The Fool's Gold

By Serialsleeper

968K 83.7K 107K

FHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl co... More

note
guide
epigraph
Chapter 1 : The Golden Girl of Rosepike High
Chapter 2 : The Secret
Chapter 3 : The Lil' Demon
Chapter 4 : Can we be friends?
Chapter 6 : Misfits
Chapter 7 : Joe's Third Eye
Chapter 8 : Hello Ghost
Chapter 9 : Ghost Slayer
Chapter 10 : Bomb
Chapter 11 : The Joepon
Chapter 12 : Rekt
Chapter 13 : The Other Side
Chapter 14 : Oh Brother
Chapter 15 : Assignment
Chapter 16 : Rumble
Chapter 17 : Agenda
Chapter 18 : Dayglow (Part 1)
Chapter 18 : Dayglow (Part 2)
Chapter 19 : Truth or Poison
Chapter 20 : Unmasked
Chapter 21 : The Aftermath
Chapter 22 : What Matters Most
Chapter 23 : The Thing About Regrets and Apologies
Chapter 24 : Run
Chapter 25 : Navigating
Chapter 26 : Straight
Chapter 27 : Surprise, Mojoe
Chapter 28 : Crushing
Chapter 29 : Wingwoman
Chapter 30 : Joey Strikes Again
Chapter 31 : Cheers to the Crush
Chapter 32 : Sunflower
Chapter 33 : Special Delivery
Chapter 34 : Clytie
Chapter 35 : I See Red
Chapter 36 : Dirty Laundry
Chapter 37 : The Kids Aren't Alright
Chapter 38 : Home is Where the Heart Aches
Chapter 39 : This is Goodbye
Chapter 40 : The People We Leave Behind
Chapter 41 : Fish Out of Water
Chapter 42 : Torch
Chapter 43 : Trust Argentina San Carlos
Chapter 44 : Alone Together
Chapter 45 : Who Are You
Chapter 46 : Coming Clean
Chapter 47 : The Score
Chapter 48 : That Night in Rendelson
Chapter 49 : All In
Chapter 50 : The Better Days
Chapter 51 : Haunted
Chapter 52 : Lose Control
Chapter 53 : It's Time
Chapter 54 : TG
Chapter 55 : Grenade
Chapter 56 : The Wedding Party
Chapter 57 : Safe Space
please read this
Chapter 58 : Dead to Me
Chapter 59 : Home
Chapter 60 : Good Morning
Chapter 61 : Pitch Black
Epilogue
note
Special Chapter : Sparks Fly

Chapter 5 : The Rejects of Filimon Heights

15K 1.4K 2.2K
By Serialsleeper



From my Chanel tweed dress, I changed into my red P.E shirt and shorts. Ayokong makita nila ang mga kalmot sa braso ko kaya hindi ko na tinanggal pa ang black gloves ko.

I was the first to arrive at our gym's locker room kaya naman I took the opportunity to catch up on my favorite shows. Next thing I know, padami-dami na ang mga dumadating na female students para magbihis.

"Remy! Mimi! Megan!" I beamed, waving my hands the moment I saw the three of them enter together.

"Uy! Aga mo ah?" Remy asked as she placed her gym bag beside me.

"Pambawi mo ba 'yan sa pagiging absent sa first day of school?" pang-aasar ni Megan sa akin at sa harap ko mismo naghubad ng dress niya. Ako na lang ang umiwas ng tingin.

"Hala ka, may group activity na kami kahapon sa Rizal class," pati si Mimi nang-asar din kaya natawa na lang ako.

"Sali ako sa group n'yo ha?" tugon ko na lamang at tinulungan si Remy sa paglalabas ng mga gamit mula sa bag niya.

Nagkatinginan silang tatlo bago tumingin sa akin, pare-parehong ngumiti na para bang nahihiya.

Naupo si Mimi sa tabi ko at malambing na hinawi ang tikwas ng buhok ko patungo sa likod ng tenga ko. "Joey, sorry. 5 people lang kasi, tapos need na talaga namin mag-present. Hanap ka na lang ng new group later sa class."

"Ah..." Nanghihinayang man, tumawa na lang ako. "No problem. I'm sure I can find a group."

"I think Goose doesn't have a groupmate yet?" sabi ni Megan na para bang nagpipigil ng tawa. Mabilis siyang pinalo ni Remy sa braso na parang nagpipigil din ng tawa.

"Why? Who's Goose?" tanong ko. I want to know what's funny! I want to laugh, too!

Mimi snorted. "Goose is our creepy retard classmate. I think he's a pervert? I mean, 'di ba ganoon sa anime? Nagno-nosebleed kapag may perverty thoughts?"

"True!" Megan laughed and high-fived with Mimi.

Kunot-noo akong tumingin kay Remy. "But I've never had nosebleeds before?"

Nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabi ko kaya natawa na rin ako. The rare moments na bumebenta ang joke ko. Good job, me!

"Girls, omg omg..." Biglang bulong ni Mimi habang nakatingin sa direksyon ng pinto. Pare-pareho kaming napalingon at nakita ang isang babaeng pumasok. 

Na-bother ako kaagad dahil sa suot ng babae na oversized black hoodie at pants, may suot pa siyang cap at makapal na eyeglasses. Ang init sa labas, hindi ba siya mahe-heatstroke?

"That's Racy Izzy, right?" narinig kong bulong ni Mimi.

Sa isang iglap, bigla kong naalala 'yong kumalat na video scandal noong high school kami. Sa Filimon National High School nag-aaral ang girl, pero umabot pa rin sa amin ang video niya. The video was called Racy Izzy, so I guess that's really her.

I feel so bad for her. I think everyone in town has seen her naked already.

"Yeah, that's her," bulong naman ni Remy. "Grabeng fighting spirit niya ha? If I were her, umalis na ako ng Filimon Heights."

Megan shrugged. "She had the guts to fck and film, so siyempre mataas talaga ang fighting spirit niya."

"Megan!" pare-pareho naming sita, bagay na ikinatawa niya lang. Kalaunan, pati sina Mimi at Remy ay nagtawanan na rin. I don't know what to react kaya nakitawa na lang din ako.

All of a sudden, the locker door slammed. Pare-pareho kaming napatingin sa babae at nakitang nakaharap lang siya sa nakasara niyang locker.

"If you're going to talk shit about me, make sure I won't hear it," she said without even looking at us.

My heart sank from so much guilt. Why did I freaking laugh! We were being rude!

"Sis, ang assuming mo naman?" Humalakhak si Megan at napamewang. "The world doesn't revolve around you and your scandal."

Mimi coughed and giggled. "Burn..."

Napansin akong tumalikod si Remy, nagpipigil ng tawa.

I wanted to call them out, but I suddenly felt scared. What if they'll get mad at me? It happened before, and I don't want it to happen again.

The girl walked out of the locker room without saying anything. Nagkatinginan naman kaming apat at pare-pareho silang nagtawanan.

"Gosh, that was so mean! We're so going to hell," sabi ni Remy dahilan para lalo silang magtawanan.

"Oh? Natahimik ka?" bigla akong siniko ni Mimi.

"W-Wala." Umiling na lamang ako at ngumiti saka nagtali ng buhok sa isang ponytail.

"Uy! Nga pala!" Megan stopped laughing as she continued to change her clothes. "I heard may nanabunot daw sa'yo yesterday? Ikaw ba 'yon or wrong info ako?"

"What?" Kunot-noong napatingin sa akin si Mimi, natatawa. "May nanabunot sa'yo? Sinong jowa ang inagaw mo?"

"Or baka ikaw na naman ang ginantihan ng ex jowa ng kuya mo? 'Di ba may nangyari na sa'yong ganyan noon?" tanong naman ni Remy.

"It was nothing..." Natawa na lamang ako at umiling-iling. "Ex ni Kuya, pero hindi naman ako sinabunutan. Medyo namura lang," pagsisinungaling ko.

"Weh? Sumubsob ka raw sa putikan eh? Kaya ka ba absent kahapon?" Megan pried and they all looked at me, waiting for my answer.

I felt like a cornered prey in a lion's den. Still, I tried to shake my head and laugh it off. "Mali ang source mo. Nothing bad happened."

They kept asking questions, but my mind kept going back to Izzy, the girl with the video scandal. She's going through hell and we managed to make it worse.

"Yoohoo? Earth to Joana Therese? Buhay pa you?" Megan snapped her fingers right in front of me and I noticed that all of them were dressed and ready for our P.E class.

Tumayo ako at sumabay sa kanila palabas ng locker room. Pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Girls, mauna na kayo. CR lang muna ako," paalam ko. Mabuti na lang at wala na silang masyadong tanong kaya naman malaya akong naglibot-libot para hanapin si Izzy.

Nang hindi ko mahanap si Izzy, naisipan kong bumalik sa locker room, nagbabakasakaling bumalik siya, at tama nga ako.

Pilit akong nag-isip ng sasabihin sa kanya, hanggang sa mapansin kong nagsuot siya ng tights sa ilalim ng kanyang shorts. Mukhang magsusuot pa nga siya ng hoodie sa ibabaw ng t-shirt niya. Instant heatstroke!

"Hey, isn't it too hot for layered clothing?" I tried to strike a conversation with her.

Hindi niya ako pinansin. Naupo siya sa mahabang upuan at yumuko upang magtali ng kanyang mga sapatos.

I mustered up my courage and sat beside her, looking down on the floor out of shame. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa katahimikan ng paligid.

"I'm really sorry for what my friends said." My voice came out like a whisper. "For what we did."

I heard her heave a deep sigh. From my periphery, I saw her sit up and stare at the ceiling. "Jeez, that's new."

I was taken aback by her reaction. Napatingin ako sa kanya, pero tumayo na siya at nagpagpag ng kanyang mga hita. 

"A-Ako pala si Joe." Tumayo na lamang din ako at pilit na ngumiti. "Sorry ulit sa nangyari kanina, pero I assure you that my friends are--"

"Don't be sorry for me." She looked at me lazily from head to toe, just as a smile crept up her face. "Worry for yourself against the bitches you call friends."

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nakunot ng noo kasabay ng paglaho ng ngiti ko.

Instead of answering my question, Izzy just started walking away. I quickly turned around and followed behind.

"What's that supposed to mean?" habol ko. "I know my friends aren't perfect, but they're not bitches."

"Whatever. Quit following me," aniya nang hindi man lang ako nililingon. 

"I'm not following you." Ngumuso ako. "We have the same class."

"Whatever," she repeated and sighed, fixing her glasses up.

Pagdating namin sa loob ng gym, nagulat ako nang makitang hati-hati ang mga classmates namin sa iba't-ibang direksyon. 

"May groupings na ba?" bulalas ko.

"Kill me now." I heard Izzy sigh.

"First day of class, late na kayo!" Mabilis kaming napalingon ni Izzy. 

We saw a middle-aged man in a tracksuit. Judging from the whistle hanging around his neck and the clipboard he's holding, I bet he's our P.E teacher. 

Noong una ay para siyang galit, pero bigla na lang namilog ang mga mata niya nang makita ako.

"Bawi na lang kayo sa susunod ha? Sige, tumayo na kayo doon sa stage nang mapagpilian na kayo," he said in a friendly tone and smiled awkwardly, far from the guy who just screamed at us moments ago.

Hindi ako genius, pero parang alam ko na bakit. Akala ba niya  ikaka-sesante niya ang pagsigaw sa akin?

"P-Po?"  tanong ni Izzy, at doon lang rumehistro sa isip ko ang narinig.

"Wala pa ang syllabus, kaya sa ngayon, maglalaro muna tayo ng dodgeball," paliwanag ni Sir. "The team leaders are already choosing their members. Sige na, umakyat na kayo doon para magkaroon na kayo ng grupo."

Habang naglalakad patungo sa stage, hindi ko na napigilang kabahan. Pwede bang swimming na lang or track? Palaruin n'yo na ako ng kahit na ano, 'wag lang 'yong may bola! 

"Joey!" Sumalubong kaagad sa akin si Megan pag-akyat ko ng stage. Napayakap kami sa isa't-isa lalo't pareho kaming laging sawi pagdating sa dodgeball noong high school.

"Kung alam ko lang na dodgeball, nagdala na ako ng helmet," reklamo ni Megan.

"Sina Remy at Mimi?" tanong ko.

"Member na si Remy ng first group, while Mimi was chosen to be one of the leaders. Siya na ang next na pipili ng 5 members," paliwanag ni Megan kaya para akong nakahinga nang maluwag. At least makakasama ko sina Mimi at Megan sa iisang group.

"Sayang naman 'di natin makakasama si Remy sa group." I pouted and started looking around. Nakita kong iilan na lang pala kami sa stage. 

"Wakanda!" Biglang naagaw ang atensyon ko ng isang lalakeng kumakaway habang may malaking ngiti sa kanyang mukha. 

"Hala! Hello!" Napakaway kaagad ako nang maalala siya iyong may nakita ko sa guidance office na may nosebleed.

"My God, Joey! Ignore that retard!" Megan suddenly yanked my hand down and made me look the other way. "Sige ka, ikaw ang susunod na guguluhin niyan."

"But he's nice?" Nakunot ang noo ko.

Napangiwi si Megan na para bang diring-diri sa sinabi ko. Hinila niya ako papalapit at bumulong sa tenga ko, "kabahan ka nga sa sinasabi mo, Joey! He's not called Gross Goose for nothing!" 

"Siya 'yong sinabi n'yo kanina na Goose ang pangalan?" Napakurap-kurap ako. "But he's nice," I insisted.

Lalong ngumiwi si Megan at umarteng nasusuka. She folded her arms and continued to whisper in my ear, "gosh, this class is full of infamous fucks. Una, si Izzy na may video scandal. Second, si retarded pervert. Tapos ngayon, anak ng serial rapist."

"Huh?" Namilog ang mga mata ko dahil sa huli niyang sinabi. 

Ngumuso si Megan sa likuran ko kaya naman pasimple akong lumingon at nakita ang isang lalakeng parang walang pakialam sa mundo. Nakaupo lang siya sa isang tabi, nakataas ang hoodie at parang may pinapanood na kung ano sa cellphone niya. 

"I bet he's watching p0rn," sabi ni Megan na hindi matanggal ang ngiwi sa mukha. "Kung ano ang tree, siya rin ang fruit 'di ba?"

Saglit akong naguluhan sa sinabi ni Megan, pero nang mapagtanto ito ay bahagya akong nabahala.

"Pwede namang anime or kdrama?" I chuckled hesitantly. "Come on, maybe he's nice? Hindi naman tayo magiging kagaya ng parents natin. I won't be like my Dad."

"Malamang you won't be your dad, you'll be like your mom kasi you're a girl. Duh?!" giit ni Megan, bagay na mas lalo ko pang ikinabahala. 

I don't know what's worse, becoming my father, or my mother. The one who hurts, the one who's hurting.

"Anyway, I heard may isa pa tayong weird classmate. Pangalan pa lang niya sobrang weird--"

"Megan!"

Nahinto kami sa pag-uusap ni Megan nang umalingawngaw boses ni Mimi. 

Megan and I quickly turned around and saw Mimi with a confident smile on her face while looking at us. 

Dahil sa daldalan namin ni Megan, ni hindi ko man lang napansin na namimili na pala si Mimi ng members.

"Yay! Mimi!" Megan clapped happily and ran down towards Mimi who was already choosing her members.

"Okay, that's four. Choose your last member," Our teacher said to Mimi.

Apat na sila sa grupo kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila, bilang ang huli ang pang-lima nilang member. Package kami eh.

I hate playing dodgeball, pero kahit papaano ay nawala ang kaba ko sa game.

Who cares if I get hit by a ball again? At least I have my friends with me. Babawi na lang ako sa non-ball games.

"Christy!" biglang anunsyo ni Mimi kaya nahinto ako sa paglalakad at gulat na napatingin sa kanila.

Mimi raised a peace sign and mouthed "sorry" a couple of times to my direction.

My heart sank as Christy passed by me and ran towards them, completing their team of five.

Uminit ang pisngi ko at humapdi ang mga mata ko. Pinilit kong ngumiti at kumurap-kurap. 

Nakaramdam ako bigla ng awa para sa sarili ko, pero at the same time, ayoko namang magmukhang kawawa sa harapan nilang lahat kaya pinilit kong magmukhang natatawa lang.

"Nakapili na ba ang lahat ng leaders?" tanong ni Coach.

"Opo," pare-pareho nilang sagot lahat.

Tiningnan ko ang mga kasama kong natira sa stage at nagulat ako nang makitang apat na lang kaming hindi pa napipili. Ako, kasama sina Izzy, Goose, at 'yong sinabi ni Megan na anak ng rapist.

"Joe, gawa na lang kayo ng own group tutal four na kayong natira," Mimi suggested.

"Tapos pangalan n'yo All American Rejects kasi mga hindi pinili!" biglang kantyaw ng isa sa mga kaklase naming lalake at nagtawanan silang lahat.

Our teacher blew his whistle, silencing everyone. "Okay! Ms. Cohen, you will be the leader of your group. Kung may late, siya ang magiging fifth member n'yo."

"Okay po." I nodded, pressing my lips together, trying to smile so they won't notice my disappointment.

Nilingon ko ang mga members ko at nginitian sila. Tanging si Goose lang ang tumingin sa akin pabalik at ngumiti. May kasama pang kaway.

"Now that you have your own groups, gather in your designated area and get to know each other. I'll give you 10 minutes to prepare for a group name and cheer. Make sure to submit a 1/4 index card with all your names. The winner for today's game will have 100 points, and will be excluded for homework."

***

Habang naglalakad kami patungo sa kanya-kanya naming area, hinabol ako ni Mimi at niyakap sa braso.

"Joey, sorry. Need lang kasi talaga naming manalo," sabi ni Mimi sa pagitan ng kanyang marahang tawa.

"Nah, that's okay. Not a big deal," I assured her with a smile.

I'd be lying if I say that it didn't hurt, but I'd rather keep it to myself. After all, it's just a game. It should not be a big deal. I have to be okay with it. I'd be so petty if I let this drive a wedge between us.

"Grabe, Joe. Kasama mo talaga ang mga weirdo sa Filimon Heights," komento ni Megan na sumunod din pala at yumakap sa kabilag gilid ko. "Stay safe! Don't be a loser like them."

"Oo nga no? Parang lahat ng rejects sa Filimon Heights ang kasama mo?" sabi naman ni Mimi.

"Hey, that's not nice," hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Come on, we're just joking. Don't be pikon." Mimi giggled and kissed me on the cheek. "Good luck, queen of the rejects."

"Sira!" Natawa ako at pabiro siyang sinimangutan.

Tumawa naman si Megan at bumitaw sa akin, nagsimula siyang umatras patungo sa mga ka-grupo niya. "Think of it as mingling with new people."

"Meg's right! We're college girls now, we should broaden our horizons," Mimi said as she also let go and started walking towards her groupmates. "Good luck on your team, Joey!"

I pressed my lips together and sighed. 

***

"So..." I looked at the three of them, one by one. Naghihintay akong may magsalita sa kanila, pero parang wala silang pakialam sa paligid nila. 

Izzy is busy reading a novel, Goose is staring at something in the ceiling, while the other guy is watching something on his phone. 

"A-Ako nga pala si Joe. Ano pangalan n'yo?" I smiled hesitantly and looked at them again, and yet again, wala pa rin silang kibo.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Para akong magnet sa bola sa tuwing naglalaro ng dodgeball, volleyball, o basketball. Kahit dumadaan lang ako at hindi naglalaro, natatamaan pa rin. So, mamaya, magtatago lang ako sa likuran ninyong lahat. Your silence means it's okay with you, and you understand my plight."

Nagulat ako nang pare-pareho silang napatingin sa akin. Nakikinig pala sila?

"Your team is over there!"

Napalingon ako at agad akong napangiti nang makita si Argentina na naglalakad patungo sa direksyon namin. Gaya ng dati ay parang bagot na bagot siya at para na niyang kinakaladkad sa sahig ang backpack niya.

Nakalimutan kong kaklase nga pala namin siya!

"Yey! Groupmate!" Napatayo ako at kumaway sa kanya.

Napangiwi siya at hinawi ang buhok paangat sa kanyang ulo. Umikot siya at akmang lalabas, mabuti na lang at hinarang siya ni Teacher.

"Ugh!" I heard her grunt as she turned around to walk back towards us.

"Hello!" I waved and grinned at Argentina as she sat on the chair farthest from me. Allergic ata sa cuteness ko.

"Sawang-sawa na ako sa mukha mo," iritado niyang sambit.

"Gusto mo ng picture?" biro ko.

Argentina looked at me and glared at me like she wants to kill me. I should be scared but her attitude is so refreshing that it doesn't even bother me.

Ngumisi na lamang ako at nag-peace sign. 

"10 minutes is up!" Biglang anunsyo ng Teacher namin, dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Anong gagawin?" tanong ng lalake na nasa cellphone niya pa.

"Dodgeball," sagot ni Goose na nakatingala pa rin sa kisame.

"We're gonna lose anyway." Izzy sighed.

"What's our prize for winning?" tanong ni Argentina sa akin. 

"Tinatanong mo ako?" I beamed in disbelief! I can't believe she just acknowledged my existence.

Mabilis na humarap si Argentina sa direction ni Izzy. "What's the prize?"

Izzy shrugged kaya ako na ang sumagot. "100 points and excluded na sa homework."

Argentina suddenly smirked. She then stood up, cracking her fingers. "Nice. We get to throw balls at people's faces and get 100 points and no homework. Sounds about right."

Sinara si Izzy ang kanyang libro at biglang tumayo. "Okay, I'm in."

"Okay." Bigla ring tumayo ang lalake at tinanggal pa ang hoodie na kanina pa nagkukubli sa mukha niya. Infaireness, medyo cutie siya. Not as cutie as my Kuya Apollo, though.

Biglang tumayo si Goose at napatingin sa akin. "Ba't tayo nakatayo?"

***

Pansin ko ang bulungan ng mga estudyante habang naglalakad kaming lima sa court. Hindi ko alam sino ang pinag-uusapan nila, o kung kanino sila nakatingin. I couldn't help but feel uncomfortable.

"Where's your index card?" tanong ng teacher sa akin.

I gasped. "Hala! I totally forgot!"

"Okay lang 'yan, mamaya na lang." The teacher smiled, much to my relief. "Ano nga ulit ang group name ninyo?"

Nagkatinginan kaming lima. We totally forgot about our group name and cheer!

"Go All American Rejects!" sigaw ng isa sa mga lalake naming kaklase at nagtawanan ang lahat.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa mga tawa nila. 

"Goslings!" biglang sigaw ni Goose kaya napatingin kaming apat sa kanya. 

"Bakit Goslings?" tanong ni Argentina.

"Kasi ako si Goose at mga bibe ko kayo," humahagigik na sagot na si Goose bagay na ikinangiwi naming lahat, kahit ng teacher namin.

"How about your cheer?" tanong na lang ni Sir.

"Quack! Quack!" sumigaw nang pagkalakas-lakas si Goose, dahilan para matahimik ang buong gym.

What the...

 "'Yon na po ang cheer namin. Thank you, fans!" dagdag pa ni Goose, dahilan para mapakurap-kurap ang teacher namin. Wala itong nagawa kung hindi tumango.

***

"Goslings vs. Alpha Kids!" anunsyo ng teacher namin kaya isa-isa na kaming nagtayuan mula sa mga kinauupuan.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa court, dahilan para una akong maka-pwesto sa likurang posisyon. Safe distance, kumbaga.

I suddenly noticed my untied shoelaces. Yumuko ako at itinali ito ulit. Nang makatayo ako nang maayos, nagulat ako nang makitang katabi ko na sina Izzy, Goose, at 'yong tahimik na lalake na nakasuot pa rin ng hoodie sa ibabaw ng ulo.

"Bakit nasa likod kayong lahat?!" biglang sigaw ni Argentina na mag-isa lang na nakatayo sa harapan, malapit sa members ng kalaban naming team.

"Psychological and physical trauma!" Nagtaas na ako ng kamay. Sa daming beses akong natamaan nang bola sa loob at labas ng court, ayoko na!

"I have weak bones." Nagtaas naman ng kamay si Izzy.

"Mabilis dumugo ilong ko!" Nagtaas din ng kamay si Goose.

Pare-pareho kaming napatingin sa lalake.

"Ano namang problema sa'yo?!" pabalang na tanong ni Argentina sa lalake, parang umuusok na ang ilong dahil sa amin.

Napatingin sa kawalan ang lalake at bumuntong-hininga. Imbes na magsalita, naglakad na lang siya patungo sa tabi ni Argentina. Parang wala nang choice sa buhay.

"We are proud of your sacrifice." I placed my left hand on my chest, and raised my right. Nagpalakpakan naman sina Goose at Izzy para sa kanya.

"Langya kayong tatlo!" sigaw ni Argentina sa amin.

Hindi ko mapigilang matawa at mamangha. Buong buhay ko, ngayon lang may tumawag sa akin na walang hiya!

All of a sudden, our teacher suddenly blew his whistle.

My heart raced as Argentina and the guy ran towards the 7 red balls lined-up in the middle of the court, so did three of our opponents from the other side.

Argentina was quick to throw her ball, successfully hitting a player on his abdomen. I was about to cheer for her when I noticed that balls were already flying towards us.

Out of reflex, I ran towards the only thing I thought could protect me. The guy's back!

"Ayokong tamaan ng balls!" I screamed, hugging the guy from the back. Gustuhin ko mang kay Argentina magtago, hindi hamak na mas matangkad ang lalake at mas higit akong mapo-protektahan ng likod niya mula sa mga walang awang bola.

"Ano?! Hoy!" The guy tried to shrug me off, but I hugged him tighter just so I could stay behind him.

All of a sudden, I felt something grab me from the back. I turned around and saw Izzy, doing the same to me! Seconds later, Goose stood behind Izzy, too!

The guy keeps screaming for me to let go, pero mas hinigpitan ko lang ang hawak sa kanya habang ginagaya ang bawat galaw niya. Sa tuwing umiilag siya, umiilag din ako. Bahala na sina Izzy at Goose kung iilag din sila.

"Ano 'to?! Conga Line?!" sigaw ni Argentina sa amin, hindi maipinta ang mukha kahit abala sa pag-ilag mula sa mga bola.

Narinig ko ang tawanan ng lahat dahil sa amin. Nakakahiya man, I have no choice. Ayoko na ulit matamaan ng bola!

"Talon!" biglang sigaw ng lalake at saka tumalon.

Sinubukan ko ring tumalon, pero dahil nakakabit sa likuran ko sina Izzy at Goose, hindi ko man lang nabuhat ang sarili ko. Nawalan ako bigla ng balanse sa sarili kong katawan at sumubsob ako sa sahig, at dahil sa nangyari ay nahila ko rin ang lalake, pati na sina Izzy at Goose.

Kasabay ng pagbagsak naming apat sa sahig ang mas lalo pang pagtawanan ng mga kaklase namin. Sa sobrang lakas, akala mo ay may party sa loob ng gym.

Para kaming mga bowling ball na sabay-sabay natumba!

Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw muli ang tunog ng whistle ni coach, dahilan para huminto ang lahat sa paglalaro.

Mabilis na winakli ng lalake ang kamay kong nakayakap sa kanya, dahilan para tuluyan akong mapabitiw.

Tumayo siya at pinagpagan ang sarili, hindi man lang kami nililingon kahit bagsak pa kaming tatlo sa sahig.

Nakaramdam ako nang matinding sakit sa paa at pwetan ko kaya naman itinaas ko ang kamay upang sana ay magpatulong sa kanya sa pagtayo, kaso hindi ko alam ano ang pangalan niya, kaya naman napatingin ako sa likod ng hoodie na suot niya. Naka-print sa damit niya ang salitang Chewy Crispy Coco.

"Chewy Crispy Coco!" sigaw ko para makuha ang atensyon niya, kaso mukhang hindi niya ako narinig.

"Chewy!" sigaw ko ulit.

Sa wakas, lumingon ang lalake at ibinaba niya ang kanyang hoodie. Ngumisi ako at nagtaas ng kamay sa kanyang direksyon, mabuti na lang at na-gets niya kaagad.

Kahit mukhang annoyed siya sa amin, Chewy Crispy Coco was nice enough to help the three of us up. Ang cute lang na parang nanay namin si Argentina tapos siya naman 'yong grumpy na lolo.

"Out na kayo! Natamaan kayong lahat!" biglang sigaw ng leader ng kalaban naming grupo.

"Hindi ah!" sabay-sabay naming giit apat.

"Sir, out of balance lang!" giit ni Argentina. Kung hindi namimilipit sa sakit ang pwet ko, mata-touch na ako sa pagtatanggol niya sa amin.

"Anong out of balance, kitang-kita ko na tumama sa retard na 'yan ang bola!" sigaw ng leader sabay turo sa amin, hindi ko tuloy alam sino ang tinutukoy niya.

"What did you just fucking say?!" Bigla na lamang umalingawngaw ang boses ni Argentina na para bang punong-puno nang galit. Muli, natahimik ang buong gym.

"Hey!" nabasag ang katahimikan dahil sa pagsita ng teacher namin.

"That retard got hit by the ball when they all fell down!" sigaw muli ng kaklase namin. Hindi ko alam kung sarcastic ba 'yon, or inulit niya lang talaga.

"It's a derogatory word. No one should say that anymore," I heard Izzy sigh.

I gaped and nodded. Another day, another lesson. I shall never say the R-word again.

"Apologize!" sigaw ni Argentina, nagngingitngit pa rin sa galit, at nagsisimula nang mamula ang mukha.

"That Goose is a retard?!" pagak na humalakhak ang kaklase namin.

And just like that, the devil inside Argentina jumped out. 


//

Continue Reading

You'll Also Like

225K 16.4K 33
I wish I'd known what I did last summer with you. . .
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
301K 27.3K 42
Life was hard enough for Helga Santana in the small, cold town of La Bianco. However, everything changes once she meets the boy in the mirror.
7.6M 439K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...