Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

169K 9.2K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 22

2.9K 207 36
By bad_bloodSucker

"Ms. Guevara, imposible ang hinihiling mo. Mahihirapan at malulugi tayo ng 35% kapag binigyan mo ng 5% off ang mga produkto natin-"

Napakamot na lang ako ng kilay at napa sandal sa swivel chair.

"Wag kang bastos Mr. Leandro. Matuto kang kumatok." Naiinis na sita ko dito.

Marahil kaya halos gusto ng lumuwa ang mata at lumaki ang butas ng ilong niya. Dahil siguro ay alam na niya ang tungkol sa pag pirma ko ng approval sa pag baba ng presyo ng mga laruan.

Mata-pobre talaga kahit kelan ang matandang ito.

"Bakit ka nag desisyon about this without my consent?"

"Why would I?" Walang ganang sagot ko rito.

"I'm one of the stocks holder of this company--"

"Do you have a kids Mr. Leandro?"

Napatigil naman ito at napatingin sa secretary na nasa tabi ko lamang.

Hinihingi ko kasi ang schedule ko kung may mga meeting ba ako mamayang hapon, kaso bigla-bigla na lang pumasok ang matandang ito na di man lang kumakatok.

"Yes, Ms. Guevara."

Napatayo na ako sa upuan at tumapat sa malaking salamin kung saan tanaw ko ang mga empleyado kong busy sa kani-kanilang ginagawa.

Ramdam ko ang pag sunod ng mga mata niya sa akin.

Tsk... Stupid selfish old rug. Palibhasa lumaking may gintong kutsara sa mga bibig.

"Kapag inilagay kita sa pwesto ng mga middle class na gaya ng mga empleyado natin sa factory, at may anak kang gusto ang laruang produktong gawa natin, kaya lang di magawang bilhin ng mga magulang dahil sa sobrang mahal at hindi kaya ng budget nila." Duon lang ako napalingon at tumingin sakanya. "Di ba masakit bilang magulang na hindi mo maibibigay ang bagay na gusto ng anak nila?"

"I'm a rich man Ms. Guevara, kayang-kaya kong bumili ng kahit anong gusto para sa anak ko--"

"Ang sabi ko, pano kapag IKAW ang nasa kalagayan nila--"

"It's not my problem kung di nila kayang ibigay ang gusto ng mga anak nila," natatawa pa ito at napatingin din sa mga empleyado na nasa baba. "Nag sikap ako para makarating ako sa posisyon na ito, kaya bakit mo ako ikukumpara sa mga taong hampas-lupang nasa baba."

Taimtim lamang akong nakatitig sakanya at napapa iling na lamang.

"Sumikap? O, Sumikap mag nakaw."

Di maka paniwalang napatingin ito sa akin at halos gumalaw na ang panga nito sa galit dahil sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin Ms. Guevara?"

"Ewan, di ko alam. Baka ikaw alam mo?" May halong sarcasm ko pang tanong pabalik.

"Watch your language Ms. Guevara. Baka sasampahan kita ng kaso--"

Napatigil nan ito dahil sa lakas ng pag tawa ko habang napapa iling na lang.

Nag lakad ako patungo sa likuran niya at inilagay ang dalawa kong kamay sa mag kabilang balikat nito.

"San mo ba nakuha ang lalakeng ito Yuan?" Tanong ko kay Yuan na naka upo sa pang isahang upuan.

Napapa-iling na lamang ito at muling nag basa ng magazine na hawak nito.

Tila nagulat naman ang matanda marahil ay di niya napansin ang presensiya ni Yuan.

"What do you want me to do then?" Tanong nito ng di man lang inaalis ang paningin sa binabasa.

"Your call." Sagot ko at napa upo muli sa swivel chair. "Hindi bagay ang mga mata-pobreng gaya ni Mr. Leandro sa DHG."

Tila nakadama naman ng takot ang matanda at palipat lipat ang tingin nito sa amin ni Yuan.

Natatawa naman ito ng pagak at lakas ng loob pa itong nag hamon.

"Alam ko ang iniisip mo Ms. Guevara, Di mo naman ata hahayaang masipa ako sa kumpanyang ito, dahil lang sa diko pag payag sa kagustuhan ng kaibigan mo--"

"Baka nakakalimutan mo din Mr. Leandro, ang sinasabi mong kaibigan ko ay Vice President ng kompanyang ito. Kaya technically, may karapatan siyang sipain ka." Casual lang nitong sagot.

"Makarating to sa Daddy mo, I'm 46 years in this company at nakaka sigurado akong di ako ganun kadaling masipa dito kapag ang Daddy mo ang kakausapin ko." May halong kayabangan pa rin ito.

"No need Mr. Leandro. Dahil ngayon mismo kakausapin ka niya."

Sinenyasan ako ni Yuan to play the video kaya pinindot ko kaagad ang remote para lumabas ang mukha ng Ama ni Yuan.

And all he can do is crying.... Shouting at us at pinag bantaan pa kame.

Akala niya siguro di namin malalaman ang mga illegal niyang gawain dito sa kompanya ng mga Dee. Kaya pinag imbistigahan ko ito dahil parang ninanakawan na din niya ang pamilya ko. This company stands in three names.

DHG- DEE- HO- GUEVARA

Nag merge kasi ang mag asawa na sina Yuan at Apple noon, and after that kina isap nila si Mommy Sandra to become the third merging para lalong lumakas ang kompanya nila dito sa Hongkong.

At nung pumayag si Mommy, ay sa akin na niya pinahawak ito agad.

Sabay kameng nag lakad ni Yuan patungong elevator at di na pinansin pa ang galit ng matanda sa aming dalawa.

"Wo buxiang zai wo gongsi." (I want him out in my company.)

"Haih." (Opo.)

"Ba ta to chuqu." (Kick him out.)

"Haih." (Opo.)

Yumuko naman ang mga gwardya kay Yuan at tinungo ang pwesto ng matanda na nag hohorementado na, bago pa ma isera ang pintuan ng elevator ay nakita pa namin kung paano ito kinaladkad.

I think Mr. Dee personally kicked him out as a stock holder. Kaya ganon na lang itong mag wala.

"So, mind if samahan mo akong mag lunch?" Tanong ni Yuan ng nasa baba na kame ng lobby kung saan nag aabang din ang sasakyan nito sa labas.

Magalang ko naman itong tinanggihan at ngumiti ng tipid.

"As much I love to grab your invitation Yuan, kaso may flight pa akong hahabulin pabalik ng Pilipinas."

"Sayang naman, but I sincerely great full doing business with you. And thank you,"

"No biggies Yuan, ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Kahit na, kung di kita kinuha bilang isa sa mga stocks holder ko eh di sana di namin malalaman na may illegal na pa lang ginagawa ang Mr. Leandro na yan. Makaka sira eto sa negosyo at malas ito sa mga instik gaya namin especially din sa pangalan natin at lalong lalo na maapektuhan ang mga empleyado natin kapag pinasera ito dahil sa mga drugs na isinasabay ni Mr. Leandro sa mga laruan."

"Di niyo ba sasampahan ng kaso ang matanda?" Tanong ko at napatingin na rin sa sasakyan ko na paparating na rin.

"Si Dada na ang bahala doon, may kalalagyan siya sa Dada ko."

Tumawa lang ako at muling nag paalam.

"O pano mauna na ako, see you next month Ms. Dee."

"See you too soon Ms. Guevara." Niyakap pa ako nito at na una ng pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Pag ka alis ng sasakyan nila ay sumunod din akong umalis at tinungo agad ang airport.

Tiningnan ko pa ang relo ko at napa sandal sa upuan habang naka pikit.

I hope I can make it, I don't want to miss it this time......
__________________________________

Halos liparin ko na ang sasakyan ko at dali-daling bumaba mula rito.

"Good evening Ms. Guevara," bati sa akin ng security. "Ako na po ang mag papark ng sasakyan niyo mukhang late na naman po kayo." Natatawa pa nitong sabi.

"Kanina pa ba nag simula?"

"Naku opo. Mga 15 minutes ago pa, kaya kung ako sa inyo dalian niyo na po."

"Sige salamat Rodel."

Muli naman akong tumakbo papasok hanggang sa makarating ako sa pintuan ng theatre. Napahawak pa ako sa tuhod ko at pa simpleng inilabas ang inhaler ko. Mukhang mahihika pa ata ako, sa layo ba naman ng tinakbo ko.

Nang makuha ko na ang sapat na hangin ay binuksan ko agad ang kalakihang pinto at tanaw ko agad ang mag tatanghal sa gitna ng stage.

Walang imik lamang itong nakatingin sa harapan niya na bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, halos mag ka salubong ang kilay nito na tila wala sa mood.

Tahimik lamang ang mga taong nanonood ngunit ang iba ay busy sa pag uusap, may naririnig pa akong nag bubulung bulungan sa paligid ko at ang iba naman ay nag sisi-tawanan pa.

"Your late." Galit na inakbayan pa ako ni Althea at pa simpleng sinapo ang batok ko.

Napangiwi naman akong di na lingunin ito at tumingin lang sa harapan.

"Why isn't she playing?" Nag tataka kong tanong.

"Kanina pa yan nag mamaktol," segunda naman ni Arabella. Na may halong pag ka inis sa boses.

Tumabi ito sa kanan ko at naka mewang nakatingin sa harapan bago ako sinamaan ng tingin.

"Bakit ngayon ka lang?" Inis na pinitik din nito ang tenga ko. "Alam mo bang kanina pa yan anjan at hindi daw siya tutugtog hanggat wala ka."

Napangiwi naman ako dahil sa lakas ng boses ni Arabella. Ikaw ba naman sigawan malapit sa tenga ko.

"Ano ba naman kayo, andito na nga ung tao eh. Siguradong gaganahan na ang isang yan." Sabat naman ni Ayesha. "Hey kiddo," kumaway ito sa harapan para ikalingon naman ng isa.

Itunuro pa ako nito, na parang nag sasabing 'look who made it?!!"

Lumingon naman ito sa gawi namin na bakas parin ang lungkot sa kanyang mukha, ngunit maagap naman iyon napalitan ng makita niya agad ako.

Kaya napangiti na ito, at kinawayan pa ako.

"Mommy!!!" Sigaw nito sa akin.

Tatayo sana ito ngunit agad siyang sinenyasan ni Althea to do her number. Naka ngusong umupo naman ito sa upuan na nakangiti na rin di nag laon at nag simula ng ilagay ang maliliit nitong daliri sa keyboard ng piano at nag simula ng tumugtog.

Ang kanina na parang mga bubuyog ang mga tao, ngayon naman ay daig pa ang dumaang isang libong anghel sa katahimikan napatahimik bigla ng marinig nila ang pag tutog ng piano ng anak ko.

Puno ng pagka mangha.....

Smoothly ang gently every keys na dadaanan ng daliri niya.

Na ikinangiti ko naman,

"Kanina pa yan nag tatantrums." Sumbong ni Arabella sa akin. "Alam mo bang pinag hintay niya ang mga audience niya ng 20 minutes? Can you believed that? Haaiisshh."

"Napa ka maldita ng batang yan minsan eh. Pano kasi ini-ispoiled." Komento naman ni Althea habang nakatingin kay Ayesha.

"Hayaan niyo na, bata eh. Parang di niyo din pinag daanan yan, mas matindi pa nga eh." Sagot naman ni Ayesha.

Napa iling na lang ako at muling tumingin sa harapan ng anak ko. She's happily playing her song habang nakatingin sa amin.

Napangiti na lang din akong Kinindatan din ito.

"Madison is a talented kid Athena, mahilig siya sa musika."

Maliit pa lng kasi ito talagang nakikitaan ko na ang hilig niya sa mga instrumento.

"Sssshhh... Tumahimik nga kayo, ang ingay niyo." Sita sa amin ni Ayesha at kinukuhaan ito video.

I'm so proud of her, thank God at malakas ang kapit niya sa sinanapunan ko noon. Na labis kong pinag sisihan!

Sising-sisi!!! Nuong mga panahon na pinag tangkaan kong patayin ang anak ko.

Mula ng malaman kong pinag bubuntis ko ang anak ni Rachel. Ay halos ika bagsak ng mundo ko at gusto ko agad ito ipatanggal mula sa sinapupunan ko.

Nang malaman ito ng pamilya ko ay labis din nilang ikana gulat at ikina lungkot para sa sitwasyon ko, they all know na ayaw na ayaw kong mag ka anak mula kay Rachel because of her history with with me. Ngunit wala parin sila magawa dahil huli na ang lahat.

Pero para sa akin hinde.....

Na pag pasyahan ko noon na ilaglag ko ang bata. Na labis na tinutulan ng mga kapatid ko at nila Mama, ngunit para sa akin buo na ang desisyon ko ng mga oras na yon.

Halos lahat ginawa ko na para malaglag lang siya, diko na ata mabilang kung ilang beses na akong na ospital dahil sa pagt-atangkang iyon.

Ngunit sadyang malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan ko na parang ayaw niyang bumitaw.

Hanggang sa dumating ang araw ng isinilang ko siya. Halos lahat sila ay ikinatuwa ang pag labas niya, pero ako hinde.

Halos ang mga kapatid ko at ang dalawa kong Ina ang nag palaki at nag asikaso sa kanya noon, habang ako padaan daan lang sa silid niya.

Inaamin kong wala akong ka interes-interes sa anak ni Rachel, pakiramdam ko kapag nakikita ko siya ay naaalala ko ang kanyang Ina.

Ngunit nag bago ang lahat ng dumating ang ika siyam na buwan niya, nang napadaan ako sa silid niya. Naka upo ito sa kuna niya habang nilalaro ang laruan hawak niya, nakatingin ito sa akin na ikinatigil ko.

Aalis sana ako ng marinig ko ang mahina niyang tinig. She's mumbling something na parang kina kausap niya ako.

Diko sana ito papansinin at pipiliin kong umalis sana ngunit napatigil ako ng bigla itong umiyak. Napatingin ako sa kaliwat kanan ko kung lalabas ba sa silid ang kahit sino man sa mga kapatid ko ngunit wala sinong dumating.

Kaya napa buntong hininga na lamang akong lumapit sa bata at kinuha ito sa kuna. Iyak siya ng iyak ngunit ng nasa mga braso ko na ito ay doon lang siya tumigil at nakatitig na ito sa akin.

She have the same eyes of her Mother, her pointed nose, pero ang kulay lamang ay hinde. Parang kakulay ko ang bata.

Natigilan ako sa pag mamasid sa itsura niya ng ngumiti ito sa akin.

Hanggang sa di ko namalayan na napapangiti na rin pala ako.

Inangat nito ang maliit niyang kamay na parang gusto niya abutin ang mukha ko, but instead ako na mismo ang nag abot nito. She press it so tight na parang masaya niya itong hinahawakan.

And for the first time, hinayaan ko siyang ipa breast milk sa akin, para itong gutom na gutom o masasabi kong hinahanap hanap niya ang gatas ng kanyang Ina.

Dinala ko siya sa kwarto ko at napahiga kame sa higaan ko ng di man lang inaalis ang pag dede nito hanggang sa diko namalayan na napa sabay na pala ako sa pag tulog.

Naalipungatan ako ng makaramdam akong may ibang tao sa harapan ko. At sa pag mulat ko doon ko napansin ang mga kapatid ko na nakatingin pala sa amin. Masaya silang naka masid sa amin,

"Buti naman nagising kana at naalala mong may anak ka." Unang nag salita si Althea.

Di ako umimik at napatingin na lang sa batang katabi ko.

"Your both cute in this photo, ipapadala ko to kay Mommy tiyak na ikakatuwa nila ito." Sabat naman ni Arabella na nakatingin sa teleponong hawak niya.

Marahil ay kinunan niya kame kanina. I just roll my eyes at napatayo na sa higaan ko.

"Umalis na kayo. Kunin niyo na ang bata." Inis na sagot ko ngunit nasa bata ang paningin ko.

"If you said so." Maarteng hayag ni Arabella at kinuha ang bata sa higaan.

Napa iling na lamang umiling si Althea lumabas na ikinasunod naman ni Arabella.

Napatingin ako kay Ayesha na nanatili paring nakatayo sa pintuan.

"What?" Inis na tanong ko.

Di nag salitang tumalikod ito at lumabas ng kwarto ko. Ngunit agad naman napa hinto at muling tumingin sa akin.

"Ibibinyag na ang bata next week."

"So?"

"Anong gusto mong ipangalan sa kanya."

Di ako sumagot at pinili kong talikuran din siya.

Dinig ko ang malalim niyang pag hinga at pag lakad papalabas ng kwarto ko.

Maagap naman akong lumingon kay Ayesha na tuluyan na itong lumabas. Hinabol ko ito at muli siyang tinawag, lumingon naman ito na parang hinihintay ang sasabihin ko.

Doon ko din napansin na nandodoon parin pala sila Althea at Arabella na nag hihintay lang.

"May sasabihin ka?"

"Madison."

"Huh?"

"G-gusto ko syang ipangalang Madison."

Di na sumagot ang mga kapatid ko dahil nakangiti lamang silang tinalikuran ako. Ngunit bago pa sila lumayo ay dinig kong kinaka usap ni Arabella ang bata na parang gini-gigilan.

"Did you hear that? Your Mom already acknowledge you baby. Finally!!"

Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao kaya pati kame ay gayun dn. Patakbong bumaba ng entablado si Madison at bigla biglang lumundag sa akin at pinag hahalik ako sa pisngi.

"Y-you came, y-you came Mommy....th-thank you."

"Of course dadating ako, I've promise di ba?"

"Opo, did y-you like my s-song?"

"Opo, and I love it." Pinisil ko pa ang ilong nito na ikinatuwa niya.

"T-teacher Gyle taught me that song."

"Ang ganda anak." Nakangiting pinanggigilan ko ang pisngi nito.

Napatingin naman ako sa tatlo kong kapatid asking who is Gyle and Arabella just whisper me.

"Instructor ni Madison sa pag papa-piano."

I just hmm as an answer at nag simula ng mag lakad palabas ng theatre. Ramdam ko ang pag sunod ng tatlo kaya di ko na lang pinansin pa.

"Hey, di pa tapos ang programa."

"Pagod na ang anak ko." Sagot ko sa kanila.

Ipinasok ko muna sa passenger seat si Madison at pina seatbelt ko ito agad.

"At salamat sa pag sama kay Madison,"

"Naku wala yon. Basta para kay Madison," sagot ni Arabella.

Napangiting napa iling na lamang akong muli sa mga kapatid ko.

Simula ng pinag bubuntis ko si Madison, there always on my side, hanggang sa pag ka anak ko ay naroroon parin sila, di nila ako pinabayaan lalong lalo na sa mga panahon I felt devastated ng malaman kong buntis ako.

Halos kamuhian ko ang batang nasa sinapupunan ko at di matanggap ang batang iniwan sa akin ni Rachel.

But Ayesha keep on scolded me about the child.

"Walang kasalanan ang bata Athena. Sana naman matutunan mo siyang mahalin at tanggapin. She's an angel, gift from God. Wag mong ibuntong sa bata ang galit mo sakanyang Ina."

Those words of wisdom came from Ayesha help me to clear more my mind.

Dahil napag isip-isip kong tama siya, walang kasalanan ang bata sa kasamaan at kasakiman ng kanyang Ina.

Anak ko siya at akin siya.
____________________________________
To be continued.........

Continue Reading

You'll Also Like

94.9K 3.4K 56
After his first year at the Advanced Nurturing High School, Fukazawa Yato is about to start his second year as a student. With a better understanding...
32.3K 310 27
𝙞 𝙘𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙣𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙗𝙡𝙖𝙢𝙚 𝙮𝙤𝙪. i quickly walked down to the lockers, seeing mattheo and a bunch of other boys putting heir stuff away. ...
179K 8.9K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...