin kaya nabago ang aking adress." kita sa mga mata nya ang paghingi ng paumanhin sa akin. "Huwg kang humingi sa akin ng paumanhin ayos lang yon."mabilis kong sagot." sa puntong yon ay dumating na ang inorder nyang ice cream soda."Huwag mo ng intindihin yon, naintindihan ko naman, uhm sya nga pala kung natatandan mo pa yung sinabi mo noon sa akin na makakapag--." agad nang naputol at hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang isang tinig ang tumawag sa kanya mula sa aming likuran.
"Au, Sorry if you waited too long. I had a hard time finding a parking space." Agad itong umupo sa bakanteng upuan na katabi ng inuupuan ni Aurora. Napansin marahil ni Aurora ang pagtataka sa aking mga mata kung kaya siya na ang nagpakilala sa kasama.
"Anton, this is my boyfriend William."pakilala nya sa makisig na Amerikanong kanyang kasama. matapos nyang sambitin yon ay naramdaman ko ang tila mabilis na pagpintig ng aking dibdib at tila paglamon sa aking ng lupa mula sa aking kinauupuan. samut saring emosyon ang susunod kong naramdaman. Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili kung nalimutan ba nya ang mga sinabi nya noong araw ng kanyang pag alis? "Marunong maghintay ang pusong umiibig, hintayin mong matupad ko muna ang aking mga pangarap Antonio hindi natin hawak ang panahon, ito lang ang magdidikta kung tayo talaga hanggang sa huli. Sana igalang mo ang aking pasya."nanatili lamang akong tahimik sa kanyang mga tinuran habang tuloy tuloy ang paglagok ko sa hawak na basong may lamang tubig.
" Sa oras na makapasa ako sa Bar Exam, ay dito na din maninirahan sa Pilipinas si William at pagpaplanuhan na namin ang aming pag iisang dibdib.
Sa mga narinig ko ay unti unti ay nag mistulang silent movie ang buong paligid sa akin. tahimik, patay at wala nang kulay. kung pwede nga lang pabilisin ang oras ng mga panahon na yon ay akin nang ginawa matakasan lamang ang sandaling yon.
********************
Isang Linggo ang mabilis na lumipas ngunit hanggang sa mga sandaling yon ay hindi pa ako masyadong nakapag move on sa mga naganap. Sa pakiwari ko ay buong buhay ko ang nasayang kakahintay lang sa wala. "How Insensitive! hindi naman siguro lingid sa kanya na matagal ka ng may pagatangi sa kanya at hinihintay mo lamang sya makauwi." wika ni Conrado na nasa kabilang linya ng telepono ng mga oras na yon "Hayaan mo sa susunod na sabado lalabas tayo, mag unwind tayo" wika nya. Matapos ang aming usapan ay naghanda na akong umuwi, wala ng masyadong gawain sa opisina pagsapit ng hapon kaya nagkaron ako ng pagkakataong matawagan si Conrado.
Mahigit isang taon na nang huli kaming magkita kitang tatlo. Sa kasal pa ata ng Kuya ni Narciso kung saan kinuha kaming mga abay na napangasawa ang kilalang Carnival Queen na kinoronahan taong 1920 at matapos nga noon ay naging madalang na kaming lumabas ng sama sama, magkakaklase kami buhat noong High School hanggang mag kolehiyo kung kaya't parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Sa ngayon ay masasabi kong meron kaming maganda at maaayos na trabaho gaya na lamang ni Narciso na kaka promote lang na Supervisor ngayon sa Insurance Company na Smith Bell & Company Inc, si Conrado na Finance Assistant sa Bachrach Motor Company, si Joaquin na Account Supervisor sa Telephone and Telegraph Corportion na PITTC at ako na Branch Supervisor naman sa The Hongkong and Shanghai Banking Corporation.
Magkasabay naming tinungo ni Narciso ang bahay ni Conrado sa Pandacan at pagkatapos ay tinungo naman ang kina Joaquin sa Calle Herran gamit ang 1923 Ford Model T na Awto na ayon kay Narciso ay kasalukuyan nyang hinuhulugan sa Motor Company na pinagatrabahuhan ni Conrado. Napag usapan naming huwag ko na munang gamitin ang aming Awto sa aming lakad para ma ensayo at masanay sya kanyang pagmamaneho.
" Etong Tandaan mo Anton, hindi lang sya ang babae sa mundo, kaya kung ako sayo iwaksi mo na siya dyan sa isip mo." wika ni Narciso.
"Kaya nga tayo nagsama sama ngayong gabi, ay para naman huwag kang magmukmok, marami kang makikilala sa pupunthan natin."pagmamalaki ni Conrado . Habang patuloy ang pag takbo ng sasakyan ay pilit kong binasa sa naaninag na liwanag ang nakasaad sa business card na iniabot ni Narciso sa akin kani kanina lamang.
Nang marating na namin ang H. Santos Street ay natunton na namin ang lugar na aming pakay, iyon kasi ang unang beses namin ni Narciso na mapuntahan ang nasabing Cabaret na di gaya ng dalawa ay makailang ulit nang nabisita ang lugar. Kakaiba daw ito sa mga normal na club na napunthan na ng karamihan sa amin dahil singlawak ng gymnasium ang dance hall na matatagpuan sa loob kung saan pwede kang uminom, sumayaw, mag unwind at maki halubilo sa mga naroroon. Dahil naging kliyente ni Narciso ang may ari ng cabaret na si Mr.Canson sa Insurance na pinapasukan ay nagkaroon kami ng libreng passes papunta sa loob ng cabaret na ang interior ay furnished wood na mas naging elegante dahil sa napakaraming chandelier at ilaw na nakasabit sa kisame nito. Nahahati naman sa dalawa ang club, isa para sa mga prominenteng kustomer kung saan mayroong mga premium na inuming alak na pwedeng ma enjoy at ang kabila naman ay para sa mga nalulungkot at sawi na kung saan ay may nag i entertain na hostess.
Malakas na ingay, tawanan at tugtugin ang sumalubong sa amin sa loob, magkaka hilerang bilog na mesa na may puting tela sa ibabaw at upuang ratan ang makikita sa bukana pa lamang ng entrance hall gayundin sa bandang gilid malapit sa pinakagitnang bahagi kung saan makikita ang dancing area. Nakakalula ang dami ng tao na karamihan ay nakatayo sa gitnang bahagi at sinasabayan ang saliw ng tugtog kasama ang kani kanilang kapareha.
" Dito na muna tayo,saka na tayo lumipat sa kabila kapag na enjoy na natin ang pagsasayaw at lahat ng inumin". wika ni Joaquin. Saglit na tumayo si Joaquin at nagpaalam na kukuha ng inumin at makalipas ang mahigit isang minuto ay bumalik itong mayroon ng kasamang Isang lalake at dalawang babae. lumapit ito upang ipakilala ang mga kasama.
"Ito nga pala ang aking mga kaibigan sina Antonio, Narciso at Conrado." Pagpapakilala nya sa amin. Nagulat ako nang mapagtanto kung sino ang kanyang mga kasama na ngayon ay nasa amin nang harapan, ang Jazz Musician na si Lou Borromeo kasama ang mga sikat ding Boudaville Star na si Atang Dela Rama at Jazz Queen na si Kathy Dela Cruz. Isa isa kaming tumayo para bumati at makipag kamay sa kanila, umupo sila malapit din sa aming inuupuan at maya maya ay umorder na ng kanilang inumin gaya ng sunod naming ginawa. Nalaman ko na magkaklase ang Ama ni Joaquin at ang Ama ni Lou Borromeo sa Cebu na naging ninong naman ng kanyang nakatatandang kapatid. Nakaka tatlong bote na din ako ng Cerveza ng mga sandaling yon samantalang si Joaquin, Conrado at Narciso ay masayang ini enjoy ang kanilang cocktail drinks.
"Akalain mong may kilala ka palang sikat na mga mang aawit Joaquin. Sya nga pala, may nobyo na kaya si Bb. Kathy?" tanong nya. Napansin ni Narciso na hindi ako nakikinig at nakabaling lamang ang atensyon sa di kalayuan mula sa aming kinauupuan.
"Nakikinig ka ba sa akin Antonio?" wika nya habang ako naman ay nakatanaw sa kinaroroonan ni Aurora kasama ang kanyang nobyo. Agad naman nilang napagtanto na naroon din si Aurora ng mga oas na yon.
" Sa dinami dami namang lugar bakit si Aurora pa ang makikita natin dito?" pabulong na wika ni Narciso.
"Sssh, ano ka ba huwag mo na banggitin ang pangalan nya."wika ni Joaquin dito
"Ang mabuti pa ay magsayaw na tayo sa dance hall." paghatak ni Joaquin sa akin. Agad naman akong sumunod at pumunta sa gitnang bahagi ng dance hall kung saan sumama ang Jazz Star na si Kathy at si Atang
"Kanina ka pa parang may tinatanaw at hinahanap sa paligid, ayos ka lang ba?"tanong sa akin ni Kathy." "
Pa--Pasensya ka na." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. ilang saglit lang ay napalitan na ang tugtog at nagsimula nang madagdagan ang taong nasa gitna ng dance hall ng patugtugin na ang Charleston.
Unti unti ay mabilis na isa isang pumwesto ang mga babae sa gitna na para bang nag usap usap para gumawa ng kanilang production dance number. Habang nagsisimula na sa kani kanilang dance step ang limang babae na nasa gitna sa pangunguna ni Kathy Dela Cruz ay saka ko lang napagtanto na naroroon din pala si Aurora. Isa isang nagsimulang magsayaw ng sabay sabay ang bawat isa habang ako ay di maiwasan ang pagkakatitig kay Aurora. Doon ko lamang napagtanto na magaling pala itong magsayaw at sabay na sabay ang indayog sa saliw ng sayaw na yon. Bigla ay nakita ko si Joaquin na sumesenyas sa akin para pumwesto na sa kanilang kinatatayan na agad ko naman ginawa. Wala na din akong nagawa kungdi sumabay na din sa kanilang pagsasayaw, mabuti na lamang at hindi parehong kaliwa ang aking mga paa at minsan nang naisayaw ang sayaw na iyon.
Sa harap namin ay nakikita ko ang kagalakan ng mga nanonood na napapaindak din ng mga sandaling yon. Naiwang nakatayo din doon ang nobyo ni Aurora habang pinanonood kaming nagsasayaw sa saliw ng musika.
Nang isa isa nang isasayaw ang mga babae nakita kong nagulat pa si Aurora nang ako na ang kanyang naging kapareha sa ikatlong pagkakataon.(may pagpapalitan kasi ng partner sa bahagi ng step na yon. ) Nagpatuloy lang ang aming pagsasayaw hanggang sa wakas ay tuluyan na itong natapos.
"A-Ano ang ginagawa mo dito Anton?" pagtataka nya. kung pwede lamang na sabihihin na kaya ako naroroon ay para sana magsaya at kalimutan sya ay ginawa ko na ngunit ayokong ipakita sa kanya ang tunay kong damdamin. bago ko pa sya nasagot ay pumasok bigla sa eksena ang kasama ko palang si Kathy Dela Cruz.
"Antonio, Darling come and join me for a cocktail, wika nito na may hawak nang dalawang cocktail glass na kinuha nito mula sa napadaang server na may dalang tray na may cocktail drink sa ibabaw. agad nyang binigay sa aking baso at ipinakilala ang sarili kay Aurora. " By the way Im Kathy, Anton's date tonight." nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Aurora na bigla din naman napalitan ng ngiti at pagpapakilala ng sarili kay Kathy.
"Au, let's go. Let's move to another place." utos ng kanyang nobyo na bigla bigla ay hinatak ang kanyang kamay. "
"Sorry Anton--
hindi na natapos ni Aurora ang sasabihin nang dali daling hinila na ito ng nobyo ad agad agad ay bumalik sa pwestong kanilang kinauupuan. Si Kathy naman ay niyaya ako magpahangin sa may labas at saglit na nakipagkwentuhan na din sa akin, dahil nakainom na ay di sinasadyang nai kwento ko sa kanya ang naranasan kong pagkasawi kay Aurora. Mahigpit nya akong niyapos at di ko namalayang lumuluha na pala ako sa kanyang harapan. Agad ay niyaya nya din akong pumasok sa loob at mga ilang minuto lang ay nagpaalam na sila kasama sina Atang at Lou upang umuwi.
Hindi na namin natuloy ang planong paglipat sa kabilang bahagi ng club dahil sobrang nakarami na ng inom si Conrado na nang mga oras na yon ay nakasagi na ng lamesa at nakabasag na ng mga baso ng katapat naming mesa, makulit na din ito kung kaya't pinagplanuhan na naming umuwing tatlo.
Habang palabas sa cabaret ay inabutan namin si Aurora at ang kanyang Nobyo na nagtatalo. Akmang pagbubuhatan nya sana ito ng kamay nang saktong napadaan kaming tatlo.
Mabilis kong pinigil ang kamay ng kanyang nobyo na naging dahilan para magalit ito at magkaroon ng tensyon sa aming dalawa. hindi ko na namalayan na nasuntok ko na ito ng malakas na mabilis nyang ikinatumba. Mabilis din itong nakabangon at bumawi ng isang suntok sa akin sa may bandang pisngi na dumaplis lamang dahil nasalag ko ng aking kamay. Dahil sa mablis na pangyayaring yon ay agad akong tinulungan ni Joaquin at Narciso at pareho nilang pinagtulungan ang noon ay wala ng kalaban laban na nobyo ni Aurora.