The Royalties

By NerdyIrel

2.1M 45.2K 4.1K

The Royalties sorority has 6 simple rules to follow. 1. You should have respect for yourself and for your co... More

The Royalties
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
The Royalties & My Only Mistake Spinoff

Chapter 33

32.1K 823 161
By NerdyIrel

I just wanna invite everyone to be my VALENTINE’S DATE on Feb. 14, Function Room A & B, Megatrade Conference Center, 5th level, SM Megamall, Building B.

Booksinging event “Love at First Write”!!! Bonding tayo! Picture picture!! Hope to see you there!

Xoxo, the forever dyosa, 

Nerdyirel.

-----------------------------------------

Chapter 33

Cassandra’s POV

“Cynthia Monteffiore on flight to Japan for a rumored business deal with Mr. Yuki Takahiro”

Muntik ko nang mailuwa ang breakfast ko ng marinig ko ang pangalan ni Mama sa TV.

“Umalis na siya?” Gulat na tanong ko kay Britney.

“You didn’t know? She woke me up this morning to say goodbye to me. Hindi niya pala sinabi sayo ate?”

Tinitigan ko lang si Brit at tumango.

Of course she won’t even say goodbye to me.

I’m not her favorite daughter anyway.

Wala naman siyang pakielam sa akin.

“I have to go. Mauna na ko sayo”

“Ang aga pa ah. Saan ka pupunta?”

“Mind your own business” I muttered before grabbing my bag.

“Whatever” She said, rolling her eyes.

Naglakad na agad ako palabas ng mansion at binigay na agad ng valet namin ang susi ng kotse ko.

Pagsakay ko ay nagdrive agad ako ng sobrang bilis.

I immediately called Mae, one of the royalties.

Mae: Good morning! Bakit ka po napatawag?

Me: Send all the members of our sorority a message. They have to be at the club room in 30 minutes. Ang ma-late, tanggal sa The Royalties.

Mae: You mean right now?! Ang aga pa Cassandra, kakagising ko nga lang.

Me: Are you gonna send them a message or not?

Mae: A-ah…e-eh----

Me: Damn it Mae! Sundin mo na lang ang inuutos ko sayo!

Mae: S-sorry Cassy. Pero matanong ko lang, bakit nga pala biglaan?

Me: I’m going to announce something about BGS. This is a very important meeting.

Mae: Oh. Alright. Sige----

I ended the call immediately.

Dumaan muna ako sa office ko at chineck ang reports ng new products na kakatapos lang namin ipresent sa fashion show na hineld namin nung nakaraan na araw.

Iri-release na kasi lahat ng products sa mga stores namin tomorrow and I have to make sure that everything is in place.

“Nakausap niyo na ba si Mr. Ren about the branch in Southmall? I heard nagkaproblem with a high class customer last night?” I asked my assistant while signing some papers.

“Yes Ms. Cassandra. He called this morning to tell you that everything is fixed and it was just a misunderstanding”

I stopped what I’m doing and then I looked at her. “Is that true? I doubt it. Of course Mr. Ren would say that. He’s afraid I’ll fire him. Send someone to check their branch. Gusto kong masure na okay ang customer na iyon. Send me a report this afternoon, okay?”

“Okay. And uhmmm, Ms. Marubi called. Again”

I groaned.

That freaking old woman!!!

Napakakulit!

Gusto niya kasing maibenta ang mga designs niya sa amin.

Hell no!!

Ang baduy niya kaya!

“Go tell her to shut the fuck up” I said before returning back to reviewing the papers.

Nagmamadali ako kasi may meeting pa kami ng The Royalties bago magstart ang classes.

“A-am I really gonna tell her that?” Gulat na tanong ng assistant ko.

I closed my eyes to calm myself before I glared at her.

“OF COURSE NOT! DO IT IN A NICE WAY! DUH! Gusto mo bang sabihin ko sayo word by word ang dapat mong sabihin sa kanya?”

Nagulat siya sa pagsigaw ko.

Nakakainis!

Ang shunga!

“S-sorry po----”

“Ghad! Lahat na lang ba ng makakausap ko magsosorry sakin? Do your job well para di ka humingi ng pasensya. What I need is for you to call Mr. Jayren from London. Nakarating kasi sa akin na siya ang kinukuha ng kalaban nating company as their next model. Napagalamanan ko rin na lahat ng products na ini-endorse ni Jayren ay nagiging successful. He’s powerful and influential. We need him. I want him here”

“Okay Ma'am, we’ll do our best”

Tumayo na ko at kinuha na ang bag ko.

“I’ll be back by 6 pm. Give me the sales report for last month later” I ordered her bago ako lumabas ng room.

Lance’s POV

Maaga akong pumunta sa school dahil sinigawan agad ako ni Cassandra at sinabihang hinding-hindi na niya ko kakausapin for the rest of her life kung hindi ako pupunta sa meeting daw nila.

(-_-)

Girls and their attitudes.

Mga tigre talaga pag nagalit.

Pagpark ko ng kotse ko ay pinatay ko lang ang engine.

Hindi agad ako bumaba dahil inayos ko pa ang bag ko.

Nilagay ko yung jersey ko at shoes sa bag.

Bababa na sana ako nung may napansin ako.

Si Kim.

Yung leader ng BGS.

Nagpark siya sa may tapat ko.

Obviously di niya alam na nandito ako dahil dark-tinted ang kotse ko.

Pagbaba niya ay nakita niya ang isa sa mga members ng BGS.

Alam kong member din ang lumapit sa kanya dahil nakablue na damit din.

Talaga bang paninindigan nila ang BLUE COLOR everyday?

HAHAHA tinde.

Nagusap sila sabay sinampal niya yung babae.

(O________O)

“FUCK!” Sigaw ko sa gulat.

Pagkasampal niya ay sinabunutan niya pa.

WHOAH!

Naiyak na yung babae pero hindi lumaban.

Tapos maya-maya ay tinulak ni Kim yung babae at naglakad na palayo.

Lumabas naman ako kaagad ng kotse ko at pinuntahan yung babae.

I helped her get up.

“Okay ka lang?” I asked her.

She just cried and looked down.

“I’m Lance by the way. You are?” I handed my hand pero hindi niya ko kinamayan.

“I shouldn’t be talking to you. Ayaw ni Kim na makipagkaibigan kami sa inyo”

“I saw what she did. Bakit hindi ka lumaban? Kung leader niyo siya, dapat tinitreat niya kayo ng maayos”

“She just wants the best for us. Pumalpak kasi ako sa inuutos niya kaya nagalit siya. Pero hindi naman siya katulad ni Cassandra. Si Cassy ang tunay na masama dito”

Lumayo na siya at naglakad na palayo.

Naiwan naman akong shocked na shocked.

Well, hindi rin naman pala mabait si Kim.

I think mas worst pa siya dahil patalikod siya kung manakit.

Kung si Cassandra, lantaran mambully

Siya, hindi mo iisipang nananakit dahil ang bait niya kapag kaharap ang maraming tao.

Cassandra’s POV

“Good morning royals” I greeted them pagpasok na pagpasok ko sa club room.

Lahat ng members ng The Royalties ay umupo ng maayos na para bang kasali sila sa isang modeling competition.

Lahat sila mukhang mga prinsesang biglang nagchin up at ngumiti sa akin.

Ali walked towards me kasama si Mae.

“Everyone is here” Mae informed me.

Ali suddenly walked towards my side.

“What’s up with the early meeting bitch?”

“Andito ka na rin naman, wag ka na magreklamo”

“Whatever”

“Nice Valentino shoes” sabi ko pagtingin ko sa sapatos niya. “New arrival?”

“Yup, 80K”

Napangiti ako. “I love it”

“You should hahaha anyway. Anyway, Kim gave this to one of our members. Nilagyan nila ng patay na daga ang locker niya”

She gave me a letter and I rolled my eyes.

Obviously gaganti siya dahil pinahiya ko agad sila kahapon.

 

Be scared.

– Kim. BGS founder.

I laughed loudly and handed Ali the letter again.

“Be scared? What the hell? Tingin niya ba matatakot talaga ako sa isang simple, walang kwenta at hindi pinagisipang sulat? Ang tanga naman ng founder nila”

Everyone laughed and started gossiping about the letter.

“Okay girls, listen to me” I clapped my hand to get their attention.

Tumahimik sila at tumingin sa akin.

“Be ready! Because this is the day that we are going to get our revenge. Our school doesn't need two sororities. One is enough and we are going to make sure it’s us. Anyone up for a little game?”

They cheered out of excitement.

“Are we going to play another trick?”

“Pahihirapan mo ba sila?”

“Lahat ba pagtitripan natin?”

“What are we gonna do with Kim?”

“What if gumanti sila?”

“We should be ready”

“Ano bang klaseng revenge ang sinasabi mo Cassy?” Ali asked.

I looked at her and smiled. “Hey, don’t give me a bitchy smile. Speak up!” She jokingly said.

Naglakad ako papunta sa pinakagitna at ngumiti sa kanilang lahat.

Everyone is looking at me and waiting for my announcement.

“We are not going to hurt anyone…”

“What?”

“Revenge nga diba?”

“Paano tayo gaganti kung wala tayong sasaktan?”

“Yeah, anong klaseng prank yan?”

“What happened to you Cassandra?”

“Shut up royals! I’m not done yet!” I complained.

*silence*

Stupid rich pretty gals.

“Go on” Ali urged me.

I crossed my arms. “Obviously hindi natin sila mapapatalsik sa campus kung mananakit tayo. Everyone knows we hate them. Of course, tayo kaagad ang suspect. Pwede nila tayong ipa-suspend or worst, ipatanggal ang sorority natin pag naproved na tayo ang bully. I don’t wanna risk anything”

“So what are we going to do?”

“Are we going to hurt them outside the campus?”

“Ipapakidnap ba natin si Kim and her members?”

“Do you have a plan?”

Umiling ako at naglakad ulit papunta sa harapan.

“Yes. May plano ako. Actually, siya ang nagsuggest ng plano na ito”

“Siya?”

“Who are you talking about?”

I looked at the door and everyone gasped when Lance entered.

“Whoah wait”

“Lance Aiden Grimshaw?”

“Cassy, you can’t trust him!”

“We all know he’s an enemy here”

“Bestriend siya ni Chelsea”

I frowned at them and allowed Lance to speak.

“Hey” Bati niya.

Nagbulungan na lahat kaya naman tumingin sa akin si Lance.

I told him to continue.

“Oo bestfriend ako ni Chels but I also want to help everyone of you. Walang kwenta ang lahat ng pinaghihirapan namin ni Cassandra sa deal namin kung mawawala ang sorority niyo. I trust Cassy more than I trust Kim. Hindi ako naniniwalang mabait siya. I think she’s trying to replace Cassandra by faking her personality”

“Wait what?”

“Faking her personality?”

“What do you mean?”

“We’re confused”

I walked towards lance and frowned at him.

Is he telling the truth?

Wala siyang nabanggit tungkol doon kagabi.

“Explain” I demanded him.

He sighed. “I saw her this morning. Nasa loob ako ng sasakyan nung nakita ko siyang may kinausap na member din ng BGS. Sinampal niya iyon at sinabunutan. Tingin ko bully din si Kim. Who knows, mas bully pa siya kay Cassandra. Nagawa niya kasing saktan ang members ng sorority niya. Malamang kahit sino sasaktan niya rin. She’s pretending to be nice para makuha niya loob ng lahat”

Everyone gasped.

Kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ni Lance.

“She’s a pure evil!” Ali angrily said. “Feeling artista siya!”

“Which is why, kailangan na nating mapaalis si Kim” Lance continued before looking at me.

I nodded at him.

“We thought we should do it in a legal way para hindi tayo mahirapan. Now that we know that Kim is a bully, all we need to do is get a proof” I said.

“Pero Cassy, hindi naman sapat na reason yun”

“Ganyan din naman gawain natin for the past four years”

“We hurt our schoolmates like it’s our normal doing every day”

“Kailangan natin ng mas matinding reason”

“Kim has her own connections. For sure, hindi siya mapapatanggal dito sa school”

Lance and I glanced at each other and smiled.

“Well of course, we have a plan B. Hahanapan natin siya ng baho. Hahalungkatin natin ang past ni Kim. Kung saan siya nanggaling, kung bakit sumulpot na lang siya bigla sa school at kung may ginawa ba siya before na pwede nating magamit against her. We have to do everything that we can”

Napangiti lahat ng nandito sa club room at umingay bigla.

Halatang naexcite sila at natuwa sa plano namin.

This is new for them.

Kahit sa akin naman ay bago ito.

Hindi ako sanay na gumanti without hurting anyone physically.

For me, kung galit ako sayo, dapat maramdaman mo talaga iyon.

***

“Do you honestly think that this will work?” I asked Lance nung naglakad lakad kami papunta sa basketball court.

Nagpapasama kasi siya at may kukunin daw siya sa locker room nila. 

Maaga pa naman at may 10 minutes pa kami bago magstart ang classes.

“I’m not one hundred percent sure but we should try” He said.

He suddenly held my hand kaya naman napatingin ako sa kanya.

I wanted to ask him why pero ayoko naman bitawan niya ang kamay ko kaya nanahimik na lang ako.

“Why are you so affected by Kim? It’s not like she can take you down right?” He asked while squeezing my hand.

Pumasok na kami sa locker room niya at pumunta doon sa may dulo kung nasaan ang locker niya.

“You know me Lance. When I play a game, I eliminate my opponents as fast as I can”

Natawa siya at sumandal naman ako sa katabing locker.

Masaya ako at tinutulungan niya ko instead of going against me.

Kakampi ko siya ngayon.

“Do you wanna know why I’m doing this?” He asked habang may inaayos siya sa locker niya.

“Of course I do. Hindi naman magbebebenefit sa inyo ni Chelsea itong pagtulong mo sa akin pero nandito ka pa rin sa tabi ko. Bakit nga ba?”

He closed his locker and walked towards me.

Napaayos ako ng tayo lalo na nung naglean siya sa akin.

“Because I like you this much. I’m willing to tolerate your wrong doings as long as you’re happy”

“There is nothing wrong with this! I’m simply getting my revenge. And ikaw na rin nagsabi na gagawin natin ito in a legal way. Kaya walang mali dito”

“Mali yung gumaganti ka. May tinatawag naman kasing karma”

I pouted.

Ang gulo nitong taong ito.

Tutulungan niya ko dahil gusto niya ko?

Kahit na tingin niya mali na gumaganti ako?

“So what do you want me to do? Give up? Hindi ako talunan Lance. Tsaka titigil na naman ako kapag napaaalis ko na sila. I promise I won’t hurt anyone anymore…”

“Pero paano pag nanalo ka sa deal? Mananakit ka pa rin?”

Tinitigan ko si Lance ng mabuti.

Nasa deal namin na kapag natalo siya ay aalis sila dito sa school ni Chelsea.

Which means babalik ako sa dati.

“I guess so…” I whispered.

“But you just promised me you won’t hurt anyone”

“Yung mga promises ko Lance…for 30 days lang yun. After that, di’ba nga kakalimutan na natin ang isa’t-isa?”

Hindi ako masaya sa mga sinasabi ko.

Dahil alam kong di ko matutupad lahat ng iyon.

Especially forgetting him.

Kahit na ayoko naman kasing isipin ang deal, yun pa rin naman ang center ng relationship namin ni Lance.

If he won, The Royalties will get mad at me for not proving to them that the pink rule really exists.

Baka nga mawala ang sorority ng di oras.

Maraming aalis pag nagkataon.

But if I won, everything will be the same.

Aside from Lance leaving me.

Who knows I might not see him again.

Baka mawalan kami ng communication.

“Cassandra, don’t hold back” He said in a low voice.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagtitig niya.

“I know you like me but why do you keep on putting a wall between us?” He sounded hurt and even his eyes confirmed that he is.

“I don’t like you” I disagreed.

“Tayong dalawa lang naman ang nandito. You don’t have to lie”

“I said, I don’t like you”

“I don’t believe you. Ramdam kong mahal mo na rin ako”

He suddenly cupped my face and kissed me tenderly.

Napapikit na lang ako.

I wanted to cry and tell him the truth but I can’t.

Mahal na kita, gago ka.

Wag mo kong piliting sabihin sayo!

Wag mo kong pahirapan!

Sana sapat na sa’yo na nararamdaman mong mahal din kita kasi hinding-hindi ako aamin sa’yo.

Hindi ako ready magmahal at hindi pwedeng maging kami.

Ayokong kamuhian ako ng sorority ko….ayokong magalit sakin si Alisha.

He pulled away and rested his forehead into mine. “You’re definitely lying”

Lumayo na siya at hinawakan na ulit ang kamay ko.

Hinila na niya ko at tahimik na lang kaming naglakad palabas ng locker room.

I guess I’m not the best liar then.

Even with our kisses, he could feel that I’m badly in love with him.

  

***

Lunch.

Alisha and I skipped our meals.

Pumunta kami sa computer laboratory para makapagstalk sa past ni Kim.

Even her social media accounts are hard to find.

Halatang nagtatago siya.

I groaned when I couldn’t find anything.

Isa lang ang lumabas and that is an article saying that her family is known in Europe.

Useless piece of shit!

Kinuha ko ang phone ko at tumawag na ko sa secretary ko.

I asked her to call someone and look for Kim Margarette Hamshire.

I have to know everything about her.

They told me it would take them hours to get everything I need.

“Cave man ba yun? Walang facebook, walang twitter, walang kahit na ano!” Pagrereklamo ni Ali.

“I don’t believe na wala siyang kahit na anong accounts. Maybe we should try to search for a different name”

“Like what?”

Tinype ko ay hamshire pero sobrang daming lumabas.

“How about margarette hamshire?” Ali asked.

I tried but still, wala pa rin.

“Nevermind. Tara kumain na tayo ng lunch” Tumayo na ko at gulat na gulat na humabol si Ali.

“Bitch! Paano na yung---”

“You heard me a while ago right? May tinawagan na ako. Maghintay na lang tayo”

She rolled her eyes  at me paglabas namin ng com lab.

Magrereklamo sana siya nung may narinig kaming dalawa.

Naungol na babae.

Tahimik kaming naglakad papunta sa dulo ng hallway.

Nasa swing B kasi kami at minsan lang kami dumaan dito kaya naman medyo kinabahan kami.

Uso kasi dito ang mga nakakatakot na kwento.

Pero maaga pa!

Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw!

Lahat ng tao nasa canteen but obviously, mayroon naiwan.

“Shit, faster!!”

Nagkatinginan kami ni Alisha nung narinig namin ang ungol ng isang babae mula sa loob ng isang room.

“Ohmygosh! Are they having….a…” Gulat na gulat si Alisha.

O/////////////O

“Ugh fuck! Kim!” Rinig naming hingal na hingal na sabi ng isang lalake.

“Kim?!” Nagkasabay pa kami ni Ali.

OH SHIT!

Without thinking, lumapit siya sa may pintuan nung kwartong iyon at binuksan niya ng dahan-dahan ng kaunti.

Sumilip kami at halos mapasigaw kami sa gulat!

SHE’S HAVING SEX WITH A STUDENT!!!

HERE AT SCHOOL!

OHMYGHAD!

“We have to tell everyone!” Mahinang sabi ni Ali sa akin.

Tumayo na siya at tatakbo na sana pero hinila ko siya pabalik.

“No. What we have to do is take a video of her. Ipaalam muna natin sa The Royalties bago tayo gumawa ng aksyon”

Kinuha ko ang phone ko at vinideo siya.

Ang ingay ingay niya pa at confirmed na siya ang babae dito sa video dahil laging binabanggit nung lalake yung pangalan niya.

Nakayuko kami ni Ali while I’m recording her.

Malamang ayaw namin panuorin iyon.

Yun nga lang mapakinggan, nakaka-goosebumps na!

We both want to throw up already!

“Tara na nga” I said pagka-stop ko ng recording.

Hindi ko na kaya pakinggan ang pagiingay ni Kim.

Yuck!

Eew!!

“Good idea” Ali agreed.

Tinanggal namin parehas ang heels namin at tumakbo na kami pababa.

Dumiretso kami sa CR dito sa first floor tapos parehas kaming namumutla.

“She’s a one hundred percent slut” Ali said.

Natawa na lang ako at nag-lipstick.

“Kapag nga naman sinuswerte. Siya na mismo gumawa ng ikakapahamak niya”

Ali nodded. “She’s a freaking highschool student, gosh! Yes, we’re not kids anymore but having intercourse with someone? That is just so messed up! Ang landi landi niya! Tama lang na makarma siya! She deserves it!”

Napatingin ako kay Alisha.

Naalala ko kasi yung nangyari sa amin ni Lance.

Hindi ako nalalayo kay Kim.

“I think I should delete this” I said.

“WHAT? Are you insane? NO! We’re going to use this against her!”

“Pero ali…mali yata yun”

“Cassandra, may sakit ka ba? Bakit ganyan ka magisip?”

Tumingin ako sa salamin at umiling.

Walang mali sa akin.

Naisip ko lang kasi na paano kung mangyari ito sa akin.

Paano kung may nagvideo nung gabing kasama ko si Lance?

Tapos sinend sa lahat yung video na iyon?

Malamang magpapakamatay na lang ako.

“I just don’t wanna do anything reckless” I told her.

“You won’t. You’re being smart. Come on, ipapatawag ko lahat ng members natin. We have to tell them about this and ask for their suggestion”

“Si Lance, tawagan mo na rin” I said.

“WHOAH! IKAW NA LANG! Di mo ba napapansin na nauutal ako pag nakakausap ko siya?”

I looked at her and she’s freaking blushing!

“You still like him?!”

“Shut up bitch hahaha wag kang mangasar okay? Malamang gusto ko pa rin siya! Gwapo niya kasi, kaasar!” Tatawa-tawa siyang nagtext sa phone niya at lumabas na ng CR.

Napailing na lang ako at nagbuntong hininga.

***

“We should post this online!”

 “You are awesome Cassy!”

“Grabe navideohan niyo pa!”

“Idol talaga kita!”

“Isend natin yan sa lahat ng students!”

“Or better ipost natin ang pictures niya sa walls ng school!”

“Yeah! Sobrang landi niya grabe!”

“Ilang taon pa lang siya, ganyan na ginagawa niya!”

Nagkatinginan kami ni Lance.

I immediately looked away and frowned.

Naaapektuhan ako sa mga sinasabi nila kay Kim dahil feeling ko, ako ang sinasabihan nila.

I flinched when Lance held my hand behind my back.

I looked at him habang ang ingay ingay dito sa club room.

“Wag mo silang pakinggan” He whispered and I nodded.

“Okay guys!! Let’s hear the final decision from Cassandra” Ali shouted.

Binitawan ko agad ang kamay ni Lance at tumayo ng maayos.

“I think we should go straight to the office and show them the video” I said, looking at Lance and asking for his suggestion.

Nagbulungan ang lahat.

Halatang gusto nilang ipakalat ang issue pero ayoko na.

Ayokong maging masyadong masama.

Lumabas na kami sa club room at tatlo kami nila Ali at Lance na naglakad pababa.

Nagskip kaming lahat ng first subject ng afternoon class namin para dito.

“Talagang wala kang balak ipakalat yan?” Ali asked me before she glanced at Lance and looked away.

I sighed. “Alisha, I don’t want to be so cruel anymore”

“What’s the difference of your actions today than before? You’re still Cassandra Monteffiore. Kung mananakit ka, bakit hindi mo na lubusin?”

“Ali, kinausap ako ni Mama kahapon. Kim sent her a letter informing her about everything that we are doing since we were a freshmen. She warned me. Kapag nambully pa ko at ginamit ko ulit ang pangalan nila ni Papa, ipapatanggal niya ang sorority and she will shut down my fashion line”

Alisha had her jaw dropped at what I said. “Ohmygosh, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin bitch?”

Tahimik lang si Lance na nakikinig sa usapan namin.

“Sorry, masyado lang kasi akong stressed kaya hindi ko agad nasabi sayo”

Dati ay siya agad ang nilalapitan ko kapag may problema ako.

Ngayon ay si Lance na.

Madami na talagang nagbago.

***

Nagheld ng assembly sa gymnasium for a club meeting announcement.

Lahat ng clubs ay nandito.

The Royalties – Sorority.

Smokin’ Aces – Basketball Varsity Team.

G-Cleffs – Drama Club.

Mermaids – Swimming Team.

Dragons – Soccer Team.

Dreamscapes – Band.

Blue Girls – Sorority.

Ang ingay ingay dahil minsan lang magkaroon ng ganitong meeting.

Natatawa na lang ako dahil ako ang may pakana ng lahat ng ito.

Pumunta na kami nila Ali kanina sa office and I’m pretty sure na itong meeting na ito ay para sa BGS.

Nakaupo lahat ng bleachers at katabi namin sila Lance.

Greg: “Hi Cassandra!”

Shaun: “Ganda natin ngayon ah”

I flipped my hair and stared at them. “I know right?”

Nagtawanan naman sila.

Si Lance ngumiti pa sa akin kaya iniwas ko agad yung tingin ko.

Ramdam na ramdam ko kasing namumula ang pisngi ko.

Greg: “Baby girl, tingin dito”

Shaun: “May tanong kami”

Alisha hissed but she did looked at Greg. “What?!”

Greg: “Ano uunahin mo? Bulong ng isip?”

Shaun: “O sigaw ng puso?”

Alisha laughed. “Bumubulong pala ang isip at sumisigaw pala ang puso?”

Greg: “Nay corny. Pick up kaya yon”

Shaun: “Oo nga. Anubayan”

“Alam ko na kasi ang sasabihin niyo. Pag namili ako ng isa doon, sasabihin niyo pagaaral dapat ang unahin ko, hindi puro landi. Sows napakaluma na niyan”

We all laughed at that.

Kawawang greg at shaun.

“Good afternoon Ashton International School students!”

Napatingin kaming lahat doon sa harapan nung may nagsalita sa mike.

Isang professor.

“Good afternoon sir” Sagot naman nilang lahat.

The Royalties lang ang hindi nagsalita.

Hindi namin ugali ang maging low class at gumaya sa ibang mga studyante.

Lance suddenly grabbed my hand.

Nasa pinakalikuran kami kaya walang makakakita.

Lahat ay nakatingin din sa harap kaya paniguradong safe ang paghawak niya sa kamay ko.

Besides, everyone knows that I am Lance’s girlfriend.

The Royalties lang naman nakakaalam ng real deal namin.

  

“Nagheld kami ng biglaang meeting dahil may ia-announce kami na sobrang importante”

I looked at the other side of the bleachers and saw Kim smiling at me.

Sige lang, ngumiti ka lang.

Akala mo siguro effective ang pagbigay mo ng sulat sa magulang ko.

Well sorry to say but you are the center of attention today.

“We are officially removing Kim Margarette Hamshire of Section III as BGS or Blue Girls Sorority's leader”

Nagkatinginan kami ni Lance.

“WAIT WHAT?” Parehas na sigaw namin ni Kim. Sabay pa kaming napatayo.

HINDI PWEDE!

They were supposed to remove the whole club!!!

Bakit ang leader lang nila?!

ARGH!

Umingay bigla sa buong gym.

Malamang lahat ay nagulat dahil sa biglang pagtanggal kay Kim.

Pero mas nagulat siguro sila dahil pati ako ay nagreact.

“What do you mean you’re removing me?” Kim shouted.

“You have violated one of the club rules as well as the school rule. Kim, I suggest you go into my office so that I could explain everything to you. But for the meantime, BGS should vote for another leader”

Mangiyak ngiyak ang itsura ng lahat ng mga taga-BGS.

Lance suddenly pulled me para umupo ako.

“Hayaan mo na Cassy. Ngayon na wala na yung leader nila, I’m pretty sure wala ng ibang magmamatapang na lumaban sa inyo”

I groaned.

This is not what I planned!

They were supposed to be gone!!!

Kim suddenly walked towards the professor and then she grabbed his mike.

“Anong problema mo sakin Cassandra? Ano na naman ginawa mo?”

Tinignan ko lang siya.

Ano Cassy?

Patulan mo na?

“ANO?! Di’ba matapang ka? Sumagot ka! Anong ginawa mo?!”

Tumayo na ko pero hinawakan ni Lance ang kamay ko.

Umiling ako at hinila ang kamay ko.

Gusto ni Kim ito.

Well fine!

I’ll give her what she wants!

Mabait ako at hindi madamot!

I walked towards her in full grace knowing that everyone here is looking at me.

Inagaw ko yung mike niya at ngumiti ako sa lahat.

“Look at her! Yan ba ang isang leader?”

Tinignan ko si Kim at kita kong nagpipigil siyang sabunutan ako.

Ang sama ng tingin niya sa akin at parang sasabog na siya.

“I thought you were a better person than me? Well you should act like one. Kim, wala akong ginawa. Ikaw ang may ginawa kaya ka natanggal as a leader of your own sorority. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? May ginawa ka ba na hindi dapat?”

Ngumiti ako sa kanya at napatitig lang siya sa akin.

Alam ko at alam niya kung ano ang pinaguusapan namin.

“Alam mo ikaw sumusobra ka na! You think everyone likes and respects you? NO! Maling-mali ka! Takot lang sila sayo kaya hindi ka nila kinakalaban! But no one here is on your side!”

Inabot ko yung mike dun sa professor tapos lumapit ako kay Kim.

“Talaga? Eh bakit may sorority ako na mahal na mahal ako?”

“They do not love you. They’re just with you dahil big deal sa lahat na makasama sa The Royalties. Everyone knows na kapag gumraduate sila na kasama sa sorority mo ay magkakaroon sila ng magandang trabaho. They’re just using you. Tingin mo ba kung hindi ikaw ang founder ng TR, ay nandyan pa rin sila para sayo? You know what, naaawa ako sayo. You’re pitiful! Walang nagmamahal sayo! Pamilya mo, ayaw sayo. Mga kaibigan mo, fake! At si lance? Iiwan ka rin niya katulad ng pagiwan sayo ni Brian”

She crossed her arms and even smiled at me.

Kaming dalawa lang ang nagkarinigan and I’m glad na hindi narinig ng lahat.

I blinked to fight my tears.

Sumusobra na siya.

Kinuha ko yung mike dun sa professor na gulat na gulat na nakatingin lang sa amin.

“LISTEN TO ME CAREFULLY! Kim Margarette Hamshire is a fucking slut! Alam niyo ba kung bakit siya natanggal as their leader? Dahil sa isang video! Isang video kung saan nakikipagsex siya sa isang lalake dito mismo sa school!”

Everyone gasped in shock.

I looked at Kim at gulat na gulat siya sa ginawa ko.

“Yeah that's right. I saw it with my two eyes. Kami ni Alisha narinig at nakita ang mga pinaggagagawa niya. Kaya kung ako sa inyo, layuan niyo ang BGS. Or better, dapat matanggal na ang sorority nila. Who knows lahat sila ay ganun na rin pala ang ginagawa”

Tumingin ako dito sa professor namin. “Sir, talaga bang hahayaan niyong mabahiran ng dumi ang pangalan ng AIS? Yes, I will admit na naging bully ako for the past three years pero kahit kailan ay hindi ko hinayaang masira ang pangalan ng beloved school ko. And I even stopped. Hindi na po ako nananakit ngayon. Unlike kim”

I looked at her again. “Aside from being a slut, she’s a bully too. Someone saw her this morning na sinasaktan ang member ng mismong sorority niya. Whoah. Girl, wala kang sinasanto. Grabe ka”

“Ohmygosh!”

“Mas masahol pa pala si Kim kay Cassy”

“Grabe ang landi mo!”

“Sa school ka pa talaga nagkalat ng kalandian mo!”

“Nakakadiri ka!”

“Ang yaman yaman mo, bat di ka pumunta sa hotel?”

“Demonyo! Bully sa sariling member? Grabe!”

“Go to hell!”

“Boo!!”

Biglang umingay sa buong gym at lahat sila ay halatang galit kay Kim.

Ito namang babaeng ito, tumulo bigla ang luha.

“Masaya ka na?” Tanong niya.

“Never better”

“Dadating ang panahon na mawawala din sayo lahat ng ito! I’ll get my revenge and you’ll gonna regret what you did here!” Umiiyak na sabi niya.

Natawa na lang ako at lumapit pa lalo sa kanya.

“Sino ngayon ang mas kawawa? Ikaw o ako?” Ngumiti ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa then back to her eyes.  “What a trash. Sayang ka, alam mo yun? Maganda, matalino at marunong sa fashion. Maling mali lang na kinalaban mo ang isang Cassandra Blaire Monteffiore. Kahit ano kasi gawin mo, hindi mo ko matatalo”

Halatang hindi na siya makatiis kaya sasampalin na niya sana ako pero nagulat ako ng may pumigil sa kamay niya.

Someone grabbed her wrist.

Napatingin ako sa gilid ko.

Si Lance…

Nakatitig siya ng masama kay Kim.

“Don’t ever hurt my queen”

-----------------------------------------------------

ASDFGHJKL!  Naiimagine ko si Lance. Shet! 

Continue Reading

You'll Also Like

44.8K 1K 16
Eina, a typical ManileƱa who is venturesome, decided to visit her province before she graduate in College. Her reason for it doesn't just revolved ar...
131K 7.6K 53
(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusu...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
100K 5.8K 35
Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should pay all her misdoings. Darwin, the misch...