TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To...

By Amihan2526

25.9K 37 41

Love is the most powerful force in the universe. Minsan dahil sa sobra nating pagmamahal kaya hindi na natin... More

17 Signs kung nagche-CHEAT sayo ang isang tao
Signs na true love ka ng isang lalaki
Signs na seryoso ang ka-chat mo
Iba't-ibang uri ng pag-ibig
Mga bagay na nakaka-turn off sa babae
Sign na kailangan mo ng bumitiw sa relasyon
Mga bagay na nakaka-turn off sa lalaki
Signs na mahal ka pa ni Ex
Sekreto para lalo kang mahalin ng lalaki
Signs na hindi ka na mahal ng ka-Long Distance Relationship mo
Mga bagay na di mo dapat gawin sa ka-LDR mo
Ugali ng boyfriend na dapat mong iwasan o layuan

Tips para balikan ka ni Ex

983 3 0
By Amihan2526

Tips to get your Ex back: 18 Things you need to do

A/N: Ang mga mababasa mo na mga tips at signs sa librong ito ay hango sa karanasan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pwedeng epektibo ito sayo, pwede ring hindi.

Warning 1: If you pirate this book, your soul will rot in hell.

Warning 2: Grammatical errors and typographical errors are present in this story.

Madalas kapag may kaunting tampuhan ang mag-partner, bukang bibig na ang break up. Tapos kapag naman nangyari na, tsaka marerealize na mahal pa pala nila ang partner nila. Lalo na ang mga babae, kapag nairita yan, break agad. Pero di naman kayang panindigan. Iwasan natin ang ugali na yan, kasi kapag si guy ang nagsabi na break na kayo, asahan mo wala na yang bawian.

Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para balikan ka ni ex.

1. Siguraduhin na gustong makipagbalikan  

Kung gusto mong balikan ka ng ex mo, siguraduhin mong desidido ka at kakalimutan lahat ng nakaraan na. Magsisimula kayo ng panibagong yugto ng pag-iibigan kaya dapat ilibing na ang poot at galit sa nakaraan. Upang sa ganon ay walang sumbatan kung sakaling magkaroon ulit kayo ng kaunting tampuhan.

2. Magpa-miss ka/ No contact rule 

Ito ay talagang torture para sayo, pero maniwala ka makabubuti ito sayo at sa ex mo. After nyong mag-break, iwasan mo muna ang social media. Wag kang magtatangka na i-text sya o tawagan. Iparamdam mo sa kanya na hindi sya kawalan na iniwan mo sya. Kapag naramdaman nyang parang bigla kang naglaho sa sirkulasyon, mamimiss ka nyan. Magtataka yan kung ano na bang nangyayare sayo. Kung kumusta ka na ba. Mausisa mo, sya na mismo ang magte-text sayo para kumustahin ka. Kung magkatrabaho naman kayo, wag mong ipadama sa kanya na nasaktan ka sa break-up nyo. Wag kang makipag-usap sa kanya. Ituring mo sya na isa lang katrabaho o kakilala na hindi mo ka-close. For sure magtataka yan kung bakit nakakaya mong hindi sya kausapin.

3. Give him time and space 

Wag mo syang kulitin after ng break up nyo. Hayaan mo sya kung gaano pang space ang gusto nya. Giving him time and space allows you to think about the relationship and gives your ex time to miss you. Maaalala nya ang mga bagay na magaganda sayo at mga gustong-gusto nya sayo habang hinahayaan mo syang mapag-isa. Mas lalo siyang maiirita sayo kapag ang kulit-kulit mo. Kaya manahimik ka muna dyan at pasasaan ba at kusa din yang lalapit sayo.

4. Ayusin ang sarili/Get a new hobby  

Madami sa ating nalulugmok at parang pinagkaitan ng langit at lupa kapag iniwan ng jowa. Wag ganon besh. Dapat ang gawin mo, ayusin mo lalo ang sarili mo. Mag-focus ka sa buhay mo. Mag-gym ka. Magpa-ganda ka lalo, magpa-sexy, manamit ng maayos. Pero wag naman sobra at daring besh ha. Yung sakto lang na alam mong ikakagulat nya. Tapos wag mong ipo-post sa Facebook na nasaktan ka sa paghihiwalay nyo. Sa halip, ang i-post mo ay mga improvement mo sa sarili mo. Wag mong ipapakita sa kanya na kawalan sya.

5. No text terrorism 

Tigil-tigilan mo ang pagratrat ng text kay ex after ng break up nyo. Hindi ka na nga nya nirereplyan ang kulit-kulit mo pa rin. Wag mong ipakita sa kanya na sobrang clingy mo at needy. Ayaw ng mga lalake ng ganyan besh, nakaka-turn off yan. Kaya tigilan mo ang panghaharass sa kanya sa text, hindi yan makakatulong sa pagbabalikan nyo. Baka kamuhian ka pa nya pag ganyan ka.

6. Don't beg  

Wag na wag kang magmamakaawa sa ex mo na balikan ka. Magtira ka ng dignidad sa sarili mo. Hindi mo ba alam na mas lalong maiirita sayo si ex kapag para kang sira na nagmamakaawa sa kanya, bababa ang tingin nya sayo. Kaya hayaan mo sya, relax ka lang dyan. Manahimik ka at wag syang kulitin para ma-realize nya na parang hindi ka apektado sa paghihiwalay nyo.

7. Spend time with friends and family 

Pagkakataon mo na ito para bigyan ng oras ang pamilya mo at mga kaibigan. Sa paraang ito maililihis mo ang isip mo sa ibang bagay. Mawawala sayo yung feeling na para kang uhaw at nagke-crave kay ex. Kaya naman kapag nagkita ulit kayo, okay na okay ka na at confident. Matutuwa pa si ex sayo na magtataka dahil hindi ka mukhang na-stress sa break up nyo. At kung sakali na magbalikan kayo, wala na yung pain sa puso mo.

8. Wag lunurin ang sarili sa alak 

Sa halip na mag-inom ka. Bakit hindi ka na lang kumain ng healthy food. O di kaya ay mag-gym ka para maging yummy ka sa paningin ni ex kapag nagkita ulit kayo. Kung magpapakalunod ka sa alak, magkakasakit ka lang. Tapos kapag lasing ka tatawagan mo sya at pagsasalitaan ng kung ano-ano. Kaya ang ending lalo na syang nayamot sayo. Wala lalong mangyayaring balikan pag nagkataon.

9. Make the conversation short and simple 

Kapag bigla kang tinawagan ni ex, wag ka naman pahalata na excited ka. Kalma lang besh. At wag na wag mong hahabaan masyado ang sagot mo sa kanya. Kapag sinabi nyang miss ka na nya, sabihin mo lang "ahh, ganon ba?" Bitinin mo sya at pasabikin sayo sa pamamagitan ng maigsing convo nyo. Tandaan, wag kang marupok, okay. Makikita mo, sya na mismo ang mangungulit sayo palagi. Kasi once na tumawag yan sayo, ibig sabihin interesado pa sya sayo, kaya relax ka lang dyan.

10. Unti-unti ka ulit makipag-usap sa kanya 

Sa strategy na ito, in person naman ito. Dapat ipakita at iparamdam mo sa kanya na totally move on ka na. Tsaka pahapyaw lang ang pakikipag-usap. Mga friendly talk lang, kamustahan, ganyan. Hindi about sa relasyon nyong nawasak ang pag-uusapan nyo ha. Makikita mo, sa mga susunod, mararamdaman mo na lang na lalandiin ka na nyan paunti-unti.

11. Don't answer the call 

Ito ay related sa tip number 2. Kapag tumawag sya sayo after nyang makita ang mga positibo mong post, wag mo munang sagutin. Hayaan mo syang mag-miss call nang mag-miss call. Para naman hindi nya isipin na naghihintay ka talaga ng tawag nya. Pasabik-sabikin mo sya, ganern!

12. Wag nag-iinitiate ng date 

Wag na wag na ikaw ang mauuna na yayain syang lumabas o magkape. Pa-hard to get ka muna sa puntong ito kapag nararamdaman mo ng medyo nilalandi ka na nya? Ibig sabihin nyan, malapit ka na sa muling ibalik. Pero hintayin mo na sya ang magyaya sayo na lumabas. Kapag nangyari yan, syempre tagumpay ka sa mga strategy mo. Kaunting kembot na lang may magkakabalikan na. Kapag tinanong ka na nya kung pwede ba kayong magbalikan, sabihin mo naman, bigyan ka muna ng panahon para mag-isip-isip.

13. Wag ng magsisihan 

Pagkatapos ng break up nyo, tanggapin mo na lang na wala na kayo. Wag na kayong magsisihan pa sa nangyari sa relasyon nyong dalawa. Maluwag mong tanggapin na hanggang dyan na lang kayo. Kung wala kayong sisihan, may tendency na kapag maliwanag na ang isip ni ex e kusa yang magsusumamo sayo.

14. Magbago ka 

Kalimitan ang dahilan ng break up ay third party o di kaya naman ay walang oras ang isa sa isa. Minsan naman yung ugali nyo mismo ang dahilan ng paghihiwalay. Magbago ka na para balikan ka nya. Hindi pakitang tao lang na pagbabago ha, dapat bukal talaga sa loob mo na baguhin ang mga inayawan sayo ni ex. Pag nakita nya na malaki na ang pinagbago mo, malaki ang chance na balikan ka ulit nya.

15. Wag sisiraan si Ex 

Kahit ano pang sama ng loob mo dahil iniwan ka ni ex, wag na wag mo syang sisiraan kahit na kanino o sa social media. Napakababang uri ng gawain kapag ginawa mo yan. Minahal mo yung tao kaya bakit kailangan mo pa syang siraan. At dahil siniraan mo sya, sa tingin mo may pag-asa ka pang balikan nya? Wala na. Dahil masusuklam na sya sayo. Mas mabuting manatili kang kalmado at mabait sa kanya. Para sya mismo ang manghinayang na pinakawalan ka nya.

16. Panatilihin ang pagkakaibigan 

Kung kaya mong panatilihin na magkaibigan kayo, gawin mo. Ito ay case to case basis lang. Meron kasing mag-ex na hindi naman mga bitter sa paghihiwalay nila. Kaya kahit paano napapagdesisyonan nila na maging magkaibigan pa rin.

17. No revenge 

Lumang istilo na yung gumamit ka ng ibang tao para pagselosin ang ex mo. Sa bandang huli ikaw at yung taong ginagamit mo lang ang masasaktan. Manatili kang mapagpakumbaba at mapagpatawad.

18. Start talking and dating again 

Dito sa paraan na ito, siguradong magtataka at mababahala ang ex mo kung bakit ang bilis mong naka-move on. Pero sabi ko nga date lang o pakikipagkapwa tao lang. Hindi ko sinabing i-jowa mo agad ang ka-date mo. Kailangan mo rin subukan makipag-date para mabilis kang maka-move on.

Hanggang dito na lamang ang tips ko sayo, sana makatulong.

Kung gusto mong mapabalik sayo si ex kailangan disiplinahin mo ang sarili mo. Kalma ka lang at gawin ang mga tips na iyan. Tandaan din na pawang gabay lamang ang tips na iyan. Pwedeng epektibo yan sayo, pwede ring hindi. At mainam din na wag kang masyadong mag-expect na pwede kang balikan ni ex after nyong maghiwalay. Because expectations always hurt.

Isipin mo rin kung tama pa bang ayusin ang nasira nyong relasyon? Worth it pa ba na balikan mo si ex o give up na lang? Kung alam mo namang toxic na ang dati nyong relasyon, wag mo ng i-win back si ex. Move on ka na, besh.

At kung may iba ng mahal si ex, hayaan mo na lang sya. Maging masaya ka na lang para sa kanya. Acceptance ang kailangan mo para maka-move on sa break up nyo. Lagi mong tandaan na kapag may umalis, may mas magandang darating.

"Don't expect things to happen. It's better to feel surprised than to be disappointed."

Continue Reading

You'll Also Like

148K 2.5K 47
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.2M 23.2K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
86.9K 4.2K 50
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
10K 701 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...