Evanesce

By allileya

46.5K 3.6K 955

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 40

893 20 3
By allileya

I hesitated, but I ended up sharing everything to him until to the incident on the boat, hindi lang sa kung paano kami nagkakilala ni Van at hindi lang 'yong mga bagay na dapat kong sabihin sa kanya gaya 'nong una kong pag-open up sa kanya. Kung alam ko lang na ganito kagaan sa pakiramdam na mailabas mo ang lahat sa taong alam mong hindi ka wawasakin ay matagal ko na sanang ginawa.

I felt relieve. Mas pinatunayan ko lang sa sarili ko na kaya ko nang pakawalan ang mga alaalang iyon dahil nakaya ko nang mailabas ng buo.

"I'm sorry I wasn't there to help you..." Uminom siya ng beer bago ulit nagpatuloy. "I'm sorry I wasn't there to make you smile and laugh. I'm sorry I wasn't able to save you from falling. I'm sorry I was far from you."

"Icarius, don't be sorry. It's not your fault. Everything is my fault since it's my life. Ginusto ko ang mga naging resulta dahil sa naging desisyon ko kaya wala kang dapat na ika-guilty."

"'Yon na nga ang mas nakaka-guilty pa..." Lumingon siya sa akin. "Ang pinanganak tayo na magkalayo sa isa't isa sa magkaibang mundo."

"Icarius naman..." Napatawa ako. "Nasasabi mo lang ang mga 'yan dahil nakilala mo ako. Paano kung hindi ako dumating sa buhay mo? Paano kung sa ibang lugar o tao ako napunta?"

Hindi siya nakapagsalita. Ininom niya na lang ulit ang beer sa bote. Nang makita kong magbubukas ulit siya ng panibago ay pinigilan ko na.

"Tama na 'yan, Icarius. Baka malasing ka."

I sighed when he didn't listen to me. Tumayo ako't kumuha ng makakain. Ginugutom ako sa usapang ito. Plus, I need to regain my energy back because of swimming earlier. Medyo napagod ako.

"Kailan mo balak na bumalik?"

Saglit akong natigilan.

"Hindi ko alam, Icarius. Bakit ba 'yan palagi ang tinatanong mo sa akin?"

"Bakit? Are you expecting something great in here?"

"Hi-hindi sa ganoon, Icarius. Sa ngayon ay hindi pa sumasagi sa isip ko na bumalik. Hindi ko pa kaya."

"Hindi mo pa kasi sinusubukan."

Bakit pakiramdam ko ay may lihim na sama ng loob itong si Icarius sa akin?

"Darating din ako riyan, Icarius. Kaya hayaan mo muna ako, please. Huwag mo naman akong pagtabuyan."

"Pano naman kaming maiiwan mo kung magtatagal ka pa rito?"

His words striked my heart forcefully. Dahan-dahan akong napahawak sa dibdib ko at mas lalo ko lang naramdaman ang dulot na sakit ng mga sinabi niya. Napapikit ako't napahinga ng malalim. Gosh. He's always cornering me.

"Bibisita naman ako..." I bit my bottom lip when I stuttered. "Magkikita pa naman tayo."

Nagulat ako nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Nabitawan ko rin ang hawak kong plato. Nanginig ang kamay ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magsalubong ang mga mata namin. Mariin niya akong hinawakan sa baywang at hinila palapit sa kanya. My hands immediately landed on his chest as I tried to bend my head away from him. Hindi ko alam ba't bigla na lang din akong tumingkayad.

Hindi ako nakapag-react agad nang bigla niya na lang akong halikan sa mga labi. It was a tender kiss, pero bakit bigla na lang akong natakot?

"Padangaton taka, Aislinn," he whispered when he stopped me from kissing. (Translation: "Mahal na mahal kita, Aislinn.")

Hindi ako nakaimik. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyon sa isang taon kong pananatili rito. And even though I don't know the meaning of those words, my heart melted as if I was waiting for him to say those.

"It means I love you..." He quickly gave me a kiss. "So much."

He continued kissing me and I became submissive. I opened my lips against his mouth to welcome his naughty tongue. Habang tumatagal ay tila mas lumala ang pagkauhaw sa halik. Unti-unti nang nawawala ang bugso ng katinuan para pumalit ang pagnanasang matagal na itinago.

A moan suddenly escaped from my lips when the kiss deepened and his hands were getting possessive as they wandered around my body, from the neck until to my buttocks. He pushed me to the table and some of the food and things fell on the ground. Humigpit ang hawak ko sa balikat niya habang ang isang kamay ay nagsusumikap na makahanap ng matinong makakapitan sa ma-muscle niyang likod.

Binuhat niya ako't pinaupo sa lamesa habang hindi pa rin matigil sa paghalik that it becoming more and more intense. May panandaliang kirot ang dumaan sa ulo ko nang paunti-unti ulit ito na bumabalik sa marahas na kahapon. Bahagya akong natigil sa agos ng halik pero hindi siya nagpadala. He's still into it like no one can stop him now.

"Icarius..." I managed to talk to stop him.

"Hmm..." he moaned, ignoring me.

I was half-lying on the table when the cloth on my shoulder suddenly fell off, exposing my bare shoulder and cleavage. Nalipat doon ang isang kamay ni Icarius. Hindi ko napigilang mapaungol uli dala ng kiliti nang dahan-dahan niyang ibinababa ang strap ng suot kong damit.

"Icarius," I called again between our kisses, but he's not getting it.

I opened my eyes and I immediately felt the tears streamed down my cheeks. Hindi ko na nakayanang pigilan ang utak ko sa pagbabalik-tanaw. Ang panandaliang init na naramdaman kanina ay agad napalitan ng lamig.

I gasped when he stopped me from kissing, but he started to give me wet kisses from my neck down to my cleavage. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang himasin niya ang hinaharap ko.

"Icarius, please..."

Sa takot at kaba, tuluyan na akong naiyak nang maramdaman ko ang pagkapunit ng damit ko sa may dibdib ko. My right breast was completely exposed. That's also the reason why he stopped.

"Aislinn..." he whispered hoarsely.

Sunod-sunod ang naging paghinga at pagluha ko habang nanginginig ang mga kamay ko sa pagtakip sa katawan ko. Medyo lumayo siya sa akin kaya nagawa kong makaupo ng maayos sa lamesa. Hinanap ko ang mga mata niya. Luhaan man ay malinaw kong nakita ang takot at pagkabigo sa mga mata niya. He's afraid to see me being hurt because of him. He's disappointed to what he did to me. Dahil doon ay napahagulhol na ako.

"I'm sorry." Sinubukan niya akong hawakan pero napatigil siya. I even heard him muttered a curse.

It's not your fault, Icarius, I wanted to tell him that, but I couldn't find the urge to do it. Nanghihina at nanginginig ang buong katawan ko, sinusubukang iwaglit sa isip ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi lang 'nong gabing iyon ang bumalik sa akin kundi pati ang ilang senaryo na kasama ko si Rad. That intimate and rough make out triggered my trauma again that it breaks my heart.

I'm disappointed in myself too. Kahit na gaano ko kagusto ang nangyari at kagustong maipagpatuloy iyon ay hindi ko kaya. Hindi pa ako handa. Kahit na ayaw ko ay kusa pa rin akong dinadala pabalik sa kahapon.

"I'm sorry." He hugged me and caressed my hair, gently. "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry..."

Ramdam ko na ang pamamaos ng boses ko dala ng sobrang pag-iyak. Namalayan ko na lang na unti-unti na akong nilulubayan ng ulirat ko. Binuhat niya ako kaya kumapit naman agad ako sa batok niya at mas isiniksik ang mukha sa may leeg niya. Pagkalapag niya sa akin sa kama ay tuluyan na akong binalot ng kadiliman.

I woke up because of heaviness and fear again. Ramdam ko pa ang panunuyo ng lalamunan ko at pamumugto ng mga mata ko. Nang pumasok ulit sa utak ko ang nangyari kanina ay napahagulhol na lang ulit ako. Agad naman akong nilapitan ni Icarius.

"Please, stop crying..."

"No, Icarius. I'm sorry..."

"Wala kang kasalanan. I made you into this. I'm sorry... please, stop crying."

Naramdaman ko rin kung gaano siya nahihirapan ngayon. Napapikit ako ng mariin at sunod-sunod na naman ang naging agos ng mga luha ko. Hindi ko na naman mapigilan lalo na't binabalot ng matinding kirot ang puso ko ngayon.

Hindi ko magawang pagtabuyan siya kahit na nasaktan niya ako kanina at naging isa siya sa mga dahilan ng pagbubukas ng sugat ng nakaraan. Hindi ko magawang pagsabihan siya ng mga masasakit na salita dahil alam ko sa sarili ko na ako rin ang dahilan kung bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Ironic, isn't it? It's because I'm the mess. I'm always causing the mess.

"Forgive me..." he whispered while still hugging me. "I lost control. Nawala bigla sa isip ko ang kalagayan mo, pero hindi ako kagaya nila, Aislinn. I'm... I'm not like them."

My heart breaks when his voice cracks. Damn. This is getting too heavy again. Bakit napunta na naman sa ganito? We were so happy before this. What happened?

"Hindi ako kagaya nila, Aislinn," ulit niya.

Alam ko, Icarius. Alam ko. I want to say those, but I couldn't. Dinaan ko na lang ulit sa pag-iyak.

"I love you."

May dumaan na parehong pagkakasabi sa utak ko sa parehong boses nang sabihin niya iyon. Namilog ang mga mata ko.

What was that?

Hindi ako puwedeng magkamali. Narinig ko na sa kung saan ang salitang iyon gamit ang boses na iyon. Is it the same person? Is it Icarius?

Nadismaya lang ako nang hindi ko magawang maalala kung saan ko nga ba narinig ang boses na iyon. This is the first time he said those words, right? Kaya nakakapagtaka na pakiramdam ko deja vu ang nangyari.

"Mag... magbibihis lang ako."

He let go of me quietly and sighed before leaving. Napabuntong-hininga naman ako at napapunas ng luha sa pisngi. I licked my lips, swallowed hard and closed my eyes to calm myself down.

Matamlay akong naghubad, nagpunas at nagbihis. Natigilan ako nang makita ko 'yong couple sweatshirt na binili ko para sa amin ni Icarius. Kinuha ko 'yong akin at agad na sinuot. Nag-isip pa ako kung paano ko ba ito ibibigay sa kanya.

Napatingin ako sa pinto ng kubo. Gusto kong lumabas at kausapin si Icarius pero hindi ko pa kaya. So, I decided to just stay inside, hugging myself for comfort. Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong mangyari kaya hindi na ulit siya pumasok pa.

Nakakalungkot isipin na nagkaroon ng pagitan sa amin. Nawala 'yong pagiging kampante ko sa kanya. Thinking about what happened earlier made me shiver from fear and doubts. Kahit na ilang beses kong sabihin sa sarili ko na wala kaming kasalanan sa nangyari ay mas nagiging malinaw lang iyon. Hindi naman kasi babalik ang trauma at phobia ko kung hindi iyon nangyari.

Matapos ang ilang oras na pagkulong ay lumabas na ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa nakahigang kahoy habang nakaharap sa natutupok na apoy. Kaya lang ay agad siyang napatayo nang makita ako. Naglakad siya palapit sa akin.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. He's in pain too because of me. My love is in pain because of my broken past.

"Aislinn, I'm sorry. Hindi ko ginusto ang nangyari. Kahit ako ay nagagalit sa sarili ko," he tried to explain. "I'm really sorry. Patawarin mo ako, Aislinn. I know my reasons are just excuses to you, but believe me when I say I'm sorry."

Nang hindi ko na makayanan ay tumingkayad na ako para ako na mismo ang humalik sa kanya. I moved my lips gently and softly. Medyo matagal bago niya magawang sabayan ang agos. When he's finally getting it, he pulled me closer to him. My hands slowly crawled at his large back. He touched my cheek as he deepened the kiss, wanting to change the mark of what he did earlier.

Natigil kami nang mawalan ng hangin. Pinagdikit namin ang mga noo namin habang hinahabol ang hininga. Nang mapagtanto ko ang nangyari ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Nagawa kong labanan.

"This is my fault, but you're forgiven, Icarius," mahinang bulong ko bago ulit siya binigyan ng malambing na halik.

Iyon na yata ang pinakamadamdamin at pinakamahabang naging halik namin ni Icarius. He was more gentle and careful. I can feel that he's afraid to commit any mistakes again and it touches my heart. Pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na fear and doubts to him are now evident. Maghihintay na naman ako kung kailan ito huhupa at habang ginagawa iyon ay sisiguraduhin ko na hindi mawawala ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

"Ano? You're jealous of Liro and to that Kapitan?" Napahalakhak ako nang ibunyag iyon ni Icarius sa akin. "Kapatid mo si Liro at Kapitan iyon ng nayon niyo, Icarius. Kay Liro okay pa pero sa Kapitan na iyon... I don't think so. Hindi ka dapat magselos sa taong kagaya niya."

"Hindi nga sabi ako nagseselos," mariin na tanggi niya. "I'm in rage. My brother is obviously hitting on you and that Luis Veralde... he's fucking gross. Good thing that I managed to hold back."

"That's part of jealousy, Icarius."

"No, it's not."

"Okay, exclude natin si Kapitan dahil hindi naman talaga justifiable 'yong ginawa niya. But, come on, how 'bout Liro? You're obviously jealous to him that's why you're mad at me."

"I'm not mad at you, Aislinn. Galit ako sa sitwasyon at sarili ko," pagkaklaro niya.

"Hindi raw sa akin galit. Eh, ako nga 'yong pinagbubuntungan mo ng galit noon, eh. Pansin mo, palagi kang galit sa akin noon? Bakit kaya?"

"Fine," he sighed defeatedly. "I got mad at you, but I just can't stay mad at you for too long. Given the petty reasons. So, forgive me for that." He kissed my head, lying on his shoulder, and gave a little squeeze on my shoulder that made me smile.

"Hindi kaya. Sinisigawan mo pa nga ako noon, eh. So, ano 'yon?" Kumalas ako sa kanya at napaayos ako ng upo para matignan siya ng mabuti. "Tapos kanina lang, ano 'yon? May lihim ka bang galit na itinatago sa akin?"

"That's..." He looked away as he cleared his throat.

"That's what, Icarius?"

"That's another unreasonable and unexplainable actions." Binalik niya ang tingin niya sa akin. He even created a small smile on his lips.

Tinarayan ko siya bago bumalik sa dati naming ayos kanina. Okay na sa akin na malaman na hindi niya naman sinadya lahat ng naging hidwaan namin noon at kanina, maliit man o malaki. Kahit na ako nga rin. Masyadong nakaka-guilty. Well, it just happened and it has reasons. We just couldn't find how specific that reason is.

I felt that he kissed my head again before leaning his head to mine.

"Here's the fact, you're the one who's jealous of Karianna. You're too transparent to notice, Aislinn, so don't you dare lie to me."

"Hindi kaya!" ako naman ngayon ang tumatanggi.

"Lying is bad, Aislinn. Sarili mo lang din ang niloloko mo niyan."

"Aba, bakit ikaw hindi ka pa nagsinungaling kahit isang beses?"

"It can't be avoided, of course."

"And look how you're being boastful about lying. How could you! Ako pa pinapamukha mong makasalanan." Marahan kong binigyan ng kurot ang tiyan niya na yakap-yakap ko.

Kahit na wala nang apoy ay mas pinili naming manatili sa labas para masilayan ang unti-unting pagsilaw ng liwanag habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. A moment like this should be treasured forever considering that every moment will never have the same feelings again. Every moment is special so it needs to be kept in different ways and reasons.

Masaya ako na normal na naming napag-uusapan ngayon ang mga bagay-bagay na nagbigay ng galit at sakit sa amin noon.

Nang sumapit ang araw ay naghanda na kami sa pag-alis. Ayoko pa sana pero kailangan na naming umuwi. Isa pa, babalutin na rin naman ang lugar na ito ng araw mamaya kaya magiging mainit na at masakit sa balat. One night with him is already enough. Alam ko namang masusundan pa ito ng maraming beses.

"Ako na niyan. 'Yong bag na lang sa 'yo."

Binigay ko naman sa kanya 'yong dalawang malalaking tupperware. Balak ko naman talagang ibigay sa kanya. Naunahan niya lang ako.

Nagsimula na kaming maglakad paalis sa sapa. Hinabol ko pa siya dahil ang laki ng mga hakbang niya. Then, I clung my hands to his arm. Nginitian niya naman ako kaya ganoon din ang ginawa ko habang nakatingala sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ngayong araw?"

"Magpahinga na muna tayo. 'Tsaka ang dami mo nang liban sa pangingisda at trabaho mo."

"Ayos lang naman iyon, Aislinn. Ang mahalaga ay ikaw."

"Be practical, Icarius. Ano na lang ang ipapakain mo sa akin niyan kung palagi na lang tayong magkasama?"

Napaisip naman siya roon kaya tinawanan ko na lang.

"That's a clever question, Aislinn."

Nang makatawid na kami sa kabilang ilog ay sa kamay niya naman ako humawak ngayon. I intertwined both of our hands together while walking down the cement road. Kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao ay hindi na lang namin iyon pinansin. Nakakainis nga kasi parang ang bilis naman namin. Naglalakad na agad kami sa kalsada matapos maglakad ng trenta minutos paalis sa sapa na iyon at tumawid ng kabilang ilog. Kung kailan pa na mas gusto kong maging mabagal ang oras ay ang ang bilis-bilis naman. Nakakainis!

"Magbanlaw ka agad pagkarating natin sa bahay."

"Alam ko–oh, umuulan na. Takbo na tayo, Icarius."

"Dati na tayong basa kaya huwag ka nang mag-abala pa," pigil niya sa akin sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko nang tatakbo na sana ako.

Kasi naman. Hinila pa ako papunta sa tubig ni Icarius kanina bago kami umalis doon sa sapa. Medyo malamig na 'yong tubig o dala lang iyon ng malamig na simoy ng hangin.

Para kaming tanga na mabagal lang na naglalakad sa kalsada sa gitna ng palakas nang palakas na ulan habang ang ibang tao ay abala na sa pag-iwas sa ulan para hindi mabasa.

"Icarius–"

"Jaimar! Jaimar! Jaimar!"

Nanliit ang mga mata ko para masuri ang taong tumatakbo palapit sa amin habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Icarius. We stopped from walking when he reached us. Hinintay pa namin na makabawi siya sa paghinga niya dahil sa pagtakbo.

"Ang... pamilya mo..."

Bigla akong kinabahan at naalerto. Tiningnan ko ang magiging reaksiyon ni Icarius pero seryoso lang siya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya bago ulit tumingin sa matandang lalaki na kaharap namin ngayon.

"Ang pamilya mo... Nasa panganib ang pamilya mo..."

Napagitla ako. My heart deprived me to continue to breath. Icarius was about to talk to confirm the news of the old man when we heard a few gunshots from afar. Kumunot ang noo ko't ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam na bigla na lang bumalik.

Panandalian akong nawala sa sarili ko. Hindi ko magawang makagalaw mula sa kinatatayuan ko. My eyes watered in tears and I can feel the cold in my feet and hands. Doon ko napagtanto na wala na 'yong taong hinahawakan ko kanina at nagkalat na sa kalsada ang mga hawak niya kanina.

My breathing hitched as my lips parted in fear and pain, watching my savior running to save his family. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit nang magsimula akong maiyak. My heart ache when the thought of him losing his family. Hindi ko yata kayang makita ang sitwasyon na nandoon. Nevertheless, I saw myself running to the direction that he ran off to stop what could possibly go wrong.

They found me–no, Rad found me. He found this place after a year. Siya lang ang nasa isip ko na gumagamit ng dahas makuha lang ang gusto niya.

Please, tell me that it's not Rad. Please, tell me that that gunshots was not in this place. Please, sabihin niyo sa akin na hindi niya ginalaw ang pamilya ni Icarius–na wala siyang sinaktan sa kanila at sa ibang tao na nandito. Please, don't get the innocent people involve in my mess. Please...

I stopped from running when I finally got to their house–a house that I considered home. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makita ang sitwasyon. Nabitawan ko rin ang bag na dala ko. Lahat ng dasal na nasa utak ko kanina habang tumatakbo papunta rito ay biglang naglaho.

"Oh, there you are, my beloved Ace. I really thought you were dead, but you're alive." He laughed.

Unti-unting nabaling ang tingin ko sa taong kinakatakutan ko–Coenraad Martinez–the one who started this chaos, the one who put me in this kind of hell. Shit. It's been a year since I last saw that demonic face and heard that annoying evil laugh.

"Buhay ka pala sa loob ng isang taon at 'nong isang linggo lang kami nagkaroon ng matino at maayos na impormasyon tungkol sa 'yo. You put so much effort to hide yourself well, my beloved. I'm impressed."

Nanginginig akong napaatras nang magsimula siyang umabante palapit sa akin. Agad naman akong napatigil nang bigla niya akong tutukan ng baril.

"Make another mistake or I'll shoot you instantly."

Hindi ko nasundan ang nangyari nang bigla na lang tutukan ni Icarius ng baril si Rad sa ulo mula sa likod niya. I was shocked when I saw Van positioned himself to the side of Rad, also pointing a gun to his head. Napalunok ako nang maproseso ang sitwasyon.

"Sige, subukan mo," malamig na sabi ni Icarius bago kinasa ang baril.

"I won't let you hurt her again, Coenraad," si Van naman.

May mabilis na dumaang kirot sa puso ko nang marinig ko ulit ang boses niya. Bigla ko siyang na-miss sa magulong rason at sitwasyong ito. And there are the 'what ifs' thoughts. Habang nakatitig sa kanya ay pansin ko ang malaking pagbabago sa kanya.

Sa pagtingin ko naman kay Icarius ay ganoon na lamang ang sakit na bumalot sa puso at pagkatao ko. He's already looking at me with those sad eyes. Bakas pa roon ang luha.

But... nothing is more heartbreaking to see Mama Encarnacion, Papa Narcissus, Canus and Greya lying on the cold and wet ground on the side of the road, lifeless with so much blood. Napatakip ako sa bibig ko kasunod ang pagdaloy ng mga luha. Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi ko makayanan ang sakit. I also ended up sitting on the road due to my weak body.

"B-Bakit..." Napapikit ang mga mata ko sa naging kalagayan ng pamilya ni Icarius dahil sa akin.

Mama Encarnacion is hugging Greya on her arms as they both wrapped in blood. Papa Narcissus is trying to reach Canus who is lying on the ground, but couldn't do it when he was shot right into the chest. It's more painful to picture out in my mind what really happened to them. They didn't deserve to be treated like this. They didn't deserve to die in a miserable way.

Nang medyo kumalma na ang loob ko ay kay Rad naman ako tumingin ngayon. He gave me a smile that crept into my nerves. The audacity of this man!

"Rad, bakit?" nanghihinang sabi ko.

"They interfered. Ayaw nilang sabihin kung nasaan ka. They even insisted that they don't know you. What a pity."

Knowing that they protected me until to their last breath, added more wound in my heart. Paano ko pa sila mapapasalamatan niyan? Paano ko pa sila makakasama at mayayakap?

I want to spend more time with them. I want to continue helping them in any ways that I can. I want to feel their love and care for as long as I live with them. This is not right. Hindi pa nila oras. Hindi pa dapat sila mawala. Hindi dapat. Hindi ko kayang tanggapin at tuluyang maiproseso sa utak at puso ko.

"Bakit?!" I shouted at the top of my lungs as my tears continue to flow on my cheeks. "Bakit?! Bakit, Rad?! Wala silang ginawang kasalanan sa 'yo!" pagwawala ko. "Bakit kailangan mo pa silang idamay?! Ako ang hanap mo, 'di ba?! Ako! Kaya bakit?!"

Para na akong baliw na nagwawala sa gitna ng ulan at kalsada habang may mga taong nakatingin sa akin.

Ganito pala sa pakiramdam ang mawalan ng pamilya. Parang unti-unting binibiyak ang puso't isip mo. Parang hindi mo magawang mapakali dahil ayaw mong tanggapin na wala na sila. Parang... gusto mo ring pumatay ng tao.

"I don't even understand why you're still breathing fine..." Humina na ulit ang boses ko dahil masyado kong napuwersa. "Ikaw dapat ang mamatay, hindi ang mga inosenteng tao."

"Why are you blaming me?" inosenteng sabi niya naman. "Hindi ba dapat ay sarili mo ang sisihin mo sa lahat ng mga nangyayari? Kung hindi ka na sana pumalag sa kasal natin ay hindi tayo aabot sa ganito. Ang arte mo naman kasi."

Mapakla akong napangisi. "Ikaw ang baliw dito, hindi ako, Rad. Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Ayaw mong tanggapin na talo ka na sa simula palang dahil kahit kailan ay hinding-hindi mo ako makukuha, mamatay man ako ngayon."

I decided to stand again. I need to collect my courage again. Ipaglalaban ko pa ang pagkamatay nila. Hindi dapat ako panghinaan ng loob sa ganitong sitwasyon. Sobra-sobra na ang ginagawa ni Rad. This needs to stop now.

"Too bad, you're going to die first."

Mabilis kong kinuha ang baril na nasa tagiliran ng tauhan niyang nasa malapit ko lang. Siniko ko siya sa mukha kaya hindi na nagawang makapalag pa. Binaril ko rin siya sa paa kaya tuluyan na siyang natumba sa kalsada.

Sa pagtutok ko ng baril kay Rad ay kapansin-pansin sa mga mukha nilang tatlo ang gulat sa ginawa ko.

"Impressing me again, huh?" Rad created a smirk. "We're really a match made in heaven, Aislinn. Can't you see?"

Damn that match made in heaven remark. Saan naman nanggaling iyon? Hindi ba dapat ay sa impyerno? But we will never be a match in any ways. Hinding-hindi ako makikipantay sa taong kagaya niya. Hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko na mapunta sa kanya.

My head tilted a bit when I noticed his familiar signal to his men. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang may bumaril kay Icarius at tinamaan siya sa may balikat. My eyes widened in shock that I want to run into him. Tila ba nakuha iyon ni Icarius kaya marahan siyang napailing habang mariin na pinikit ang mga mata. Sa pagbukas ulit ng mga mata niya ay kita ko ang sakit at takot na bumalot doon. But... that's not for himself. It's for my safety.

I closed my eyes and another tears rolled down.

Mabilis ang naging pangyayari. Bigla na lang nagkagulo nang sunod-sunod ang naging pagpapaulan ng bala sa paligid. Napalingon-lingon pa ako kung saan nanggaling iyon at para makita ang sitwasyon ng mga taong nadadamay. Sunod-sunod ang natatamaan at agad na natutumba sa kalsada. Bumalik ang panghihina ng loob ko, dahilan para mabitawan ko ang hawak kong baril.

"Tama na..." bulong ko habang nanginginig ang buo kong katawan. "Tama na!"

My vision became blurry because of the rain and tears. Tila nabingi ako sa malakas na sunod-sunod ng putok ng baril mula sa iba't-ibang direksiyon. When I returned my look to Rad, I saw an approaching bullet coming to my direction. Unti-unti akong napapikit dahil wala na akong lakas para umiwas pa.

"Aislinn!" Icarius and Van called in the same manner.

Bago pa man tumama ang bala sa akin ay may naramdaman akong katawan na tumilapon sa akin para mayakap ako. Naramdaman ko ang pagbagsak namin sa semento. When I opened my eyes, I saw Van.

"Aislinn! Please, tell me you're okay." Sinuri niya ang katawan ko kung may tama ba. Nakahinga siya ng maluwag nang makumpirmang wala.

I blinked several times. Magsasalita na sana ako nang mapatigil ako dahil sa napagtanto. My brows creased as my heart palpitates in fear when I'm slowly losing my consciousness as my vision became more blurry. Suddenly, the fear in my heart was dominated by the pain physically.

"No... No, no, no... Aislinn! Please, no..." Van panicked while holding my head as if stopping something from coming out.

Doon na ako sobrang kinabahan at natakot. When I tasted my own blood, I started to see dark spots. What's worst is that, I felt like my brain suddenly shut down as my heart started to lose its beat.

Sa pagsara ng mga mata ko ay panibagong luha ang kumawala dahil sa isang malaking pagsisisi. 'Yon ay hindi ko man lang nagawang maipahayag kay Icarius ang totoong naramdaman ko. I didn't got the chance to say I love you to him even once. All I could do was being sorry, reason for my regrets and sorrow to keep piling up for the last minute.

Isang araw, nagising na lang akong wala na ang lahat ng alaala ko. All that I can just remember is my name: Aislinn Sinclair. Iyon lang ang tanging alam ko na bumubuo sa pagkatao ko–ang pangalan ko. Just my name like I was being reborn again and it terrifies me to death.

Without my memories, how am I supposed to live? Without it, I can't tell and feel how the people inside this all white room is important to me.

Bakit hindi na lang ako tuluyang namatay? It would be better, then. It would be better for everyone and... for myself.

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1.3K 41
Stephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past...
13.5K 335 58
SURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and...
1.6K 679 22
Marionelia Shian Denieste is a morally upright girl hailing from Manila, who pursued a career as a high school teacher on the island of Belleza Maria...