TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To...

Da Amihan2526

27K 37 41

Love is the most powerful force in the universe. Minsan dahil sa sobra nating pagmamahal kaya hindi na natin... Altro

17 Signs kung nagche-CHEAT sayo ang isang tao
Tips para balikan ka ni Ex
Signs na true love ka ng isang lalaki
Signs na seryoso ang ka-chat mo
Iba't-ibang uri ng pag-ibig
Mga bagay na nakaka-turn off sa babae
Sign na kailangan mo ng bumitiw sa relasyon
Signs na mahal ka pa ni Ex
Sekreto para lalo kang mahalin ng lalaki
Signs na hindi ka na mahal ng ka-Long Distance Relationship mo
Mga bagay na di mo dapat gawin sa ka-LDR mo
Ugali ng boyfriend na dapat mong iwasan o layuan

Mga bagay na nakaka-turn off sa lalaki

939 2 1
Da Amihan2526

Nagtataka ka ba kung bakit hindi ka pa sinasagot ng babaeng nililigawan mo? O di kaya naman ay kung bakit bigla na lamang nagbago si girlfriend sayo? Baka nandito sa listahan ang kasagutan sa tanong mo. May panahon ka pa para baguhin ang nakasanayan mo na posibleng inayawan ng isang babae sayo.

1. Insensitive

Kung may ganito kang ugali, iwasan mo ito. Magpakita ka naman ng concern kay partner. Wag kang insensitive dahil yan ang isa sa nakakasira ng relasyon. At yung mga pananalita mo at mga biro ay isipin mo muna bago mo ibato sa kanya. Hindi mo lang alam baka nasasaktan na sya sa mga sinasabi mo at hindi pagpapahalaga sa mga effort nya.

2. Baduy

Kahit sino namang babae ay mahihiya sabayan ka sa paglalakad sa mall kapag baduy ka. Yun bang tipong daig mo pa ang tatay mo kung pumorma. Hindi naman kailangan na sobrang porma mo, yung simpleng pananamit lang ay okay na. Basta wag ka lang mananamit na daig mo pa ang sinaunang tao. O di kaya naman ay nakikiuso ka nga sa porma ng iba pero hindi naman bagay sayo kaya lalo ka lang naging baduy at trying hard.

3. Walang sense of humor/boring

Wag ka naman masyadong seryoso. Magbiro ka rin naman kahit paminsan-minsan para mapangiti mo ang partner mo o ang ka-date mo. Gustong-gusto ng mga babae yung lalaki na may sense of humor at hindi boring. Kita mo ang mga komedyante, hindi sila kapogian pero ang gaganda ng asawa nila di ba? Tapos wag kang isang tanong isang sagot lang. Magbatuhan kayo ng tanong at sagot para hindi matapos ang pagpapakita mo sa kanya na interesado ka na kilalanin sya ng husto. Wag mong hayaan na maramdaman nya na naboboring sya na kasama ka.

4. Dugyot

Magtataka ka pa kung bakit binasted ka o iniwan ni girl. Syempre kung dugyot ka wala talagang tatagal sayo. Yung tipong ang baho ng hininga mo. Bulok ang ngipin mo, mabaho ang paa mo at kili-kili. Tapos hindi ka pa naliligo araw-araw. Ang mga damit mo pa ay nanlilimahid palagi sa dumi. Panatilihin mo ang kalinisan sa katawan mo, magtoothbrush ka lagi at maligo. Magbihis ka ng maayos para hindi ka layuan ng mga babae.

5. Immature

Isa ito sa pinakaayaw ng mga babae sa lalaki. Yun bang tipong lahat ng bagay ay pinapalaki mo at pini-personal. Bangayan dito, bangayan doon na parang mga bata. Kalalaking tao mo pa ay hindi ka marunong magpatalo. Tapos may iba na napaka-selfish din at abusado sa kabaitan ng partner nila. Be mature para maging healthy ang relationship nyo. Alagaan mo ang mahal mo sa pagmamahal at tamang pagtrato para di ka nya iwan.

6. Mayabang/Feelingero

Ito na yata ang kauna-unahang bad impression ng babae sa isang lalaki. Wag masyadong mayabang at mahangin, baka pati ka-date mo malipad papunta sa planetang Mars dahil sa sobrang hangin mo. Wag din masyadong mataas ang tingin sa sarili, yun bang gwapong-gwapo ka sa sarili mo kahit hindi ka naman gwapo. Hintayin mo kaya muna na iba ang pumuri sayo. Mas mabuti na humble ka lang para magustuhan ka agad ng mga babae.

7. Maarte

Akala nyo ba ang mga babae lang ang maaarte. Aba kayo ring mga lalaki minsan ay may taglay ding kaartehan. Minsan nga merong lalaki na mas maarte pa sa ka-date nya. Yung tipong akala mo ang daming pera, ayaw na ayaw i-date si girl sa pipitsuging lugar. Tapos hindi mo din mapakain ng street food dahil marumi daw. Ayaw din na maiinitan ng araw at mapapawisan. Ang arte, kainis.

8. Mabisyo

Kung kayong mga lalaki ay ayaw sa babaeng mabisyo. Mas lalo naman kaming mga babae na ayaw na ayaw sa lalaking lasenggo, sabungero, sugarol, malakas manigarilyo. At higit sa lahat adik at babaero. Pag ganyan kang lalaki, napaka-swerte mo na kung may babaeng nagtyatyaga sayo.

9. Palamura at palasigaw

Ayaw ng mga babae sa lalaking palamura at palaging nagtataas agad ng boses sa kaunting pagkakamali lang. Subukan mong kontrolin ang sarili mo at baguhin ang ganyang pag-uugali. Kawawa naman ang magiging asawa mo pag ganyan ang ugali mo. Tsaka malas sa bahay ang palamura at palasigaw.

10. Bastos

Ito yung mga lalaking bastos ang bibig at ugali. Walang manners at walang galang sa babae at kapwa. Tapos yung pananalita wala ng bukang bibig kundi tungkol sa kababuyan o s*x. Kahit sa text at chat ay ganon din sya, walang galang. Wag kang ganyan para makahanap ka ng matinong babae.

11. Nananakit ng babae

Kapag nanakit ka ng babae physically, emotionally, and verbally. Ibig sabihin ay wala ka ng respeto sa kanya at pagmamahal. Kaya naman asahan mo din na iiwan ka ng babae ng hindi mo namamalayan. Itong ganitong lalaki ang pinaka-nakakatakot na mapangasawa.

12. Bungangero

May lalaki talaga na bungangero. Yung tipong hindi man lang makaisa ang babae sa sobrang tabil ng dila ni lalaki. Yung dinaig pa ang babae kung magbunganga. Tigilan mo yang ganyang ugali kung ayaw mong kasawaan ka ng partner mo.

13. Walang respeto

Paano ka magugustuhan ng babae kung wala kang respeto sa kanya at sa ibang tao, lalo na sa mga magulang mo. Swerte mo na lang kung may tumanggap sayong babae kapag wala kang galang sa kapwa mo.

14. Feeling close

Ito yung mga lalaki na kakikilala pa lang ay feeling close agad. Magkaroon ka naman ng kaunting hiya, idaan mo sa tamang proseso ang pagkilala sa babae para magustuhan ka nila. Pag nagtagal-tagal na kayong magkakilala saka ka mag-feeling close.

15. Sinungaling

Ang mga babae ay may angking talento sa pagiging imbestigador. Kaya alam na alam namin at ramdam din namin kapag hindi nagsasabi ng totoo ang isang lalaki. Habang nakikipag-usap ka sa ka-date mo, hindi mo alam ina-analize na niyan sa utak nya ang mga pinagsasasabi mo sa kanya. Kaya maging honest ka lagi sa natitipuhan mong babae.

16. Seloso

Oo nga at cute ang magselos. Pero kapag sobra na ang pagseselos, aba nakakatakot na yan. Iiwan ka ng jowa mo pag napakaseloso mo. Wag mo syang sakalin at pagselosan sa mga wala namang saysay na bagay.

17. Kamot nang kamot

Ito yung kamot nang kamot ng harap nila. Sino namang matutuwa sa iyo kapag nagkamot ka ng harap mo na nakikita ng isang babae. Kung di mo na mapigilan ang kati, gumawa ka ng paraan na kumubli naman para hindi nakaka-turn off sa babae. Mamaya isipin pa nya na manyakis ka.

18. Over protective

Ito yung mga lalaki na tinalo pa ang tatay ng girlfriend nila kung mag-protekta. Hindi masama na protektahan mo ang mahal mo. Pero wag naman sobra-sobra na tipong gusto mo na syang itali sa bewang mo. Masasakal sya at lalong magrerebelde kapag over protective ka.

19. Demanding/Expecting woman to be available anytime

Pinaka nakaka-pikon sa lalaki ay yung ganito. Yung tipong akala mo pinapasahod mo yung babae kung maka-demand ka sa kanya. Tapos kapag sinabi mo na magkita kayo sa isang lugar, akala mo naman si Darna si babae na agad makakalipad sa usapan nyo. Isipin mo rin naman at irespeto yung sariling oras at buhay ng partner mo. Lalo na din kung nililigawan mo pa lang ang isang babae.

20. Aggressive about s*x

Para lang ito sa mga mag-asawa na at may malalim na relasyon. Akala ata ng mga lalaki ay nakakatuwa sila kapag napaka-agresibo nila sa ganitong bagay. Tapos demanding din, hindi man lang kausapin si babae bago gawin ang bagay na yan. Ano bang tingin nyo sa mga babae, human fleshlight. Hintayin mo naman na sya ang magkusa pagdating sa ganyan o kaya ay hintayin mo na pareho nyong gustong gawin ang bagay na yan.

21. Laging late sa usapan

Isa ito sa nakaka-turn off sa lalaki, dinaig pa ang nagme-make up din dahil laging late sa date. Iwasan mo ito para hindi ma-turn off sayo ang nililigawan mo o kaya ay hindi kayo mag-away ni partner.

22. Walang pangarap

Hindi baleng hindi ka mayaman basta may pangarap ka sa buhay. Nagpupursige ka sa pag-aaral para maabot mo ang mga goal mo sa buhay. Mga lalaking may pangarap sa buhay ang gustong-gusto ng mga babae. Kapag wala kang pangarap, palagay ko ay magsasawa agad sayo ang mahal mo. Kasi wala syang makita na magandang future sayo. Kawawa nga naman ang magiging anak nyo kung mananatili ka na lang sa bahay na tambay at asa sa magulang mo.

23. Mataas ang pride

Naku isa pa ito, ang hirap pakisamahan ng taong ma-pride, besh. Ang sarap i-prito ng ganyang lalaki. Dapat manatili kang mapagpakumbaba para sa babaeng mahal mo. Mauuwi lang kayo sa break up kapag pinairal ang pride na yan.

24. Nagmamadali

Ito yung tipo ng lalaki na nagmamadali palagi na sagutin sya, o kaya naman ay kakikilala pa lang ay manliligaw na agad sa babae. Yun namang iba na kasasagot pa lang, ang bukang bibig agad ay kasal o di kaya ay kung ilan ang gustong anak. Yung iba naman ay s*x agad ang gusto. Aba maghinay-hinay ka naman para hindi matakot sayo ang babae.

25. Walang common sense

Akala mo lang ay ayaw ng babae kapag tinanong mo sya kung gusto nya ng regalo o isang bagay. Aba common sense naman, sino bang babae ang ayaw ng regalo. Magkusa ka na lang kasi magbigay ng regalo o anything na alam mong ikakatuwa nya, wag mo ng itanong pa. Women love a little surprises. Small or big surprise gift ay i-aappreaciate nya yan. Kung alam mo namang galit sya, common sense naman, suyuin mo sya para hindi na umabot ng matagal ang tampuhan nyo. Minsan ang babae ay nangangailangan lang ng TLC mo, lalo na kung busy ka sa mga bagay-bagay at hindi mo na sya nabibigyan ng oras.

26. Mahilig mangbawi ng naitulong

Ito yung lalaki na mahilig mangbaoy. Mangbaoy means mahilig manumbat. Magkukusang tumulong tapos kapag galit ay susumbatan si babae. At ang malala pa ay babawiin yung mga naibigay sa babae. Kakairita ang ganyang tao, di ba? Wag ka ng magregalo o tumulong sa babae kung hindi bukal sa loob mo.

Naka-relate ka ba sa nasa listahan?

Sa mga kababaihan, tandaan na hindi mo kailangang iwan agad ang lalaking mahal mo kung nasa kanya ang ilan sa pag-uugali na yan. Bagkus ay tulungan mo syang magbago at i-improved ang sarili nya.

Pero kung wala na talaga syang pagbabago ay nasa iyo na ang desisyon kung mananatili ka pa ba sa kanya o susuko ka na.

May idadagdag ka pa ba sa nasa listahan? Kung ganon ay i-comment mo na para malaman namin iyan.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

175K 2.9K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
13.1K 352 45
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
247K 5.6K 83
*****
53.2K 204 16
This story is not mine credits to the rightful owner πŸ”ž